webnovel

CHAPTER 9

EZEKIEL'S POV

 

Napaka swerte ko talaga sa babaeng minahal ko ng sobra. Hindi sya nagalit hindi nya ako inaway inintindi nya ako. Ibang Chinna ang nakikita ko sa harap ng ibang tao. Sya kasi yung klase ng babae na iintindihin ka, mabilis maawa. Pero pag alam nyang kailangan nyang magmatigas, magtaray at maging professional ay kayang kaya nyang I handle yon. Nang matapos ang usapan ay inaya ko syang kumain sa Jollibee nya gusto kaya dun kami punta pagkakain namin ay umuwi na kami dahil maa gusto daw nyang mahiga sa bahay at isa pa gagsastoa lang daw kami kung lalabas pa kami. Nakahiga na kami ni Chin sa kwarto ng may mag doorbell nandito kami sa condo ko. Si Chin ang nagbukas ng pinto ng may narinig akong sigaw kaya lumabas ako.

"dad?" tanong ko.

" bakit nandito itong babaeng to?" galit na sabi ni dad.

" because she lives here. We live together dad." Sabi ko.

" pinatira mo itong babaeng to dito ng wala kaming kaalam alam!" sigaw na naman ni dad.

" this is my place. I buy this with my own money. Nasa tamang edad narin ako pwede ko ng gawin ang gusto kong gawin." Sagot ko. Si Chin naman ay pumasok na ng kwarto.

" kausapin mo yang nobya mo Ezekiel!" sigaw na naman nya.

" sorry dad pero pag sinabi nya ay wala ng makakapagpabago non. You can go dad I need to rest im tired." Sabi ko sinamaan naman nya ako ng tingin at lumabas na. Humiga ako sa tabi ni Chin at niyakap sya.

" I love you babe. I want you to trust me no matter what." Sabi ko. Ngumiti naman sya at sumiksik sa dibdib ko. Hanggang sa nakatulog sya tumunog naman ang phone ko kaya dahan dahan akong tumayo.

" what do you need?"

" I need your cooperation kung ayaw mong matuloy ang kasal. I have a business in Singapore I  need you to grow itn I need your help. Please." Si Katrina.

" when?" tanong ko.

" tomorrow kahit one week lang please." Sabi nya.

" okay. Book a flight for me."

" okay I email you nalang. Thank you." Saka ko ibinaba ang phone. Mamaya ay magpapa alam na ako kay Chin. Humiga na ulit ako at nagising naman sya.

" I love you babe." Sabi ko.

" I love you too." Sagot nya.

" babe. I need to go to Singapore tomorrow. Something came up. Please I need your trust okay. Trust me." Sabi ko. Tango naman sya. Mabilis naman kausap si Chinna isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Inaya kong kumain sa labas si Chinna pero ayaw nya mas gusto daw nya dito sa bahay lalo na at paalis ako. Nagluto ako ng dinner namin. Beef steak at fried fish ang niluto ko  saka ako naglagay ng nutella sa platitoat nilagay ko sa freezer yon kasi ang gusto ni Chin pagkatapos nyang kumain. Nang makaluto ako ay niyaya ko na syang kumain habang nakain kami ay sunusubuan ko ng steak si Chin. Our relation is full of sweetness palaging magkayakap, laging naglalambingan.

" anong oras ang flight mo bukas babe?" tanong ni Chin.

" 3:00pm. Why?" tanong ko din

" wala lang ipagluto mo ako bago ka umalis ha. Damihan mo na para iinitin ko nalang." Nakangiting sabi nya. Hindi kasi talaga sya maruning magluto pero okay lang sakin yon dahil marunong naman ako.

" naglalambing naman. Sige po." Sagot ko saka nya ako hinalikan sa pisngi. Nang matapos kaming kumain ay magjatulong kaming magligpit at maghugas ng pinagkainan. Naligo kami saka kami nahiga.

" lagi mo nalang akong iniiwan." Malungkot na sabi nya

" kailangan kong umalis we need some investors. This is for our future babe." Paliwanag ko ngumiti naman sya at niyakap ako. I really love the way pag naglalambing si Chin parang bata although bata pa naman sya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala kami pareho.

 

AFTER 2 WEEKS

 

CHIN'S POV

 

 

Hindi parin nakakauwi si Ezekiel. Ang sabi nya ay one week lang sya doon. Nag uusap naman kami pero hindi madalas dahil busy din sya sa kakausap ng mga investors. Hindi ko alam ku g bakit kailangan pa nya ng madaming investors okay naman ang business nya dito. Papunta kaming Boracay ngayon kasama yung mga classmate ko. Nagpaalam naman ako kay Ezekiel kaya alam naman nya. Si Clint lang yung nakaka kwentuhan ko ewan ko sa kanya lang kasi panatag ang loob ko.

" ang tagal ng wala ni Ezekiel ah." Sabi ni Clint.

" oo nga eh. Hindi pa daw kasi sila tapos sa mga transaction nila don." Sagot ko.

" ikaw buti nakasama ka busy ka din."

" kung may problema naman ay pwede kong tawagan yung pinsan ni Ezekiel kaya okay lang. Alam sin nya na ilang araw akong mawawala kaya sisilip din sya doon." Paliwanag ko. Nakipag asaran naman si Clint sa mga kaklase namin. Hindi na ako sanay ng wala si Ezekiel sa paligid ko dalawang linggo na syang wala. Paglapag ng eroplano ay may sumundo sa amin na van para dalhin kami sa resort na pupuntahan namin. Hindi eto konektado sa school kami lang talaga ang nagplano. Ang iingay ng mga kaklase ko aya kahit gusto kong matulog ay hindi rin ako nakatulog.

