webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
53 Chs

CHAPTER FORTY-EIGHT

THE DINNER is going smooth. Wala siyang nakikitang kakaiba sa mga ito. Nakikipagkwentuhan sa kanya si Jamie. Nalaman niya na kaka-uwi lang nito mula Singapore. Doon lumaki ang dalaga kaya naman wala itong alam patungkol sa bansa. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ito nakipagkita sa kanya ng ilang taon.

Nang mamatay ang kinilalang ama nito ay saka lang ito naging malaya kaya ito nakapunta ng Pilipinas at nagpakilala sa kanya. Joshua doesn't find any suspicion on what she told him. Mukha naman totoo ang sinabi nito.

"Nag-aaral ka na ba ng koliheyo?" tanong niya dito.

"Yes. Currently taking up Business Administration in Ateneo. Gusto kong hawakan ang kompanya ni Daddy kapag nakapagtapos na ako." Jamie seems to be proud of her late step-father.

"That's good to hear." Ngumiti siya dito. Napansin niya ang kutsarang gamit nito. Nasa isang sulok na iyon.

Napangiti siya. Tumingin siya sa kay Jamie na nakikipag-usap na sa ina. Mas inilapit niya ang sarili sa mesa. He about to reach for his glass when someone hit his hand. Nagulat siya kaya naman hindi sinasadyang natabing niya ang baso at natapon ang laman noon.

"Ahhh!!!" tili ni Jamie na siyang nabuhusan ng tubig.

"Are you okay?" Mabilis siyang tumayo at kinuha ang table napkin para ibigay sa kay Jamie.

Tinanggap naman iyon ng dalaga at pinunasahan ang damit na may bakas ng natapunan ng tubig.

"I'm sorry, madam."

Narinig niyang wika ng isang lalaki sa tikuran niya. Napataas siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Muntik nang manlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang lalaki. Jacob is standing in front of him and he is wearing a waiter uniform. Ito ang pinadalang tauhan ni Patrick.

"It's okay." Sagot ni Jamie.

"It's okay. Can you just fix the mess? And can you give us another table?" wika ni Jassie.

"Of course, madam." Sagot ni Jacob. "I will arrange another table for you. I'm sorry again, madam. Gusto niyo po bang magpalit ng bagong damit, madam. May mga extra cloth po kami dito na para sa mga guest. Para po iyon sa mga ganitong pangyayari" Tumingin sa kanya si Jacob.

Alam niyang walang katutuhan ang huling sinabi nito. Gusto niyang ngumiti dahil mukhang binago nito ang dapat ay plano nila.

"Jamie, kailangan mong magpalit ng damit. Malamig dito at baka magkasakit ka," aniya sa dalaga.

Mukha naman nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Tumingin ito kay Jacob. "Please, lead the way."

Napansin niya ang pagtaas ng labi ni Jacob. "Okay po madam." Tumingin ito kay Jassie. "I will tell my co-waiters to assist you for another table, madam, sir."

Tumingo lang dito si Jasie. Pagkatapos magpaalam ni Jamie na susunod kay Jacob ay sabay sila ni Jassie na umupo sa mesa. At sabay sa pag-upo niya ay ang mabilis niyang pagkuha ng kutsarang ginamit ni Jamie. Hinawakan niya iyon at itinalik sa table cloth. Kukunin iyon ni Jacob mamaya. Kapag hindi niya kasi iyon ginawa ay maghahalo ang mga kustarang gamit nila. Napansin kasi niya na ibang waiter ang kumukuha ng mga gamit ng plato sa mesa.

"How are you, JJ?" tanong ni Jassie na siyang nagpataas sa kanya ng tingin.

Mataman na nakatingin sa kanya si Jassie. Seryuso ito at titig na titig sa kanya. Huminga siya ng malalim at umayos ng upo.

"I'm good. How about you? I thought you die." Hindi niya itinago ang galit dito.

Ayaw niyang makipag-plastikan dito. Gusto niyang ipakita dito ang inis na nararamdaman niya. Ngumiti si Jassie na siyang kina-inisan niya lalo dito.

"Bakit? Kapag ba totoong namatay kami ng anak mo ay magiging masaya ka?"

Napakuyom siya. "You know, I never been happy when I heard what happen to you. Nagluksa ako sa pagkamatay niyo noon ni Jamie."

