Chapter 5: Above Water
Halos hindi na ako makahinga pa sa ginawa niya lalo't sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay mas matindi pa kaysa sa agos ng tubig. Ang kiliti sa aking tiyan ay parang hangin kung bumulong. Nanigas ang buo kong katawan at bago pa man siya ulit makapagsalita ay marahas ko siyang naitulak.
Ngunit mali ang aking naging galaw dahil bigla siyang napaigtad sa ginawa ko dahilan para gumewang ang bangka at bumaliktad ito. Impit na napasigaw ako nang tuluyan na kaming mahulog sa bangka.
Napikit na lamang ako nang bigla akong lamunin ng tubig ngunit mabilis akong umahon. Habol ang aking hininga na hinilamos ang mukha at pagkatapos no'n ay tingnan ko ang paligid.
Nanlaki ang mata ko nang makitang wala si Kenzo. Kalmado lamang ang tubig. Bigla akong kinabahan nang pinasadahan ng tingin ang paligid.
Wala talaga si Kenzo! Walang-wala.
Arko na rin ang kilay ko. Hindi dahil sa maiiyak ako kundi naiinis ako. Kapag nawala iyon ay baka ako pa ang sisisihin ng pamilya no'n. Ako pa ang sasagot sa libing no'n at ayaw ko iyon mangyari dahil gipit na gipit din kami sa pera. Hindi kami gano'n kayaman.
"Psh, where the heck did that guy go?" Tanong ko sa aking sarili na parang sasagutin naman ako nito. Nakakainis na hindi ko alam! Nasaan na nga ba iyon.
Napasinghal na lamang ako bago napag-isipang lumangoy paunahan at sumisid doon. Ngunit ganoon na lamang nanlaki ang mata ko nang makita sa ilalim si Kenzo na nakangiti sa akin at agad na hinuli ang bewang ko.
Akmang sana nito akong yayakapin nang hampasin ko siya sa balikat nang marahas gayong nasa tubig kami at imposible na maramdaman niya ang sakit no'n. Bumula pa ang bibig ko dahil sa pagsisigaw ko sa tubig saka mabilis na umahon upang makahinga nang maayos.
Muli kong hinilamos ang aking mukha saka inis na bumaling sa kaniya nang umahon na rin ito. Patawa-tawa itong tumingin sa akin habang inaayos niya ang kaniyang buhok.
My lips parted when I saw his masculine body. Napakurap ako nang ilang beses sa iniisip. He's not masculine! Ang payat-payat niya nang sobra.
"Kung nakita mo sana ang itsura mo kanina, binibini. Nag-aalala ka sa akin, 'no?" Mapanuksong tumingin ito sa akin pero pinandilatan ko lamang siya ng mata.
"As if I am concern to you?! Hell, no!" Asik ko sa kaniya.
"Nag-alala ka sa akin, binibini. Ang iyong mukha ay tila pinagsakluban ng lupa. Hindi ba iyon ang nararamdaman mo? Bakit mo tinatanggi?" Seryoso niyang tanong bagaman naroon pa rin ang panunukso sa kaniyang tingin. I rolled my eyes at him saka siya winisikan ng tubig.
"Hindi ako tumatanggi ng bagay! Isa pa, why would I be concern on you? Sino ka nga ba at sunod ka nang sunod sa akin?" Singhal ko saka lumangoy papalapit sa bangka kong tumaob. Buong lakas ko iyon inayos hanggang sa mabuhat ko ito ngunit laking gulat ko nang tulungan ako ni Kenzo.
"Gaya ng dati ay Kenzo—"
"Yeah, Kenzo Ruiz Abala? Abala ba 'yon? Talagang abala ko sa buhay ko" bulyaw ko.
Napataas ang kaniyang kilay at mariing umiling.
"Hindi Abala, binibini. Zabala! Zabala iyon at hindi Abala" pagtatama nito sa akin.