" ang tahimik mo Chin?" si Clint.

" parang kinakabahan ako Clint. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko." Sabi ko. Bigla kasi akong kinabahan na parang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Pababa na kami ng sasakyan at bago kami bumaba ay pinainom ako ng tubig ni Clint.

" salamat." Sabi ko.

" Okay ka na ba?" tanong nya. Tumango ako kahit ganun parin ang nararamdaman ko. Pagpasok namin sa mga rooms ay nagbihis na sila kaya naman nagbihis narin ako ng long floral dress at flat slippers saka ako lumabas.

" Chin. Tara maglakad lakad tayo sa tabing dagat." Yaya nya ngumiti naman ako at lumapit sa kanya.

" sige." Saka kami lumabas sa resort at naglakad sa tabing dagat na puti ang buhangin first time kong makapunta dito eh. Sa di kalayuan ay may nakita kaming mga babaeng nagtumpukan. Nang malapit na kami ay narinig namin ang usapan nila.

" eto yung poging may ari ng CCM oh. Nasa Singapore pala sya nakita ko na yung girlfriend nito sexy saka maganda pero itong nasa picture ay hindi naman kagandahan." Sabi nung babae nagkatinginan naman kami ni Clint.

" CCM?" tanong ng isa.

" Craige College of Medicine." Tumi gin ako kay Clint saka ako lumapit sa mga babae.

" hi. Pinag uusapan nyo ba ung owner ng CCM?" tanong ko.

" oo. May kumakalat kasing picture nya may kasamang babae." Nagkatinginan ulit kami ni Clint.

" pwedeng patingin?" sabi ko ng nakangiti. Tumango naman yung babae at inabot sakin ang phone nya. Nakita ko na may kasama nga syang babae at si Katrina yon. Ang isang picture ay magkayakap sila at nakangiti si Katrina, ang pangalawa magkatitig sila na ang lapit lapit ng mukha, ang pangatlo ay nakayakap si Katrina sa likod ni Ezekiel.

" salamat." Tinitigan ako ni Clint saka ako inalalayan palayo sa mga babaeng nagtutumpukan ng malayo na kami at dalawa nalang kami ay nagsalita sya.

" ilabas mo na yan Chin." At doon na nga tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Clint pero hindi ko kaya napaupo na ako sa buhangin at doon umiyak ng umiyak hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.

 

CLINT'S POV

 

Halos maglumpasay si Chin sa nakita nya. Ang lakas lakas ng iyak nya at sumisigaw pa pero hinahayaan ko lang sya nakaalalay lang ako sa kanya. Hanggang sa hindi nya nakayanan at nawalan na sya ng malay. Dali dali ko naman syang binuhat at dinala sa kwarto nila may mga babae pa don pero pumasok parin ako.

" Clint what happen?" nag aalalang tanong ng classmate namin.

" something came up nawalan sya ng malay kakaiyak." Paliwanag ko. Nang maiayos ko sya ay lumabas ako sa balcony ng room namin. Kahit sino ay sobrang masasaktan sa mga larawan na yon. Daig pa nila ang magkarelasyon at parang sa bar pa kuha ang mga iyon. Hindi ako nagkwento sa mga classmate namin kung ano bang nagyari wala naman silang alam sana nga ay hindi nalang nila makita yon dahil panigurado ay pag uusapan nila si Chin. Nang magising si Chin ay tinawag nya ako.

" Clint. Can you help me?" tanong nya.

" anything basta kaya ko." Sagot ko.

" pwede mo ba ako hanapan ng apartment? Wala sanang makakalam yung may parking please." Tumango naman ako. Sakto yung classmate ko may apartment sila sa subdivision malapit sa RCMC kaya tinawagan ko sakto naman available yon kaya sabi ko kukunin ko na.

" Chin okay na. Meron na." sabi ko.

" babalik na ako ng Manila. Aalis na ako sa unit ni Ezekiel." Sabi nya.

" samahan na kita." Tiningnan naman nya ako. Saka tumango. Pumunta agad ako ng kwarto at nagbihis.

" guys something came up I need to go back to Manila." Sabi nya.

" ihahatid ko na sya wala sya sa magandang kundisyon sa ngayon. Enjoy kayo." Sabi ko  kinuha ko na ang gamit ni Chin pati yung bag nya dahil hindi nya na yon nadampot. Sa airport na kami kumuha ng ticket, habang naka check in kami ay binilhan ko ng pagkain si Chin pero hindi nya yon kinain uminom lang sya ng tubig. Pumikit naman sya kaya pinasandal ko sya sa balikat ko nakatulog naman sya ginising ko lang sya nung sasakay na kami ng eroplano. Nag ring ang phone nya sinagot nya yon.

" hello. Okay lang, okay." Saka nya binaba.

" sino yun?" tanong ko.

" si Ezekiel."

" bakit hindi mo sinabi sa kanya?" tanong ko.

" hindi ako makakaalis dahil siguradong baka mauna pa sakin yun makarating ng bahay. Masyadong masakit pinagkatiwalaan ko sya ni hindi ko nga alam na kasama nya si Katrina." Sabi nya.

" Chin. Lilipad na tayo mamaya na natin pag usapan matulog ka nalang muna ulit." Sabi ko. Sumandal naman ulit sya sakin saka pumikit. Gibising ko nalang ulit sya ng nasa Manila na kami.

" Chin. Tara na." pagbaba labas namin ng airport ay nag taxi nalang kami papunta sa condo nila para kunin ang mga gamit nya. Madami daw syang gamit sa unit nya kaya ung gamit nalang nya sa unit ni Ezekiel ang kukunin nya. Pagdating namin ay dali dali nyang kinuha ang maleta at inilagay doon ang mga damit nya dinala din nya ang mga sapatos bag at jewelries doon. Ako naman ay dinala na sa kotse nya ang ilang gamit at binalikan ang iba. Nang matapos sya ay bumaba narin kami.

