webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · สมัยใหม่
Not enough ratings
47 Chs

The Ribbon Cutting

"When the waves touch the sky? Alin doon?"

"Teka, I have a picture no'n, e. Wait lang. Hanapin ko lang."

I blew some soundless raspberries as they continue with their conversation. Manglibak na lang gani sila, naa pa sa akong atubangan.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagpipinta imbes na makisali sa pinag-uusapan nila. Alam ko namang hindi rin nila ako pakikinggan kapag pinilit kong makipasok sa usapan nila na ako naman talaga ang topic. Minsan ang eng eng lang nitong mga kaibigan ko, ng mga taong nakapaligid sa akin.

Base sa naririnig kong usapan nila, ipinakita nga ni Aki ang picture ng painting kong When The Waves Touch The Sky. I vividly painted the waves of La Union na animo'y hinahalikan nito ang langit sa sobrang taas ng kaniyang alon. I painted exactly what I saw that day, nang makita kong parang hinawakan ng dulo ng alon ang malawak na kalangitan.

Evident pa rin ang darkness ng color sa painting na iyon but it was somehow depicted and interpreted by others na isang lively and happy scenario. They can feel the amazement of that little girl in the painting who saw the wave, according to some professional painters I met in the field.

Wala naman talagang meaning ang mga ipinipinta ko. Kumbaga, trip trip lang, wala lang talagang magawa sa buhay. Hinahayaan ko lang na diktahan ako ng puso ko sa kung anong maipipinta ko. The coordination of my hands and heart is quite amazing kasi nakakagawa sila ng mga bagay na hindi ko aakalaing maabot ng talentong mayroon ako.

"Oh, my God! All along pala talaga ay tungkol sa iisang lalaki ang paintings mo?"

"Hoy, hindi ah?" agad na depensa ko sa pinagsasabi nitong si Aki.

"Okay, hindi lahat, but some of it! At ang lala mo kasi kasal na ngayon ang taong naging inspirasyon mo for years."

"Hindi nga sabi! I've already moved on. Kasalanan ko bang malikot lang ang isipan mo ngayon para i-associate sa isang tao ang lahat ng paintings ko?"

"Okay, okay, kalma. Naka-move on ka. I'll take that. But is that really sure?"

Nakipagtitigan ako ng ilang segundo kay Aki bago nagbaling ng tingin kay Nicho na tahimik lang na nakikinig sa bangayan naming dalawa.

"O-oo naman. It's pathetic to be stuck with someone who's now married with someone else. I have a life of my own to attend to."

Nakita ko ang paglingon ni Aki kay Nicho, maybe asking for confirmation to what I just said.

"Isaac Newton's first law of motion... a body at rest will remain at rest, and a body in motion will remain in motion unless it is acted upon by an external force. Ibig sabihin, kapag nasaktan ka at hinayaan mo ang sakit hanggang ngayon, you will forever remain at rest, never kang makaka-move on. Pero kapag hinayaan mong kalimutan ang lahat ng sakit, you chose to continue life as it is, you will be soon in motion on finding happiness on your own. Ang talino talaga nitong si Isaac Newton, ano?"

I winced nang marinig kung sino ang reference niya sa speech niya ngayon. Aki and her fanatic with philosophers and scientist.

"I am already in motion! Because the external force, which is my love for painting, set me in motion. I've moved on. Trust me," depensa ko.

They said they're convinced with what I said but I know they aren't because me myself isn't convinced with what I said. Move on my ass.

In the next few weeks of my stay here in my hometown, I was occupied and busy with organizing the exhibit for the upcoming fiesta. Somehow, I am thankful for that. I am thankful that I am busy to fill my mind. Para wala na akong ibang maisip. Nakakatakot maging tulala rito sa hometown ko, lahat-lahat talaga naaalala ko. Nakakarindi. Nakakapang-down ng sarili.

