webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Alumni Homecoming

"Our annulment was granted a month ago."

"Anong pakialam ko?"

"I just thought you want to know."

"Para ano pa? Para saan pa?" lumingon ako sa kaniya sa huling pagkakataon at lakas-loob na binuksan na nang tuluyan ang doorknob.

Luckily, the open space here in the second floor is now currently jampacked with people kaya wala masiyadong nakapansin sa dire-diretsong lakad ko. Except na lang sa iilang staff ni Mayor. Sinabi ko na lang na kailangan kong umalis para um-attend sa reunion ng batch namin na saktong ngayong araw din.

"Zetty!"

Pero bago pa man ako tuluyang makapunta kung saan naka-park ang kotseng gamit ko, napigilan na ako ng isang tawag ng pangalan ko. Mahigpit kong hinawakan ang susi ng kotse at lumingon sa kaniya nang nakangiti na.

"K-kiara…"

She also smile at me pero hindi ito nakaabot sa kaniyang mata. She was known for that smile of her, 'yong palaging umaabot sa mata. 'Yon 'yong mga tipo ni Einny, e, kaya siguro siya ang pinakasalan.

"Have you two talked?"

"Wala na kaming kailangang pag-usapan, Kiara. I'm sorry, but I really need to go. My batchmates are expecting me."

Muli akong ngumiti sa kaniya at tuluyan na siyang tinalikuran. Pumasok ako sa kotse at na-pressure agad na paandarin ito at humarurot nang makitang nakatingin pa rin sa kotse ko si Kiara. Mas lalo lang tumaas din ang pressure nang makita ko na si Tonton na palabas na ng entrance ng city hall.

Mabilis akong umalis, papunta sa direksiyon ng venue ng reunion namin pero bago pa man ako tuluyang makarating, lumiko na ako para pumunta sa ibang lugar.

Pero hindi ko alam kung saan ako papunta kaya nag-pull over ako sa isang tabi at ibinaon ang mukha ko sa steering wheel.

Hanggang ngayon, sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Gusto kong kumalma pero kapag naaalala ko ang nangyari kanina, muli na namang tumitibok ng mabilis ang puso kong salawahan.

Damn it, salawahan, my ass.

"Putakte ka naman kasi, Zettiana! Akala ko ba gusto mong makipag-usap sa kaniya?" sigaw ko sa sarili ko habang nakabaon pa rin ang mukha sa steering wheel.

Hanggang ang frustrations ko sa sarili ay unti-unting nailabas sa pamamagitan ng luha.

Oo, gusto kong makipag-usap sa kaniya pero hindi sa ganitong paraan! Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya.

I stayed there for a couple of minutes, until my heart's content with my calmness. Nakahinto ang kotse sa gilid ng daan, nakaupo lang ako sa driver's side, nakahawak sa steering wheel, at nakatitig lang sa gauge na nasa harapan ko. Tumigil na sa pagtulo ang luha ko at kahit papaano ay kumakalma na ako.

Muli kong binalikan ang sinabi niya kanina.

Therese and him broke up? Annulled na? Why?

Ang tanga mo, Zettiana! Kung nag-stay ka lang, edi malalaman mo kung bakit sila naghiwalay! Sobrang tanga! Sukdulan ang pagiging tanga!

Pero tanga ba ako kung iniisip ko lang ang sarili ko? Na kaya mas pinili kong umalis para isalba ang sarili ko sa kung anong sakit man ang muling matanggap ko mula sa kaniya? Tanga pa ba ako?

Humigpit ang hawak ko sa manibela nang magsimulang manggilid ang luha ko.

In these past years, he taught me how to take a risk. Risk on experiencing new adventures. Risk on tasting new adventures. Risk on being happy without thinking what other's might say. Risk on being you. I learned to risk everything I could risk because of him.

Isinandal ko ang ulo ko sa head rest at muling ipinatak ang luha na animo'y alon sa dami.

"Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito?"

Matapos ang ilang minuto, inayos ko na ang sarili ko. Napatingin ako sa labas ng kotse at saktong may maliit na sari-sari store sa malapit at bigla rin akong nagutom.

Nang dahil na naman sa kaartehan ko, mas inuna ko pa talaga ang pagwo-walk out kaysa ang kainin ang lunch. Mukhang masarap pa naman 'yong lechon na kasali sa handaan kanina. Putakte ka naman kasi talaga sa katangahan, Zettiana Aelexandrae!