" ako na magda drive." Sabi ko binigay naman nya sakin ang susi. Dumeretso kami sa apartment ng classmate ko. Pinalinis ko na yon dahil dun na nga ang deretso ni Chin. Tinulungan ko narin syang ayusin ang gamit nya. Habang nag aayos kami ay palihim kong kinuha ang phone ni Chin at kinuha ang number ni Ezekiel.

" Clint please wag mong ipagsasabi kahit kanino kung nasaan ako kahit assistant ko ang magtanong." Sabi nya.

" wag kang mag alala. Makakaasa ka."  Sagot ko. Lumabas naman ako at bumili ng pagkain at alak. Pagbalik ko ay naiyak na naman si Chin.

" may dala akong pagkain at alak iinom natin yang nararamdaman mo." Sabi ko nag inom kaming dalawa sya naman ay iyak ng iyak. Hindi nya alam na vinivideohan ko sya habang naiyak sya. Nang makatulog sya ay inihiga ko na sya at saka ako umuwi. Nag email ako kay Ezekiel ng picture na nakita ni Chin at video ni Chin habang naiyak. Saka ko sya tinawagan.

" Ezekiel nakita mo na ba yung email ko sayo? Ang gago mo alam mo ba yon. Sana masaya kang nasasaktan mo si Chin." Yun lang at ibinaba ko na ang linya. Tumatawag sya pero hindi ko sinasagot.

 

 K I N A B U K A S A N

 

Pumunta ako sa apartment ni Chin pero wala doon ang kotse nya kaya tinawagan ko sya.

" Chin? Nasaan ka?" tanong ko.

" May inaasikaso ako. Okay lang ako. Wag kang mag alala."

" sigurado ka?" tanong ko.

" oo naman. Tawagan nalang kita mamaya." sabi nya kaya ibinaba ko na ang linya sana nga ay okay lang sya.

 

 CHIN'S POV

 

Pagkatapos ng iyak ko kahapon ay nandito ako sa hospital nilibang ko ang trabaho ko sa trabaho kanina pa tawag ng tawag sa akin si Ezekiel pero hindi ko sinasagot. Nilibang ko ang sarili kong magbasa ng mga proposal ng mga gustong maging parte kami ng kumpanya nila. Pinakontak ko naman yung iba kay Kate. Para maset ng meeting tumawag daw si Ezekiel kay Kate pero sinabihan ko na nasabihing wala ako o kaya naman nasa meeting ako ayoko pa syang maka usap. Hindi pa akong handang pakinggan ang mga sasabihin nya. Dumating ang mga supply ng hospital ngayon kaya busy rin ang ilang staff. Nang matapos ako ay naisipan ko ng umuwi nagugutom na ako hindi pa pala ako nakain simula kaninang umaga. Dumaan muna ako sa resto ni Ezekiel doon ako kumain.

" Ms. Chin parang namamayat ka." Sabi ni Clark.

" nagda diet kasi ako." Palusot ko.

" wag na okay na yung katawan mo e. Hindi na kailangang magdiet." Ngumiti nalang ako pagkatapos kong kumain ay nagbayad ako saka ako umuwi. Pagdating sa bahay ay uminom lang din ako ng alak at umiyak hanggang makatulog ako. Nang magising ako ay sobrang sakit ng ulo ko dumeretso na agad ako sa banyo at naligo saka umalis ng bahay habang nagda drive ako ay doon na ako nagsuklay. Bago ako bumaba ng kotse ay saka ako nagmake up ng konti. Naka tube ako na mini dress at black coat at pointed na black 4 inchres sandals nilugay ko lang ang buhok ko nagshade ako saka  bumaba ng kotse at dumerecho sa office ko.

" Ms. Chin ready na po ang meeting room." Si Kate.

" okay. Kate, tumatawag ba si Ezekiel?" tanong ko.

" yes. Kakatawag lang nya ang sabi ko ay may meeting ka." Tumango lang ako saka ako tumayo kinuha naman ni Kate ang laptop ko at ilang folder iniwan ko naman ang bag ko at cellphone lang ang dala ko. Tumatawag na naman si Ezekiel pero hindi ko sinagot.

" good morning Ms. Chin." Halos sabay sabay nanilang bati.

" what's on your face?" tanong ng makulit naming doctor.

" ilang gabi na akong hindi makatulog." Nakangusong sabi ko.

" okay lang yan. Kesa naka shades ka hindi namin alam kung kanino kang nakatingin." sabay tawa nya napangiti naman ako. Kaya tinanggal ko nalang.

" you look pale." Sabi ni Doc Renz.

" as I told you ilang araw na akong hindi makatulog." Sabi ko.

" mag sleeping pills ka nalang parang babagsak na yung katawan mo ang aga mong napasok gabi ka ng nauwi." Sabi ni Doc Laurence yung makulit naming doktor. Bigla namang pumasok si Ezekiel na narinig yata ang usapan namin agad ko namang nabawi ang gulat ko

" oh. Mr. Craige we didn't know na nakabalik ka na. So let's start?" sabi ko.

" ako na mauuna. Ms. Chin, medyo lito kami sa schedule namin kadalasan ay nagtutulakan kami kung sino ang resident doctor lalo na pag gabi. Ang mga nurses ay wala namn issue sa schedule kami lang talagang mga doctors." Si doc Laurence.

