webnovel

CHAPTER 10

EZEKIEL'S POV

 

Nang magising ako ay nandito ako sa unit ni Chin. Inayos ko agad ang hinigaan ko at nagluto ng almusal. Lumabas si Chin ng kwarto ng bihis na.

" kain muna bago ka umalis. Mauuna ka na ba?" napatingin naman sya sakin.

" yeah. Madami akong trabaho sa hospital. Aasikasuhin ko pa yung sa CCM. Or baka pwedeng ikaw na ang umattend ng meeting sa CCM ibigay mo nalang sakin yung plano at quotation. Magre-release din kasi ako ng 3 weeks meal allowance ng mga doctors dadaan pa ako sa bangko." Paliwanag nya.

" Sige ano bang napag meetingan nyo kahapon?" tanong ko.

" tumaas daw kasi ng halos doble ang nag enroll so bindi kakayanin ng school kinuha ko yung quotation ng fund doon malaki naman kaya sabi ko magpapatayo nalang ng bagong dalawang building hindi ko alam kung sasapat pero atleast madagdagan." Paliwanag nya

" okay sige pagkatapos ng meeting nalang ako pupunta ng hospital saka iikot muna ako sa area para makita ko kung saan pwede mag lagay ng bagong building." Sagot ko kumakain na si Chin. Kailangan ko kasing bantayan ang pagkain nya dahil ang laki ng ipinayat nya dahil halos hindi na sya nakain. Nang matapos sya ay nagpaalam na sya. Ako naman ay nagligpit na at naglinis saka ako naligo at pumunta sa CCM. Pagdating ko ay nandoon na sila sa conference room.

" Chin is busy so I am here to face you." Sabi ko.

" Mr. Craige I need to see the location para maumpisahan na natin ang plano." Si engineer. Pumunta naman kami sa area para makita nya. Busy day dahil sinukat narin nila ang lupa para malaman kung pano ang magiging pwesto ng dalawang building.

 

CHIN'S POV

 

Pagkakain ko kanina ay nagpaalam na ako kay Ezekiel.

" mauuna na ako." Paalam ko.

" ingat ka babe." Sabay halik sa noo ko. Chineck ko muna ang sarili ko sa body mirros sa may pinto bago ako lumabas, nagplain off shoulder dress lang ako at wedge na sandals. Saka ako lumabas ng bahay, pinatawad ko na sya pero bakit hindi ko pa kayang ibalik yung dati. Hindi pa ako masaya ewan hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. Pagdating ko sa hospital may ilang doctor sa looby nagbibiruan sila ng bigla akong makita ni doc Renz.

" Good morning Ms. Chin." Bati ni Doc Renz at naglingunan naman ang lahat. Lumapit si doc Laurence at bumeso sa akin.

" good morning himala ang aga mo ha. At hindi ka naka jeans. Haha." Biro nya

" good morning guys. Hey best! Shut up!" sabi ko nagtawanan naman ang lahat.

" bat ang aga mo Ms. Chin?" si doc Renz.

" aasikasuhin ko kasi ung meal allowance nyo at baka abangan nyo na ako sa labas. Haha." Nagtawanan naman ang lahat.

" yown! Akala namin mawawalan na kami ng budget eh." Biro ni doc Renz.

" next time remind nyo kasi ako." Sabi ko.

" I have to go magra-rounds na ako. Bye Ms. Chin" sabi ni doc Renz. Nagpaalam narin ang iba. Kinuha naman ni Laurence ang gamit ko.

" wala pa akong gagawin tea?" sabi nya.

" okay." Nakangiting sabi ko. Sa office nya kami dumeretso at nagtimpla sya ng tea.

" gustong gusto ko tong tea mo nakakawala ng stress nakakapagpakalma." Sabi ko.

" dinalhan nga pala kita kaso nasa kotse nalimutan ko mamaya dadalhin ko nalang sayo." Sabi nya.

" talaga? Thank you." Sabi ko. Nang matapos kaming uminom ng tyaa ay hinatid na nya ako sa office ko.

