webnovel

Work Of Fiction

I thought only names, places, and events can only be a fiction. But when I met a poem writer, I just realized that love can be also a fiction. I'm a novelist who loves tragic ending. He's a poem writer who loves to write romantic words. Both of us are a writer. Our pen will suddenly meet as it lead us to a love story. That even reality will turn to an imagination. And our love story will suddenly be just a WORK OF FICTION.

Ichieesera · แฟนตาซี
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 6: Reach My Dream

Chapter 6: Reach My Dream

Hindi na ako mapakali sa mga bagay na narinig ko sa kaniya. Ako? Ako ang nakikita niya. Sinabi ko sa kaniya na isipin ang bagay na gusto niya. Bakit ako?

Is a stranger playing dumb with me? He's not already a stranger for me. How I hate this fate.

Nasabunutan ko na lamang ang aking ulo at nahilamos ang mukha. Bakit ko nga ba iniisip 'yon? Wala lang iyon na mga sinabi niya sa akin. Tama! Dapat wala lang.

My heart has a lock, nobody can unlocked it.

Naglakad-lakad na lamang ako sa kalsada gaya naman ng ginagawa ko kapag nag-iisip ako ng kung ano-ano.

Bagaman gusto ko muna magpahinga ay mas gugustuhin ko na lang maghanap ng mga bagay na maaaring ilapat sa papel. That's why I also write because I want to be timeless. Ang mga bagay na gusto kong gawin ay gagawin ko, hindi lang aabutin.

If you want to reach your dreams make a stairway to get it.

I stop for a moment when I saw a beautiful flower in front of the flower shop. I'm not into flowers but this white rose gives me a good vibes.

Napangiti ako saka hinawakan iyon. People say that white rose means peace and love. When you're in love, you're in peace. Well, I don't believe on that thing, I much prefer that this white rose symbolizes hope.

Hinawakan ko nang marahan ang puting rosas nang bigla akong magulat nang may sumulpot na babae sa tabi ko dahilan para matunok ako.

Napasinghal ako sa sakit saka tiningnan ang hinlalaki kong natusok. Napailing na lamang ako nang makita ang lumabas na dugo ro'n. Mabuti at hindi gano'n kasakit at lalim.

Even beauty hides imperfectiom.

"Ma'am, ayos lang ba kayo?" Napataas ang kilay ko nang magsalita ang babae sa gilid ko. Tiningnan ko ang kabuaan nito mula paa hanggang ulo.

Nakangiti ito sa akin nang sinsero kung kaya't ngumiti rin ako kahit pilit.

"I'm fine" tipid kong sagot.

"May bibilhin po ba kayo, ma'am? Mukhang nagugustuhan niyo po ang rosas na iyan" lumapit ang babae sa akin saka hinawakan din ang puting rosas.

Naitago ko agad ang daliri kong natunok dahil dumapo ro'n ang tingin ng babae.

"Mukhang nasugatan po kayo, ma'am. Gusto niyo po bang gamutin ko?" Hindi ko inaakala ang pagiging mabait sa akin ng babaeng 'to.

Hindi naman sa nagtataka ako o ano. Hindi lang ako sanay na may gumagawa sa akin ng kabutihan. Mga malapit lamang sa akin ang gumagawa no'n. Baka hindi ko lang nasanay ang sarili ko at hindi ko hinanda sa pwedeng mangyari sa buhay ko.

"No need, I'm fine. Besides, maliit lang naman ang sugat" nginitian ko ang babae upang hindi ito mag-alala kung iyon man ang nararamdaman niya sa akin.

Tumango lang ito sa akin at nagbigay galang. Medyo nahiya pa ako sa inasta niya. Pakiramdam ko ay hindi pantay ang naitrato ko sa kaniya.

Ngumiti lamang ulit ako rito at kumaway lamang nang tatlong boses bago umalis. Pero natigilan ako nang marinig ang pangalang gumugulo sa sistema ko.