" aside from that aminado akong nagkulang ako sainyo nakuha ko pang mag leave ng hindi ko manlang kayo natano g kung anong problema. Later magpapakabit ako ng bulletin board sa doctors head quarters, don namin ipo-post ang schedule nyo at area kung saan kayo. Kate, magprint ka mamaya ng schedules nila and don't worry hahanap narin ako ng kasama mo dahil alam kong hindi mo narin kinakaya ang trabaho sa dami." Tumango naman si doc Laurence at Kate.

" the other problem we need to add our operation utensils. Nahihirapan kami pag nagsabay sabay na. We also need a surgeon, wala pala tayong surgeon Ms. Chin." Tumango naman ako sa sinabi ng isang doctor.

" anything else?" tanong ko.

" how about our foods?" sabi ng isang doctor nagulat naman ako.

" oh my God. Im sorry. Bakit walang nahsabi sainyo regarding dito. All of our doctors are welcome anytime in my office. Im sorry nawala sa isip ko, si Mr. Craige kasi ang incharge sa foods nyo nawala talaga sa isip ko." Paliwanag ko.

" Ms. Chin. Maghapon ka kasing hindi nakain kaya hindi mo naalala papasok ka sa umaga lalabas ka ay gabi na hindi ka naman na order ng foods. Kaya ang laki ng binagsak ng katawan mo." Si Kate. Ngumiti lang ako sa kanila.

" you can back kung wala na kayong concern." Sabi ko. Isa isa naman silang tumayo.

" Chin, can we talk?" napatingin ako kay Ezekiel wala na akong choice nandito na haharapin ko na.

" in my office." Sabi ko saka ako tumayo at bumalik sa office kasunod ko naman si Ezekiel ng makapasok ako ay dumeretso ako sa bintana at nakatalikod sa kanya narinig ko namang nilock nya yung pinto.

" babe. I'm sorry. I told you trust me no matter what. Yung nakita mo wala yon masyado lang naging clingy si Katrina pero promise nothing happen. I go there because she ask me for help para hindi matuloy ang kasal, nagpatulong syang lumago ang business nya doon para hindi na kailangan ikasal sya para maka survive sila." Uti uti na namang tumulo ang luha ko.

" nagsinungaling ka parin sakin Ezekiel! Hindi mo sinabi sakin na kayong dalawa ang magkasama! Pinagmukha mo akong tanga!" sigaw ko.

" im sorry babe. Okay na tapos na hindi ko na kailangang umalis. Bumalik ka na sa bahay please." Umiiyak na nasabi nya.

" I have a meeting. Excuse me." Dali dali akong lumabas ng hospital at siniguradong wala si Ezekiel saka ako umuwi. Wala na naman akong ginawa kundi uminom at umiyak hanggang sa makatulog. Nang magising ako ay sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo pa talaga ako naligo ako at nagbihis nag polo shirt lang ako at pantalon saka ako nagsapatos dahil hindi ko talaga kayang maghills ngayon baka madapa pa ako. Pavdating ko sa hospital ay hinanap ko agad si doc Laurence

" Can I talk you?" tumango sya at lumapit sakin.

" may hang over ako hilong hilo ako anong pwede kong inumin?" bulong ko sa kanya at tumawa naman sya.

" come to my office." Hinawakan nya ako sa dalawang balikat at tinulak papunta sa office nya

" here." inabutan nya ako ng tea at gamot.

" inumin mo. Pag may hang over ka puntahan mo lang ako." Nakangiting sabi nya.

" lasinggero ka no?" biro ko at tumawa naman sya ng matapos ako ay hinatid nya ako sa office ko.

" thanks doc Laurence." Sabi ko.

" anytime." Saka sya umalis pagpasok ko sa office ay nasa couch si Ezekiel umiinom dinaanan ko lang sya at nagbukas na ako ng laptop. Pinindot kp ang telephone sa table ko

" Kate come to my office." Napabaling ako kay Ezekiel nakatingin sakin.

" okay na ba ang bulletin board sa headquarters?"

" Yes po kahapon pa." sagot nya.

" come with me. Ay no need madami ka nga palang trabaho. Ako nalang." Sabay tayo ko at kuha ng phone ko. Mag iikot kasi ako sa hospital kung may kailangan pang imaintain okay naman lahat hindi mabaho tulad ng ibang hospital at malinis ang operating room ay maayos din. Kaya bumalik na ako sa office nandon parin si Ezekiel. Hindj ko naman sya pinansin at tumingin ulit ako sa laptop. Bigla namang nag email sakin ang schoool na pumasa daw ako sa accelaration exam kaya ga-graduate na ako next month. Kaya napahiyaw ako.

" yeeessss!!! Hahahaha." Napalingon sakin si Ezekiel hindi ko sya pinansin at lumabas ulit ako at nagpunta ako sa cashier para mag announce

" Good day! This is Chin Reyes CEO of Reyes-Craige Medical Center. We will invite all our doctors to be in our conference room later 11:am and all of our nurses at 12:00nn. We will have a lunch together. Thank you and Godbless." Saka ako bumalik ng office para kunin ang bag ko dahil pupunta muna ako sa school sinabihan ko naman si Kate tungkol sa mga pagkain.

" congrats Chin." Bati ng mga classmate ko nginitian ko naman sila. May kinuha kasi akong papel kaya kinailangan kong pumunta dito. Lumapit naman sakin si Clint.

" Chin can I talk to you? Yung tayo lang?" niyaya ko nan sya sa meeting room ng school.

" Chin. Naghiwalay yung parents ko kaya lumayas ako samin. Kailangan ko ng trabaho."

" sakto naghahanap ako ng secretary. Ikaw nalang pero papasok ka sa umaga ha." Sabi ko.

" salamat Chin"

" no worries. Ikaw nga hindi mo ako iniwan nung down na down ako eh." Sabi ko.