Pero pagdating ng gabi, doon na naman umaatake ang kalungkutan at sakit na gabi-gabi, sa loob ng limang taon, kong dala sa puso ko. I know I should've move on by now, because he is, kaso hindi ko alam kung paano, e. Ginawa ko naman ang lahat para makalimutan siya pero bakit at the end of the day, I still end up thinking of him and all that we've been through, all his sweet words, all his gestures, all the adventures and first time I experienced with him, everything. Minsan nga gusto ko na lang kumausap ng isang counselor pero I always hold back kasi there's this tiny voice in my head na nagpo-prohibit sa akin to talk to someone else, to let everything out, kasi parang alam ng tiny voice na iyon na kapag na-release ko ang lahat ng sakit, tuluyan akong mawawalan ng feelings sa kaniya at makakapag-move on. And a part of me don't want that to happen. Because that would be awful for sure.

Suwerte na kung malalasing ako before matulog, that would be the time I'll sleep without thinking of him. Pero kinabukasan, maaga akong magigising at mapapatulala na lang sa isang sulok, maiisip na naman ang mga hindi naisip kagabi.

Malaki ang naging impact niya sa buhay ko. Malaki ang naitulong niya sa pagpipintang ginawa ko because Akihira was right, he was my inspirasyon with almost everything I've done. I did it for him. To send him a message. Ginawa ko ito para maintindihan niya ako. Ginawa ko ito para makahanap ng sagot mula sa kaniya kasi after all these years, I am still questioning myself of why it all happened. Naghahanap ang puso ko ng kasagutan kung bakit bigla na lang niya akong iniwan sa ere. Kung bakit siya ang pinili imbes na ako. I questioned my existence.

It's so pathetic of me to be miserable like this kahit na ang taong rason kung bakit ako naging ganito ka-miserable ay masaya na sa nabuo niyang pamilya. It's like he really forgot about me. He forgot that I once existed in his life and that he once told me he loves me and that he will do anything for me, and he will patiently wait fo me. But in the end, I was the one who's waiting for him… to answer all my questions.

Kahit sagot lang sa mga tanong ko, Tonton.

Tears fell down as I watch the ring he once gave me. I kept it here, inside my room at Lolo and Lola's house. Luckily, wala namang nagbago sa arrangement nito so I assume no one touched it. Actually, walang nagalaw sa mga gamit ko nang una ko itong makita after years of not going home. Naka-stay pa rin naman daw dito si Krezian pero madalas na lang at palaging hindi na natutulugan ang kuwartong ito.

I rummage with my possessions na may koneksiyon sa kaniya. Iniwan ko ito at itinago rito sa cabinet ko. Gustong-gusto ng puso kong dalhin ito sa Canada nito pero mabuti't nanalo ang utak kaya naiwan ko. But I was so wrong. Mas lalo lang akong hindi makaka-move on nang makita ang mga gamit na ito.

And I saw the ring. The promise ring kung kaniyang tawagin. Ang promise niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa alam. Gustong-gusto kong malaman kung ano iyon. Pero sa tingin ko, katulad nang mga katanungan ko sa kaniya, hinding-hindi ko na rin maririnig ang pangako niyang iyon.

Sinubukan kong isukat ang singsing. And tears rolled again when it still fits me. Para akong bugok na gaga ngayon, umiiyak habang natatawang nakatingin sa singsing na saktong-sakto pa rin sa kaliwang palasingsingan ko.

I massaged softly the ring in my finger as I remember his son. Ang guwapo ng anak niya. I can't see the resemblance pero paniguradong hati kung saan hawig ang bata. After all, that kid bear their both genes.

Dati, napag-usapan din namin ang tungkol sa anak. Kung magkaka-anak daw kaming dalawa, kanino raw magmamana. We even fought about it kasi gusto ko sa akin magmana ang mukha ng bata pero deep inside me, I want my children to look like him. Ang guwapo kaya niya, samantalang ako, para na akong patapon. Ano na lang kaya ang kahihinatnan ng mga anak namin kapag nagkataon.

I fixed myself when I heard Mama knocked on my door then a soft voice saying na nasa labas daw si Ada. Napatingin pa ako sa dresser ng kuwarto to check if namamaga ba ang mata ko sa pag-iyak na ginawa ko kanina.

Nang makitang okay naman pala at hindi naman masiyadong halata ang mata, iniwan ko ang mga gamit na binuksan ko at lumabas na ng kuwarto para salubungin itong hindi inaasahang bisita na halos araw-araw ding nandito sa amin simula no'ng makauwi ako ng Escalante.

Kung mahahalata man niyang namumugto ang mata ko, sasabihin ko na lang na bagong gising ako. Easy.