Ngumiwi na lamang ako. Ano naman ang pakialam ko sa kaniyang apelyido.
Tagumpay kami na naibalik sa dating posisyon ang bangka ko. Hindi na rin ako nag-atubili na umakyat sa bangka. Halos hingalin pa ako nang tuluyan na akong makasakay ngunit nangunot nanaman muli ang noo ko nang makitang umakyat din si Kenzo sa aking bangka.
Nakatunghay pa ito na inaayos ang kaniyang damit na bakat ang kaniyang maskuladong katawan. Payat nga!
"Why are you here? Mayroon ka namang sariling bangka" angil ko habang pinipiga ang buhok ko upang madali rin itong tumuyo.
Nag-angat ito ng tingin sa akin ngunit imbes na sa mukha ko bumaling ay tiningnan niya ang kabuuan ko at pansin ko ang matunog niyang paglunok.
Hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang nitong tinakpan ang kaniyang mata saka nag-iwas ng tingin sa akin.
"B-Binibini. . . " Nauutal nitong usal.
"Ano?" Tanong ko.
"K-Kung maaari ay. . . t-takpan mo ang iyong katawan sapagkat n-nababakat ang magandang hubog ng katawan mo. Ayaw kong maging makasalanan ang aking mata" nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi at dahil do'n ay mabilis kong tinakpan ang katawan ko gamit ang tuwalyang dala ko.
"Aba'y gago!" Napapahiya kong sigaw.
Mabuti na lamang at lagi ako may dala na tuwalya dahil paminsan-minsan ay naliligo rin ako sa pond gayong minsan ay pinagbabawalan.
Napapahiyang tumingin ako sa kaniya nang dahan-dahan nitong inalis ang kamay sa kaniyang mata. Tila nabunutan ito ng tinik nang makitang nakaayos na ako habang ramdam ko ang init sa aking pisngi na kailanman ay hindi ko nararamdaman kapag wala akong sakit.
"Pasensya na, bin—"
"Kalimutan mo na ang nakita mo" mahina kong tugon. Tumango naman ito nang marahan.
Tiningnan ko ang bangka hanggang sa magulat na lamang ako sa napagtantong bagay.
"Where's the gold fish?" Natataranta kong tanong na halos ikapiyok na ng boses ko.
Sinuyod ko ng tingin ang loob ng bangka. Nasapo ko na lamang ang aking noo nang hindi na ito nakita pa. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha habang pinipigilan ang mainis.
I just caught that fish and it took me years to have one of those.
Napapikit na lamang ako habang bagsak ang aking balikat na hindi makapaniwala sa nangyari.
Pero natigilan ako nang makita ang nakalahad na kamay ni Kenzo habang hawak ang bagay na hinahanap ko. Tila nabuhayan muli ako nang makita ang gold fish na nasa bowl pa rin. Agad ko iyon kinuha saka niyakap nang mahigpit bago bumaling kay Kenzo.
Sobrang lapad ng kaniyang ngiti habang nakatingin sa akin nang puno ng pagkamangha.
"Paano mo nahanap ang isda?" Itinuon ko ang aking pansin sa gold fish na masayang lumalangoy paikot sa fish bowl.
"Bago pa man ako lumipat dito sa bangka mo ay kinuha ko ang isda at pinalit sa aking baka," pagpapaliwanag nito sabay turo sa kaniyang bangka na ilang dipa lamang ang layo sa bangka ko. "Akin ding napagtanto na hindi ako makakagalaw nang maayos kung nariyan ang isda." Nangunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.
"At ano naman ang kinalaman ng isda sa paggalaw mo? Hindi ba't ikaw ang dahilan kaya tayo nahulog sa tubig? Saka ano ang gagawin mo sa akin?" Sunod-sunod kong tanong at tabingi ang ulong sinusuri ang kaniyang reaksyon.