" san ka pala natuloy ngayon?" dagdag ko.

" wala. Sa kotse." Napatitig naman ako.

" sige dun ka na sa apartment ko ako ng bahala sa bills hang hindi kp nasweldo. Babalik na ko sa condo ko." Sabi ko napatingin naman sya.

" may condo ako. Haha alam ko iniisip mo." Sabi ko.

" kumain ka na ba?" umiling sya binigyan ko naman sya ng one thousand.

" kumain ka na kailangan ko ng bumalik sa hospital ang dami kong trabaho." Tumango naman sya at nagpasalamat saka ako umalis pag baba ko ay nandoon si Ezekiel.

" Chin. Mag usap tayo." Sabi nya.

" I will. Later babalik na ako sa unit ko mamaya. Dun nalang tayo mag usap." Lumiwanag naman ang mukha nya. Sumakay na ako ng kotse at bumalik ng hospital sakto namang nasa conference room na sila.

" bakit may pa lunch best?" si Laurence.

" wala. Masaya lang ako ga-graduate na ako next month. Pumasa kasi ako sa accelation exam ko."

" wow congrats." Nagkainan na kami hindi na nagpakita doon si Ezekiel. Kumain na kami ng matapos ang ilang doctor ay nurses naman hindi kasi sila pwedeng mag sabay sabay. Natapos ang maghapon ng nasa office ako. Nang pauwi na ako ay nasa parking si Ezekiel. At sinundan nya ako sa apartment ako tumuloy para kunin ang mga gamit ko. Pumasok sya at nakita nya ang nagkalat na mga bote ng alak.

" sayo lahat to?" ngumiti lang ako. Nang matapos ako ay tinulungan nya akong magsakay sa kotse ganun din sa pag akyat sa unit ko. Pag akyat namin ay niyakap agad ako patalikod ni Ezekiel.

" im begging you. Babe. Please give me one last chance." Sabi nya saka punta sa harapan ko at lumuhod.

" tumayo ka jan. Deserve mo naman ng second chance. Na explain mo narin kung anong nangyari kaya okay na yon."

" really?" tanong nya tumango naman ako at ngumiti ng bahagya. Niyakap nya ako at hinalikan sa noo.

" bumalik ka na sa unit mo." Tiningnan naman nya ako kaya tinulak ko na sya. Hindi nagtagal ay lumabas ako bumili ako ng sampung soju. Ewan ko hindi parin ako masaya kahit sinabi kong okay na kami. Nang makabalik ako ay ininom ko agad yon hanggang sa hindi ko na alam ang nangyaro at nakatulog na ako.

 

EZEKIEL'S POV

 

Pumasok ako sa unit ni Chin para kunin yung financial report ng CCM. Pero pagpasok ko ay sumisigaw sya at umiiyak.

" akala mo hindi yon masakit? Hahaha. Kulang nalang mabaliw ako! Tapos nasan ka habang nagdudusa ako nandon ka aliw na aliw yung babaeng yon! Hindi na ako makatulog, hindi na ako makakain ang payat payat ko na ang panget panget ko na." saka sya umiyak ng malakas.

" akala ko masaya mainlove masakit pala!" hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na sya at niyakap sa likod.

" im sorry for the pain. Hindi na mauulit ito pangako." Niyakap ko lang sya hanggang makatulog sya nakatulog kaming naka upo. Nagising ako tinitigan ko lang sya. Hanggang sa nagising sya.

" anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

" kukuhanin ko sana yung financial file ng CCM tinawag mo naman ako." Pagkukunyari ko. Tumayo naman sya at dumeretso sa cr paglabas nya ay bihis na sya naka polo shirt lang sya pantalon at sapatos. Saka lumabas pupunta na yata sya ng hospital dahil dala na yung bag nya. Kailangan ko namang asikasuhin yung CCM mamaya ko na sya pupuntahan. Bumalik narin ako sa unit ko at naligo. Nang makarating ako sa CCM ay mabilis kong tinapos ang lahat at dumaan ako sa resto para umorder ng pagkain dahil hindi na daw nakain si Chin. Nang makarating ako sa hospital ay natinig kong may kausap si Chin

" here best." Sabi nya lalaki e.

" how did you know?" tanong ni Chin.

" naka pantalon ka at sapatos e. Hahaha." Tumawa naman si Chin.

" you know me well huh. Anyway thank you." Sabi nya at pumasok naman ako.

" Hi. Mr. Craigei came here para sa hang over ni Chin. Alis na ako. Bye best." Saka sya lumabas ng office ni Chin.

" you have a bestfriend ha?!" inis na sabi ko.

" yeah I have two bestfrie d one is Laurence and the other one is Clint. Hindi nila ako pinabayaan nung panahong iniwan mo akong durog. Anyway what are you doing here. Akala ko ba ay may trabaho ka?"

" alam kong hindi ka pa nakain at tapos narin ako I came here to help you." Sabi ko at inayos ang mga pagkain para makakain na kami.

" let's eat babe." Yaya ko lumapit naman sya. Tocilog ang binili ko sa kanya. Kumain na kami ng tahimil. Sinusubuan ko naman sya ng ham at hotdog habang nakain sya. Biglang may nag text sa kanya bigla syang tumayo at patakbong lumapit sa table nya kumuha ng facemask at patakbong lumabas ng office nya nagtaka naman ako kaya lumabas din ako.

" Kate whats happening?" tanong ko.

" ang rinig ko ay nagka problema sa ER." Sabi nya kaya dumeretso ako ng ER.

" Ms. Chin. Go back to your office now! You too." sigaw ni Doc Renz. Hindi ko alam kung ano pang nangyayari pero hingit ko na ulit si Chin pabalik ng office.

