webnovel

Young Arni's Love

Nathaniel Vhan was Arni's childhood crush. Sa tuwing naroon siya sa mansion ng pamilya Vhan ay hindi maaaring hindi niya ito tanawin mula sa malayo. She would often stare at him and watch him from afar, dreaming that someday, he would notice her and somehow, she would exist in his life. She was ready to devote herself to him, but Nathan left to study abroad. She was heartbroken, but she knew he would come back. Few years later, he came back. And the first time he saw her, he fell in love, right before he realized she was the kid who openly declared her feelings for him. Now that they're both in love with each other, everything seemed to be perfect. Pero hanggang saan kakayanin ng pagmamahalan nila ang mga pagsubok na haharapin nila? Lalo't kung ang pagtitiwala na siyang dapat na pinakamatibay na pundasyon sa pagmamahalan ay siyang unang natibag? Note to remember: 'The best proof of love is TRUST.' (C) Story written by Tala Natsume 2019 ALL RIGHTS RESERVED

TalaNatsume · โรแมนซ์ทั่วไป
เรตติ้งไม่พอ
11 Chs

YAL | Chapter 7

Sa mahabang sandali ay tahimik lang sila sa loob ng kotse habang binabaybay ang daan patungong La Esperanza.

Parehong nagpapakiramdam.

Si Nathan ay kalamado lang samantalang si Arni naman ay hindi mapakali. Nate-tensyon siya dahil iyon ang unang beses na nagkasama sila ni Nathan na silang dalawa lang simula nang dumating ito isang linggo na ang nakakaraan.

"Parang kailan lang ay batang musmos ka pa," binasag ni Nathan ang katahimikan.

Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.

Nagpatuloy ito, "I'm sorry about your mother. Sinabi sa akin ni Mommy ang tungkol sa nangyari sa inay mo. I wanted to give you a call noong mga panahong iyon but Mom said you're inconsolable."

Doon niya nilingon ang katabi at sa marahang tinig ay nagsalita. "Salamat."

Nathan smiled, nakatuon parin ang tingin sa daan. "Alam kong nagtataka ka kung bakit gusto kitang isama sa La Esperanza."

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig dito.

"Gusto ko lang na magkamustahan tayo habang nasa byahe at para makalabas ka rin ng San Mateo. Ang sabi ni Mom ay masyado kang abala sa pag-aaral at walang panahon sa ibang bagay. Ni wala ka ring ibang kaibigan maliban kay Shiela."

"Sinabi sa iyo ni Maam Natalie 'yan?"

He shrugged, "Yeah. Mom is so fond of you na para ka na rin niyang anak. Sa tuwing tumatawag ako sa kaniya ay kinukumusta kita at sinasabi niya sa akin ang lahat ng mga nangyayari sayo."

"Oh." Hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya akalaing kahit papaano ay naaalala siya ng binata na kumustahin sa ina sa tuwing nag-uusap ang mga ito sa telepono.

"Mom is also very proud sa tuwing may mga achievements ka. She sees you like her very own child. My parents adore you, Arni."

Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito.

"Nang malaman kong nagta-trabaho ka kay Mom at nasa mansion araw-araw ay natuwa ako. Ibig sabihin ay araw-araw kitang makikita."

"Why would you like to see me everyday? Sa naaalala ko noong bata ako, ay halos sumpain mo ang mga araw na nasa mansion ako," hindi niya mapigilang banggitin iyon na ikinangiti lang ni Nathan.

"Hindi binanggit sa akin ni Mommy na may malaking pagbabago sa iyo."

Kinunutan siya ng noo. "I- I didn't change at all.. I am.. still me." She wanted to kick herself for stuttering like stupid.

"If you are still the Arni I used to know, you could have ran and kissed me when you first saw me after six long years. But instead, you treated me like I did you wrong," nasa tinig ni Nathan ang panunukso. Gusto niyang sabihin dito na kung hindi ito nagdala ng babae sa San Mateo, baka iyon nga ang ginawa niya. "What happened to the 'Tandaan mong mahal na mahal kita, maghihintay ako sayo'? Damn, I missed the old you."

Buhat sa sinabi nito ay napasinghap ng malakas si Arni. Iyon ang mga sinabi niya noong araw na umalis si Nathan patungong America.

She was too embarassed to even say a word. Nararamdaman niya ang pag-init ng pisngi niya at ang panlalamig ng buong katawan niya sa kahihiyan. Alam niyang tinutukso lang siya ni Nathan pero hindi pa rin niya magawang sagutin ito at depensahan ang sarili.

What was there to defend, anyway? Totoo namang sinabi niya iyon. At kahit na bata pa siya noon, alam niyang totoo sa puso niya ang mga katagang binitiwan niya tungkol sa dadamin niya para kay Nathan.

"Hey, I was just playing, hindi mo kailangang mapikon," natatawang sambit nito nang makita ang naging reaksyon niya.