"Akin lamang sasabihin ang bagay na nasabi ko na kanina. Akala ko ay tulog ka na rin kung kaya't malakas ang loob ko na harapin ka. Pasensya na rin sa pagiging mapangahas kong ginoo" nasapo ko na lamang ang aking noo at binaba ang isda nang marahas sa bangka.
Humalukipkip akong humarap sa kaniya at tiningnan siya nang seryoso. Gaya ng aking awra ay laging kunot ang aking noo at hindi mababasa ang anumang ekspresyon sa aking mukha.
"Hindi gagawin ng isang ginoo ang mangahas ng binibini. Tandaan mo na kailanman ay hindi iyon naging tama sa galaw ng ginoo. Kung ikaw ay tunay na ginoo ay dapat marunong kang rumespeto" pangangaral ko sa kaniya. Tumango naman ito at napaiwas ng tingin. Mukhang wala namang ioobra ang isang 'to.
"Kaya nga ako ay humihingi ng tawad" giit nito. Akala ko ay hindi na siya magsasalita.
"Kaya nga sinasabi ko 'to sa 'yo" asik ko.
"Kaya nga!" Buwelta naman nito.
"Kaya nga tumahimik ka na. Inuulit mo lamang ang bagay na sinasabi ko" madali pa naman maubos ang pasensya ko. Itong lalaking ito ay inulit-ulit lamang ang mga sinasabi ko. Kung hindi ko pa siya pagtaasan ng boses ay hindi pa siya titigil. Ayaw patalo ng buang.
Gaya ng inaasahan ko ay natahimik kami ng ilang minuto. Walang nagsalita sa amin habang panay lamang ang pagsipol ko at tanaw-tanaw sa paligid. Wala namang masama kung sumipol ako dahil makapal naman ang mukha ko. Isa pa ay ayaw ko ng tahimik masyado.
Pakiramdam ko ay nasa isa kaming ghost town o baka naman multo ang kausap ko. Nanindig ang aking balahibo sa inisip. Palihim na sumulyap ako kay Kenzo habang panay pa rin ako sa pagsipol.
Bigla na lamang ako natigilan nang makitang nakatingin pala ito sa akin. Natigil ako sa pagsipol dahilan para ang labi ko ay nanatiling nakanguso.
Umayos ako ng upo saka nagkunwareng kumikibot-kibot ang aking labi upang hindi ako mapahiya sa kaniya. Napatikhim pa ako nang tatlong beses.
Pansin ko rin na papalubog na ang araw at nagsisimula ng mag-agaw ang liwanag at dilim. Kitang-kita rin ang reflection ng araw ng sa tubig kaya tila naghahalo ang kulay kahel at asul.
"O ano?!" Maangas kong tanong, seryoso.
Tinawanan lang muli ako nito.
"Pambira ka talaga, binibini" aniya na natatawa.
"Pakialam mo" singhal ko.
"Wala ka naman pakialam, binibini. Walang-wala!"
"Gano'n nga"
"Gano'n nga rin" pag-uulit naman nito sa sinabi ko dahilan para mairita na ako sa kaniya.
Nakagat ko na lamang ang aking labi bago humugot nang malalim na hininga. Ginagago ako nitong lalaki 'to.
"Binibini," pagtawag nito sa akin. Nananahimik na ako ay magsisimula nanaman.
"O ano nanaman?" Iritado kong tanong.
"Naisip mo na ba na baka hindi na sumikat ang araw?" Inosenteng tanong nito saka tumingala sa langit na may araw na papalubog na.
Napaisip naman ako sa kaniyang tanong. Kahit kailan ay hindi ko naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko inisip na baka hindi na sumikat ang araw. Bagaman papalubog ito ay tila sumisikat pa rin ito sa tubig.
"Hindi ko inisip ang ganiyang bagay dahil imposible 'yan mangyari. Kung sa ibang bagay ay oo. May posibilidad na hindi na maaaring sumikat pa ang isang bagay" seryosong sagot ko saka nagsimulang magsagwan dahil gusto ko na rin umuwi. Baka ano pa ang mangyari sa akin dito.