" my God babe. Bigla bigla kang sumusugod. Hindi mo alam kung anong naghihintay sayo don!"

" im just worried." Bumuntong hininga lang ako at niyakap sya saka ako lumapit sa table nya at tumawag sa front desk.

" hello. Anyone na naka witness ng nangyari pumunta dito sa CEO office now!"

" yes sir." Sagot nya at binaba ko na. After 10 minutes ay may kumatok.

" come in." sabi ni Chin

" nakita mo ang nangyari?" tanong ko.

" yes Mr. Craige. Kasama akong lumabas ni doc Laurence sa operating room para iexplain sa family ni patient ang nangyayari sa loob. Dahil nag critical si patiend bumilis ang tibok ng puso at tumaas ang dugo nya. Nagalit yung anak yata yon ng patient may pocket knife sya sinaksak si doc Laurence sa tagiliran." Paliwanag ng nurse.

" nasan ang suspect?" nasa guard office po.

" bakit nandon kung dun naman magwala yon? Ezekiel tumawag ka sa front desk ideretso na sa prisinto." Tumango naman ako.

" CCTV! Kate! Kunin mo yung CCTV footage with audio. I need it now!" tumango naman sya at pumunta sa table nya.

" babe nadala na daw. Tara sa baba?" kumuha sya ng facemask ganun din ako saka kami bumaba. May mga nurses sa area kung saan nangyari ang gulo. Biglang nagsalita si Chin.

" sinong pumalit kay doc Laurence sa loob?" tanong nya.

" kakatapos lang po ng operation ni doc Renz sya na po ang nag back up kay doc Rej." Sagot ng isa sa mga nurse.

" nasan si doc Laurence?" tanong nya.

" nasa operating room."

" sinong humawak?"

" si doc Vincent po." Tumango tango naman sya saka bumaling.

" kayo ba ang relatives ng patient at ng nanaksak?" tanong ni Chin. Galit na si Chin kaya alalay lang ako.

" opo." Sagot nung babae.

" okay. Lahat ng expenses ni doc Laurence dito sa hospital simula sa doctors fee hanggang sa mga medicine nya ay kayo ang sasagot. Kung magreteklamo pa kayo abogado na namin ang kausapin nyo.", sabi nya saka sya tumalikod.

" at sino ka naman para digtahan kami?!" sigaw nung isang babae.

" I am the CEO of this hospital. And employee ko ang sinaksak ng relative nyo." Kalamdo pang sabi nya.

" CEO pero ganyan ang suot mo?"

" whats wrong with my clothes? Kailangan ko bang mag gown para masabi mong ako ang may ari neto?" sagot nya saka sya umalis. Sumunod naman ako.

" pumunta ka ng police station ayan na sa usb ang CCTV footage." Utos nya sakin kaya sumunod na agad ako galit na yan e hindi palang halata. Hehehe.

 

KATE' POV

 

I am Kate Melendrez, assistant ako ni Ms. Chinna. Nang umalis si Mr. Craige ay hindi na mapakali si Ms. Chin sa office nya tatayo uupo at maglalakad lakad. Ang alam ko kasi ay close sila ni doc Laurence kaya siguro nag aalala sya. Kumatok naman ako dahil may natanggap akong tawag galing sa baba.

" Ms. Chin gusto ka daw maka usap ng family nung suspect." Sabi ko.

" sa office nalang ni Laurence." Tumango naman ako at sinabi sa linya ang pinasasabi ni Ms. Chin. Ang cute magalit ni ms. Chin kalmado parin. Hihihi. Bumaba si ms. Chin kaya sumunod na ako. May secretary na sya e kaso may project daw kaya bukas nalang sya pinapasok. Pagpasok namin sa office ni Doc Laurence ay umupo lang sya sa swivel chair.

" what do you need?" seryosong sabi nya.

" Ms. Reyes. Nakiki usap ako wag nyo ng ipakulong ang anak ko." Umiiyak na sabi nung matandang babae. Ngumiti naman si Ms. Chin ng nakakaasar.

" may kasalanan sya kaya dapat nyang panagutan yon." Bigla namang sumingit yung babaeng nilait si ms. Chin kanina

" ang yabang mo naman eh mukha ka namang katulong dito" nagulat naman ako biglang pasok ni sir Ezekiel.

" who are to unrespect our CEO?" galit na sabi ni Ezekiel. Nagulat naman ang lahat

" Ezekiel stop it. Sabihin nya ang gusto nyang sabihin I don't care. Well wala namang pupuntahan ang usapang to . Kayo ang may kasalanan kayo pa ang matapang? Kate, tawagin mo si doc Vincent now!" sigaw nya kaya naman tumakbo ako palabas sakto namang papasok si doc sa office nya.

" doc pinatatawag po kayo ni Ms. Chin sa office ni doc Laurence." Tumango naman sya. Pagpasok namin ay agad syang lumapit sa gilid ng table.

" yes, Ms. Chin?" si doc Vincent.

" kamusta si doc Laurence?"

" he's fine. Hindi naman ganun kalalim ang sugat nagpapahinga na sya." Paliwanag ni doc.

" good thing. Go ahead and take a rest." Tumango naman si doc at lumabas ng kwarto.

" you may go too." Sabi ni Ms. Chin. Bigla naman syang hinawakan nung babaeng medyo bata pa.

" wala ka bang awa sa taong ipinakukulong mo?" sigaw nito lumapit naman agad si sir Ezekiel.

" gusto mo bang sumama? Kanina mo pa ako binabastos! Bitawan mo ako kung ayaw mong ipakulong din kita!" sigaw na sabi ni Ms. Chin bigla naman syang sinapal nung babae.