" thanks." Sabi ko at bumeso sya bago sya lumabas. Habang nagkukwenta ako ng meal allowance ng doctors ay kumatok si Kate.

" ms. Chin nandito na po yung secretary mo."

" papasukin mo."

"  Chin sorry may tinapos kasi kami kahapon eh." Si Clint.

" it's okay. Pasama ka muna kay Kate para maging familiar ka sa hospital. Aalis lang din ako saglit." Sabi ko lumabas naman sya at ako naman ay pupunta muna sa bangko para mag kumuha ng pera. Napadaan ako ng emergency room at dagsa na naman ang pasyente nakasalubong ko naman si Laurence.

" what happen?" tanong ko. Hinahapo naman syang sumagot.

" may naaksidente ang daming pasyente ang ilan dead on arrival na." paliwanag nya.

" okay take your time wag kang magpabigla at baka mapano ang sugat mo." Sabi ko.

" aalis ka na?" tanong nya.

" sa bank lang ako babalik din ako." Sagot ko.

" okay ingat ka." Saka ako tinapik sa braso dahil may pasyente na namang pinasok. Lumabas na ako ako nagpunta sa banko hindi naman ako nagtagal doon kaya nakabalik din ako agad.pagbalik ko ay nandoon si Clint tinutulingan si Kate. Pumasok ako sa office ko at may nakita na naman akong nag email na gustong mag invest sa RCMC. Pinuindot ko ang telephone sa tabi ko.

" Clint come to my office " sabi ko at pumasok naman sya.

" Yes ma'am?" nakangiting sabi nya.

" punta ka sa cashier ipa pagging mo ang mga available doctors papuntahin dito." Sabi ko.

" sige." Saka sya lumabas inilagay ko naman sa sobre ang mga pera na ibibigay ko sa kanila.

" Ms. Chin, wag mo ng kakalimutan ha. At kami'y hindi makalabas para mag bonding. Hahaha." Si doc Jericho.

" Sorry naman. Okay sige ganto babawi ako. Mag usap usap kayong mga doctors. Siguro five doctors every night hanggang matapos lahat. Hi di naman kayo pwede magsama sama kawawa ang hospital. Haha lilibre ko kayo. Okay na yon?" naghiyawan naman sila. Pumasok naman yung iba si Laurence naman ay dala na ang tea na ibibigay nya sakin.

" here. Sabihan mo lang ako pag ubos na." sabi nya.

" thanks. Marami kang ganito?" tanong ko.

" sobra." Sagot nya.

"bakit?"

" sasabihin ko pero secret lang." lumapit sya sakin at bumulong.

" endorser kasi ako nyan sa US." Nanlaki naman ang mata ko.

" seryoso?" tumango naman sya. Tumango tango rin ako.

" i have to go may patient ako." Lumapit sya sakin at bumeso saka lumabas ng office ko. Nagtanong namna si Clint.

" Sino yon?"

" si doc Laurence bestfriend ko." Tumango naman sya at lumabas para tulungan si Kate. Hapon na ay wala pa si Ezekiel wala na akong gagawin kaya uuwi na ako.

" Kate. Uuwi na ako ikaw ng bahala kay Clint ha." Sabi ko.

" Sige Ms. Chin. Pwedeng hangganvg 6:00pm lang kami ngayon?" tanong nya.

" kahit 5:00pm. Hindi na naman ako babalik eh."

" si Sir po?" tanong ni Kate.

" hindi na siguro yun pupunta." Saka ako umalis. Pagdaan ko sa looby ay nandoon sila Laurence.

" kanina umakyat ako nagkukwentuhan kayo ngayong uuwi na ako nagkukwentuhan na naman kayo nagtatrabaho pa ba kayo?" biro ko.

" sabi mo kanina Ms. Chin mag meeting kami." Sabi ni doc Jericho.

" ha? May sinabi ba ako?" saka kami nagtawanan.

" Save nyo number ko tawagan nyo ako mamaya. Uuwi muna ako matutulog ako. Haha. Wala na kasi akong gagawin kaya uuwi na muna ako." Sabi ko at dinigta sa kanila ang number ko.