Naisipan kong lumabas ng kotse at puntahan ang maliit na tindahan na iyon. Bumili lang ako ng biscuit at isang softdrinks.

Kung sana dumiretso na lang ako sa venue ng reunion, hindi sana ako magsisisi ngayon na iniwan ko ang handaan ng exhibit kanina. Takte ka talaga, Zettiana.

Umupo ako sa bench na gawa sa kawayan na nasa labas lang ng tindahan. Parang tambayan, ganoon.

"Ikaw pala ang nagda-drive ng kotseng iyan, hija. Nasiraan ka ba?"

Sumisipsip ako sa sofrtdrinks nang kausapin ako ng tindera ng tindahang binilhan ko ng makakain. Isa siyang matandang babae pero mukhang mabait naman ang mukha niya at malumanay naman ang kaniyang boses nang magtanong. Pero 'yon nga lang, ma-intriga si Nanay.

Ngumiti ako. "Ah, opo. Pero hindi po ako nasiraan, nagpahinga lang po."

"Ah, ganoon ba? Nakakapagtaka lang kasi, ang tagal mong bumaba. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo."

"Ah, hindi po."

Ngumiti sa akin si manang na parang may inaayos sa mga paninda niya. Para siyang nagdi-display ng mga paninda. Ina-arrange ba.

"Taga rito ka ba, ineng? Mukhang galing ka sa isang kasal ah?"

Paubos na ang biscuit na kinakain ko at nangalahati na ako sa softdrinks nang chikahin na naman ako ni manang tindera. Napatingin tuloy ako sa suot kong damit.

Oo nga pala, naka-dress at heels nga pala ako. Ayos na ayos pa ang mukha ko dahil sa event na pinuntahan ko na unfortunately ay iniwan ko nga'ng bigla.

"Ay, galing po ako sa event sa city hall, manang."

"Ganoon ba? Oo nga pala, ano? Ngayon na pala 'yong simula no'ng pista ng ciudad na ito. O, e, bakit nandito ka? Wala bang handaan doon?"

"Mayroon naman po. Umalis lang po ako, manang."

"Bakit naman?"

Sige na nga, I'll distract myself with chika with manang. Baka nga ma-distract ang utak ko pansamantala.

Nag-usap nga kami ni manang. Parang in-interview niya lang ako, ganoon. In-interview ko rin siya. Mukhang hindi niya rin ako kilala. Hindi rin naman ako nagpakilala. Doon ko rin napagtanto na hindi lahat ng tao sa ciudad namin ay kilala ang existence ko at ang mga nagawa ko. Hindi nila alam kung saang larangan ako kilala. Hindi nila alam kung anong mga naitulong ko sa mundo. Pero naiintindihan ko naman. Hindi lahat gusto kang makilala.

Matapos ang biscuit at softdrink na binili ko kanina, nadagdagan pa ang binili ko habang nagchi-chika kami ni manang. Dumagdag ako ng isang five hundred ML na Red Horse. Mukhang tama rin ang napansin ko kanina na kaka-grocery lang ni manang para may mailagay siya sa tindahan niya ngayon at ito nga ang pinagkakaabalahan niya habang magkausap kaming dalawa. Idini-display niya ang mga g-in-rocery niya.

Masarap namang kausap si manang. Mga random topics tungkol lang sa ciudad namin ang napag-usapan namin. At natural na madaldal na talaga siguro itong si manang. Pati nga mga buhay ng anak niya, nasabi na niya sa akin. Lahat ng sakit ng ulo na naramdaman niya sa mga anak niya, nasabi niya rin. Natatawa na nga lang ako minsan.

Nakadalawang bote na ako nang biglang may humintong kotse sa unahan lang kung saan naka-park ang kotse ko. Actually, paatras ang pag-park niya. Mukhang diretso yata ang naging drive tapos baka lumampas lang sa dapat niyang babaan kaya umatras at bumalik.

Hindi pamilyar sa akin ang kotse, kung sino ang may-ari, I mean, pero Chevrolet ang tatak nito. Nahinto nga rin kami ni manang sa pag-uusap para lang matingnan iyon. Tumungga na lang ako sa Red Horse na hawak ko at hindi na ginawang big deal ang presensiya ng kotseng iyon. Baka bibili lang sa maliit na tindahan na ito ni manang.