" enough! I'll make sure na pagsisisihan mo yang mga actions mo." Sigaw ni sir Ezekiel. Sabay baling sakin.

" Kate. Kunin mo yung CCTV footage dito. Give it to me now!" galit na sabi ni sir Ezekiel saka sila lumabas doon sinunod ko naman ang sabi ni sir Ezekiel pumunta agad ako sa monitor room pagkakuha ko ay balik agad ako ng office.

" wag mong hayaang saktan ka ng ibang tao. Nasa posisyon ka para lumaban." Sigaw ni sir Ezekiel kaya hindi muna ako pumasok.

" manhid na ako Ezekiel lahat ng tao sinasaktan ako! At kasama ka na don!" sigaw ni Ms. Chin. Biglang tumahimik kaya kumatok ako.

" sir. Eto na po ang pinakukuha nyo." Pagkakuha nya ay lumabas na agad ako. Hindi nagtagal ay biglang lumapit sa table ko yung nanay nung sumampal kay Ms. Chin.

" excuse me. Dito ba yung opisina ni Ms. Reyes? Pwede ko ba syang makausap?" tanong nya

" hold on. Ma'am." Sabi ko saka ako pumasok sa office nya.

" Ms. Chin. Nasa labas po yung nanay nung nanakit sa inyo gusto daw po kayong maka usap."

" papasukin mo." Tumingin naman ng masama si sir Ezekiel sa kanya. Saka ako lumabas para tapusin ang trabaho ko

 

CHIN'S POV

 

Pagkatapos ng sagutan namin ni Ezekiel ay dumating yung nanay nung nanakit sakin.

" Ms. Reyes. Pasensya na sa inasal ng anak ko. Alam kong may pagkakamali kami pero sana wag nyo narin kasuhan ang isa kong anak. Nagmamakaawa po ako sainyo." Umiiyak na sabi nya.

" this is the last time na gagawin nya to. Ayoko ng maulit pa. Dahil hindi nyo na ako makukuha sa paki usapan sa susunod." Sabi ko. Napabuntong hininga naman si Ezekiel.

" salamat Ms. Reyes. Maraming salamat." Sabi nya saka lumabas ng office ko. Hindi naman naimik si Ezekiel. Lumabas ako ng office at pumunta sa room kung saan nagpapahinga si doc Laurence gising na sya.

" kamusta ka?" tanong ko.

" im good. Duduty na ako mamaya." Sabi nya.

" no. Take a rest." Sabi ko.

" im a doctor best. I can handle it don't worry." Sabi nya.

" may masasabi pa ba ako, hindi naman ako doctor." Sabi ko tumawa naman sya.

" balita ko ay sinaktan ka ng relative nung patient natin?" tanong nya.

" ah yeah. Hindi daw kasi ako mukhang CEO." Sabi ko at tumawa naman sya.

" pamilya yata ng baliw yun. Hahaha." Natawa din naman ako sa sinabi nya.

" anyway kukuha ako ng tea sa office mo ha. Haha nakakasarap sa pakiramdam e." sabi ko.

" okay. Dadalhan kita bukas madami ako sa bahay." Sabi nya. Ngumiti naman ako.

" una na ako. May tatapusin pa kasi ako kinamusta lang kita." Tumango naman sya at ngumiti, lumabas na ako at pumunta sa office ni Laurence kumuha lang ako ng tea ska ako kumuha ng warm water at bumalik sa office ko nakatingin lang si Ezekiel sakin hanggang makabalik ako ng swivel chair ko at pinagpatuloy ang trabaho. Kumatok naman so Kate.

" come in." sabi ko.

" Ms. Chin. May nag email po gustong mag invest sa RCMC." Sabi nya.

" ipasa mo sakin ang email nila pag iisipan ko." Sabi ko at lumabas sya tahimik parin si Ezekiel pagdating sa decision sa business ay hindi nya ako pinakekealaman. Biglang nag ring ang phone ko.

" hello."

[ hello. Ms. Chin are you busy? Can you go here? We really need your opinion.]

" Urgent ba yan Mr. Benson?" biglang tumingin si Ezekiel.

[ for us it's urgent.]

" okay. Pupunta na ako." Sabi ko saka ko kinuha ang bag ko at lumabas hindi ko pinansin si Ezekiel. Nakakasar kasi wag ko daw hayaang saktan ako ng iba e ultimo sya sinasaktan ako. Sa inis ko ay hindi ko napansin may bata at nabangga ko yun may dala syang ice choco kaya natapon sakin yon.

" oh. Im sorry." Umiyak yung bata.

" im sorry baby. I can get you one. What do you want?" bigla naman lumapit yung nanay nung bata.

" sorry po. If im not mistaken, ikaw po ang owner ng hospital tama po ba?" tanong nya.

" ah yeah. Pahiram ako sa baby mo ibibili ko sya sa canteen para hindi na umiyak." Tumango naman sya at sumama din sakin ang bata binilhan ko sya ng shake at chocolates saka ko hinatid sa nanay nya.

·        " I have to go. Bye baby." Sabi ko.

" thank you ms. Reyes.", tumango ako at pumunta na ako sa kotse para kumuha ng damit hindi na ako makakauwi dahil malayo ako sa area kaya bumalik ako ng office para maligo wala akong choice sobrang lagkit ko.

" what happen to you?" tanong ni Ezekiel hi di ko sya pinansin pag labas ko ay bihis na ako umupo ako sa swivel chair ko at doon nag make up ng konti at nagsuklay. Naka mini skirt ako at croptop spagetti at coat kulay pink lahat kasi ng kulay nito ay inorder ko saka ako nagsandals ng pointed nude color. Saka ako lumabas dala ang pinagpalitan ko na damit buti talaga may damit na akong dinadala. Naka salubong ko naman ang babaeng nanampal sakin kanina nakatingin sya sakin nakita kong papunta sya sa office ni Laurence kaya ng pumasok sya kaya pumasok din ako.