Nanatili siyang walang imik at hinayaan itong isipin na napikon siya. Kahit ang totoo ay hiyang-hiya siya na mas nanaisin pa niyang bumuka ang lupa at kainin siya ng buo sa mga oras na iyon.

Hanggang sa makarating sila sa La Esperanza ay nanatiling walang imik si Arni. Si Nathan naman ay napapangiti lang at pasulyap-sulyap sa dalaga.

*****

"Vodka, Ma'am?" alok ng waiter na dumaan sa harap niya. May bitbit itong tray na may mga vodka shots.

Hindi siya nagdalawang isip na tumango at kumuha ng dalawang shot glass na may lamang alak. She's never tried alcohol before, pero sa gabing iyon ay titikim siya.

Mula kanina hanggang sa mga oras na iyon ay nate-tensyon pa rin siya. Matapos ipaalala sa kaniya ni Nathan ang mga kabaliwan niya noong bata siya ay pakiramdam niya, wala na siyang mukhang maihaharap dito.

Nilagok niya ang isang shot at napangiwi nang maubos iyon. She never thought alcohol tasted like hell. Naramdaman niya ang pag-guhit niyon sa sikmura niya. But that didn't stop her to take another shot. Gusto niyang ma-ubo nang ilapag niya sa mesa ang dalawang empty shot glass, may pakiramdam siyang anumang sandali ay isusuka niya ang ininom.

Nilibot niya ng tingin ang buong hardin ng mansion ng mga Falcon. It was a big mansion, bigger than the Vhan's, at sa malapad na garden naroon ang selebrasyon. Totoong hindi formal ang party sa kagustuhan ng may kaarawan, pero halatang mayayaman ang ibang mga bisitang naroon.

Ang La Esperanza ay isang industriyalisadong bayan katabi ng San Mateo. Karamihan sa mga naninirahan doon ay pawang mga mayayamang pamilya, kabilang na roon ang pamilya ni Don Jacinto Falcon, ang ninong ni Nathan at siyang may kaarawan. Naipakilala siya ng binata rito at napansin niyang likas itong mabait at palangiti. According to Nathan, Don Jacinto was Natalie's bestfriend when they were young, at nanatiling magkaibigan hanggang sa parehong magka-asawahan.

Napag-alaman niya mula rito na imbitadong lahat ang mga trabahador nito sa pabrika kaya hindi ginawang sobrang pormal ang party. He owned a big factory of shoes and bags na inaangkat sa buong Asia.

He was a very rich, but lonely man. Maagang nasawi ang asawa nito matapos ipanganak ang nag-iisang anak na babae.

Nalipat ang tingin niya kay Nathan na naroon sa sulok kausap ang Don. How could her heart ache just staring at him? Siguro dahil hindi niya pa rin matanggap na may ibang babaeng mahal si Nathan na dinala nito sa mansion para ipakilala sa mga magulang? O dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya kailanman nito magugustuhan dahil para rito, para na rin siyang nakababatang kapatid.

Bumuntong-hininga siya at ibinaling ang pansin sa mga bisitang masayang nag-uusap sa kanya-kanyang mga mesa, kumakain at sumasayaw sa gitna ng bulwagan na pinaikutan ng iba't-ibang mga ilaw. Kanina pa niya napansing maraming mga bisita na halos ka-edad lang din niya na hindi kataka-taka dahil ka-edad lang niya ang nag-iisang anak ng Don.

Itinuon niya ang pansin sa gitna ng garden kung saan naroon ang dance floor. May mga ilang bisitang sumasayaw doon, pawang mga teenager na malamang ay mga ka-klase't kaibigan ng may kaarawan. Kasama ng mga kabataan sa dance floor ay ang ilan sa mga trabahador sa pabrika na tuwang-tuwa sa tugtugin.

Maya-maya pa ay napalitan ang disco ng slow music.

Nakita niya ang ilang mga naroon kanina sa dance floor ay nagsialisan, at ang natira ay ang dalawang pares na nagsasayaw. Nang ilipat niya ang pansin sa ibang direksyon ay nakita niya ang isang lalaking papalapit sa kanya.

"Hi." anito. Sa hula niya ay kasing edad lang din niya ito, well-dressed and handsome. "I'm Kevin. Would you mind if I ask you to dance with me?"

"Not a chance, kiddo. She's dancing with me," si Nathan na nasa likuran nito.

Nagkibit-balikat lang si Kevin at nag-iwan ng ngiti sa kanya bago umalis.

Kunot-noong tinitigan niya si Nathan nang inilahad nito ang kamay sa kanya. "Don't tell me na totoong isasayaw mo ako?"

"Yes." He smiled, "Let's dance."

"I.. I don't know how to dance," nalilito niyang sambit, wala yatang epekto ang dalawang shot ng vodka kanina dahil muli siyang nakaramdam ng tensyon.