"O? Ano na naman?" agad na salubong ko sa kaniya kahit na nasa hagdanan pa. "Hey, Calynn! You're here!" pero agad ding nawala ang atensiyon ko sa ina dahil mas gusto kong pansinin ang anak niya.

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at agad sinalubong si Calynn. Agad din namang yumakap ang bata nang mag-initiate ako ng yakap. She even bless me using my hand. Awe, this girl is so cute talaga!

Pero panandalian lang ang pagpansin niya sa akin dahil na-distract siya agad ni Mama. Agad kinuha kasi katulad ko, nanabik na rin sa batang iyon.

I just pouted when Mama snatched her away. I even followed my eyes until they're gone.

"Anong sadya mo? Bakit ka na naman nandito?"

"Alam mo, limang taon kang nawala rito, tapos ganito pa rin ugali mo? Ang inggrata mo pa rin hanggang ngayon?"

Ngumisi ako sa kaniya at mayabang siyang pinag-flip ng buhok. Umirap siya sa ginawa ko pero agad din namang tumugon nang i-senyas ko sa kaniya ang sofa.

"Tita Carmy obviously wants an apo na. Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin siya nabibigyan?"

"Hindi ko nga mabuhay ang sarili ko, ang magkaroon pa kaya ng anak?" pabalang na sagot ko sa kaniya. Inatupag na rin ang merienda'ng nauna na pa lang naihain nina Mama.

"O, e, bakit ako? Hindi ko naman noon mabuhay ang sarili ko, pero no'ng magkaroon ako ng anak, kaya ko pala?"

"Malandi ka kasi."

"Wow, salamat ha?"

Ngumisi ako sa kaniya at nag-finger heart na lang as I swallow the entire puto I got from the merienda.

"Ang sama pa rin ng ugali mo hanggang ngayon."

"Pareho lang naman tayo," sagot ko nang malunok ang kinakain. "Hindi ka ba busy para sa preparation ng reunion?"

Agad din namang nagkuwento si Ada sa preparation and improvements para sa nalalapit na tenth year ng high school batch namin. She fill me the gap. She informed me with everything. Of course, I listened.

Yosef was actually our alumni president. But Ada took over the responsibility of organizing the entire reunion, of course with some helping hands from our batchmates, kasi bukod sa siya ang nandito, gustong-gusto niya raw talaga ang mag-organize. Edi siya na organizer.

"Speaking of Yosef, hindi ba talaga sila uuwi ni Tonette for the alumni homecoming? Kasali rin naman ang batch nina Tonette 'di ba?"

Ada massage the bridge of her nose as she lay comfortably at the back rest of the sofa.

"Tonette's pregnant and they can't take the risk of travelling just to be home here. Si Yosef naman, nag-iinarte, ayaw umuwi. Ikaw nga kumausap sa kaibigan mong iyon."

"'Wag na. Baka sundin na naman kung anong sabihin ko."

"Wushu! As if naman makikinig na iyon sa 'yo. For your information, hindi na ikaw ang gusto no'n. Patay na patay na 'yon kay Isa."

Hindi ko alam kung masasaktan ako o matatawa sa sinabi ni Ada. Talagang ipinamukha sa akin na hindi na talaga ako gusto ni Yosef. Alam ko na naman iyon and I am so happy with my friend for what happened with his life now.

"Sana all, e, 'no?"

"Alam mo, ang tanda-tanda mo na, nagsasana-all ka pa rin. Instead of saying sana all, why don't you make it happen in real life? Achieve the sana all that you've been aiming for? Pa-forward ang buhay natin, Zetty, hindi paurong."

Ipinatong ko ang dalawang tuhod ko sa kinauupuan kong sofa at marahan itong niyakap. Ipinatong ko na rin ang baba ko sa ibabaw ng tuhod ko at saka nilingon si Ada.

"Ayaw mo ng sana all? O, edi sana lahat."

I can see disappoinment and frustration cross her face. I pursed my lips and prohibit myself from smiling widely. I just want Ada to have her own breather. Alam kong hindi rin naging madali kay Ada ang mga nakaraang taon. Alam ko, kasi sinasabi naman sa akin ni Nicho ang tungkol sa buhay ng mga kaibigan namin. Gusto ko mang damayan si Ada no'ng mga panahong lugmok din siya, alam kong pareho lang kaming malulugmok na dalawa.

