webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 25

Ilang days na rin akong nakakatanggap ng mga sticky notes.

You are the sunshine of my life :)

               - tm, your babylove

You're always beautiful in my eyes *heart eyes*

                 - babylove

It's your smile, your face, your lips :)

                 - babylove

Gusto kita, alam mo ba? Gusto kita, okay lang ba?

                  - babylove

Iilan lang yan sa mga natatanggap ko at isa lang ang napansin ko...puro yun song lyrics. Tss ang effort ha? Haha

Hanep din ang trip ng isang to. Ginamit pa talaga mga lyrics ng kanta maexpress niya lang feelings niya.

Iniba niya rin codename niya. Kung dati tm ngayon babylove na. Mas lalo lang kumorny hehe.

Pero ngayon iba kasi imbis na sticky notes lang ang matanggap ko ay may kasama pa itong papel na bulaklak.

Alam ko papel lang yun pero inamoy ko pa rin and damn amoy bubblegum. Ang fruity ng amoy. Ang sweet.

Di man totoong bulaklak yan, at least magtatagal. Di malalanta gaya ng feelings ko tunay pero kahit kailan di mawawala. Smile ka naman :)

                      - babylove

Automatikong napangiti ako ng mabasa ko yung huli niyang salita. Yun kasi nakalagay sa sticky notes kasama ng papel na bulaklak. Himala nga at di song lyrics yung sinulat niya haha

Inamoy ko ulit yung bulaklak na papel.

Saktong ginagawa ko yun ng dumating si thea.

Pinuna naman niya yung ginagawa ko.

"Ano ginagawa mo? Ano yan?" Tanong niya

Pinakita ko sa kanya yung bulaklak na papel na bigay ni babylove

"Look oh! Ang ganda ng paggawa ng bulaklak gamit ang papel" puri ko

"Talaga? Nagandahan ka?" nakangiti niyang tanong sakin

"Oo naman! Tsaka ang bango pa" sabi ko saka pinaamoy sa kanya yung hawak ko

"Hmm...bango nga" napangiti ako nung sinabi niya yun saka inamoy amoy ulit yung bulaklak na papel.

"Sabi sayo eh"

"May hinala kaba kung sino nagbigay sayo niyan?"

Nagkibit ako ng balikat "wala eh. Wala akong maisip" tumango tango naman siya

"Kahit ni isa wala man lang?" Napaisip naman ako

Hmm... sino kaya si babylove eh sa wala talaga akong maisip kung sino pwedeng magbigay sakin ng mga ganito.

Kinuha ko yung notebook ko sa loob ng bag saka binuksan yung part na nakatago yung ilang notes na bigay sakin ng secret admirer ko na to.

Napansin ko naman yung handwriting niya. Ang ganda at ang neat ng pagkakasulat niya. Para ngang di lalaki yung handwriting eh. Di ko naman sinasabi na babae to pero kasi mostly sa mga lalaki di ganito yung itsura ng handwriting nila. Minsan lang naman kasi ako makakita ng lalaki na maganda ang sulat kamay. Ewan ko ba.

Pero pano naman kaya pag babae tong si babylove? I mean di naman yun imposible diba?

"Ano iniisip mo?" nabalik naman ako sa katinoan ng marinig ang boses ni thea. Napatingin ako sa kanya ng ilang segundo saka bumuntong ng hininga

"Wala. Iniisip ko lang...what if girl si babylove?" tanong ko habang diretso pa ring nakatingin sa kanya "pano mo naman nasabe?" tanong din niya

"Well, binase ko lang naman yun sa handwriting niya. Para kasing di lalaki yung sulat kamay niya eh. Dagdag mo pa tong amoy ng binigay niya" tukoy ko sa bulaklak na papel "amoy babae, I mean amoy baby haha Tama lang sa codename niya na babylove" dagdag ko pa

"So you're telling me na..." kunot noo na siya ngayon "na babae yung nagbibigay sayo niyan?"

"I don't know. I'm not sure yet"

"Eh kung hindi babae...baby?" biro niya

Natawa naman ako dun "oo baby nga. Baby damulag" natawa ulit ako

Nakitawa na din siya "eh dapat pala baby damulag yung codename niya di babylove" suggest niya

Napailing na lang din ako ng aking ulo. Hayyy whoever you are, makikilala din kitang babylove na damulag ka.

Thea's POV

"Ano gagawin ko? Pano pag nalaman niya?"

