webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
Not enough ratings
52 Chs

Chapter 24

Krystal's POV

You're amazing just the way you are! :)

                        - tm

Sino naman kaya ang nag-iwan ng sticky notes dito sa desk ko? Sino kaya tong tm na to? Corny ng name ha... pero in fairness maganda hand writing.

"Oyyy... sino yan? Kanino galing?" Si ally.

"Ewan...tm daw eh"

Narinig ko naman na natawa siya. Ano naman kaya ang nakakatawa?

"Tm? Parang sim card lang ah hahaha" sabi niya kaya natawa na rin ako

"Loko ka talaga"

"Ano nakakatawa?" Napalingon naman ako sa gilid ko.

"Eto kasing si krystal may secret admirer tapus pangalan si tm" paliwanag ni ally na medyo natatawa pa

"Oh? Ano nakakatawa dun?"

"Eh kasi nga parang sim card lang. Tm? Hahahaha" nahawa tuloy ako sa kanya kaya nakitawa na din ako habang iniiling ang aking ulo.

"Ang sama mo naman" puna naman ni thea

"Anong masama dun? Nakakatawa lang talaga yung pangalan" katwiran naman ni ally

Napairap na lang si thea. Problema nito?

Nilagay ko sa notebook ko yung sticky notes. Kung sino man to malalaman ko din.

Dumating na yung prof namin. Andami namin ginawa buong araw. Quizzes, activities tapus my recitation pa. Buti na lang nag-study ako kagabi.

Ally's POV

Iba talaga tong kaibigan ko. Andaming manliligaw. Andaming nagkakagusto. Pati babae nababaliko at isa na dun yung babaeng nakabusangot ngayon

Badtrip siguro to kasi ikaw ba naman pagtawanan yung initials niya? TM hahaha

Opo, alam ko kung sino yung nagbigay ng sticky notes kay krystal. Kilala ko kung sino si tm. Eh pano ako nagbigay ng ideya na yan sa kanya.

Napagawi ako sa direksiyon ni thea.

Di ko talaga lubos akalain na bakla tong diyosang babae na to. Sa ganda ba naman niya at sa ubod ng kahinhinan ay di mo masasabing lesbian siya. Babae pa siya sa babae pero gaya nga nang sinabi niya sakin isa siyang femme lesbian.

Alam niyo naman siguro kung ano yun and yes! Kasabay ng pagkarinig ko sa usapan nila ni george nung mga nakaraang araw ay inamin at kinuwento niya din sakin yung tungkol sa kanya.

Well, at first shookedt ang lola niyo halos lumipad yung wig ko kahit wala naman talaga akong wig.

Pero siyempre kinilig ako after...ihhhhh kasi naman eh yung diyosa nainlab sa isa pang diyosa? Perfect combo lang!

Eto namang frennycules ko walang kamuwang muwang na may naiinlab na pala sa kanya diyan sa tabi tabi. Yung katabi niya mismo hahaha

"Oyy... pangiti-ngiti ka diyan?" biglang bulong sakin ni krystal

Kasalukuyan kasing nagtuturo sa unahan yung teacher namin kaya dapat quiet lang pero siyempre dahil mabunganga tayo eh binulungan ko rin siya

"kinikilig lang ako" pag-amin ko na siya namang ikinakunot ng noo niya

"Ha?" napatawa siya ng marahan "bakit kana man kinikilig diyan?"

"basta" agad kong bulong sa kanya

Napansin kong inirapan niya ko. Naku sarap tusukin ang mata.

Nang mga oras na yun ay napaisip ako? Pano kaya kung tanungin ko si krystal about sa mga ganyang bagay. Well curious lang naman ako kung ano magiging reaction niya. If anti ba siya or pro haha

Tama! I'll ask her later. In that way matutulungan ko si thea sa mga damoves niya haha Tama, Tama! Ang bright bright ko talaga.

Thea's POV

"Bakla I have a plan" rinig kong sambit sakin ni ally kaya naman agad akong napatingin sa kanya

Ano na naman yang plano niya. Kakainis tong babae na to eh. Pinagtawanan niya yung initials ko. Bwisit

Parang nagsisi tuloy ako na inamin ko sa kanya pagkatao ko. Lakas mang-asar eh.