Sa tagal ko rito, halos patapos na rin si manang sa ginagawa niya.

Tumutungga ako no'ng Red Horse nang bumalik ang tingin ko sa may kotseng kaka-park lang nang makita ang pigura ng isang taong papunta rito.

Damn it!

Mabilis kong ibinuga ang iniinom ko nang mamukhaan ang lalaking papunta na ngayon sa puwesto ko. He's comfortably playing with his keys as he approach the battlefield. Takte. Ang lakas ng apog!

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng kamay ko. Mabuti na lang at nalunok ko na ang ibang beer na ininom ko't hindi dumiretso ang iba sa lalamunan ko. Paniguradong mabibilaukan ako kapag nagkataon.

Ano ba kasi ang ginagawa ng hoodlum na ito rito?

"Panyo?"

Nanatili ang likod ng kamay ko sa bibig ko nang iabot niya sa akin ang panyo. Masama kong tiningnan ang panyong nasa mismong harapan ko, as if matutunaw ito gamit lang ang tingin ko, at saka ko ibinaling ang masama kong tingin sa kaniyang mga mata.

"I'm fine," matigas na sabi ko at umayos na sa pagkakaupo.

Binawi rin naman niya ang panyong inabot sa akin at umatras na rin para maupo sa katapat kong bench na gawa rin sa kawayan. Mukhang napahiya sa ginawa kong pagtanggi.

"Aling Kuring, magandang hapon po."

"Sir Tonton! Magandang hapon din po. Napadaan po kayo?"

"May kailangan lang pong kausapin, Aling Kuring. Isang Red Horse nga po."

What the heck?

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi man lang niya iniwas ang tingin niya sa akin kahit obviously naman na si manang tindera ang kausap niya. Kalmado lang naman ang paraan ng tingin niya, na para bang pinag-aaralan ang buong mukha ko. Pero hindi ko alam kung bakit ramdam na ramdam ko na may intesidad ang titig niyang iyon.

Nababaliw ka na naman ba, Zetty?

Inilapit ko ang Red Horse, na kahit may laman pa, sa maliit na pintuan ng tindahan kung saan inaabot ang mga tinda niya at ang bayad. Nakalimutan ko kung anong tawag doon pero iisipin ko pa ba talaga 'yon? Sa ganitong klaseng situwasiyon?

"Maraming salamat po sa oras n'yo, manang. Aalis na po ako," nakatingin din kay Tonton na sabi ko kay manang.

Lumingon din naman ako kay manang pero nakatalikod siya sa akin, abala sa ref nila. Tumayo na ako at bahagyang inayos ang sarili.

"Zettiana…"

Chills run over my whole system when I heard him call my name. Ramdam na ramdam ko ang paninindig ng balahibo ko sa batok nang marinig ang pangalan kong sinambit ng kaniyang labing minsang hindi ko tinitigilan sa paghalik dahil sa sobrang lambot.

Putakte ka talaga kahit kailan, Zettiana Aelexandrae! Wala ka nang matinong naisip sa araw na ito.

"Kahit ngayon lang, Zettiana…" muling sabi niya.

Umigting ang aking panga habang pinipigilan ang emosyong manaig sa ganitong klaseng pagkakataon.

"Pakikinggan ko ang kung anong sasabihin mo. Pero 'wag mong aasahan na magsasalita ako."

"That's better."

Bumalik ako sa dating puwesto ko at pinigilan ang sariling magpakita ng kahit anong emosyon man lang. Pinagmasdan ko ang pagtanggap niya ng Red Horse na ibinigay ni manang sa kaniya. Napasadahan ko pa ng tingin si manang na nagpalipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa.

Lumagok siya sa Red Horse niya. Napatingin ako sa bote ng Red Horse na ibabalik ko na sana kay manang kanina. Mabuti na lang at hindi naman niya kinuha kaya kinuha ko pabalik at diniretso ring lagok. Kumukuha lang ng lakas ng loob sa alak na ito.

"Pang-ilang bote mo na 'yan?" tanong niya.

Tinapos ko muna ang paglagok bago ko inilapag ang bote sa tabi ko at walang emosyon siyang tiningnan. "Cut the small talk and the intro, and just get straight to the point."