"Naku, Sir Kenzo, napakaganda ng bulaklak na nabili mo" nanindig ang balahibo ko nang marinig ang kaniyang pangalan.

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglakad ngunit natigilan ako nang bigla siyang sumulpot sa unahan ko nang kay bilis dahilan para manlaki ang mata ko na napatitig sa kaniya habang ang puso ko ay nagsimulang maghuramentado.

"Magandang umaga, aking binibini" nagbaba ako ng tingin sa hawak niyang kumpol ng puting rosas na binabalutan ng asul na kulay. Napatitig ako ro'n nang mahumaling ako sa ganda nito.

Pero natigilan ang pagpapantasya ko nang ilahad niya iyon sa akin.

"Para saan 'to?" Kunot noo kong tanong, nagtataka at nagmamaang-maangan.

"Para sa iyon, binibini. Hindi ba halata?" Mahinang tumawa ito nang napakaganda sa pandinig. Aakalain mong kumakanta na siya sa paraan pa lang na iyon.

Napaawang ang bibig ko at nang mapagtantong hindi dapat ako umaakto nang ganito ay nagseryoso ako.

"Baka nagkakamali ka lamang. Hindi lang ata ako ang binibining tinutukoy mo" seryoso kong tugon saka nag-iwas ng tingin.

"Isang binibini lang naman ang aking ninanais," napairap lamang ako nang palihim. "At ikaw iyon, binibining Yvangeline." Nangunot ang noo kong humarap sa kaniya.

Sandali ko lamang tinitigan ang bulaklak na hawak niyang nakalahad pa rin sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kailangan ko pa iyon gawin dahil masyado siyang mataas at hanggang leeg niya lamang ako.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi na tila nang-iinsulto pa. Napakalakas ng kaniyang loob na ilapit ang mukha sa akin kaya halos maduling na ako.

"Pambihira ka nga talaga, binibini. Mas lalo mo akong pinapahanga" walang kurap ko siyang tinitigan. Hindi ako magpapadala sa mga linya niya.

"Alam mo ba, ginoo, kung nasa lumang panahon tayo ay isa kang mapangahas na lalaki" buwelta ko saka umatras sa kaniya nang mapansin ko na ang malalim niyang titig sa akin.

Mas lalong lumapad ang kaniyang ngisi.

"Alam mo ba, binibini, syempre hindi" tumawa ito nang mahina na nginiwian ko lang. Gano'n kababaw ang kaligayahan niya. "Kung nasa lumang panahon tayo ay sigurado akong kasal na tayo dahil sa pagiging mapangahas kong ginoo. Baka marami na ang ana—"

Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi at pinandilatan siya ng tingin.

"Ituloy mo at hindi ako magdadalawang isip na batukan kita" pagbabanta ko sa kaniya habang ang kanan kong kamay ay nakaturo sa makapal niyang pagmumukha.

"Hindi mo ako maabot, binibini. Bago mo pa man iyon magawa ay pipingutin ko na ang ilong mo, kung mayroon man" tiim ang bagang kong pinandilatan siya ng mata habang panay ang kibot-kibot ng labi ko.

"Pipitikin ko naman ang noo mo!" Angil ko, ayaw rin patalo.

"Talaga? Napakababa mo, binibini" totoo namang mababa ako ngunit iyon ay dahil mataas siya. Napasinghap ako ng hangin upang ikalma ang aking sistema. Hindi ako magpapatalo dahil lang sa kaniya bagaman wala naman kami sa laban.

Hindi ko matiis ang presensya niya na mas ginugulo lamang ako. Kahit kailan ay panira siya ng araw ko. Kung saan-saan ko na lamang siya nakikita. Simula no'ng makilala ko siya ay lagi na lang siyang nasa tabi ko. Nang-aasar at nagpapadulot ng hindi maipaliwanag na gulo ng aking damdamin na kahit kailan ay ayaw kong maramdaman.