"Ano na naman yan? Siguraduhin mo lang na di mo ko pagtatawanan" paalala ko sa kanya

Bigla naman siyang natawa "bakla ano kaba? Wag ka mag-alala. Para din sayo to" sabi niya sabay wink

Ano naman kaya pinaplano neto

"Ano ba kasi yun?"

Ibinahagi niya sakin yung plano niyang tanungin si krystal about sa mga bagay bagay na wala siyang kaalam alam. Ally knows kasi na she doesn't swing that way at mahirap daw mainlab sa taong straight pa sa pole. Ayaw niya daw akong masaktan kaya mas mabuti daw na tanungin at alamin yung opinion niya about sa mga ganung bagay. Para naman daw di ako umasabels.

"Pero sa tingin mo? Straight talaga yun?"

"Naku straight pa sa straight! Pero wag ka mag-alala. She's gay for you at lalo siyang mababakla pag nalaman niya ang totoo" di ko alam kung pinapalakas niya yung loob ko o inaasar na naman niya ako may pa wink pa eh.

Pero teka she's gay for me daw? Ano naman ibig niyang sabihin dun? Akmang tatanugin ko na sana siya ng may nagsalita...

"Anong totoo?" Sabay kaming napalingon ni ally dun sa boses na yun

Hala! Patay! Narinig ba niya pinag-usapan namin? Nagkatinginan lang kami ni ally. Anuna?

Krystal's POV

Andito ako ngayon sa cafeteria. Bili ako foods for my alagang dragon sa tiyan. Kanina pa kasi nagrereklamong gutom eh.

Bilhan ko na din ng foods si ally pati na yung mahal na prinsesa kahiya naman sa kanila eh. Di man lang ako sinamahan dito.

Napunta naman yung isip ko dun sa sticky notes. Sino kaya si tm?

Naku pag nalaman ko lang talaga kung sino yun. Sana naman pogi hihi

Pero seriously sino kaya yun?

Kinuha ko na ang mga pinamili kong foods saka umalis na dun sa cafeteria.

Agad akong nagtungo sa mini park. Andun kasi yung dalawa.

Sabi dun ko na lang daw sila puntahan.

Malapit na ko sa mini park at natatanaw ko na sila. Parang ang seryoso nila ah. Ano kaya pinag-uusapan nila.

Di siguro nila napansin yung presensiya ko lalo na nung di sinasadyang narinig ko yung huling sinabi ni ally

"...kla pag nalaman niya yung totoo" napakunot ako ng noo

Di ko masyadong narinig yung unang words na sinabi niya pero...

pag nalaman niya ang totoo?

Hmmm... anong totoo? At sinong niya ang makakaalam nito?

"Anong totoo?" bago ko pa pigilan ang sarili ko na magtanong ay yun na nga at lumabas yun sa bibig ko.

Eh sa curious talaga ako anong pinag-uusapan nila. Mukhang seryoso kasi tong dalawa eh

Napansin ko naman na parang nagulat sila ng makita nila ako dun na nakatayo. Nagkatinginan pa nga ang mga baliw.

Problema nila.

"K-kanina k-ka pa diyan?" Nautal naman tong si thea

"h-hindi n-naman" sinunod ko yung way na pakasabi niya na nauutal haha "k-karating ko lang"

"Nauutal ka ba dahil nauutal ka o ginagaya mo ko?" Mataray niyang tanong

Haha ang sarap naman asarin to.

"Ikaw eh! Bat ka ba nauutal diyan" sabi ko na lang sa kanya sabay abot nung foods nila saka naupo sa tabi niya

"Ikaw eh! Bigla bigla kang sumusulpot" saad niya

"Oo nga girl! Para kang kabute" sang-ayon naman nung isa sabay hagikhik nilang dalawa

"Pinagtutulungan niyo ba ako? At ikaw?" Tiningnan ko si ally "sino ba kaibigan mo at kung makasang-ayon ka diyan...pektusan kita eh"

"Eto naman! Si ganda pektusan mo wag ako"

"Anong ako? Masakit kayang mapektusan! Ayoko!" Para namang bata na sabi niya

Ewan ko ba sa dalawang to. Mga baliw