Narinig ko ang mahina niyang tawa pero hindi ko na pinagtoonan ng pansin talaga. Bumuga ako ng hangin. Pero sa hangin na iyon, naramdaman ko na ang pait ng alak na galing sa lalamunan ko. 'Wag mo sabihin sa aking tinamaan na ako sa dalawang bote pa lang na iyon?

"I'm sorry. I'm sorry for what I did."

Pailalim akong napairap sa sinabi niya. "Mabuti naman at alam mong may kasalanan ka. Mabuti at klaro sa iyong may ginawa kang hindi maganda sa akin?"

"Akala ko ba hindi ka magsasalita? Akala ko ba makikinig ka lang?"

Ang lakas ng apog!

Kumibot-kibot ang bibig ko. Gusto kong mag-counterattack sa sinabi niya pero at the end, mabigat akong nagbuntonghininga at nag-retreat.

"Fine. Talk!"

Lumagok ulit siya sa alak bago nagpatuloy. Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya. Ini-indulge ulit ang sariling mata para pag-aralan ang buong pagkatao niya. Hindi ko kasi alam kung kailan ko ulit makikita ng malapitan ang ganitong kalapit na physique niya. Inaabuso ko lang ang pagkakataon.

He smells good, with that same scent I used to love smelling whenever I hug him, whenever I cuddle him, whenever I embrace his whole existence. Sinaulo ko ang bango niyang iyon and I never thought I'll be able to smell that familiar scent from him today. Kanina ko pang dini-deny sa sarili ko na nag-iba na siya ng pabango at hindi na ito ang dating paborito kong bango niya pero ngayon, na-confirm ko na ganoon pa rin. Papatayin ba talaga ako ni Tonton sa lahat ng mga bagay na gustong-gusto ko sa kaniya dati? Na ngayon ay nag-i-exist pa rin sa buhay niya?

Mahaba pa rin ang buhok niya at suot na naman niya ngayon ang bandanang alam kong ibinigay ko sa kaniya. Huli kong kita na sinuot n'ya 'yan ay noong nagpunta kami ng La Union. It looks old and faded already. Pawala na rin ang print nito na para bang palaging nilalabhan at napusyaw na lang ang kulay.

Ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon para pag-aralan ang lahat sa kaniya, doon ko napagtantong siya ang Tonton na minahal ko, na mahal ko, na habangbuhay kong mamahalin. Siya pa rin ang Tonton na nagparamdam sa akin kung gaano kaganda ang mundo. Siya pa rin ang Tonton na nagpaabot sa akin sa kalangitan. Siya pa rin ang dating Tonton.

"I married Therese because of Therence's dying wish."

My heart clenched when I hear those words. Napaiwas ako ng tingin at mas pinili na lang na itoon ang tingin ko sa lupa.

Married. Therese. Therence. Dying wish. Paulit-ulit itong nagpaikot-ikot sa utak ko hanggang sa nagsalita ulit siya. Gaya ng sinabi ko, nanatili akong tahimik.

"Therence was my childhood bestfriend. Magka-klase kami sa Tay Tung noong elementary. Therence was… a friend I can't say no to. She's the friend I can go to without hesitation. She was there for me with almost everything. Siya 'yong kaibigan ko na kahit hindi ko palaging makita, alam kong ganoon pa rin ang magiging turing sa akin kapag nagkita kami. Therence was a friendly person kaya no wonder na marami siyang kaibigan. But our friendship was a platonic one. It remained platonic until then. Noong malaman mong kami, that was an experiment. Sinubukan namin kung kaya ba naming dalhin sa next level ang pagkakaibigan namin but it wasn't. It didn't work."

Lalong sumikip ang dibdib ko nang magkuwento na siya. Nanatili ang tingin ko sa lupa as I wait for him to continue.

"We broke up, so as our friendship. Nagalit lang ako sa kaniya nang malaman sa kaniyang may karelasyon si Therese bukod sa iyo. Nagalit ako kasi alam na alam niya ang ginagawa ng kakambal niya pero hindi man lang niya sinabi sa iyo. That time I was into you. Crush na kita ng mga panahong iyon. Actually, matagal na naman kitang crush. I said it to you, right?"

Umigting ang panga ko, kakapigil sa pag-angat ng ulo ko para matingnan ang mukha niya. Kailangan ba talaga niyang sabihin ang lahat ng ito? Kailangan niya ba talagang magsimula sa kung saan nagsimula ang lahat?