Isang mapang-insultong ngiti ang sumilay sa labi ni Jassie. "Ya. I heard from my parents that you beg them. Naki-usap kang ipakita sa iyo ang puntod namin ng anak natin. I didn't expect that from someone like you. After all, you don't want me and Jamie in your life."

May guilt na dumaloy sa pagkatao niya. "I know my mistake before, Jassie. At sa tingin ko naman ay pinagbayaran ko na ang lahat. Nagdusa din naman ako ng ilang taon dahil sa ginawa ko sa inyo ni Jamie."

Tumaas ang isang kilay ni Jassie. "I heard about your son with your wife right now."

Natigilan si Joshua. Paano nito nalaman ang tungkol sa namayapa niyang anak? Hindi kasi iyon lumabas sa kahit anong pahayag. Walang nakakaalam sa nangyari sa kanila noon. Tanging mga taong malapit lang sa kanila. Pamilya at mga kaibigan lang nila ni Anniza ang nakaka-alam sa mga nangyari noon. Naging pribado ang lahat sa kanila ni Anniza simula ng ikinasal sila.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa anak ko?"

"My parents told me. They once saw you in the hospital. Akala ko nga tuluyang mababaliw ang asawa mo dahil sa pagkawala ng anak niyo. Kung nangyari iyon. Single ka pa sana ngayon."

"What did you say?" Hindi niya nagustuhan ang huling sinabi nito.

"I said your wife almost went crazy after what happen to your child. I guess it was tough for her to lost a child."

Nagbago ang tono ng boses nito pero kakaiba pa rin ang dating sa kanya. "Yes, it was tough for us. It's not easy to lost someone precious. We didn't even hold him once."

Napansin niya ang pagdaan ng sakit sa mata ni Jassie pero agad din iyon natago ng babae. Ngumiti ito pagkatapos.

"Well, ganoon talaga ang buhay. Nagpapasalamat nga ako at hindi nawala sa akin si Jamie. Kahit pa nga na ayaw mo sa kanya." Sumandal si Jassie sa upuan.

"I didn't said that." Mabilis niyang tanggi.

"Yes, you said that. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na ipalaglag siya. Mabuti na lang at hindi kita sinunod. Kung hindi, wala sana ang aking princesa ngayon. I'm not be happy like I am right now."

Napahigpit muli ang pagkakahawak niya sa damit ng mesa. May pinupunto si Jassie at hindi niya iyon nagugustuhan. The way she said those words. He is stating that she is blaming him for losing Jamie. Pero kung papatulan niya ito ay wala siyang mapapala. At saka, maraming tao sa paligid. Maraming mga matang nakatingin sa kanila.

"Let's get to the point here, Jassie. What do you want from me? Matagal kayong nawala ni Jamie. Pinalabas niyang namatay kayong pareho, kaya bakit bigla kayong bumalik at nagpakilala sa akin?"

Tumaas ang isang kilay ni Jassie. Pinagkrus nito ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito. "Well..." Umayos ng upo si Jassie at tinitigan siya sa mga mata. "I want us to get back together again."

"What?!" hindi niya napigilan na magtaas ng boses.

"You heard me right, JJ. I want us to get back together. May anak tayo at gusto ni Jamie na makasama ka. Kaya naman gusto kong bumalik ka sa buhay ko bilang kasintahan ko."

"Nababaliw ka na ba? Alam mong may asawa akong tao. At siyam na taon na kaming kasal. Kaya paano ako makikipagbalikan sa iyo?" May galit na tanong niya.

Hindi niya akalain na maririnig ang mga salitang iyon mula dito. Gusto nitong bumalik sa buhay niya bilang nobyo. Nababaliw na ba ito? Paano nito na isip ang ganoong bagay.

Tumawa ng mahina si Jassie. "Do you hear the word 'mistress'? I want to be one. I just want you back in my life, JJ."

Mabilis siyang napa-iling. "Wala akong planong magkaroon ng kabit, Jassie. At mas lalong ayaw kong saktan ang asawa ko. Mahal ko siya at hindi ako gagawa ng isang bagay na masasaktan siya."

Nabago bigla ang emosyon sa mukha ni Jassie. Nandilim iyon at nanlisik ang mga mata na tumingin sa kanya.

"But we have a daughter. Anong gagawin mo sa kanya? Hayaan mo na lang siya na maging isang bastarda. Jamie deserve to have a father. Kaya dapat lang na magkabalikan tayo at mabuo ang pamilya natin." Nawala ang composure nito.

