Araw ng Sabado at ito rin ay kanilang malaking show sa isang malaking Mall sa Kamaynilaan. Busy ang grupo na naghahanda sa kanilang performances habang bury din si Anna na i-check kung nakaayos na ba ang lahat.
"Boys, ready na ba kayo?" tanong ni Anna sa mga ito.
"Ready na–" hindi na natapos pa ang sagot ng mga ito.
"Lester bakit hindi pa ayos yang damit mo? Kenji tapos ka na ba sa make-up? Joshua yung pantalon mo? Hala 30 minutes na lang before ng show–" sunud-sunod na salita ni Anna.
"Anna, relax," wika ni Jeremiah habang hawak ang kanyang mga balikat upang pigilang siyang magpalakad-lakad.
"Oo nga Anna. Mag relax ka. Ready na kami," pag sang ayon naman ni Joshua.
"Kaya lang maraming hindi pa ready. Hindi ko pa na check yung sound, food. Pati–" aligagang wika pa ni Anna.
"Shhhh. Anna umupo ka. Nahihilo na ako sa iyo," saway ni Lester sa dalaga.
"Okay kami, Anna. Okay ang lahat," paninigurado ni Paulo sa kanya.
"Eh kasi kinakabahan ako eh," wika ni Anna habang sinunod ang mga ito na umupo at huminahon siya.
"Bakit ka naman kinakabahan. Hindi ka naman mag peperform?" nakangiting wika ni Kenji.
"Eh paano kung magka aberya," nag aalala pa ring wika ni Anna.
"Ay sus Anna. Parang hindi mo naman kami kilala. Walang aberya-aberya sa amin. Ready tayo. Huwag ka mag alala," confident na sagot naman ni Joshua sa kanya.
"Oo nga. Ang isipin mo na lang ay kung saan tayo kakain pagkatapos ng performance natin," nakatawang wika ni Lester sa kanya.
"PDYN ready na po. Next na kayo," pagbibigay hudyat ng floor director sa kanya.
"Oh ready na?" tanong ni Paulo sa mga kasama.
"Ready!" sabay-sabay na sagot ng apat pang binata.
"Relax ka lang Anna. Panoorin mo kami," wika ni Paulo habang tinapik ang kanyang balikat.
Tinawag ni Paulo ang mga kagrupo at nagsimulang mag kumpulan at nagdasal para sa matagumpay na performance.
"Padayon in three. One. Two. Three. PADAYON!" sabay-sabay na wika ng grupo.
Umakyat na ang grupo sa stage at nagsimulang mag perform para sa mga manonood ng araw na iyo. Bigay todo ang performance ng grupo at hindi naman magkamayaw ang mga audience sa paghiyaw at pagsigaw bilang tugon sa napaka husay nilang pag peperform.
Si Anna ay nakamasid lamang sa grupo habang nagpeperform pati na rin sa mga tao na naghihiyawan dahil na rin sa mga ito. Hindi mapigilan ni Anna na maging proud dahil na rin sa kanyang kakayahang mag organisa at maghanda ng ganoong klaseng event. Hindi niya akalain na kaya nya pala. At masaya siya dahil alam niyang may malaking siyang kontribusyon sa pagiging successful ng nasabing event.
Naging matagumpay ang nasabing event at bilang selebrasyon sa tagumpay na iyon ay minabuti nilang kumain sa restaurant sa loob ng nasabi ring Mall.
"Grabeh and dami kong gutom. Nakakapagod pero masaya," pagbabahagi ni Lester sa mga kasama.
"Oo nga. Lalo akong ginaganahan sa sigaw ng mga tao," dagdag naman ni Jeremiah.
"Kaya nga. Ngayon ko naramdaman yung pagod sa ilang araw na practice. Pero sulit naman," pag sang ayon din ni Kenji.
"Dahil very good kayong lahat. Kakain tayo. May pina reserved akong pwesto sa isang restaurant dito," wika naman ni Anna sa kanila.
"Ayus. Gutom na talaga ako," masayang wika ni Joshua.
