webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · คนดัง
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 7: FAMILY DINNER

Dahil sa walang schedule ngayong araw ang kanilang grupo ay naisipang ipasyal ni Paulo ang kanyang mga kapatid at ina para maghapunan sa isang mall. Medyo matagal-tagal na rin ang huling beses na nailabas ang ina at mga kapatid dahil sa kanilang busy na schedule.

Bago kumain ay nag aya muna ang mga kapatid na mag arcade sila. Samantalang ang ina ay iniwanan muna nila sa isang spa para makapag relax.

"Kuya, dito tayo," ay ani Phoebe sa kanya.

Hinila siya ni Phoebe sa isang Claw Machine at pinilit ipakuha sa kanya ang gustong stuffed toy.

Ngunit nakalimang subok na ay hindi pa rin ito makuha.

"Kuya naman eh. Galingan mo kasi," galit na wika ni Phoebe sa kanya.

"Ang hirap kaya. Ikaw nga hindi mo kaya eh," balik niya sagot sa bunsong kapatid.

Naubos na ang token nila ngunit wala pa rin siyang nakuha na kahit anong laruan.

"Kuya nakakainis ka talaga. Galit ako sa iyo," pahayag ng kapatid sa kanya.

"Eh ang hirap naman talaga eh," natatawang wika niya sa kapatid na gustong-gusto niya inaasar.

"Bahala ka dyan. Puntahan ko na lang sila Ate," maktol nito at nagmartsa para hanapin ang mga kapatid na babae.

Natatawa na lang siya habang pinagmamasdan ang kapatid na palayo sa kanya ng bigla niyang marinig ang isang napakagandang boses ng isang babae na kumakanta ng 'Paubaya' ni Moira dela Torre

Saan nagsimulang magbago ang lahat?

Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?

Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?

Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

Saan nagkulang ang aking pagmamahal?

Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang

Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?

Ako ang kasama, pero hanap mo siya

Hindi niya maalis ang paningin sa babaeng kumakanta dahil bukod sa napakaganda na ng boses nito ay napaka amo pa ng mukha nito.

At hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya ang babaeng ito. Si Anna. Si Anna Cabrera, ang kanilang Assistant Manager.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng napagtanto na si Anna ang nagmamay-ari na napakaganda tinig na iyon. Sa ikalawang pagkakataon ay parang bumagal na naman ang paligid at para bang silang dalawa lang ang nasa lugar na iyon.

Hindi namalayan ni Paulo na nakalapit na pala ang kapatid na si Pauline sa kanya para yayain na siyang balikan ang ina sa spa at makakain na sila ng hapunan.

"Hoy, Kuya!" tawag pansin sa kanya ng kapatid.

"Oh bakit?" nagulat niyang wika.

"Kanina ka pa naming tinatawag. Nakatulala ka dyan," wika ni Pauline

"Ano bang meron dyan," dagdag pa nito.

Aktong sisilip si Pauline ng bigla siyang pinihit ni Paulo paliko at nagsimulang lumakad papuntang sa dalawang kapatid na nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"Wala. Tarana. Gutom na ako," wika ni Paulo

Nagtaka naman si Pauline sa kinilos ng Kuya ngunit nag patianod na lang siya para sundin ang kanilang ina.

Sa Karaoke Booth.

Pagkatapos kumanta ni Anna ay biglang nag aya na si Nadz na kumain.

"Girls, tara na. Nagugutom na ako. And, ang hirap sundan ni Anna. Ikain ko na lang. Matutuwa pa tyan ko," naka tawang sambit ni Nadz sa kanila.

"Kaya nga. Dapat Anna, give chance to others," segunda ni Dea.

"Ay siya! Sige na nga. Gutom lang yan," wika niya sa dalawa.

Sa Restaurant

Habang naglalakad si Paulo at ang kanyang pamilya papasok ng restaurant ay nasalubong nila na papasok din ang grupo ni Anna.

"Oh Paulo? Nandito rin kayo?" gulat na wika ni Anna.

"Ah. Hi! Miss Anna," nagulat na bati ni Paulo.

"Si Mama pala at mga kapatid ko." dagdag na pagpapakilala ni Paulo.

"Hello po Ma'am. Hello po. Ako po si Anna. Assistant po ni Miss Rosie. Ako po nag-aasist sa group nila sa ngayon since busy po si Miss Rosie," pakilala ni Anna sa sarili

"Hello Hija. Napakaganda mo naman," papuri ng ina ni Paulo sa dalaga.

"Ay, graben naman po. Pero salamat po Ma'am," mahihiyang sambit ni Anna.

"Oo nga po pala, mga kaibigan ko po si Dea at Nadia," pakilala niya sa mga kasama.

"Hello po Ma'am, Hello Sir," nahihiyang sabi ng mga kaibigan.

"Aba'y kakain din ba kayo?", tanong ng ginang.

"Ay, opo Ma'am. Nagutom mo kasi kami sa concert namin," paliwanag ni Dea.

"Nag videoke po kami, medyo napasarap po. Marami kami na kanta. Kaya napagod po," nakangiting wika ni Anna.

"Nasa arcade kayo kanina Ate?" tanong ni Pauline.

"Oo. Madalas kasi kaming tambay sa mga videoke," pagkumpirma ni Nadz.

"Ah.. Okay," nakangiting wika ni Pauline sabay tingin sa kanyang Kuya.

"Sumalo na kayo sa amin?" aya ng ina ni Paulo sa kanilang grupo.

"Ay naku Ma'am huwag na po. Family dinner nyo po yan eh," tanggi ni Anna.

"Wala yun. Mas marami, mas masaya. At tsaka 'Tita' na lang. Para naman akong Teacher pag Ma'am," wika ng ginang sa mga ito.

"Okay lang Ate. We will be family naman," wika ni Pauline na nakaramdam ng pagsiko sa kanya ni Paulo.

"What I mean is, ang friends and workmates ni Kuya is like family to us. 'Di ba 'Ma?" tanong ni Pauline sa ina.

"Oo nga. Kaya halika na kayo. Gutom na itong mga alaga ko," pagtatapos ng litanya ng ina ni Paulo.

"Nakakahiya man po, sige po. Salamat po Tita," wika naman ni Anna.

At sabay-sabay pumasok sa loob ng restaurant ang pamilya ni Paulo at ang grupo ni Anna.