"Oo at may anak tayo pero may anak din ako sa asawa ko. Dalawang taon na ang anak namin na si Peter. At kahit anong sabihin mo, mas pipiliin ko pa rin ang asawa ko dahil mahal ko siya. I love her and I don't want to lost her."

Nagdikit ang mga labi ni Jassies. "May anak din kayo. Talaga palang mahilig kang mangbuntis ng babae at hindi agad pinapakasalan. Paano mo nasabing mahal mo siya kung ngayon palang kayo magpapakasal? Come on, JJ, ikakasal palang kayo. At pareho kang may anak sa amin dalawa pero ako pa rin ang na-una. Kaya dapat ako ang pakasalan mo at bigyan ng pangalan mo."

"I'm sorry, Jassie pero matagal na akong kasal sa asawa ko. Our upcoming wedding is to bind us again. Kinasal ako bago pa mawala sa amin ang una sana namin na magiging anak. Nagpakasal kami noon sa huwis."

Nakita niya kung paano namutla si Jassie. Napatayo ito at nanginginig na tumingin sa kanya. Mukhang inalam nito ang tungkol sa buhay niya ngayon ngunit hindi ito alam ang tungkol sa mga nangyari sa kanya noon. Iyong mga pribadong pangyayari sa buhay niya kagaya ng pagpapakasal niya kay Anniza sa huwes ay hindi nito alam.

Nakipagsukatan siya ng tingin kay Jassie. Iyon ang nadatnan ni Jamie na nakasuot na ng bagong damit.

"Mom, Mr. Wang, may problema ba?" nagtatakang tanong ni Jamie.

Tumingin si Jassie kay Jamie. "Let's go home." Hinawakan ni Jassie ang braso ni Jamie at hinila ito pabalas ng restaurant na iyon.

Hindi na pormal na nakapagpaalam sa kanya si Jamie dahil mabilis itong isinama ni Jassie. Ngayon ay alam na niya ang motibo ng pagbalik ni Jassie sa buhay niya. She wants them to get back together. Mukhang ina-akala nito ay hindi pa rin siya kasal at nagpaplano pa lang. Kung ganoon ay hindi ganoon kalaking tao ang kinakaharap nila.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa direksyon ng pinsan. Sinunyasan niya ito na aalis na siya sa lugar na iyon. Pagkatapos nga niyang magbayad ay lumabas na siya at naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Bubuksan na sana niya iyon ng may nasalita mula sa kanyang likuran.

"Did Anniza know about this?"

Napalingon siya ng marinig ang boses na iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaki na nakasandal sa isang itim na kotse.

"Brix..." banggit niya sa pangalan ng lalaki.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Buti at kilala mo pa ako, Joshua Jhel Wang."

"Of course, anong ginagawa mo dito?"

"Having dinner with my nephew. How about you? Having dinner with your ex-girlfriend and your daughter."

May bahid ng paghihinala ang boses nito at hindi niya iyon nagustuhan. Napahigpit ang hawak niya sa susi ng kanyang kotse. Umayos siya sa pagkakatayo at hinarap ng pormal ang binata. Ilang taon din itong hindi nagpakita o nagparamdam sa pamilya niya lalo na kay Anniza. Nagulat na lang sila ng malaman ang nangyari dito. Minsan na itong dinalaw ng asawa sa kulungan. Hindi lang siya sumama.

"My wife knows about this. I don't need to explain myself to you. We are not even close." Tinalikuran niya ito. Bubuksan na sana niya ang kotse ng muling nagsalita ang lalaki.

"Do you remember what I said before to you? If you hurt Anniza again. I won't step aside and I will make you suffer."

Nagtaas-baba ang dibdib niya. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa handle ng kotse niya. Sa ilang beses niyang naka-usap si Brix, ay walang kahit isang beses na hindi siya na-inis dito. He is getting on his nerve. Alam niyang kaibigan lang ito ni Anniza pero naiinis at hindi niya mapigilan na magselos dito.

"I know. At wala akong balak saktan ulit ang asawa ko." Pumasok na siya sa kanyang kotse at nilisan ang lugar na iyon.

Hindi na niya nilungon o tinapunan ng kahit anong sulyap si Brix. Sa lahat ng kaibigan ng asawa ay dito siya hindi mapalagay. Marahil ay dahil na rin sa nakaraan nito.

HINIHINTAY ni Anniza ang wedding coordinator niya sa coffee shop ni Lemon o Lay. Ito ang asawa ni Prince. Napagkasunduan nila ng wedding coordinator na kinuha niya na doon magkita dahil mas malapit doon ang pupuntahan nilang restaurant na siyang kukunin nila para sa reception.