Kasalukuyang naglalakad ang grupo kasama ang kanilang mga staff papunta sa restaurant ng may napansin si Paulo na pamilya na tao sa isang Coffee Shop. Habang papalapit sila sa establisyamento ay lalung nagiging klaro kung sino ang babaeng nakaupo doon. Hindi namalayan ni Paulo na napahiwalay na siya sa mga kasamahan at pumasok sa Coffee shop.
Napansin ni Anna ang pag iba ng lakad ni Paulo kaya sinenyasan na lang ang iba na maina na at sinundan si Paulo.
Pumasok si Paulo sa loob ng Coffee Shop at tumayo sa mesa ng isang pamilyar na tao.
"Pauline, ano 'to?" mahina ngunit mag tono na galit sa winika ni Paulo.
Napatayo sa kinauupuan ang dalaga na si Pauline ng mapagtanto kung sino ang nagsalita.
"Kuya!" kinakabahang wika ni Pauline.
"Anong ibig sabihin nito Pauline?" nakakunot ang noong wika ni Paulo.
"Kuya, mali ka ng iniisip," pagpapaliwanag ng kapatid.
"Pauline di ba–" hindi na natapos na wika ni Paulo dahil sa pag sabat ni Anna.
"Ah. Siguro doon na lang tayo sa sasakyan?" pag pigil ni Anna sa mga ito.
"Tara na Pau. Pauline," tuloy na pag aya ni Anna sa mga ito.
Sabay-sabay na lumabas ang mga ito at nagtungo sa parking area at dire-diretsong pumasok ng sasakyan si Paulo at sinundan naman ni Pauline ang kuya sa loob.
"Ah Ma'am magiging okay lang po ba sila?" pagtatanong ng binatang kasama ni Pauline.
"Huwag ka mag-alala. mag-uusap naman sila." wika ng Anna sa nag-aalalang binata.
"Ah. Anna nga pala," pagpapakilala ni Anna sa binata.
"Pasensya na po. Zach po. Kaibigan po ni Pauline," nahihiyang wika ng binata.
"Magiging okay lang po ba talaga sila?" puno ng pag aalalang wika ni Zach.
"Sana," sagot naman ni Anna.
***Inside the Car***
"Pauline, ano yun?" Galit na tanong ni Paulo sa kapatid.
"Kuya maniniwala ka ba pag sinabi kong kaibigan ko lang si Zach?" balik na tanong ni Pauline sa kapatid.
"Pauline diba alam mo naman kung bakit ako nag sasakripisyo para sa pamilya natin. Pero bakit ganito. Bakit may kasamang kang lalaki. Paano na yung mga pangarap natin?" sunod-sunod na wika ni Paulo.
"Oo kuya. Yun pa rin naman ang pangarap ko at walang nagbabago. Walang namamagitan sa amin ni Zach higit sa pagiging mag kaibigan. Oo aaminin ko na gusto niyang manligaw. Pero sinabi ko sa kanya na hindi ako handa," naiiyak na wika ng dalaga.
"Sa palagay mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo sa akin ngayon? Pauline naman. Hindi pa ba sapat lahat. Binibigay ko naman lahat ng kailangan nyo. Ang tangi ko lang namang hiling sa inyo ay magtulungan tayo," wika pa ni Paulo sa kapatid.
"So anong sinasabi mo sa akin ngayon? Kuya hindi ka naniniwala sa akin? Wala ka bang tiwala? Kuya naman. Hindi ko akalain na ganyang kababa tingin mo sa akin. Hindi ko akalain na mariringan kita ng ganyan. Of all people Kuya. Of all people. Sa iyo ko ito maririnig?" huling wika ni Pauline bago bumaba ng sasakyan.
"Pauline bumalik ka," pasigaw na tawag ng pansin ni Paulo sa kapatid.
"Pauline," magkapanabayang sambit ni Anna at Zach.
Ngunit naging tuloy-tuloy lang ang lakad ni Pauline na parang walang narinig. Agad namang nagpaalam si Zach kay Anna at sinundan ang kaibigan.