"But then she was diagnosed with bone cancer. Kahit na hindi kami magkabati ng time na iyon, she took all her courage just to tell me about her condition. Mas nauna niya pa akong sabihan kaysa sa sarili niyang kakambal. I wanted to help her but the only help I could give her was the financial support my parents offered to her family for the medication and chemo. I can't give her the moral support she really wanted dahil kailangan kong ibigay sa iyo ang atensiyon na gustong-gusto kong ibigay sa iyo. But then on, everything was fine, she's fighting her condition, and everything is in its right places."

Pinaglaruan ng dulo ng heels ko ang maliliit na bato na nasa lupa. Humigpit na rin ang pagkakatukod ko sa inuupuan ko para masuportahan ang sariling bigat. Gustong-gusto kong pahintuin si Tonton sa mga sinasabi niya. Mas lalo niya akong sinasaktan sa mga lumalabas sa bibig niya ngayon. Hindi niya ba alam na dagdag na naman sa sakit sa puso ko ngayon ang pag-mention niya lang sa history nila ni Therence? Can we just skip that part? It feels torture to me.

But then again, my voice ran out and suddenly, I can't speak at all.

"Noong gabing makikipagkita ka sana sa akin… that night, Therence was rushed to the hospital. She fainted with an unknown reason. Therese was quick to call me instead of calling their parents first."

Ito na. This is I think the start of the crucial part.

Kusang huminto ang paa kong nilalaro ang mga maliliit na bato na iyon nang marinig ko na ang unang sagot sa katanungan ko: kung bakit hindi siya sumipot no'ng gabing iyon.

"I assisted them. Luckily, Therence was fine kasi agad din naman siyang na-respondehan ng mga doctor. Aaminin ko, nakalimutan kita nang gabing iyon. I was so worried with Therence that I forgot you invited me over dinner. Saka ko lang naalala nang hatinggabi na."

Mas lalong piniga ang puso ko at tuluyang may tumulong isang patak ng luha galing sa aking mata nang marinig ang sinabi niya. Nakalimutan niya ako ng gabing iyon. I think, that is the worst case scenario I didn't imagine that night. Nakalimutan niya ako dahil sa pag-aalala niya sa ibang tao. Nakalimutan.

Thanks to my hair, I was able to cover the remnants of my devasted and aching face.

"Tinawagan kita, t-in-ext, at kung ano-anong klaseng contact pa. But you didn't answer. Your line was cut off. Naisip ko, baka pinatay ang cell phone, o baka tulog, o baka dead batt, o baka sa sobrang inis na hindi ako sumipot, bl-in-ock ang number ko. Sabi ko sa sarili ko, I'll try again tomorrow, first thing in the morning. But before I could do… Therence talked to me about her possible situation and the situation of her twin sister, Therese. But our conversation turned into an argument hanggang sa dahil sa inis at galit ni Therence sa pagtangging ginawa ko, kinuha niya ang cell phone ko at inihagis sa hospital room niya. Sa sobrang lakas ng impact, agad nasira ang phone ko."

Second question answered: bakit hindi ka na niya na-contact kinabukasan. It's funny kasi kaya hindi ko nasagot ang tawag niya ng gabing iyon ay dahil na-snatch ang cell phone ko kahihintay sa tawag at paramdam niya. It's so funny. Kung hindi ba na-snatch ang cell phone ko no'ng gabing iyon, masasagot ko ba ang tawag niya at agad kong maririnig ang explanation niya kung bakit hindi siya sumipot? Masasabi ko ba agad sa kaniya ang umaapaw kong nararamdaman? Maiintindihan ko ba ang nangyayari?

"We were basically arguing that Therence had another attack that made everything chaotic. She was in a coma for a week. Her immune system and her whole body as well were on the edge of giving up and the only thing that could possibly save her is to find a specialist from the other countries. I felt responsible for that attack kasi ako ang huling kausap niya before mangyari iyon. And there was no hesitation na agad akong tumulong. With the connections we had in States, we helped them. After a month, we travelled to States for her intensive medication, completely losing my focus to you-"

Natigil ang pagsasalita niya nang bigla akong tumayo. Wala na akong pakialam kung makita man niya ang umiiyak kong estado ngayon. Diretso ko siyang tiningnan.

"I think I've heard enough."