" uuwi na ako tawagan nyo nalang ako kung sino available mamaya."

" ingat best." Sabi nya sabay beso. Tumango naman ako. Saka ako lumabas dinayal ko naman ang number ni Ezekiel.

" Uuwi na ako."

[ sige babe nandito pa ako kasi sinusukat pa ang area.].

"okay take your time." Sabi ko saka ko ibinaba ang linya. Pagka uwi ko ay nahiga agad ako sa kama. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nagising ako sa tunog ng phone ko.

[ best! Out na kami uuwi lang kami para magbihis.]

" sige kakagising ko lang. Tawagan nyo nalang ako mamaya kung san tayo pupunta. Ingat."

[ sige best. Bye.]  Pinatay ko na ang phone at tinawagan si Ezekiel.

" Pauwi ka na ba?"

[ hindi pa nandito pa ako sa office tinatapos ko yung report.]

" may usapan kasi kami ng mga doctors na ilalabas ko sila pambawi ko. Sunod ka nalang?"

[Sige babe tatawag nalang ako sayo mamaya.]

" sige." Saka ko binaba ang linya at naligo na ako. Paglabas ko ng cr ay kumuha ako ng tshirt at rip jeans saka sapatos inuman yung pupuntahan ko hindi ako pwedeng mag dress. Saka ako nag sling bag wallet ang phone lang naman ang dadalhin ko. Nang matapos ako ay tinawagan ko si Laurence at sinabi kong sa resto muna kami pumunta para kumain saka kami mag iinom.

" kay Sir Ezekiel to Ms. Chin?" tanong ni doc Jericho.

" hey guys. Wala munang boss at doctor pag nasa labas tayo. Just call me Chin." Sabi ko.

" Okay. Walang doctot ngayon ha." Sabi ni Laurence nagtawanan naman ang lahat at umorder na.

" Ma'am wala po si Sir?" si Clark

" Nasa office pa may tinatapos pa daw sya mamaya na daw sya susunod samin."  Tumago naman sya saka umalis.

" ang yaman yaman nyo na siguro Chin.ay hospital may school may resto pa."

" hindi naman sakin yan kay Ezekiel yan pati yung hospital kanya yan ako lang nagtrabaho kaya ako yung nilagay nyanv CEO." Paliwanag ko.

" swerte mo sa boyfriend mo." Sabi ni Carl. Ngumiti lang ako ng bahagya.

" bakit parang hindi kayo sweet tulad dati?" si Josh isa sa mga doctors na kinuha ko sa CCM.

" ewan ko. May nagawa kasi sya pinatawad ko na naman pero ewan hindi pa ako masaya." Sabi ko.

" kaya ka pala napasok nung nakaraan halos araw araw may hang over." Si Laurence. Tumango tango naman sya.

" wag na yan ang pag usapan natin happy night to eh." Sabi nya at dumating na ang pagkain namin. Kumain lang kami at nagbiruan ng matapos ay nagbayad na ako para makapag bonding na kami. May sinabi silang barna may private room at pwedeng mag videoke kaya doon kami pumunta. Kinuha namin yung pinaka malaking room at umorder na. Nagkantahan na sila bigla namang nagsalita si Laurence.

" oh ang muse naman ang kakanta." Kaya binigay nila sa akin ang song book.

 

How can I just let you walk away?

Just let you leave without a trace

When I stand here taking every breath, with you, ooh

You're the only one who really knew me at all

" whoo nakaka inlove ang boses."

" boss namin yan."

"pang malakasan!" sigawan nila kaya natatawa ako.

How can you just walk away from me?