Nagbabasa ng libro si Anniza ng may umupo sa harap niya. Sa pag-aakalang ang wedding coordinator na iyon ay ibinaba niya ang hawak na libro. Na-urong ang sasabihin ni Anniza ng makilala ang babae sa harap niya ngayon. She manages to hide her shock and tried to make a poker face. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na naging alerto ni Lay na nasa counter area.

Kilala nito ang babaeng umupo sa harap niya dahil napag-usapan nila ito ng minsan.

"Hi, Anniza Jacinto." Bati nito.

"It's Anniza Jacinto-Wang, Mrs. Javier." Matapang niyang sinalubong ang mga titig nito.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Oh, my bad. Isa ka na palang Wang. Kasal ka na nga pala sa ama ng anak ko."

Ngumiti siya. "Yes. Siyam na taon na kaming kasal at may isa na rin kaming anak tulad mo."

Narinig niyang tumawa ng mahina ang babae. "Oo nga eh. Nabanggit nga sa akin ni Joshua na may anak siya sa iyo. At isa pang lalaki. Anong laban ko sa isang tulad mo na binigyan siya ng isang taga-pagmana."

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Oh! It doesn't mean anything, Anniza."

"Yes, it is. Sinasabi mo ba na kung hindi lalaki ang anak ko at kung lalaki ang anak mo ay iiwan ako ni Joshua at babalikan ka?" Hindi niya maitago ang galit dito.

"I didn't say those words, Anniza. Sayo nanggaling iyon." May paghahamon ang boses ng babae.

Napakuyom si Anniza. This woman is getting at her nerve. May ibig sabihin talaga ang sinasabi nito. May gusto itong palabasin at hindi niya iyon palalampasin.

"Iyon ang ibig sabihin mo sa mga sinabi mo. Let me remind you, Jassie. Matagal kang nawala sa buhay ni Joshua. Nagpanggap ka nang patay at pinalabas mong kasama mong nawala ang anak mo. Kaya ano pa ang babalikan mo. My Airen, won't come back to you because he already had me. Wala ka ng babalikan pa."

Tumawa ng malakas si Jassie. Tinakpan pa nito ang labi ng maka-agaw ito ng pansin sa loob ng café na iyon. Nagdikit ang mga labi niya. Gusto niyang tumayo at sampalin ito. Akala ba nito ay hindi niya alam ang sinabi nito ng niyaya nito ang asawa niyang kumain sa labas. Joshua never hides everything to her. Mula ng magsama sila ay wala na itong itinago sa kanya. Kahit maliit na detalye ay sinasabi nito. Kaya nga masaya at magaan ang pagsasama nila.

"You think, he won't come back to me. Alalahin mo din, Anniza. Ako ang unang taong minahal ni Joshua. Ako ang unang babae na iniyakan niya. Hinanap niya kami ni Jamie noon at kung hindi kami itinago ng magulang ko ay ako sana ang asawa ngayon at hindi ikaw."

Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. She wanted to calm herself but her heart is mad. Napupuno ang puso niya ng inis sa babaeng ito.

"Na dapat sana ay nangyari kung lumaban ka din. Kung hindi mo hinayaan ang magulang mo na kontrolin ang buhay mo."

Biglang nagbago ang mukha ni Jassie. Nandilim iyon at nawala ang mapag-insultong ngiti sa labi nito.

"Alam mong hinanap ka ni Joshua. Alam mong kina-usap niya ang pamilya mo para ilabas ka pero wala kang ginawa. Bugkos ay nagpakasal ka sa kay Hermand Javier. Isang Filipino-Singaporean na kabusiness partner ng magulang mo. Isang matandang lalaki na gagawin ang gusto mo. Hindi ba at kaya mo lang naman siya pinakasalan ay dahil sa pera niya at sa pagtulong niya sa negosyo ng pamilya niyo?" Inilabas na niya ang baraha na hawak.

Nanlaki ang mga mata ni Jassie dahil sa sinabi niya. Lalong nawala ang tapang sa mukha nito. Napalitan iyon ng galit at inis. Nasa mukha din ng babae na handa siya nitong saktan. Pero hindi siya natatakot. Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Nagulat ba kita? Nagulat ka ba na alam ko ang tungkol sa iyo. Gusto mo bang malaman ang isa panglihim mo na alam ko?" Nabaligtad na rin niya ang sitwasyon.