Agad akong naglakad kahit hinang-hina na ang katawan ko sa lahat ng nalaman kong ito.

Pero hindi pa lang nakararating sa kotse, naramdaman ko na agad ang yakap niya mula sa aking likuran. Mas lalo lang bumagsak ang mga luha ko nang maramdaman ang yakap niyang iyon.

"I'm sorry…"

Pilit akong pumiglas pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya na mas lalong nagparamdam sa akin ng kawalang pag-asa.

"A-alam mo kung anong masakit sa mga sinabi mo? Na sa lahat ng iyon, nakalimutan mo ako. Nakalimutan mo ang isang taong naghihintay ng paramdam mo. Nakalimutan mo ako, Tonton."

Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala sa yakap niyang iyon. He then gave in.

"Anak, 'wag na-"

"Miss Zee Mondejar? Miss Zee! Ikaw nga!"

Bago pa ako makasampa sa kotse ko, may pumigil na sa akin. Isang babae ang tumawag sa pangalan ko at biglang nasa harapan ko na siya. Kusa ring natigil ang luha ko at agad pinunasan ito.

Tinitigan ako no'ng babae na parang nakakita ng isang aparisyon.

"W-wrong timing po ba ako, Miss Zee?"

"H-Hindi..." tumikhim ako. "Okay lang. Anong kailangan mo?"

Nang dahil sa batang babaeng ito, kahit papaano ay kumalma ako.

"P-pasensiya na po talaga. Sobrang na-excite lang po kasi ako nang makita kayo, Miss Zee. Idol na idol po kasi talaga kita. M-miyembro po ako ng Kasikas kung saan dati ka raw ding miyembro. Palagi ka naming pinag-uusapan sa grupo at palagi ring ginagawang example ang mga gawa mo po. Gusto ko nga po sanang manood kanina ng exhibit n'yo kasi nandoon din ang grupo, kaso kailangan po ng tulong ni Tatay sa bukirin kaya tumulong po muna ako. Mabuti naman po at naabutan kita! Hindi ko po ito inaasahan! Nakakatuwa po!"

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya at napansin ko nga na marumi ang damit niya. Punong-puno ito ng putik at hawak-hawak pa niya ang sombrerong gawa sa pandan. Mababakas din ang pawis at pagod sa kaniyang mukha.

Ngumiti ako sa batang babaeng iyon.

"Anong pangalan mo?" tanong ko pa. Hinawakan ko pa siya sa balikat kasi kitang-kita ko ang panginginig niya. I thought that could help to calm her.

"Gevelen po. Ang ganda-ganda n'yo po talaga sa personal, Miss! Gustong-gusto ko rin po ang lahat ng naipinta n'yo po!"

Marahan kong pinisil ang braso niya at muli siyang nginitian. Gevelen is a distraction but at least it diverted my world.

Lumingon ako sa isang babae na nakatayo na sa labas ng tindahan at mukhang nakatingin na rin sa amin. Doon ko rin nakita na si manang tindera pala iyon.

"Anak ka ba ni manang?"

"O-opo! Nanay ko po si Aling Kuring!" masiglang sabi pa niya. Parang proud na proud pa.

Lumingon ako kay manang at bumakas sa mukha niya ang paghihingi ng pasensiya.

"Um, gusto mong mag-picture tayong dalawa?"

"Po? Sige po! Kaso po... wala po akong selpon ngayon, Miss Zee. Nasira po kasi."

"Gamitin na muna natin ang phone ko. Then, I'll just upload it on Facebook and I'll tag you. Okay ba 'yon?"

"Okay lang po ba 'yon?"

"Yep. Wait, kunin ko lang phone ko sa loob." Binuksan ko pa ang kotse para kunin ang phone ko. "But before that, i-add na muna kita sa Facebook. What's your Facebook account name?"

I opened the Facebook app and waited for her to tell me her whole name.

"G-gevelen Alicante po. Gevelen Alicante."

I immediately search her name. But multiple accounts appeared. Kaya ipinakita ko pa sa kaniya kung saan doon ang account niya. When she choose the second from the list, agad ko itong in-add friend.

"Hala! Nakakalula naman po ito! Hindi po ako makapaniwala! P-pero Miss Zee, baka matagalan po bago kita ma-accept kasi manghihiram pa po ako ng selpon sa pinsan ko po."

