webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · สมัยใหม่
Not enough ratings
165 Chs

Hindi Mo Pwedeng Galitin Ang Sinuman Sa Mga Gu

Sinabi naman ni Gu Jingyu, "Medyo naguguluhan ako sa ilang bagay, so pwede mo ba akong tulungan?"

Napakurap naman si Lin Che nang wala sa sarili. "Ang totoo niyan, ang pinagtuunan ko lang ng pansin ay ang aking mga eksena. Senior, kung may mga gusto ka mang itanong, sasabihin ko sa producer para tulungan ka. Hindi naman maganda kung masisira ko ang meaning ng bawat eksena."

"..."

Nang mapansin niyang hindi pa rin sumasagot si Gu Jingyu, tinanong niya ulit ito. "May mali ba akong nasabi?"

Isa pa, ito ang unang beses na gaganap si Lin Che ng isang mahalagang role. Siya rin ay nag-aalala sa ilang bahagi ng script na hindi niya maintindihan. Kaya, labis talaga ang kanyang pag-iingat habang nakikipag-usap sa isang "senior".

Natawa naman si Gu Jingyu nang makita ang nag-aalala niyang mukha. "No, gusto ko lang... pasalamatan ka sa pagiging thoughtful mo. Pero hindi mo na kailangang abalahin pa ang producer. Ako nalang ang tatawag ng taong makakatulong sa'kin."

Sumagot lang si Lin Che ng "oh" bago bumalik sa kanyang upuan.

Nang mapansin niyang nakatingin pa rin sa kanya si Gu Jingyu, iniangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ito. "May iba ka pa bang kailangan, Senior?"

"No." Tumawa si Gu Jingyu. "Ngayon lang ako nakakita ng baguhan na napakasipag katulad mo."

Nang marinig ito ni Lin Che, tiningnan niya ito at nagpasalamat. "Salamat sa iyong papuri. Natututo lang ako mula sa'yo."

"..."

Nagpatuloy si Gu Jingyu, "Siguro nakuha mo ang role na 'yan dahil sa talento mo sa pag-arte. Sa tingin ko, magiging okay ka naman."

Oo, kung hindi dahil sa kanyang talento, malamang matagal na siyang wala sa industriyang ito dahil sa kakulangan niya ng talino at maturity. Hanggang sa oras na iyon, hindi niya pa rin makuha ang ibig sabihin ni Gu Jingyu na binibigyan siya nito ng pagkakataong mapalapit dito. Nagpapahiwatig lang ito na hindi akma sa kanya ang ilarawan bilang isang matalinong babae.

Nang marinig niya ito, sobrang na-touched si Lin Che. "Talaga? Salamat sa iyong pag-encourage sa'kin, Senior. Ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya."

"..." Talagang ang talento nga nito ang nakapagbigay ng role sa kanya.

Sa di-kalayuan ay hindi makapaniwala ang director habang pinagmamasdan si Gu Jingyu at Lin Che na magkatabing nakaupo. Labis ang kanyang pagtataka na napatanong, "Anong meron kay Jingyu ngayon? Hindi naman siya mahilig makipag-usap sa kani-kanino ah."

Mahina naman ang boses na sumagot ang manager, "Hindi rin ako sigurado. May nakareserve na siyang kwarto sa loob, pero bigla nalang siyang tumakbo papunta doon at umupo. Teka, baguhan lang ba ang babaeng kausap niya ngayon? Hindi ko pa siya nakita dati."

"Oo, gumawa kami ng exception at ibinigay sa kanya ang role. Hindi naman masama ang hitsura niya; bagay na bagay sa kanya ang role na'to."

Habang nagdiriwang ng kanilang opening party, maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa dalawa. Ang sikat na si Gu Jingyu ay kilala sa pagiging malamig at walang pakialam sa ibang tao. Pero ngayon, hindi nila inaasahan na nakikipag-usap ito sa isang artista.

At ang taong ito ay isa lamang baguhan.

Ang lahat ay naging curious bigla sa baguhang ito.

"Hindi naman siya gaanong masama."

"Sa pagkakaalam ko, gumawa daw sila ng exception para sa kanya."

"Maganda naman siya; maganda ang impresyon ko sa kanya."

Nang marinig ito ni Lin Li, tiningnan niya nang malamig ang mga tao na nasa kanyang likuran. Agad namang tumigil ang mga ito sa pagsasalita.

Alam ng lahat sa industriyang ito na may masamang pag-uugali si Lin Li. Natakot sila na baka gumawa ito ng gulo ngayon.

Kahit ayaw naman talaga nila kay Lin Li, makapangyarihan naman ang pamilya nito kaya walang sumusubok na kalabanin ito.

Kaya kahit nakaupo man sa gitna si Lin Li, walang may pumansin sa kanya.

Galit na galit na tumingin si Lin Li sa kinaroroonan ni Lin Che. Ano bang mayroon sa babaeng iyon? Ano bang relasyon nito sa isang sikat na artistang tulad ni Gu Jingyu?

Imposible. Paanong magkakaroon ng koneksiyon kay Gu Jingyu ang katulad ni Lin Che? Sigurado siyang may ibang nangyari kung bakit napilitan ang dalawang ito na magtabi sa pag-upo.