Panlilisik na mga mata ang isinagot sa kanya ni Jassie. Napatingin siya sa kamay nito. Nakahawak ito ng mahigpit sa sling bag. Namumula na rin ang mukha nito. Wla siyang paki-alam sa galit nito. Ito naman kasi ang na-una. Nanahimik na silang mag-asawa. Masaya na sila sa pagsasama nila at heto bumalik ang babaeng na dapat ay tumahimik na lang. Tutal at nakaraan na lang din naman ito ng kanyang asawa.

"Gusto mo bang lumabas ang baho mo sa media. Don't try me, Mrs. Javier. Baka malaman ng buong bansa kung paano mo niluko ang asawa mo habang nasa Singapore kayong dalawa at nagsasama. At baka masabi ko din sa media na hindi mo naman talaga anak ang anak mo ngayon. Anak siya ng namayapa mong asawa sa ibang babae. At kaya gusto mong bumalik sa buhay ng asawa ko ay dahil wala ka ng pera at nilustay mo na ang iniwang pera ng asawa mo. At walang alam ang anak mo sa pinanggagawa mo. Hindi din niya alam na niluluko mo siya at pinaniniwala sa isang masinungalingan." Pabulong ang huling dalawang salita na sinabi niya.

"How could you?" Tumayo ang babae. Malakas ang boses nito kaya muling napatingin sa kanila ang mga taong nandoon.

"Hey! Calm down, Jassie. Gusto mo bang gumawa tayo ng eksena dito at malaman ng mga tao ang totoo mong pagkatao?"

Naging malakas at mabilis ang paghinga nito. Gusto niyang tumawa ng malakas. Nanatili ang babae na nakatayo kaya naman hindi naalis ang tingin ng mga taong nandoon ang tingin dito.

"You should take a seat, Mrs. Javier."

Napatingin silang pareho sa lalaking nagsalita. Isang matangkad at gwapong lalaki ang ngayon ay nakatayo sa tabi nila. May naglalarong ngiti sa labi nito habang nakatingin kay Jassie.

"Brix Montemayor..." tawag ni Jassie sa lalaking ngayon ay hinahagod ng tingin si Jassie.

"Oh! Kilala mo pala ang best friend ko. Hindi ko na pala siya pwedeng ipakilala sa iyo."

Muling bumalik ang tingin sa kanya ni Jassie. Nanlalaki iyon. "Kaibigan mo si Brix."

"Yes! We are best friend."

Alam niya kung anong iniisip nito. Brix Montemayor is her informat. Ito ang nagbigay sa kanya ng lahat ng impormasyon patungkol dito. Isang araw ay lumapit sa kanya si Brix at sinabi ang lahat ng tungkol kay Jassie. Nabalitaan pala nito ang ginawa ng babae sa kanyang asawa. At dahil sa ma-ingat at inaalagaan siya ng kaibigan ay gumawa ito ng paraan. Hindi nga lang niya akalain na sa ganitong pagkakataon niya magagamit ang ibinigay nitong informasyon.

Namutla si Jassie. Ilang beses din itong napalunok. Nasisigurado siyang natatakot na ito dahil ang kaharap nito ay isa sa mga kinakatakutan na tao sa bansa. Sa yaman lang naman ni Brix ay wala ng magtatangkang lumaban dito.

"Seat, Mrs. Javier. Magkwentuhan pa tayo." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Brix.

Galit na tumingin ang babae kay Brix. "I don't want too." Tumalikod na ito at aalis na sana ng hawakan ni Brix ang braso nito.

"Isang beses ko lang itong sasabihin sa iyo, Jassie Javier. Don't ever tried to get back here and ruin my best friend married life. Ako ang makakalaban mo at alam mo naman kung paano ako lumaban. Walang magagawa ang kahit na sino kung sakaling gusto kong gumanti sa iyo."

Bumalatay sa mukha ni Jassie ang takot. Binawi nito ang braso na hawak ni Brix at mabilis na nilisan ang lugar. Sinundan na lang nila ito ng tingin. Pinapanalangin niya na sana ay natakot talaga ang babae. Alam niya kasing tutuhanin ni Brix ang banta nito.

Napatingin siya sa kaibigan. Madilim pa rin ang mukha nitong sinusundan ng tingin si Jassie. Bumuntonghininga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon gumanti ang isang Brix Montemayor.

💙💙💙

HanjMie