webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · คนดัง
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 6: GIRL’S BONDING

Linggo ngayon at nakipagkita si Anna sa kanyang mga kaibigan sa Mall para mag bonding. Karaniwan na nila itong ginagawa at least isang beses kada buwan. Pero dahil sa sobrang busy nila ay inabot ng halos dalawang buwan bago ulit sila nagkita-kita.

"Hi! Girl, sobra yung traffic kahit linggo. Haggardo Versoza na agad aketch," wika ng kaibigang si Dea na nalate ng halos isang oras.

"Hay, naku girl. Sabihin mo late ka na nagising dahil sa kaka chat mo diyan sa jowa mong hilaw," sita ni Nadz kay Dea.

"Kayong dalawa talaga parati nalang nagbabangayan. Pwede bang ilibre mo na kami dahil late ka," wika naman ni Anna.

"Oo na. Oo na. Sa mura lang ah. Alam nyo na limited ang anda," wika ni Dea.

Isa sa kasunduan nilang magkakaibigan ay ang kung sino mang malate sa kanilang usapan ay siyang manlilibre ng snacks nila kapag umaalis sila. Awa ng Diyos ay hindi pa naman nalalate si Anna sa mga ganitong usapan kaya hindi pa niya naililibre ang mga ito.

"Alam nyo girls, nakakastress mag trabaho. Ang daming demands. And daming kailangang aralin. Nakakaloka, wika ni Nadz.

"Biruin mo, biyahe ka ng dalawang oras sa umaga tapos dalawang oras pa sa pag uwi. Puro usok na ng sasakyan ang nalanghap ko. Ayaw naman ni Mama na mag dorm ako. Mag aalala lang yun. Pero sobrang pagod ang katawang lupa ko everyday," dagdag pa nito.

"Sinabi mo pa, girl. Hulas na ako girl pagdating ko office. Pero talagang tiis ganda lang. Para sa ekonomiya," segunda ni Dea.

"Girl, tiis lang. Walang ganda," hirit ni Nadz

"Kayo talaga," wika ni Anna dahil sa tinuran ng kaibigan.

"True kayo diyan. Kaya nga ako nag apartment na lang. Malapit lang dun sa company. Hirap kasi ng byahe," dagdag pa niya.

"Uy, Girl. Speaking of your company. Chika ka naman dyan. Ang gwapo ng mga kasama mo araw-araw. Mababait ba sila?" tanong ni Dea.

"Oo naman mababait sila. Makukulit nga lang kung minsan. Mahilig mang asar lalu na si Lester," natatawa niyang wika.

"Sino pinaka gwapo?" tanong ni Nadz.

"Lahat naman sila gwapo, wala ka namang itulak kabigin sa looks. Pero si Paulo, siya yung pinaka mysterious sa kanila. Parang character sa novels," nakangiti niyang wika.

"Uy, ano yan? Bakit may ganyang ngiti ang Lola natin?" pang aasar ni Nadz.

"Uy may feelings," tudyo pa ni Dea.

"Hindi ah. Nahihiwagaan lang ako. Para kasing ang lalim ng personality nya," sagot niya.

"So, gusto mong malaman?" tanong ni Nadz.

"Hindi naman. Pero pwede rin," nakangiti niyang wika sa mga kaibigan.

"Naku girl, mukhang may in love yata," pang aasar sa kanya ni Dea.

"Oy hindi ah. Interested lang. Hindi naman in love. Ang layo naman ng narating nyo," depensa niya sa mga ito.

"Sabi mo eh. Tingnan natin kung saan ka dalhin niyang interest kuno mo," makahulugang wika ni Nadz habang abot-tenga ang ngiti.

Naisipang manood ng movies ng magkakaibigan. Dahil sa na late si Dea, siya na ang bumili ng drinks at snacks nilang tatlo. Isang romantic-comedy ang pinanood nilang movie. Inabot ng halos isa't kalahating oras ang naturang pelikula na talaga namang nag paiyak-tawa sa kanila.

Pag labas sa sinehan ay naisipan nilang pumunta ng arcade at dumako sa paborito nilang lugar doon, ang karaoke booth. Yan ang past time nilang magkakaibigan, ang kumanta.

Hindi man singer, ngunit maganda ang boses ni Anna. Masyado lang siyang mahiyain sa pagsali sa mga singing contest. Kahit anong pilit ng mga kaibigan at nga professor niya noong college ay hindi siya nagkalakas ng loob ng sumali or mag audition man lang.

Pero sa mga karaoke booths tulad nito lang naririnig ng mga ito ang boses niya.

"Girl, ang ganda ganda talaga ng boses mo pero wala ka man lang lakas ng loob na sumali ng mga contest?" tanong ni Nadz.

"Oo nga Girl. Kung ako lang ganyan kaganda ang boses, tiyak hindi nyo ako nakilala," natatawang segunda naman ni Dea.

"Salamat sa mga encouragements nyo, pero hindi ko nakikita talaga ang sarili ko sa mga ganun. And mas gusto ko yung taga support lang ako," seryoso niyang wika.

"Pero kung may pagkakataon, ang gusto ko talaga, yung mga ginagawa kong kanta ay mabigyan ng pagkakataong marinig ng iba. Masaya ako pag ganun yung mangyayari," saad niya pa sa mga ito.

"Sumali ka sa mga songwriting contest. Magaganda kaya mga kanta mo," pagkumbinsi ni Nadz sa kanya.

"Nahihiya ako, hindi naman ako expert sa pag compose ng kanta, nakakahiya," wika niya.

"Girl, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan," sabi ni Dea.

"Eh paano kung matalo ako?" tanong niya sa mga ito.

"Oh ano naman? At least wala kang regret pagdating ng araw," kontra muli ni Dea sa kanya.

"Oo nga. Paano kung yun pala ang para sa iyo? Hindi mo malalaman hangga't hindi mo sinusubukan," pangaral naman ni Nadz sa kanya.

Bakante na ang isang cubicle kung kaya pumasok na ang kanilang grupo para sa kanilang mini concert.

"Salamat talaga sa tiwala at suporta nyo. Sana nga dumating ang araw na iyon," nakangiting wika niya sa mga kaibigan at nagsimula na silang maghanap ng mga awitin na kanilang kakantahin mula sa song book.