When all I can do is watch you leave

'Cos we've shared the laughter and the pain and even shared the tears

You're the only one who really knew me at all

So take a look at me now, oh there's just an empty space

And there's nothin' left here to remind me

Just the memory of your face

Ooh, take a look at me now, well there's just an empty space

And you coming back to me is against the odds

And that's what I've got to face

Instrumental

I wish, I could just make you turn around

Turn around and see me cry

There's so much I need to say to you so many reasons why

You're the only one who really knew me at all

So take a look at me now, well there's just an empty space

And there's nothin' left here to remind me, just the memory of your face

Now take a look at me now, 'cos there's just an empty space

But to wait for you, is all I can do and that's what I've got to face

Take a good look at me now, 'cos I'll still be standin' here

And you coming back to me is against all odds

It's the chance I've gotta take

 

Hanggang sa natapos ay pinahanga ko daw sila sa ganda ng boses ko.

" wag nyo nga akong bolahin."

" seryoso maganda ang boses mo." Sabi ni Laurence ngumiti lang ako at nag inuman na kami tinext ko na nga pala kay Ezekiel kung nasaan kami.9:00 pm na dumating si Ezekiel kasama si Kzier. Umupo si Ezekiel sa tabi ko at pinainom nila.

" sabi ni Chin wala daw munang boss at doctor ngayon kaya wala munang sir." Nagtawanan naman ang lahat.

" no problem iba pag nasa loob tayo ng trabaho. Iba din sa labas." Sabi ni Ezekiel.

" what a good boyfriend." Sabi ni Laurence ngumiti naman si Ezekiel. Nag inom at nagkantaham lang ang lahat ng 12:00 midnight na ay nag aya na ako.

" Let's go guys pare-pareho pa tayong may trabaho bukas." Sabi ko. Umaggree naman ang lahat. Binigay ko kay Kzier ang susi ko dahil kay Ezekiel na ako sasabay wala namang dalang kotse si Kzier. Nasa labas na kami ng magpaalam na isa isa. Lumapit si Laurence at nag beso sakin saka lumapit kay Ezekiel at ti apik ang balikat.

" una na ko bro." sabi ni Laurence kay Ezekiel.

" Sige bro ingat." Sagot ni Ezekiel.

" ingat sa pagdrive." Sabi ko kay Laurence tumango naman sya. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Ezekiel at inalalayan pumasok saka sya umikot para magdrive.

" kaya mo pa ba? Ako nalang magda-drive." Bumaba naman ulit sya kaya bumaba rin ako at ako na ang nagdrive. Pagod kasi sya tas pinainom ko pa ako naman ay okay naman kaya ako nalang ang nagdrive. Pagdating namin sa bahay ay nakiusap si Ezekiel na sakin sya matutulog pumayag naman ako. Si Kzier naman ay nasa unit nya dahil bukas pa sya makakauwi. Pagpasok ko ng kwarto ay nagderetso ako sa closet para magpalit ng damit. Pagka bihis ko ay hinigit ako ni Ezekiel sa higaan at niyakap ako.

" I'm sorry babe. Kahit araw-araw akong mag sorry sayo ay gagawin ko. Alam kong hindi mo pa ako napapatawad ng buo pero maghihintay ako para maibalik yon." Umiiyak na sabi ni Ezekiel.

" napatawad na naman kita e. Pero nandito parin yung sakit." Sagot ko sa kanya.

" ginawa ko yon para satin. Yung mga picture na kumalat ay kwentuhan lang yon yung magkayak kami ay batian lang yung magkalapit ang mukha namin ay pang endorse lang yon. Babe maniwala ka sakin please." Umiiyak paring sabi nya.

" hindi pa kasi magaling to e. Masakit parin." Sabi ko habang nakaturo sa puso ko.

" naiintindihan ko. Maghihintay ako." Sabi nya niyakap ko sya at tuloy tuloy syang umiyak.

" tama na. Matulog na tayo." Sabi ko sa kanya tumigil din naman sya at magkayakap kaming natulog. Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Ezekiel paglabas ko ay nakita kong nagluluto si Ezekiel lumapit naman sya sakin at humalik sa noo ko.

" good morning." Bati nya, niyakap ko naman sya at sabay na pumunta ng kusina pinaupo nya ako habang nagluluto sya.

" babe. Sa CCM ako today ha. Tatapusin ko lang lahat ngayon lalabas ang palno at quotation eh." Sabi nya.

