webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · Urban
Not enough ratings
53 Chs

CHAPTER FORTY-SEVEN

💙💙💙

NASA MAHABANG mesa sa conference room ng Wangzi ang buong pamilya Wang. Nandoon sila para pag-usapan ang kinakaharap na issue ng pamilya. Nang dahil sa nangyari kagabi ay kumalat sa business world ang pagkakaroon niya ng anak sa pagkabinata. Everything is a mess. Marami ang nagsasabing isa siyang pabayang ama. Hinayaan niyang ibang lalaki ang magpalaki at bumuhay sa anak niya . All the bash in social media, telling him how irresponsible father he is.

"How did this happen?" tanong ni Shan.

"Kaya nga, Kuya. I mean, alam natin na patay na si Jassie at ganoon din si Jamie. Kaya paanong buhay sila at nagsalita pa ng ganoon sa media." Shilo seems to be furious.

"This is a mess, Joshua. And we need to take action. Kung hindi ay muling mahihirapan ang Wangzi." Nagsalita na rin si Tito Shawn.

Tahimik lang ang kanyang ama. Nakatingin lang ito sa kanya. Huminga siya ng malalim.

"I'm sorry Tito, Dad. I know, I disappoint you again."

Naramdaman niyang may kumapa sa kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Tumingin siya sa katabi. Isang maluwag na ngiti ang sumilay sa labi ng kanyang asawa. May humaplos sa puso niya dahil sa ngiting iyon. Ngumiti siya sa asawa. Alam niyang nag-aalala ito para sa kanya.

"We need to do something. Ka-usapin natin ang mga Javier at tanungin kung ano ba talaga ang kailangan nila sa atin. Sigurado akong may dahilan sila kung bakit nila ginagawa ang bagay na ito."

"Do we need to set an appointment with them?"

"Appointment for what, Shan? Hindi tayo makikipag-usap sa kanila at tanungin kung ano ba talaga ang kailangan nila sa pamilya natin dahil kapag ginawa natin iyon iisipin nila na susundin natin kung anuman ang gusto nila. At saka, hindi naman kasalanan ni Joshua kung bakit hindi siya naging ama ni Jamie. Hindi ba at hinanap naman ng anak ko ang mag-ina niya. Naki-usap siya sa pamilya ni Jassie na makita ang mag-ina niya. Pinalabas pa nila na patay na ang mga ito. Hindi kasalanan ng anak ko ang nangyayari ngayon." Galit na wika ng kanyang ama.

Lahat sila ay hindi nagsalita sa sinabi nito. Ang kanina pangtahimik niyang ama ay nagsalita na rin. Ang kaninang walang emosyon nitong mga mata ay nababakasan ng galit. Namumula ang tainga nito.

"Tama ka, Zhel. Mukhang planado ng mga Javier ang nangyayari ngayon. Sigurado akong inaasahan nilang makikipag-usap tayo sa kanila para maayos ang gusot na ito. We need to think for better solution." Pagsang-ayon ni Tito Shawn.

"I will ask Patrick and Asher to investigate what happen years ago. Nasisigurado akong may isang tao na nagtago sa mag-ina ni Joshua." Kalmado ng wika ng pinsan na si Shilo.

Tumingin siya sa pinsan at nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Me and Joshua will talk to Jassie. Gawin natin ang gusto nila ng hindi naghihinala. I will do something to get a sample of Jamie hairs. Kailangan natin ipa-DNA test ang dalawa." Dagdag ng pinsan.

"Bakit di na lang natin sabihin kay Jassie na ipa-DNA test ang dalawa?"

Tumingin si Shilo sa Kuya Shan nito. "Hindi pwede, Kuya. Nasisigurado akong gagawa ng paraan ang mga Javier na maging positive ang result kung sakaling hindi talaga anak ni Joshua ang bata. Naghihinala akong hindi anak ni Joshua si Jamie."

"Paano mo nasabi iyon, Shilo?" Ate Carila who is seating next to Kuya Shan ask.

Iniikot ni Shilo ang mga mata sa loob ng conference room at ng himinto iyon sa kanya ay seryuso itong tumitig sa kanya. "Dahil ilang taon na rin ang lumipas. Kung alam ni Jamie na ikaw ang totoong ama niya bakit ngayon lang siya nagpakita at nagpakilala. Kahit isang beses sa buhay mo ay hindi siya nagtangkang magpakilala sa iyo. At hindi ba ang ama't-ina pa ni Jassie ang nakipag-usap kina Tito Zhel at Tita Jenny noon para matanggap nila si Anniza. Kung talagang anak mo si Jamie ay sasabihin ng matandang Lee ang tungkol sa bata dahil alam nilang nagdusa ka din naman noon."