"Zetty! Alam mo namang ang gusto ko sa 'yo ay ang maging masaya lang sa buhay 'di ba?"

"O, e, masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Nagagawa ko pa nga 'yong mga gusto kong gawin noon pa, e, 'di ba? 'Yong mga activities na bawal pa sa edad natin noon? I am happy, Adaline."

"Talaga? O, e, bakit namamaga 'yang mata mo? Umiyak ka na naman nang dahil sa kaniya?"

Umiwas ng tingin. Nagpatay-malisya. Matinding paglunok. Lahat na lang na stance ng umiiwas sa isang tanong na totoo ay nagawa ko nang marinig ang sinabi ni Adaline. She's questioning me but I know deep inside that that question is a statement. That she was sure that I did cry over that guy.

Totoo nga yata ang sinabi ni Nicho… alam nga yata ng barkada ang tungkol sa amin ni Tonton noon.

"K-kanino naman? Wala, ah. Kagigising ko lang kaya maga 'yang mata ko," patay-malisyang sagot ko.

Ibabaon na lang sa limot ang lahat. Masaya na ang kabilang panig, mahirap nang mapag-usapan pa kung ano ang dapat ay nasa nakaraan na.

"Zetty, ilang taon tayo nang maging magkaibigan tayo?"

Bumalik ang tingin ko sa kaniya dahil sapilitan niya akong pinalingon sa kaniya. Sinubukan kong tumingin sa mga mata niya pero napapaiwas talaga ako.

"T-twelve?"

"Ilang taon na tayo ngayon?"

"Turning twenty-nine?"

"Seventeen years na tayong magkaibigan, Zettiana, ngayon ka pa talaga magsisinungaling?" padarag niyang binitiwan ang pagkakahawak sa panga ko. "Alam ko ang pinagkaiba ng bagong gising at bagong iyak. Ina na ako ngayon, Zettiana."

I pouted and hugged more my folded legs. Nag-surrender na rin sa rational thinking nitong kaibigan kong naging mature na kasi nga ina na. "Wala 'to. Cried over petty things lang."

"Petty things like not yet over with Newton Isaac?"

I pursed my lips and did not dare to speak at all. Ayokong mag-confirm pero gusto kong mag-deny, kaso ayaw bumuka ng bibig ko, mas lalo lang itong naging tikom.

"Wala 'to, Ada. 'Wag mo na nga lang akong alalahanin? Ano nga palang sadya mo rito?"

Matagal akong tinitigan ni Ada bago siya ngumiti sa akin at ibahin na rin ang topic namin. She's here to personally deliver our batch's alumni t-shirt. The mood was then shifted to something else. And I don't know if it's Ada's mother instinct that drive it away from the melancholic mood.

After a few hours, agad din namang nagpaalam si Ada at Calynn. Namamahay daw kasi ang nap time ng anak niya kaya agad silang umuwi. Gusto ko pa sanang sumama sa kanila pero may kailangan pa pala akong asikasuhin para sa start ng exhibit bukas.

Balik kita sa atong yutang natawhan: ang yutang bulahan! 'Yan ang theme at slogan ng fiesta ng city namin sa taong ito. Lahat ng mga taong naging relevant sa different fields at siyang nagbigay ng pangalan sa ciudad namin para makilala ng mundo ay nandito ngayon sa fiesta'ng ito at umuwi para maramdaman ulit ang festivity na once din naming naramdaman noong dito pa kami nakatira.

Some of the relevant people na nakasama ko ngayon sa ribbon cutting ng exhibit, solely dedicated to the fruitful and chaotic past of our beloved city, are James Yap, Auwi Mirasol, Mikan Osmeña, Teagan Osmeña, Chain Osmeña, yep, basically the Osmeñas, Siggy Lizares, Darry Lizares, and Tonton Lizares, and yep, Lizares too. Sandi Hinolan is supposed to be here, but bukas pa raw ang dating niya kaya hindi na muna nakisali sa ribbon cutting event namin.

I am shaking nervously inside but good thing I was able to compose myself for the mean time. Dahil sobrang preoccupied ko sa paintings ko, hindi ko na inalam kung sino-sino ang makakasama namin ngayon. Saka lang ako kinabahan ng bongga nang bigla ko siyang makita kasama ang mga kapatid niya.