"Kahit gaano ka pa kataas ay gagawin ko ang lahat maabot lang kita" asik ko sa kaniya ngunit imbes na mainis siya ro'n ay ngumiti siya nang kay lapad.

Natigilan na lamang ako nang mapagtanto ang kahulugan ng sinabi ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan lalo na sa sinabi niya na muling nagpagulo sa aking sistema ngunit may kirot na kasama.

"Pangarap lamang ang inaabot, binibini. Kung gano'n ay abutin mo ako. Reach your dreams no matter how impossible and high it is, binibini" lumapit siya sa akin at nagbaba ng tingin. Bahagya siyang bumaba upang sa gano'ng paraan ay maabot ko sa kaniya.

Sa hindi malamang dahilan ay napatulala na lamang ako sa kaniya habang nararamdaman ko ang kirot sa aking puso at ang kaonting kiliti ro'n.

TIPID lamang ako na napangiti habang inaayusan ko ang pinsan kong babae na bumisita sa amin. Tiningnan ko ang repleksyon namin sa salamin at hindi na ako magtataka kung namana niya ang lahi ng Madigan. Napakaganda nga naman talaga ng pinsan ko.

Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa labi ng aking pinsan. Paniguradong nagagandahan siya sa kaniyang sarili.

"Magaling ka talaga mag-ayos, Ate Yve" pagpuri nito sa akin. Tanging tipid na ngiti lamang ang itinugon ko sa kaniya.

Natigil ako sa pagsuklay sa kaniyang buhok nang humarap ito sa akin. Nagtataka ako sa kaniyang inakto nang suyurin nito ng tingin ang kabuaan ko saka hinawakan ang aking mukha at tiningnan pa ito nang masinsinan.

"Magaling ka po mag-ayos, Ate Yve, pero bakit hindi mo inaayusan ang iyong sarili?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ng pinsan ko.

Sampung taong gulang pa lang siya ngunit marunong na siyang sumuri ng bagay-bagay.

"Simplicity is beauty, Bea" ani ko.

Napanguso si Bea na tiningnan nanaman ang kabuuan ko.

"Simplicity po ba ang pagiging ganiyan ang itsura? Kababae mo pong tao ay kung sumuot ka ay lalaking-lalaki. Tomboy ka po ba, Ate Yve?" Ngumiti na lamang ako sa kaniya at ginulo-gulo ang kaniyang buhok upang pigilan ang inis na nararamdaman ko.

Ito rin ang problema ko sa pinsan ko. Masyadong direktahan kung magsalita walang pakuna-kuna kaya minsan ay naiinis ako. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ko sa mga bata.

"Alam mo ba, Bea, na mas maganda ka kapag tahimik lang at mabait? Kaya gano'n ang gawin mo" sambit ko at muling sinuklayan ang kaniyang buhok na kulot.

"Tatahimik lang po ako kung kailangan dahil maganda na talaga ako" mahinang natawa na lamang ako dahil sa pagiging confident niya. Isa nga siyang Madigan.

"Ate Yve, gusto ko rin po maging katulad mo. Magaling sumulat ng storya at malawak ang isipan. Pero gusto ko po maging manunula" hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Mahilig din ako sa mga tula ngunit mas gusto kong isulat ang mga kwento.

"Kaya mo 'yan. Hindi mo lamang gugustuhin ang bagay. Hangga't handa kang abutin ang pangarap mo ay makayaya mo. Makakagawa ka rin ng tula kung papahalagahan mo ang mga bagay-bagay at papalawakin mo ang iyong isipan" pangangaral ko sa kaniya.

"At huwag mo—" naputol ang aking sasabihin nang magring ang cellphone ko. Sumulyap ako roon at napangiti ako nang makita ang number ni Adam. Sandali akong napatingin kay Bea at sinenyasan siya na manahimik na agad naman niyang sinunod.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa bintana ng kwarto ko. Tanaw na tanaw ko mula rito sa taas ang kalsada at nakahilerang puno na nagdudulot ng sariwang hangin at pumapasok sa loob ng aking silid.