" sige. May tatapusin din ako sa office eh." Sabi ko pagkatapos nyang magluto ay kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako. Naka croptop ako na paribbon sa balikat at may garter sa may tyan na may partner na palda kulay mustard na halos hanggang paa ko na saka ako nag pointed sandals na kulay black.

" aalis na ako." Sabi ko. Lumapit naman si Ezekiel at niyakap ako.

" ingat ka sa pagda-drive." Tiningala ko sya saka nya ako hinalikan ng tatlong beses sa labi.

" ingat ka din. Bye." Sabi ko hinatid nya ako sa pinto saka ko sya nginitian. Nagtext si Laurence na dumaan daw ako sa office nya pagdating ko kaya naman dumaan muna ako.

" best? Why?" sabi ko lumapit naman sya at bumeso.

" good morning." Bati nya.

" bat mukha kang malungkot?" tanong ko.

" wala kain tayo." Tumango nalang ako kahit busog pa naman talaga ako.

" best. Niloko ako ng girlfriend ko. Kagabi dumaan ako sa apartment nya may susi ako ako kaya deretso akong pumasok nahuli ko syang may kasex." Nagulat naman ako.

" anong ginawa mo?" tanong ko.

" wala. Nag sorry ako sa istorbo saka ako umalis." Sabi nya. Kaya naman pala mukha syang matamlay.

" hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil wala naman akong malawak na experience sa love. Pero kung gusto mong umiyak im here. Remember im your bestfriend I will be here for you no matter what." Sabi ko sa kanya. Niyakap naman nya ako at umiyak, umaagos talaga sa balikat ko ang luha nya hinayaan ko lang sya. Nang mahimasmasan sya ay bumitaw sya at nagpunas ng luha.

" thank you best." Sabi nya.

" bukas ang office ko for you anytime." Sabi ko sa kanya.

" I'm okay now. Kailangan ko ng mag rounds."

" please calm down." Inayos ko ang buhok nya at pinunasan ang mukha.

" hatid na muna kita." Sabi nya.

" no. Im okay. Sige na mag rounda ka na." tumango naman sya at naghiwalay na kami sa hallway. Nagtrabaho na ako bandang 11:30am ay umorder ako ng pagkain at tinext ko si Laurence na pumunta sa office ko para sabay kaming maglunch kaya pumunta sya dito.

" baka hindi ka kumain kaya tinawag na kita." Sabi ko.

" I'm okay now. Pinaiyak mo ako eh." Sabi nya natawa naman ako. Kumain na kami, nang matapos kami ay bumaba na sya dahil may iche-check syang patient. After 20mins ay pumasok si Kate.

" Ms. Chin. May nag iiskandalo daw sa baba. Hinahanap si doc Laurence."

" ako ng bahala." Tumayo ako at bumaba kung nasaan yung babaeng sinasabi ni Kate.

" who are you?" tanong ko.

" nasaan si Laurence alam kong nandito sya." Sigaw ng babae.

" sino ka para mag iskandalo sa hospital ko?" tanong ko sa babae na ikinagulat nya tumango sya qt nagsalita.

" girlfriend ako ni Laurence " sabi ng babae.

 " oh the girlfriend. Im Laurence bestfriend." Nakipag kamay pa ako sa kanya.

" what do you want for him? Where is your other guy?" nagulat naman sya.

" I don't think gusto ka pa nyang makausap. Umalis ka na kung ayaw mong ipapulis kita sa pang iiskandalo mo sa hospital ko." Sabi ko at tumingin sakin yung babae saka umalis.

" nasan si doc Laurence?" tanong ko tinuro ng nurse nasa ilalim lang pala ng front desk ng sinenyasan sya ng nurse ay lumabas sya at tumakbo sakin saka umiyak. Hinaplos ko naman ang likod nya.

" sige na balik na kayo sa trabaho nyo." Sabi ko sa iba habang nakayakap padin si Laurence. Biglang dumating si Ezekiel.

" una ka na. Susunod ako." Sabi ko kay Ezekiel at sumunod naman sya.