I was too focused on him these past few weeks, maybe months, pero hindi man lang na sink-in sa utak ko na bukod sa paintings ko, naka-display din pala ang mga litratong kuha niya. Saka ko lang nalaman nang makita ko rin ang pagdating kanina.

Nasa labas kami ng city hall ngayon, 'yong malapit sa flagpole kasi ang lobby ng mismong city hall ang ginawang venue for the exhibit. Kaka-start lang ng program pero ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa kaba. Nakaupo naman ako ngayon pero feeling ko niyayanig ang buong mundo ko.

Sino ba naman kasi ang hindi yayanig ang mundo? Kung katabi mo 'yong taong nagpapayanig nito?

Diretso lang ang tingin ko at napapangiti na rin sa iilang taong nag-witness ng ribbon cutting na ito. Pero nagsiliparan na ang brain cells ko sa utak ngayon. Nawalan na ng tino.

"You're shaking… are you okay?"

Nangatal lalo ang labi ko nang marinig na ang boses niya sa kabila ng ingay ng speaker at ng lahat sa paligid ko. Mariin kong hinawakan ang isang kamay ko to stop it from shaking. Hindi agad nakasagot sa sinabi niya.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ako nakalingon sa kaniya.

My mouth parted, was about to say a word, but no words came out. I am literally shaking. Shit!

Sinalubong niya ang tingin ko. Naghihintay siguro ng sagot.

"I… ehem, I… am fine. I'm fine." Damn it, Zettiana! You're so obvious!

"Okay…"

He looked away and wave to someone na umagaw yata ng atensiyon niya.

Para akong natakasan ng bait nang malamang nandito siya, hindi ko na maramdaman ang brain cells ko nang biglang naging magkatabi kami sa seating arrangement, buang na buang na ako nang bigla niya akong kausapin, tapos okay lang at saka umiwas pa ng tingin?

Fuck, Newton Isaac! Do you have any idea what you're doing to me right now? I am uncontrollably shaking because of nervousness tapos 'yan lang talaga?

"Zetty! Grabe, ang tagal nating hindi nagkita! Ang ganda ng paintings mo of our city. You depicted well the Kinumo "

Kung hindi lang ako pinansin at kinausap nitong kapatid niyang nasa right side ko, baka habang buhay akong mapapatitig kay Tontoj. Ibinigay ko na lang ang atensiyon ko kay Siggy at kinausap siya. Kahit papaano ay na-distract din naman ako.

Bumalik lang ang panginginig ko nang biglang ipatawag na kami para sa actual ribbon cutting. Si Mayor Sally Montero ang may hawak ng gunting at nasa gitna namin siya. Ako ang nasa left side ni Mayor, samantalang nasa right side naman si Tonton. Pareho naming hawak ang well-arranged na ribbon. May photo op pang nangyari bago tuluyang pinutol ni Mayor ang ribbon. Nang matapos ay agad na itinaas ni Mayor ang ribbon na hawak pa rin naming tatlo. Another set of pictures then the program ended.

Art enthusiasts, city hall employees, relevant people, relatives, friends, and simple escalantehanons flock to roam around the free exhibit. Agad din naman kaming pinapunta sa second floor ng city hall para raw sa catering. Pero bago raw kami kumain, Mayor Montero wants to talk to us on his office and I would like to melt immediately when it's just me and Tonton he wants to talk to.

Nagpa-picture pa ulit si Mayor bago niya pinalabas ang iilang staff niya that leaves us three in his semi-huge office.

Mayor motioned us to sit on his visitor's chair in front of his table. Siya naman ay nakaupo na sa swivel chair niya. Ngumiti ako kay Mayor kahit para na akong nilalamig dahil sa malapit na presensiya ni Tonton. Takte naman kasi, Mayor, gutom na gutom na ako.

Mayor cleared his throat dramatically. Oo, kitang-kita talaga sa mukha niya ang pagiging OA niya sa pagtikhim lang. I don't want to disrespect this man because he's an honorable man but… what is he doing? What exactly is he doing?

"A crucial matter has come to my good office in connection with you two…"

"P-po?" agad na tanong ko. "M-may kasalanan po ba ako, Mayor?"