"Napatawag ka, tati?" Bungad ko agad kay Adam.

"Ay wala man lang pa hello or hi. Sungit talaga ng tibo" napairap lang ako sa sinabi niya.

"O hello, ano ang kailangan mo?" Pag-uulit ko.

"Psh! Hindi pa sinsero," nangunot agad ang noo ko. "Siya nga pala, ang boylet mo ay hinahanap ka sa akin."

"Piglet? Tati, hindi ako nag-aalaga ng baboy" asik ko sa kaniya saka ipinatong ang siko ko sa bintana at nangalumbabang tumingin sa langit.

"Gaga! Boylet 'yon hindi piglet. Napaghahalataan kang cartoon lover, e" palihim na natawa ako sa sinabi niya. Totoo ngang nanonood pa ako ng cartoons kahit na matanda na ako.

"What about the boylet you were talking?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nalimutan mo agad? That guy you met. Kenzo" napaismid ako nang marinig nanaman ang pangalan niya. Kahit saan ay naririnig ko na lang lagi ay ang kaniyang pangalan.

Baka hanggang panaginip ko ay marinig ko ang kaniyang pangalan. But I won't let it happen, ofcourse.

"Nasa labas ako," aniya dahilan para magulantang ako. "Kasama ko siya." Tuluyan na akong nagulat lalo na nang makita si Adam sa labas ng bahay na kumakaway sa akin ngunit ang tingin ko ay dumapo kay Kenzo na nasa likod ni Adam habang nakatitig sa akin.

Agad na nagtago ako sa gilid ng bintana habang hawak ang aking dibdib.

"What is he doing here? Ano ang ginagawa niyo rito?" Mariin kong tanong.

"Nakita ko lang siya sa coffee shop, e. Saka dumiretso na rin kami rito since he asked for it" hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Adam. Now my mood is totally ruined.

"Bababa na raw ba siya?" Narinig kong tanong ni Kenzo. Napapikit ako sa sobrang inis.

"Hold on, Ken" tugon ni Adam.

"Kung baba—"

"No, I won't. Masama ang pakiramdam ko" mabilis kong pinutol ang maaaring sabihin ni Adam. Pati siya ay nakikikontsaba pa rito kay Kenzo.

Ano naman kaya ang gusto nitong si Kenzo.

"Masama raw ang pakiramdam, Ken" dinig kong ani Adam.

"Gano'n ba? Sa susunod na lang kamo kami magkita. Sabihin mong magpagaling siya upang magkita agad kami" ramdam ko ang paglamya ni Kenzo base na rin sa kaniyang tono.

Bahagya akong sumulyap sa bintana upang tingnan siya ngunit laking gulat ko na lamang nang magtama ang paningin namin at ang matamis niyang ngiti ay ang agad na bumungad sa akin kahit na bagsak ang kaniyang balikat hanggang sa mapansin ko rin ang hawak niyang isang bulaklak ng puting rosas.

"O, tati. Magpagaling ka raw. Narinig mo naman siguro. Baka nga kinilig ka na riyan" hindi ko itinuon ang pansin ko kay Adam dahil kahit huling-huli na ako ni Kenzo na nakatingin sa kaniya ay hindi pa rin ako umaalis sa pagkasulyap sa kaniya.

Napansin ko ang paglapad ng kaniyang ngiti kahit malayo ito sa akin hanggang sa gumalaw ang kaniyang labi at marinig ko ang kaniyang sinabi mula sa cellphone ko.

Ang mga mata niya ay nasa sa akin lamang upang sa gano'ng paraan ay maramdaman kong ako lamang ang kaniyang kausap.

"Aabutin kita, binibini, dahil ikaw lamang ang pangarap ko. Asahan mo na makukuha kita kahit gaano ka pa kataas."

_____

Ichieesera