" best. Why are you here? Do yiu want some tea?" tanong nya.

" no. Dumaan lang ako to check you. May meeting ako." Sabi ko.

" im okay. Don't worry. Hmm. You look good." Sabi nya.

" anyway I have to go. May message ako sayo check it." Sabi ko saka ako lumapit sa kanya at bumeso.

" bye best. Take care huh. Wag kang makulit hindi pa magaling ang sugat mo." Sabi ko at ngumiti sya.

" yes boss." Sabi nya. Saka ako lumabas. Tinext ko sya at sinabing wag papayag na iurong ang kaso nung nanaksak sa kanya. Pagdating ko sa CCM ay ready na ang conference room .

" good afternoon Ms. Chin." Isa isang bati nila tumango naman ako bilang sagot.

" here. Ang laki ng itinaas ng papasok na student this school year halos dumoble at hindi kakayanin ng ng school."  Bigla akong na stress

" hindi bat dapat si Ezekiel ang kinakausap nyo regarding dito?" tanong ko.

" mas mabilis kasi ang aksyon pag sayo kami lumapit." Sabi ni Mr. Chan. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ezekiel.

" what will we do with this. Lumaki ang incoming student next semester hndi kakayanin ng school."

[ do what ever you want.] Sabi nya napapikit naman ako at napabunting hininga tinawagan ko pa sya wala naman pala maitutulong.

" patingin ng financial report." Sabi ko agad namang tumawag si Mr. Benson sa accounting department hindi nagtagal ay dumating din ito nang makita kong malaki naman ang pondo ay magagawannaman talaga ng paraan.

" Sinong engineer ang incharge dito? Tawagan nyo kung kaya nyang pumunta today papuntahin nyo kung hindi naman ay bukas. Magpapatayo tayo ng dalawang building hindi ko alam kung sasapat yon pero atleat madagdagan kailangan maumpisahan yon as soon as possible. Kayo na ang makipag usap at ibigay nyo sakin ang plano at quotation." Sabi ko at umaggree naman sila doon. Pagdating ko sa parking ay nandoon si Katrina.

" where is Ezekiel?" tanong nya hindi ko naman sya sinagot.

" Chin. Im sorry about the picture issue. Pero walang kahit anong meron samin ni Ezekiel. Inalagaan nya lang ako at sinamahan sobrang stress ko kasi sa family ko at taking pasalamat ko kay Ezekiel na mabilis mag grow ang business ko at hindi na kayo magugulo ng family ko." Pagkatapos non ay pumasok na ako sa kotse at bumalik ng hospital. Dumaan ako sa mcdo para bumili ng snacks dumaan ako sa office ni Laurence para dalhan sya ng snack. Nakita kong tulog sya sa swivel chair nya. Tinapik ko sya.

" you can go and rest." Sabi ko

" no im okay. Wala kasi akong ginagawa kaya nakatulog ako." Sabi nya

" here." Saka ko nilagay ang binili ko sa table nya.

" thanks best." Sabi nya saka ako lumabas at bumalik sa office binilhan ko rin si Kate. Pagdating ko ay nasa table ko si Ezekiel at may tinitingan ang laptop ko. Tumayo naman sya at bumalik sa couch nilapag ko sa center table ang binili ko at kumiha ng fries at drinks saka ako umupo sa swivel chair ko at nagtrabaho ulit. Pinidot ko ang telephone sa table ko.

" Kate. Nasan yung bote dito sa ilalim ng table ko?"

" baka tinanggal po ni sir naglinis po kasi jan."

" paki kuha mo ako ng bago please." Sabi ko saka ko binaba ang linya. Hindi naman nagtagal ay pumasok si Kate nakatingin naman si Ezekiel tinanggal ko ang sandals ko kaya naman ipinatong ko ang paa ko at pinaikot ikot ko yun atras abante ang paa ko. Ewan parang mas nakakapag isip ako ng maayos pag ganito ang ginagawa ko. Ang dami ng nag eemail na gustong mag invest sa RCMC kaya naisipan kong mag expand. Pero ang investment ay doon lang sa expansion kung baga wala silang pake alam dito sa main ng RCMC. Madaming graduating sa CCM na pwedeng makapag duty doon. Nang matapos ako ay niligpit ko na ang gamit ko saka ako tumayo agad namang kinuha ni Ezekiel ang bag at laptop ko dumaan muna ako kay Laurence.

" your still here. Go home and rest." Sabi ko.

" pauwi na ako boss." Sabay tawa nya.

" good." Sabi ko saka ako lumabas ng hospital. Kinuha ko ang gamit ko at Deretso akong pumasok ng kotse ko. Saka nag drive pauwi. Kasunod ko lang si Ezekiel nang makarating ako sa unit ko ay nagbihis aoko at umorder ng molo soup. Pagkakain ko ay biglang pumasok si Ezekiel parang lasing yata.

" babe. Im so sorry for the pain na ibinigay ko sayo. Mahal na mahal kita." Sabi nya ng umiiyak niyakap ko naman sya.

" kalimutan nalang natin at mag umpisa ng bago." Sabi ko.

" thank you babe." Sabi nya habang naiyak. Pinaupo ko sya at pinagkape. Nakatulog sya habang pinaiinom ko ng kape kaya naman inayos ko nalang sya at dinalhan ng kumot at natulog narin ako sa kwarto habang sya ay nasa couch.