"Girl malalaman at malalaman din naman niya soon. So anong tinataranta mo diyan?"

"Malalaman niya, oo...pero wag muna ngayon"

"Bakit naman?"

"Di pa ako ready"

Napakamot na lang ng ulo si ally. Nandito kami ngayon sa clinic. Pagkatapos ng klase ko ay agad akong nagpunta dito para kausapin si ally para sabihin na din sa kanya yung mga hinala ni krystal na sinabi niya sakin kanina.

"Eh kung ganon kelan ka pa magiging ready?" tanong niya

Mukhang naiinis ata sakin to ngayon

"Girl di pwede yung sasabak ka sa giyera tapus di ka ready? Ano yun?" nakabusangot na siya ngayon

"Eh bat ang sungit mo? You should help me"

"I am helping you" saad niya "but how can I help someone who's not ready?! Aber? Sabihin mo sakin pano?"

Oo nga naman. Di pwede yung ganito. Dapat ready ako. I should know that before pa ako sumabak sa giyera ng pag-ibig. Tsk

"Anong gagawin ko?" wala na akong ibang masabi kaya yun na lang yung lumabas sa bibig ko.

"Maging handa ka" napabuntong hininga ako

"Eh ano nga gagawin ko? May hinala na siya na baka daw babae si babylove"

Napasandal si ally sa swivel chair "sabi pa niya maganda daw yung handwriting ni babylove kaya posible na babae talaga siya" dagdag ko pa na sabi

"Hay naku gandaaa..." sabi ni ally "imbes na mamroblema ka diyan bakit di mo na lang kasi aminin sa kanya" suggest niya

"Aamin ako? Tapus ano? Irereject niya ako?"

Ayaw ko. Ayokong ireject niya ko.

"Kung ireject ka man niya edi reject. Expected mo na dapat yan. Pero siyempre dahil optimistic tayo di ka susuko"

"What do you mean?"

"Bakla! Ano ka ba? Pag nireject ka man niya iisa lang ibig sabihin non" bitin niyang sabi

"Ano?"

"Patunayan mo na di ka basta basta umaatras at sumusuko" masigla niyang sabi "rejection means pursuing her more"

Eh di naman talaga ako basta umaatras at sumusuko eh. Marunong akong lumaban. Wala sa vocabulary ko ang sumuko.

Tama! Kung sakaling ireject niya ako di dapat ako magpaapekto. Gagawin ko yun na motivation para lalo akong ganahan na lumaban. Hanggang sa siya na mismo ang sumuko. Sumuko sa piling ko ayiiii

Iniisip ko pa lang na magiging akin siya kinikilig na ako. Ano pa kaya kung akin na talaga siya. Hihi patay na siguro ako nun sa sobrang kilig

Agad akong nagtungo sa upuan ni ally saka siya niyakap na napakahigpit

"Oy bakla wag ka ngang ganyan" marahan niya akong tinutulak palayo sa kanya

"Thank you talaga ally. I don't know what to do without you"

"Ganda ha? Ang OA!" sabi niya na ikinatawa ko naman

Bumitiw na ako sa pagkakayakap "totoo naman eh" sabi ko pa

"Asus! Gusto mo lang ata manyansing eh" pabiro niyang sabi

"Hoy! Excuse me lang po ha? Si krystal yung gusto ko di ikaw"

"Hahahaha alam ko! At alam ko din na siya yung gusto mong tyansingan hahahaha"

Aba loko to ah! Pero...may tama naman siya hihihi

Inirapan ko na lang siya

Patuloy pa rin kami sa pagkwekwentuhan ng biglang tumunog yung bell na nakasabit sa pintoan ng clinic. Meaning, someone just got in.

Pero di namin binigyan ng pansin yun kasi busy kami sa pagtsismis

"Ally, napuntahan mo na ba si-"

Napalingon kami pareho ni ally sa direksiyon ni krystal

Di na rin niya natuloy ang sasabihin sana ng makita niya ako na nakaupo sa clinic bed.

Dali dali niya akong nilapitan saka nagtatakang tinanong ako kung ano daw ginagawa ko dito sa clinic

"Hinimatay ka na naman ba?" Nakatitig lang ako sa kanya

Mahihimigan mo na concern siya sakin. Oo alam ko as a friend. Pero ang sarap lang sa feeling na nag-aalala yung taong mahal mo.

Wait, mahal?

Nandun na ba ako sa level na yun?

Mahal ko na ba talaga siya?