Natigilan siya sa sinabi ng pinsan. Napatingin siya sa asawa. May punto si Shilo. Nakakapagtaka nga naman ang biglang paglapit ng mga Javier sa kanya. Ang mas nakapagtataka pa ay kung saan namatay ang mag-asawang Lee ay saka pa nagpakilala ang anak niya kay Jassie. Something is not right.

"Paano kung ang mag-asawang Lee ang pumigil kay Jassie at Jamie na magpakilala kay Joshua noon? At dahil wala na sila kaya naman nakapagdesisyon ang mag-ina na magpakilala at magpakita ulit kay Joshua." Kaze who is listening ask her husband.

"Maari isa iyon sa mga dahilan. Maaring ang matandang Lee ang siyang nagtago sa mag-ina pero paano sila makapagtago kay Joshua kung walang tao sa likod ng mga ito. Tandaan natin, hindi ganoon ka makapangyarihan ang mga Lee. Hindi sila makapagtago kung walang taong nagpoprotekta sa kanila. Naalala niyo ba ang ginawa ni Daddy sa mga Menises?"

Tumungo siya. Maaring tama nga si Shilo. May taong nagprotekta sa pamilya Lee para makapagtago ng ganoon si Jassie. Pero ang tanong. Sino?

"Mga Javier. Paano sila nakilala ng mga Lee. I mean, paano naging Javier si Jamie at Jassie?" tanong ni Kaze.

Lahat sila ay napatingin kay Kaze ng marinig ang tanong nito.

"Hindi ba at ang pakilala ni Jamie Jenny ay isa siyang Javier. Kung ganoon, sino ang kinilalang ama ni Jamie sa loob ng mahabang taon? At gaano sila kayaman para maitago si Jamie at Jassie sa iyo?"

"Tama si Kaze. Kailangan natin makilala ang mga Javier. Shan, talk to Patrick and Asher, alamin nila kung sino sa mga Javier ang naging asawa ni Jassie." Utos ni Tito Shawn.

Tumungo si Kuya Shan.

"I will talk to Ashley Dela Costa. Baka matulungan nila tayo pagdating sa media," sabi naman ni Kaze.

"Kaka-usapin ko din si Liam. Baka pwede niya ka-usapin ang kapatid nitong si Louis para matapos na ang paglabas ng article patungkol kay Joshua."

Napangiti siya sa sinabi ng pinsan. Handa siyang tulungan ng mga ito sa problema niya. Nagpapasalamat siya at maayos na ang relasyon nila, hindi katulad ng dati na hindi sila magkasundo at hindi nagkaka-isa.

"Thank you, Kaze at Kuya Shan."

Ngumiti sa kanya si Kaze. "I'm doing this not only for you but also for Anniza. I want you two to have a peaceful like with your son."

Dahil sa sinabi nito ay napatingin siya sa asawa. Nakatingin ito kay Kaze at may ningning ang mga mata nito. Pinisil niya ang kamay nito para makuha ang pansin. Napatingin naman sa kanya ang asawa.

"Don't worry to much, Hon. I will fix this and we will continue our wedding," aniya.

Ngumiti sa kanya ang asawa. "I trust you, Airen. Don't worry I'm not worried. At kung sakaliman na talagang anak mo siya ay tatanggapin ko. Tandaan mo, nang makilala kita noon at tinanggap sa buhay ko ay alam ko na ang tungkol kay Jamie. So, don't worry. I stay at your side no matter what."

Joshua wants to cry. Napakaswerte niya sa asawa at ina ng kanyang anak. Mula pa noon at pahanggang ngayon ay lagi na lang itong nandoon para sa kanya. Anniza accept him for who he is. Walang nagbago sa nararamdaman nito para sa kanya kahit pa nga lumipas ang mga panahon.

Inilapit niya ang sarili dito. Wala siyang paki-alam kung nasa harap nila ang mga pinsan, Tito at ama niya. He just wanted to tell her.

"I love you so much, Hon."