Pero, ang karaniwang malamig na Gu Jingyu ay parang nag-eenjoy habang kinakausap si Lin Che. Dahil dito, nainggit si Lin Li. Mas lalo lang siyang nainis nang makita niyang nakatuon ang atensiyon ng lahat kay Lin Che dahil kay Gu Jingyu.

Sinasadya lang ito ng Lin Che'ng 'yon. Malamang nakipagsundo ito sa grupo ni Gu Jingyu. Sigurado siyang may masamang binabalak ang babaeng ito!

Nagpatuloy lang ang kanilang opening party.

Nang mapadaan si Lin Che sa may pasilyo papuntang washroom, nakita niya si Lin Li.

"Lin Che." Tiningnan nito si Lin Che mula ulo hanggang paa, at napansing nag-iba na ito na para bang mayroon itong itinatago. Parang lalo itong naging mature tingnan. Pero ano pa man, hindi na ito mukhang bata; sa halip ay dalagang-dalaga na ito tingnan.

Suminghal ito sa kanya. "Inuutusan kitang lisanin ang production team na ito."

Malamig naman siyang tiningnan ni Lin Che, "Bakit naman ako aalis? Kung hindi ka komportable, makakaalis ka na."

"Sige, magmatigas ka lang, Lin Che. Alam mo ba kung ano ang pinaka-nagustuhan sa akin ni Qin Qing? Alam mo ba kung bakit hinding-hindi siya magkakagusto sa'yo? Nahuhumaling siya sa ganda ko. Hindi ka niya magugustuhan dahil tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin. Kung wala kang pera para magpa-plastic surgery, pwede kitang pahiramin. Pero nagkakamali ka diyan sa ginagawa mong pang-aakit sa kahit kanino gayung hindi ka naman kagandahan."

Nagtagpo ang mga kilay ni Lin Che. "Ano bang ibig mong sabihin, Lin Li?"

Ngumisi naman si Lin Li. "Wag kang magpanggap. Nakita ng lahat ng tao kanina ang ginagawa mong pang-aakit kay Gu Jingyu. Gagawa ka pa ba ng ibang dahilan? Huh, tingnan mo nga 'yang sarili mo. Ang kapal naman ng mukha ng isang katulad mo para akitin si Gu Jingyu! Alam mo ba kung sino siya? Sa tingin mo, magugustuhan ka ng isang katulad ni Gu Jingyu?"

"Diretsahin mo nga ako, Lin Li. Wag mong sisihin ang ibang tao dahil lang wala kang ibang magawa." Napataas nang bahagya ang boses ni Lin Che pagkatapos marinig ang sinabi ni Lin Li.

"Anong nangyayari dito?" Sa oras na iyon, may biglang nagsalita sa kanilang likuran. Nang lingunin niya ito, nakita ni Lin Che na nandito rin si Qin Qing.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lin Che. Nang makita niya si Qin Qing, biglang nawala ang kanyang lakas ng loob na kalabanin si Lin Li. Hindi niya maiwasang malungkot. Habang tinitingnan niya si Qin Qing, biglang nanlambot ang kanyang katawan.

Ngunit, mabilis naman itong nilapitan ni Lin Li.

"Pinapaalalahanan ko lang siya na hindi maging kampante sa industriyang ito. Kanina lang ay nakita siya ng buong production team na inaakit si Gu Jingyu. Masisira ang kanyang reputasyon. Pero, hindi lang sa ayaw niyang makinig sa akin, sinigawan niya pa ako. G-gusto ko lang namang bigyan siya ng payo dahil kapatid ko siya."

Hindi makapaniwala na tumingin si Qin Qing kay Lin Che. "Gu JIngyu?"

Medyo nakadama ng disappointment si Lin Che. Bagama't hindi masyadong naniniwala si Qin Qing, kinukunsinte niya pa rin si Lin Li na kasalukuyang nanginginig ang mga balikat. "Lin Che... si Gu Jingyu ang ikatlong anak ng mga Gu. Hindi lang siya basta isang artista. Isa rin siya sa mga tagapagmana ng mga Gu, bagay na hindi mo siguro alam. Kailangan mo talagang lumayo sa sinuman mula sa kanilang pamilya."

Hindi alam ni Lin Che kung ano ang sasabihin.

Samantala, nasisiyahan namang sumisilip si Lin Li habang nakikita nitong nasasaktan si Lin Che. Kahit sino'y maiinis sa kayabangan ng kanyang mukha.

"Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. May gagawin pa ako, kaya maiwan ko na kayo dito." Hindi na lumingon pang umalis si Lin Che.

Pagkatapos mapatahan si Lin Li, nagmamadali namang sinundan ni Qin Qing si Lin Che.

Nakalabas na si Lin Che nang maabutan siya ni Qin Qing at hinawakan nito ang kanyang braso. Lalong nagmukhang maputla ang kanyang mukha dahil sa dilim ng gabi sa labas. Habang tinitingnan nito ang maputi at makinis na mukha ni Lin Che, ngayon niya lang napansin na sobrang puti at lambot pala ng mukha nito na parang isang itlog na binalatan; halos makita na sa ilalim ang laman nito.

Tiningnan niya sa mata si Lin Che. "Seryoso ako, Lin Che. Kahit anong mangyari, walang sinoman sa buong bansa ang nangangahas na galitin ang pamilyang Gu. Si Gu Jingyu ay ang ikatlong anak ng mga Gu. Dahil kung hindi siya ganoon kataas, bakit kaya niyang pasunurin ang lahat ng tao sa paligid niya?"