"I'll teach you." Hindi na niya nagawang humindi nang abutin nito ang kamay niya at marahan siyang hinila patayo.

Maya-maya ay namalayan nalang niyang nasa bulwagan na sila, Nathan's hand was holding her hand and the other was on her waist. His touch brought shivers all over her body. The foreign feeling was making her uncomfortable and she didn't know how to handle it.

"Relax," bulong ni Nathan nang ilapit nito ang mukha sa tenga niya. "I saw you took two shots of vodka in a row. Hindi ba tinanggal ng alak na iyon ang nerbyos mo?"

Hindi niya magawang sumagot nang hinapit pa sya nito palapit, "Ang mga shots na iyon ay para lang sa mga trabahador ni Ninong at hindi para sa mga estudyanteng katulad mo. You shouldn't have taken one lalo at wala ka pang karanasang uminom."

Huminga siya ng malalim, "You're right, gusto ko lang kalmahin ang sarili ko."

"So, alin na lang sa dalawa, nahihiya o natatakot ka sa akin kaya mo ginawa iyon?"

"I.. I don't know," halos pabulong niyang sagot.

Tinitigan siya ni Nathan. Nakangiti ito at hindi alam ni Arni kung bakit. Kinuha nito ang mga kamay niya at ipinatong nito iyon sa mga balikat, then his hands went around her waist.

"When you were just a little girl.. " umpisa nito at muli siyang hinapit, "you always say that you love me. And when I left for the States, you promised to wait for me." She shivered as his lips touched her temple.

"I've... forgotten about that."

Hindi siya sigurado kung na-kumbinsi niya ito. Pero ngumiti si Nathan saka tumango, "Nagpaligaw ka ba sa iba?"

Umiling siya.

"How about Cody?"

Muli siyang umiling.

"Really? You two seemed really close."

Kinunutan siya ng noo at saka sinalubong ang mga mata nito. "Kung hindi pa kita kilala ay iisipin kong nagseselos ka, Nathan."

His smile disappeared. He stared at her intently, "I am."

She almost rolled her eyes. "You expect me to believe that? Ikaw nga itong nag-uwi ng babae mula America."

Muling nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Nathan at sa nakakalokong paraan ay tumawa, "Well, as far as could I remember, you said I can have a girlfriend as long as I don't marry her, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka nagseselos ng ganyan gayong may basbas mo naman ang pagkakaroon ko ng kasintahan."

"Oo, sinabi ko iyon, pero wala akong sinabing iuwi mo sa San Mateo ang nobya mo para pamukhaan at saktan ako!" Natigilan siya. Huli na para bawiin niya ang mga sinabi.

"Hindi ko dinala si Dane sa San Mateo para pamukhaan at saktan ka, why would I do that?"

"Dahil dati pa ay gusto mo na akong itaboy. I annoyed you when I was just a little girl at marahil iniisip mo na ganoon pa rin ako ngayon kaya ka nag-dala ng girlfriend."

"At nasasaktan ka?" Gustong mag-panic ni Arni sa tenderness na nasa tinig ni Nathan. "Does that mean you still love me?"

Umiwas siya ng tingin dito. "W-well.. I.. I just didnt expect you to.. bring someone in your house and—"

"Dane is not my girlfriend." Putol ni Nathan sa kanya, "We met in the States, sa university, pareho kaming kumukuha ng masters degree. She's half Filiipina and half Russian, mayroon silang bahay sa Maynila. Nag-away sila ng boyfriend niya kaya sumama siya sa akin pauwi ng Pilipinas para lumayo muna at makapag-isip. I invited her to come here, alam kong mas magugustuhan niya rito sa probinsya kaysa sa Maynila."

Her eyes flew open, tila siya napahiya nang malaman ang totoo.

Nathan continued. "I'm not romantically involved with her, ikaw lang ang nag-iisip na girlfriend ko siya."

"Oh." Pakiramdam niya ay pinagmukha siya nitong tanga sa loob ng ilang araw na inakala niyang magkasintahan ang mga ito. Damn Nathan for tricking her!

"You'll learn about her eventually, sasabihin ko rin naman sa'yo. Besides, hindi ko siya ginamit para pagselosin ka."

Inalis niya ang mga kamay sa balikat nito, "I never said that I'm jealous!"

"It's all over your face, sunshine."

Tinitigan niya ito ng masama. Unti-unti nang nawawala ang inis at sama ng loob niya rito matapos nitong umamin pero hindi niya ipagkakanulo ang totoong damdamin dito. Nahihiya siyang malaman nito na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ibang gusto kung hindi ito lang. At mananatili iyon hanggang sa mahabang panahon.

"Okay, that's enough. Maybe a kiss would change your mood."

And before she was able to absorb what he just said, his lips went down on hers for an overwhelming kiss.

*****