PABABA NA ng building si Joshua para umuwi ng may natanggap siyang tawag mula sa kanyang sekretarya at sinabing may bisita siyang naghihintay sa lobby. Wala sana siyang balak na harapin ang hindi inaasahang bisita ng sabihin nitong si Jassie iyon at kasama si Jamie. Ang pagkakataon na maka-usap ito ay dumating na rin. Humingi kasi sila ng appointment ni Shilo noong nakaraan ngunit hindi sila pinagbigyan kaya naman kahit hindi pa siya handang harapin ang mga ito ng mga sandaling iyon ay hinarap pa rin niya.

Pagkabukas ng elevator ay mabibilis na hakbang ang ginawa niya. Natagpuan niya ang mag-ina sa mahabang sofa na nakalagay sa gitna ng lobby. Himinto muna siya ng ilang hakbang para huminga ng malalim. Pinuno niya ang kanyang dibdib ng hangin. Nag-ipon siya ng lakas ng loob. At nang sa tingin niya ay sapat na ay humakbang siya at nilapitan ang mga ito.

Si Jamie ang unang nakapansin sa kanya. Kinalabit nito ang ina at sabay ang mga itong tumayo. Noong gabi ng party ay hindi niya naka-usap ang mga ito dahil mabilis silang umalis magkakaibigan. Liam, Patrick and Asher told him to leave before the reporter comes to him. Nagpapasalamat siya at nandoon ang dalawang kaibigan dahil hindi nga siya napansin ng kahit isang reporter na umalis.

"Magandang gabi, Mr. Wang." Bati sa kanya ni Jamie.

Pinakatitigan ni Joshua ang babae. Wala siyang nakikitang pagkakahawig niya dito. Mas kamukha nito si Jassie. At kung pakakatitigan ang mga ito ay parang karbon kopy ni Jassie si Jamie. Hindi siya ngumiti sa mga ito.

"Magandang gabi din. Napasugod yata kayo dito sa opisina ko?" He doesn't want to be rude but he asks for an appointment to settle everything with them but they refuse. It makes him mad to them and rise his suspension that Jamie is not his daughter.

"We want to ask you for a dinner. Pwede po ba, Mr. Wang?" Wala siyang nabakasan na inis o galit sa mukha ni Jamie.

Para bang baliwala lang dito ang ginawa niyang asal kanina. Tumikhim siya dito

"Dinner?"

"Yes. Gusto ko din naman makilala ng lubusan ang totoo kung ama. Gusto ko po kayong bigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ako. Maari po ba iyon, Mr. Wang?"

Hindi alam ni Joshua pero nanindig ang balahibo niya sa sinabi nito. May pagtutol siyang nararamdaman sa kanyang puso. This woman is very suspension. Pero kailangan niyang sakyan ang laro ng mga ito. Isa iyon sa binigay sa kanyang tip ni Patrick Hindi nila kilala ang kalaban. Hindi nila kilala ang mga Javier at kung paano gumalaw ang mga ito kaya kailangan niyang sakyan ang pinaplano ng mga ito.

"Of course. Gusto ko din naman makilala ang anak ko na itinago ng kanyang ina ng ilang taon." Tumingin siya kay Jassie.

Wala siyang nakitang emosyon mga mata nito. Hindi din nito iniwas ang mga mata, bugkos ay nakipagsukatan pa ito. Napakuyom siya. May nabuhay na galit sa puso niya. Alam niyang may karapatan na magalit si Jassie sa kanya pagkatapos ng ginawa niya dito pero nasisigurado niyang alam nito kung paano siya naki-usap sa magulang nito para lang makita ito at si Jamie. Nagpakakaba siya para dito. Ilang taon siyang nagdusa sa pag-aakalang patay na ito at ang anak nila. Matagal niyang binaon sa pagsisisi ang puso niya.

"That's good to hear." Humakbang si Jamie palapit sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya na siyang ikinagulat niya.

Bahagya pa niyang na-itulak ito pero imbis na mainis ay ngumiti lang ang babae.

"Mukhang hindi po kayo sanay na hinahawakan," anito.

"No. Nagulat lang ako. Okay lang ba na mauna na kayo sa sasakyan. Tatawagan ko lang ang asawa ko para sabihin na kakain ako kasama niyo," Sinubukan niyang maging malumamay dito.

"Oh! Okay." Tumingin ito sa ina. "Let's go, Mom. Magkita na lang po tayo sa Trace Sing Restaurant. Alam niyo naman po kung saan ang main branch nila?"