" tara sa office mo?" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang girlfriend ni Laurence nasa labas pa pala at nakatingin sa akin. Dahil mataas sakin si Laurence ay hinawakan ko sya sa bewang at naka akbay naman sya sakin saka kami pumunta sa office nya.

" gusto mo pa bang maayos?" tanong ko.

" ayoko na. Ibang level na yon best nag sex na sila." Umiiyak pang sabi nya.

" sa head quarters ka na muna mag stay dahil kukulitin ka lang non." Tumango naman sya habang nakatulala.

" pag bumalik pa ulit ay ipatawag mo ako oh tawagan mo ako." Sabi ko. Tini.plahan ko naman sya ng tea. Nag ring naman ang phone ko.

" babe. May natawag urgent." Si Ezekiel.

" okay aakyat na ako." Sagot ko saka ako nagpaalam.

" lumabas ka pag okay ka na. Hanggat hindi ka pa okay jan ka na muna." Tumango naman sya at lumabas na ako.

" Natawag si Mr. Lopez urgent daw." Sabi ni Ezekiel kaya tinawagan ko sya.

" Hello Mr. Lopez."

[ Ms. Chin. Deliver ng stock ng RCMC bukas may mga bagong gamot isasama ba namin?]

" paki email sakin at itatanong ko sa doctors ko." Sagot ko

[ okay ms. Chin.]

Saka nya binaba ang linya.

" anong nangyari kay doc?" tanong ni Ezekiel.

" pag uwi nya daw kagabi dumaan sya sa girlfriend nya nahuli nyang may ka sex. Kaya kanina pagpasok ko dun ako dumeretso ayun umiyak ng umiyak kanina naman ay pinuntahan sya ng girlfriend nya ayun na ung naabutan mo." Paliwanag ko.

" ah. Inaway mo daw?" tanong nya

" hindi ah pinaalis ko lang nagwawala eh." Tumango tango naman sya.

" nagugutom ako." Sabi ko.

" labas tayo?" nakangiting sabi nya. Ngumiti naman ako at tumango. Saka kami lumabas

" Kate paki check ng laptop ko kung ano yung eemail ni Mr. Lopez iprint mo ipakita mo kay Doc Renz itanong mo kung kailangan ba yon dito tapos isend mo kay Mr. Lopez." Tumango tango naman sya. Si Clint naman ay parang naging assistant ni Kate. Naawa na kasi ako kay Kate ang dami nyang trabaho. Lumabas na kami oumunta kami ng mall.

" san mo gustong kumain?" tanong nya.

" kung san mo ako pakakainin para maiba naman " sabi ko mgumiti naman sya at dinala ako sa isang Japanese restaurant. Binigyan na kami ng menu.

" ikaw na ang umorder ng sakin hindi ko alam kung ano yung masarap dito." Sabi ko ngumiti naman sya. At umorder.

 

EZEKIEL'S POV

 

Dinala ko si Chin sa Japanese Restaurant dito sa mall. Dahil sabi nya ay ako ng bahala kung saan kami kakain. Hindi parin buo yung pakiramdam ko na okay na kami pero sabi ko nga maghihintay ako dahil nagkamali ako. Nakangiti akong nakatingin sa kanya. Habang sya ay seryosong nakain. Tumayo ako at ikinabit sa leeg nya ang infinity necklace na binili ko sa Singapore para sa kanya.

" what's is this." Tanong nya

" pasalubong ko yan sayo. Meron pa sa bahay." Ngumiti naman sya.

" thanks." Maikling sabi nya. Nang matapos kaming kumain ay nag aya sya sa department store para bumili ng damit.

" nahihirapan ako sa damit ko. Ang dami kong damit wala naman akong masuot." Sabi nya

" kung san ka comportable edi yun ang isuot mo." Sabi ko pumili naman sya ng mga damit. Dress at crop top na terno ang kinuha nya pagkatapos ay ako naman ang ipinili bnya ng damit. Long sleeve at polo ang kinuha nya. Kumuha din sya ng white sando pang inner ko. Hinawqkan ko naman lahat ng nakuha nya.