"That's fine. Ano? Picture tayo?"

"S-sige po!"

Bahagya niyang inayos ang buhok niya. Inayos ko na rin muna ang mukha ko.

"Okay, smile!"

Nag-selfie kaming dalawa. Three shots were enough. Agad ko itong in-upload sa Facebook and tagged Gevelen.

"Miss Zee, salamat po talaga! Pero last na lang po!"

"Gevelen! Tama na 'yan! Baka may puntahan pa si Ma'am."

Lumingon ako kay manang at ngumiti. "Hindi naman po ako nagmamadali, manang." Muli akong lumingon kay Gevelen. "Ano pa, Gevelen?"

"P-puwede po pa-autograph? Gustong-gusto ko rin po ang pirma n'yo, Miss Zee!"

"Sure! May papel at ballpen ka ba r'yan?"

"Hala! Wala po. Teka lang po, kukuha po ako sa loob! Nay, papel at ballpen!"

Hinayaan kong pumasok sa loob ng kanilang bahay si Gevelen. Sinundan din siya ng Nanay niya na nagsisisigaw din.

"Teka, Gevelen! 'Wag 'yang bagong bili!"

Napabuntonghininga ako nang tuluyang nakapasok ang mag-ina. Tumingin ako sa harap at nakita agad ang presensiya ni Tonton na nakangiting nakatingin sa akin.

"Maraming salamat na rin na iniwan mo ako nang ganoon. Hindi ko mararating kung anong kinatatayuan ko ngayon."

Yumuko siya at dahan-dahang tumango.

"Maybe I'll be to blame if you became miserable in life. Maybe we need to be apart for you to be able to succeed in life. I am genuinely happy of what you've become now, Zettiana. I am proud of you."

Tumalikod siya at agad pumasok sa kotse niya. Pinagmasdan ko ang pag-alis niya at bago pa man maibagsak ang mga luha, ibinigay ko na ang atensiyon sa mag-ina.

I signed the paper and we talked about this coming Pinta Lawas na isa ako sa magja-judge. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila.

Nang makasakay, doon na naman bumagsak ang luha ko nang maalala ang mga sinabi niya. Agad kong pinaharurot ang kotse kahit nanlalabo na ang tingin ko dahil sa luha. Dumiretso ako sa venue ng reunion namin at agad hinanap si Ada.

Nagulat ang batchmates namin nang magpakita ako. Pero mas nangibabaw lang ang tuwa. Sinabihan ko na lang sila na mamaya na muna ako makiki-join sa kanila at hinanap sa kanila si Ada. Ang sabi nila, nasa backstage daw, abala sa pagmamando sa mga catering services. Agad ko rin siyang pinuntahan. Siguro sa pagmamadali ko, hindi ko na alam kung sino-sino ang nandito o talagang hindi ko lang nakita ang presensiya ng pinsan ko at ng iilang malalapit na kaibigan.

Nang makita, walang pag-aalinlangan ko siyang niyakap at inilabas ang lahat ng iyak na gustong-gusto kong makawala na nang tuluyan sa loob ng limang taon.

Nasagot na ang ilang tanong ko, pero hindi lahat. Pero 'yon pa lang ang narinig ko, para ng gumuho ang buong mundo ko.

"Z-zetty… are you okay?"

Mas lalo lang humigpit ang yakap ko kay Ada nang magtanong siya. Mas pinili kong umiyak kahit na gustong-gusto ko nang sabihin kay Ada ang lahat ng matagal ko nang itinago. Pero nagpapasalamat na rin ako sa kaniya na hindi na siya nagtanong pa. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap pabalik.

"Ada- Zetty?"

"Sshh!"

Humihikbi na ang pag-iyak ko. Mas lalo lang akong nanghina nang may maramdamang hagod mula sa likuran ko at kasunod nito ang boses ng pinsan ko.

Hinayaan nila akong maiyak hanggang sa kusang natigil ang mga luha ko. Saka lang ako tinubuan ng hiya nang makitang napapaligiran pala kami ng iba't-ibang klaseng tao na sa tantiya ko ay tauhan ng catering services na kinuha ng batch para sa alumni na ito. Napapatingin pa nga ang iba sa akin na para bang natubuan ako ng pangalawang ulo sa katawan.

Pinahiran ko na lang ang mga luha ko at napatingin sa dalawa.