Tumungo siya bilang sagot dito. Ngumiti ito at hinila na ang ina. Kumaway pa sa kanya ang babae bago tuluyang lumabas ng main building ng Wangzi. Sinundan lang ito ng tingin ni Joshua. Nang mawala sa kanyang paningin ang mga ito ay saka lang nakahinga ng maluwag si Joshua. There's something between those two. Kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa para tawagan ang asawa.

Mabilis naman na nakasagot si Anniza sa kanya.

"Good evening, Airen. Pauwi ka na ba?" May lambing ang boses na tanong ni Anniza.

Napangiti siya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa elevator. Nasa parking lot ang kotse niya.

"Suppose to be but Jamie and Jassie went here. They ask me to have a dinner with them."

Biglang tumahimik ang sa kabilang linya. Alam niyang nagulat ang asawa sa sinabi niya. Alam din niya na hindi nito pinutol ang tawag dahil naririnig pa niya ang paghinga nito. Napasandal siya sa elevator. He doesn't want to hurt his wife but he doesn't want to lie to her.

"You going to eat dinner with them?" tanong ni Anniza pagkalipas ng ilang minuto.

"Yes." Nahihirapan niyang sagot.

Naka-ugalian na kasi nila na sabay kumain. Kaya nga kung maari ay matapos niya ang trabaho sa tamang oras para makasama lang ang asawa at anak sa oras ng pagkain. Iyon lang kasi ang sandali na makakasama niya ang dalawang importanteng tao sa buhay sa isang araw. They eat breakfast together but not every time. Late na kasi nagigising ang anak nilang si Peter Andrew kaya naman dinner ang pinaka-importanting meal nila sa loob ng isang araw.

"Okay. Alam kung kailangan mo silang ka-usapin." Anniza who always tried to understand him said.

"I'm sorry."

"Don't be. I understand. At siguradong na-iintindihan ka din ni Peter."

"I know... pero gusto ko pa rin humingi ng pa-umanhin. Ito ang unang pagkakataon na hindi ko kayo makakasama sa pagkain."

"Airen..."

"Alam kong hindi okay sa iyo ito, Hon. Kaya naman pasensya na kung nadadamay kayo ni Andrew sa nangyayari. Kung maa---"

"We are your family and you are my husband, Airen. Of course, damay talaga kami dahil parte kami ng buhay mo. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na namin na iintindihan ang sitwasyon mo. Hon, tandaan mo, may sinumpaan akong pangako sa iyo at wala akong balak baliin iyon. Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita, Airen. Mas higit pa dito ang pinagdaanan natin noon. Malalampasan din natin ito."

Anniza words touch his heart. She always finds a reason to fight and believe at him. Kaya nga sinusuklian niya iyon ng pagmamahal at pagiging mabuting asawa dito. Anniza deserve everything in this world. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng mga luha nito. Sa ilang taon nilang pagsasama ay iniiwasan niyang umiyak o masaktan ang asawa.

"After dinner I will go home. Makuha ko lang talaga ang kailangan namin ni Shilo para sa DNA test ay uuwi agad ako. I want to see you, right now."

It is true that he wanted to see her. Sa mga nangyayari ngayon, yakap lang ng asawa ang kailangan niya para maging okay ang lahat. Anniza tight embrace always erase his worries. Ito lang ay sapat na para makumpleto ang araw niya.

"Okay. Just be careful."

Pagkatapos nilang mag-usap mag-asawa ay tinawagan niya agad ang kaibigan.

"Need anything?" bungad ni Patrick sa kanya.

"Can you help me?" tanong niya sa kaibigan. Nasa sasakyan na siya at nagmamaneho.

"Help for what?"

"I'm having dinner with Jamie at Jassie. I need your help to get a sample for DNA test. I can't do it alone." Sagot niya dito.

"What?" biglang naging alerto si Patrick.

"Yes. Pinuntahan nila ako ngayon sa Wangzi at nagyaya ng dinner. I didn't say no. Sa tingin ko kasi ay ito ang pagkakataon para makakuha ng sample. Alam mo naman na hindi nila pinagbigyan ang pa-anyaya ko noong nakaraan."

Ilang sandaling hindi nagsalita si Patrick.

"Patrick, can you help me?"