Takte, may nilabag ba akong batas dito? Medyo tanga pa naman ako't minsang nakakalimutan ang mga kilos ko.

He remained stiff, serious rather. "Bilang ama ng ciudad na ito, mahigpit kong ipinagbabawal na may samaan ng loob ang mga taong nasasakupan ko. Ang gusto ko sa ciudad na ito ay maging matiwasay ang pamumuhay ng bawat escalantehanon."

He stood up, chin-up, and smile. "Ayokong malaman na may nasasakupan akong hindi nagkakaintindihan. Kaya kailangan n'yong mag-usap na dalawa. Don't worry, I'll send your lunch here."

"What the heck?! Mayor!"

"Thanks, Ninong!"

"Ikaw pa, Newton, malakas ka sa akin."

What the heck is going on?!

Biglang lumabas si Mayor at ako naman ay hindi pa mahanap ang tino sa mga sinabi niya. Naiwan nga kaming dalawa sa loob ng Mayor's office.

Gusto kong sundan si Mayor sa paglabas na ginawa niya pero hindi ko magawang i-angat ang puwetan ko para makatayo at maglakad.

What just happened?

Sunod-sunod na paghinga ang nagawa ko, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, narinig, at kung ano-ano pa.

Teka lang!

Naghihintay akong muling bumukas ang pintuan ng opisina pero hindi na talaga ulit nagbukas pa. Napabuntonghininga na lang ako at tuluyan nang nawalan ng pag-asa.

Narinig ko ang singhap niya kaya dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Nasa parehong posisyon pa rin kami. Magkaharapan sa visitor's chair ni Mayor. Titig na titig siya sa akin na para bang nasa akin ang sagot sa world hunger. Takte, ano 'yang pinag-iisip mo, Zettiana? Tuluyan ka na bang natakasan ng bait?

"A-ano 'to?" lakas-loob na tanong ko sa kabila ng kumakabog kong damdamin.

Inilagay niya ang hintuturo niya sa tapat ng labi niya as if silencing me from something tapos nalipat ang tingin niya sa direksiyon ng pinto. Kasabay din no'n ang pagbukas nito.

Napalingon din ako roon nang marinig ang ingay.

"Hindi ko sukat akalain na kasali sa job description ko bilang konsehal ng ciudad na ito ang maghatid ng lunch sa kapatid kong hoodlum at sa kaibigan ko. Hi, Zetty! Long time, no see!"

"Hi, Zetty! I'm so happy nakita ulit kita! I wish we could bond together anytime soon. Here's your lunch nga pala."

What the heck?! Napaawang ang labi ko dahil literal na wala na talaga akong masabi. Basta ang alam ko lang ay biglang pumasok si Einny at ang asawa niyang si Kiara na parehong may dalang pinggan na punong-puno ng pagkain. Inilapag nila ito sa long table na nasa tapat lang din ng office table ni Mayor. Sa sobrang gulat, hindi ko na nga nagawang bumati sa mag-asawa hanggang sa nakalabas na sila ng opisina at kaming dalawa na lang ni Tonton ang naiwan.

"Kain?" kalmadong tanong niya pa na sinabayan niya pa ng pagtayo.

Naguguluhan na ako sa nangyayari ngayon. Bakit niya ba ginagawa ito? Hindi ba siya natatakot na baka magalit ang asawa at pamilya niya sa ginagawa niyang ito? Oo, alam ng lahat na magkaibigan nga kami but anong alam nila na may kailangan kaming pag-usapan? Kung gusto ko siyang kausapin, nasa sa akin na iyon kung kailan ako handa. Hindi pa ako handa ngayon! I am still shaking from all of this! Hindi ko pa mahanap ang bait ko.

Tumayo na rin ako pero hindi para saluhan siya sa lunch na ito. I pinch my knuckles just to calm my nervous system. Takte, niniyerbyosin ako nito ng wala sa oras, e.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Aalis na ako," mariing sabi ko at nagmartsa na papunta sa pinto.

"Just at least eat your lunch before leaving."

Napahinto ako sa tapat ng pinto nang magsalita siya.

"May handaan sa pupuntahan ko."

I was about to grab the doorknob when he open his mouth and talk again. But this time… the gigantic mass times with a heavy speed acceleration that resulted to million force dawned on me. That is the second law of motion.

"Therese and I are annulled."

~