"Okay ka na? O gusto mong pag-usapan muna kung bakit ka umiyak?" tanong ni Ada sa akin habang nakawahak pa sa magkabila kong braso.

Napansin ko kanina may mga gustong lumapit sa kaniya at magtanong pero si Nicho na ang lumalapit at kumakausap sa kanila because Ada never left my side until I got fine from crying like a baby awhile ago.

"Maya na lang. Nakakahiya. Alumni natin ngayon tapos umiiyak ako. Party tayo!" lumawak ang ngiti ko sa kanilang dalawa. They also smiled pero hindi lang kasing energetic nang ginawa ko. Nicho tapped the top of my head and Ada just pinch my cheek.

"Tara!"

Humarap ako sa iba naming batchmates at classmates nang nakangiti, nang naka-plaster na ang Zettiana na kilala ng lahat.

Kuwentuhan, usapan, asaran, pagbabalik-tanaw, kainan, tawanan, inuman, pagkilala, payabangan sa mga propesyon at narating sa buhay, kaniya-kaniyang brag sa mga napuntahang malalayong lugar at nakilalang sikat na tao sa mundo, at kung ano-ano pa ang ginawa namin together with my batchmates. Umabot ng gabi ang alumni namin. Ang sabi nila, kasali rin ang reunion naming ito sa Annual Alumni Homecoming ng mismong school sa twenty-nine. Kasi ngayon, tanging ang batch lang namin sa high school ang nandito. Kami-kami lang ang nandito pero sobrang saya pa rin. Para akong bumalik sa high school at muling inalala ang mga nagawa namin noon, lahat ng memories: good or bad, ay hindi pinalampas at talagang binalik tanaw. There are photos and videos that flashed on the screen para back-up sa lahat ng memories na pinaggagawa namin.

Sobrang saya na pansamantala kong nakalimutan ang hinagpis na naramdaman ko kanina.

Takte. Hinagpis, my ass.

I was basically going with the flow at ramdam na ramdam ko na ang alak sa sistema ko. Hindi ko naman alam na ang dami ng inumin na nandito. Ikaw ba naman magkaroon ng batchmates na galante. At saka, malaki ang budget nito kasi nga marami kaming nag-donate. Mas malaki rin ang na-donate ng mga batchmates namin na hindi makaka-attend ngayon. Pero kaonti lang naman sila at sinabing babawi sa susunod na taon. Like Yosef, who ditched this again.

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang akong masaya ngayon pero kahit na gaano kalawak ang ngiti ko, nararamdaman talaga ng puso ko ang sakit behind those smiles.

"Itong si Zetty, bigla na lang nawala no'ng kasal ni Fedgie. Kung hindi lang talaga sinabi ni Nicho na umalis na pa-Maynila itong bruhang ito, iisipin ko talagang naghihinagpis ito sa kasal ni Fedgie, e!"

Tampulan ako ng tawanan dahil sa nangyari noong huli nila akong nakita. Tinawanan ko na lang iyon at nag-explain naman sa kanila.

"O, e, kung hindi ako umalis agad, edi hindi ko mami-meet ang opportunity na mayroon ako ngayon, 'di ba? Ito talagang si Kathy, ang daming sinasabi. At least 'di ba nagpakita ako noong kasal ni Fedgie."

"Pero in fairness! Ang gaganda ng paintings mo!"

But will always end up with praises and compliments. Hindi lang naman sa akin nangyayari iyon. Pati sa iba naming batchmates at classmates ay napag-usapan din ang mga narating sa buhay. May it be in professional field or the field they tend to choose in the end. Hindi lang naman kasi ako ang naging successful dito. Almost in our batch are successful as hell!

"Ikaw, Zetty… hindi ba Architecture graduate ka? Hindi mo ba p-in-ursue ang architecture after you graduate? Sayang kasi sa iyo sana ako magpapa-draft ng design ng future coffee shop ko."

Pero mayroon ding nanghinayang nang hindi ko nga i-pursue ang profession ng pinag-aralan ko.

"Baka soon, i-pursue ko talaga. Makahihintay ba ang coffee shop mo?"

Nagtawanan ulit ang lahat at agad namang napunta sa ibang usapan. Hanggang ang pagtitipon naming iyon ay nadagdagan ng inaasahan pero nakakagulat na bisita.

"Hi, everyone! Sorry, I'm late."

~