"Of course." Narinig niya ang mga yapag ng kaibigan. Mukhang may ginagawa ito at itinigil lang dahil sa tawag niya. "Just text me the address and I will ask my agent to do something. I will text you the plan once I talk to him."

"Thank you so much." Nakahinga siya ng maluwag. Maasahan nga talaga niya ang mga ito.

"No worries."

Napangiti siya sa sinabi nito. Pagkatapos magpaalam kay Patrick ay tinawagan niya naman ang pinsan na si Shilo. Kailangan niya ng isang tao na titingin sa kanya mamaya. Wala siyang tiwala kay Jassie. Her motive is very suspension. Sino ba kasing ex ang muling magbabalik kasama ang anak pagkatapos ng ilang taon na hindi pagpapakita? Hindi lang iyon, sa lumipas na ilang taon, hindi ito nagparamdam. Kung sakali man na pinipigilan ito ng mga magulang, hindi ba dapat ay kahit isang beses ay nagparamdaman ito. Maraming paraan kung nanaisin talaga nito.

"Shilo..." tawag niya sa pinsan.

"Hey! Napatawag ka?" narinig niya ang malakas na busina sa kabilang linya. Mukhang nasa labas na rin ito.

"I need your help. Pwede ka bang sumunod sa akin sa Trace Sing?"

"Bakit? Anong gagawin mo doon?" Nakikita na niya ang pagtaas ng kilay nito.

"I'm having dinner with Jassie and Jamie."

"What? Paanong nangyari?" Kagaya ni Patrick ay naging alerto din si Shilo.

"They come to my office and ask me to join them for a dinner."

"Ow! Mukhang may pinaplano nga ang mga ito. Tinanggihan nila ang appointment natin pero niyaya ka nilang magdinner kasama sila. That's very suspicion move."

Kagaya niya ay naghihinala din pala ito. May motibo ang mga ito.

"I think so. Biglaan ang ginawa nilang pagyaya."

"Sila ba ang pumili ng lugar?"

"Yes. Si Jamie ang nagsabi ng lugar at sinabihan ko na agad si Patrick na magpapunta ng tauhan niya para makakuha ng sample. Kaya lang naman ako pumayag ay para makakuha tayo ng sample at ng malaman natin ang totoong pagkatao ni Jamie."

"Huh! Okay. Pero mag-ingat ka pa rin. Kahit may tauhan na papapuntahin doon si Patrick ay kailangan mo pa rin ingatan ang mga galaw mo. Wala akong tiwala sa mag-inang iyon. Simula ng magpadala sila ng invitation ay may kakaiba na sa kanila. I will go there but make sure that you will calculate your moves. Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos sa mga galaw mo lalo at nasa isang public place kayo." Paalala sa kanya ng pinsan.

"I know."

Alam niyang kailangan niyang ingatan ang mga galaw niya. Naayos na nila ang issue at napatigil na rin ang mga media sa paglabas ng article patungkol sa kanya. Nagawan ng paraan ni Kaze at Kuya Shan. Mabuti na lang talaga at kilala din ni Kuya Shan ang mga Cortez. Maraming kakilala ang mga ito pagdating sa media dahil na rin kay Timothy Saavadra at Ashley Dela Costa.

Halos sabay sa pagtapos ng tawag niya sa pinsan ang pagdating niya sa restaurant. Hinintay niya muna ang mensahe ni Patrick bago pumasok sa loob. Mabilis na nakapasok ang tauhan nito sa restaurant na iyon, ayon na rin dito. At ang sabi ng pinsan niya ay malapit na rin ito sa lugar. Asher also text him and told him that he is on standby if something bad happen.

Nakita niya ang mag-ina sa gitnang bahagi ng restaurant. Maraming tao ang lugar na iyon dahil isa iyon sa sikat na restaurant sa bansa na pagmamay-ari ni Trace Mike Mehattan. Isa sa mga brother-in-law ni Grey Thec. Lumapit siya sa mag-ina at umupo paharap kay Jassie. Nasa kaliwang bahagi niya si Jamie na nakangiti sa kanya.

Gusto man iikot ni Joshua ang paningin sa paligid ay hindi niya magawa dahil baka mapansin siya ng dalawang babae na kasama. Masama ang kutob niya sa lugar na iyon. Masyadong open ang lugar at maraming tao na nakakakita kapag gumawa ng eksena ang dalawa.

💙💙💙

HanjMie