" babe. Okay lang ba kung regaluhan ko si Laurence ng relo? Nakita ko kasing basag yung relo nya kahapon. Pampagaan lang ng loob alam mo na." tumango naman ako. Hi ayaan ko syang mamili ng ibibigay nya. Nakakatuwa lang dahil napakabait ni Chin sa lahat hindi rin nya pinababayaan ang mga kaibigan nya. Ang totoo ay si Ckint at Laurence lang ang kaibigan nya, nagmature narin sya sapol nagpunta ako ng Singapore. Nang nasa counter na kami ay tinulak nya ko ng mahina.

" bayaran mo na." natawa naman ako at nilabas ang card ko. First time to kaya natawa ko. Ayaw nya kasing magpapabayad ng binili nya kaya nabigla din ako. Nang matapos kami ay nag aya na sya umuwi dahil ilang araw na daw syang pagod. Kaya naman umuwi na kami. Pagdating namin sa bahay ay dumeretso sya sa kwarto magbibihs yun sigurado kaya pumunta muna ako sa unit ko para kunin ang mga pasalubong ko sa kanya. Mga chocolates lang naman yon saka yung necklace dahil papagalitan ako sigurado dahil sa gastos.

" ang dami naman" sabi nya at kumuha saka nya kinain. Nagyaya syang manood. Inakbayan ko sya sumandal naman sya sakin hinalikan ko sya sa pisngi.

" mahal na mahal kita. I want you to be part of my life forever." Ngumiti naman sya. Hinalikan ko sya ng tatlong beses, sa pang apat ay hindi ko na yon binitawan hanggang sa lumalim na, at may nangyari na ulit samin. Chin is my first sex, walang nangyari samin ni Katrina noon dahil hindi ko rin sya pinapupunta sa bahay noon. Pumasok na sya sa kwarto kaya sumunod na ako at natulog na kami.

 

LAURENCE POV

 

I'm Laurence Castro. I am surgeon for cardiothoracic surgery here in RCMC. Actually close ko ang CEO dito, best nga ang tawagan namin. Ewan ko ba ang gaan gaan ng loob ko sa kanya at sobrang bait at wala pa syamg ka arte arte. Lalo pa ngayon na nahuli kong nagloko ang girlfriend ko ay hindi nya ako iniwan dumating pa nga sa point na binantayan nya ang pagkain ko. Ipinahiya nya yung girlfriend ko. Ang swerte ko na kaibigan ko sya. Nandito na ako ngayon sa office ko at pinag aaralan ang case ng patient ko. May kumatok siguro ay si Chin na yan.

" come in." sigaw ko. Pag angat ko ng tingin ay ang girlfriend ko pala.

" Laurence can we talk?" sabi nya.

" im busy. And one thing. Wag ka ng pumunta dito pagkatapos ng ginawa mo kasabay non ang pagtatapos kung anong meron tayo." Sabi ko saka tumingin sa hawak ko pero ang isip ko ay nagmamakaawang dumating na si Chin. Biglang bumukas ang pinto.

" hi best." Sabay lapit sakin at bumeso bumulong naman ako ng help me. Paglingon nya ay nakita nya si Grace.

" oh. You're here again." Baling nya kay Grace saka bumalik ang tingin sakin.

" I came here to check your wound. May I see?" sabi nya at tiningnan ako ng masama.

" Im okay best nothing to worry." Sabay ngiti.

" nakakalungkot lang. Yung nasaksak yung tyan mo tapos nasaksak pa yung puso mo. I'm not your girlfriend, but ako yung nag alala at nag alaga sayo samantalang yung iba jan nagawa pang lumandi sa iba."  Sabi ni Chin.

" watch you words." Pagbabanta ni Grace. Ngumiti naman si Chin.

" tss. Anyway dumaan ako to give you this gali g kami sa mall ni Ezekiel kahapon at napansin kong basag yung relo mo kaya eto binilhan kita." Sabi nya at kinuha ang kamay ko at tinanggal ang relo ko.

" bigay ko sa kanya yan." Sabi ni Grace.