"May punto ka naman, binibini"
"Lagi akong may punto" agarang pagtatama ko. Tumawa lang ito nang mahina saka sumang-ayon din sa akin.
"Ngunit may posibilidad naman na hindi na sumikat ang araw, 'di ba? Gaya ng bagay ay mawawala rin ito pero hindi na natin ito masisilayan pa dahil sa oras na hindi mo na makita ang araw ay ibig sabihin no'n wala ka na rin" natigilan ako sa makahulugan niyang sinalaysay.
Gusto kong sumang-ayon sa kaniya ngunit may parte pa rin sa akin na huwag gawin ang gano'ng bagay.
"Baka nagkakamali ka rin. Sa oras na ipikit mo ang iyong mata ay hindi mo makikita ang gusto mong bagay. Bakit hindi ka gumawa ng sarili mong litrato sa isipan? Vivid images kumbaga. Hayaan mo ang iyong imahinasyon na maglaro sa iyong isipan" tugon ko sa kaniya sabay ngiti nang tipid lamang.
Napatitig siya sa akin nang matagal kaya nilabanan ko iyon. Wala ni isa sa amin ang nag-iwas ng tingin kahit naiilang ako sa malalim namin na titigan. Wala akong ideya kung paano ko ito natatagalan. Baka dahil iyon matatag ako?
"Simulan mong ipikit ang iyong mata," tugon ko sa kaniya.
Sa una ay nag-aalinlangan pa ito at halos mabali pa ang kaniyang leeg na nagtatakang tumingin sa akin.
"Huwag kang mag-alala sapagkat wala akong gagawin sa 'yo" untag ko at inikutan siya ng mata.
Nagkibit balikat na lamang ito at sinunod naman agad ang sinabi ko sa kaniya. Palihim na napangiti ako nang malapad nang mapansin ang payapa niyang itsura at ang aliwalas nito. Napakagwapo niya pala talaga kung hindi lang siya tatanga-tanga.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang nakikita mo" muling sambit ko.
Nangunot ang kaniyang noo dahilan ng pagtawa ko nang mahina ngunit sinigurado ko na hindi niya iyon maririnig dahil baka isipin niyang binibiro ko lamang siya.
"Dilim, binibini. Dilim lamang ang aking nakikita" sagot nito.
"Gano'n nga. Iyan ang nakikita mo kung hindi mo papaganahin ang imahinasyon mo" walang kurap lamang akong nakatitig sa kaniya habang sinasabi ang mga bagay na iyon. "Ngayon ay nais kong gamitin ang imahinasyon mo at isipin kung ano ang gusto mo. Kapag nagawa mo iyon ay sabihin mo sa aking ang nakikita mo." Dugtong ko.
Mas lalo pang nangunot ang kaniyang noo habang nakapikit. Sa gano'ng paraan ay tila iniisip niya ang bagay na gusto niya. Bigla na lamang din sumilay ang kurba sa kaniyang labi dahilan ng paglabas ng biloy sa kaniyang pisngi. Halos mapaawang naman ang labi ko sa kaniyang itsura. Mabuti na lamang at kaya kong kontrolin ang aking nararamdaman.
"Ano ang nakikita mo?" Tanong ko nang masigurong may naisip na siya.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya dahilan para dumagundong nang malakas ang dibdib ko at tulalang napatitig sa kaniya.
"Isang binibini na may hawak na panulat habang sa papel ay isang storya ang kaniyang nilalapat," tuluyan na akong natigilan nang sabihin niya iyon sa tulang paraan.
Lalo na nang marinig ko ang huli niyang sinabi na nagpahuramentado sa puso ko at ang pagmulat niya ng kaniyang mata na sa akin lamang kumikislap.
"At ikaw ang binibing iyon na isang manunulat."
_____
Ichieesera