" oh really?" saka nya sinuot ang relo na binili nya black leader yon maganda at mukhang mamahalin. Saka nya tinapon ang luma kong relo sa basurahan.

" were bestfriends. Kaso boss mo ko. Lumabas ka na at pu tahan ang patient mo. May operation ka ngayon. Move!" sigaw nya. Kaya inayoa ko na ang gamit ko.

" and you girl sa labas ng hospital ko kayo mag usap patient ang dapat nandito at hindi kami nag aayos ng nasisirang relasyon. Doc Laurence prepare na ang operating room pag iintayin mo ang patient mo?" galing umarte haha.

" No ma'am." Saka ako lumabas pero sa office nya ako pupunta dahil wala pa naman akong trabaho at inaaral ko pa ang case ng patient ko. Pagpasok nya ay nagulat sya.

" best actress of the year!" sigaw ko.

" walangya ka ang gulat ko sayo!" sigaw nya sakin sabay hampas.

" thank you. Haha thank you din sa relo." Saka ako nagpa cute. Tiningnan nya naman ako na parang nandidiri. Haha.

" grabe naman yan" sabi ko saka kami nagtawanan.

" wala si Ezekiel sagot mo lunch ko." Sabi nya at tango tango lang ang sinagot ko.

" dito muna ako ha." Ngumiti sya at tumango biglang pumasok yung assistant nya.

" Ms. Chin. Nasa meeting room po ang ilang doctor na magrerequest ng equipment." Sabi nya.

" kasama ka dito?" tanong sakin ni Chin.

" hindi."

" Kate pag may naghanap kay Laurence dito sabihin mo wala." Sabi nya sa assistant nya. Tumango naman sya bilang sagot.

" bababa muna ako." Paalam nya.

" okay dito muna ako pag aaralan ko lang itong case ng patient ko."

" take your time." Saka sya lumabas. Nang malaman ko ang procedure na dapat gawin ay bumaba na ako para ipaliwanag sa family ng patient. Pero pagbaba ko ay nandoon na naman si Grace nag aantay sa may waiting area dadaan kasi ako doon bago makapunta sa pupuntahan ko no choice ako at pumasok ako sa meeting room tumingin naman sakin ang lahat at sumenyas naman ako kay Chin ng please. Nagets naman agad nya kaya pinaupo nya ako. After ng meeting nila ay sumabay ako sa mga doctor na dumeretso sa ward. Dun ako nakakuha ng pagkakataon at pumunta na sa patient ko.

 

CHIN'S POV

 

Nagulat ako kay Laurence kanina nagets ko naman agad ang senyas nya kaya pinaupo ko sya. Sobrang busy ko na ngayon hindi na ako yung Chinna na naghihirap, nagtitiis, nahihiya, hibdi narin ako yung Chinna na nagtitiyaga sa tirang pagkain, hindi narin ako yung Chinna na oblegadong maglinis ng bahay. Ngayon ay trabaho nalang ang iniisip ko. May maayos akong bahay, hindi narin ako naglilinis ng bahay, hindi narin ako obligadong magsaing. Kung magutom ako ay mag oorder nalang ako. Dati ay kailangan kong tiisin ang gutom ko dahil pag nagsabi ako ay marami pa akong maririnig na salita. Ga graduate narin ako next month. Ang laki ng pinagbago ng buhay ko. Dito ko mas na challenge ang sarili ko, natuto akong humarap sa matataas na tao nakuha kong makipagsabayan sa may mga may alam. Siguro ay dapat ko ding ipagpasalamat lahat ng ito kay Ezekiel. Birthday ni Ezekiel next week at hindi ko alam ku g anong gagawin ko. Ang hirap mag isip lalo na at lahat ay meron na sya. Ilang araw narin kaming hindi nagkakasama maghapon dahil buay rin sa CCM dahil sa pagpapatayo ng building, ang alam ko ay kaliwa't kanan din ang meeting ni Ezekiel dahil sa mga company na gustong mag invest sa CCM. Lahat ng business ay maganda ang takbo ang resto ay hindi na namin natututukan pero okay pafin naman at malakas.