webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 23

2 days na ang nakakalipas simula nung malaman ko ang about sa pagtataksil sakin ng magaling kong boyfriend at bestfriend.

Andito ako ngayon sa hallway nasa tabi ko naman si lea na nakikiusap na mag-usap daw kami. Gusto niya akong makausap.

"Wala tayong dapat pag-usapan" malamig kong sabi.

Ano pa ba ang pag-uusapan namin eh sapat na yung nakita ko. Ano? Gusto niyang magpaliwanag? Wag na! Useless lang din kung gagawin niya yun.

"Please... just... let me talk to you"

I rolled my eyes at her then heaved a sigh.

"1 minute" sabi ko

"5 minutes" saad naman niya

"1 minute"

"Okay, 4 minutes"

"1 minute" pagmamatigas ko eh sa gusto ko isang minuto lang eh. Pasalamat nga siya pinayagan ko siyang makipag-usap sakin kahit isang minuto lang.

Ayoko talagang makipag-usap sa kanya. Nasasaktan ako kasi sa dami ng taong pwedeng manloko sakin yung bestfriend ko pa.

Wala akong pakialam sa boyfriend ko na ex ko na ngayon kung niloko man niya ako. Expected ko naman na yun eh. I mean he's really a playboy naman kahit noon pa lang and di naman talaga ako nasaktan na nagawa niya yun sakin mas nasaktan pa ako sa ginawa ni lea.

Bestfriend ko siya eh and bestfriend should have each others back dapat not stabbing each others back by cheating with the boyfriend.

"3 minutes then"

"1 minute or no talk"

Napabuntong siya ng hininga.

"Fine. One minute" pagsuko niya "look tey, hindi ko sinasadya! Yung samin ni george? Believe me, I tried na layuan siya. Sinubukan ko siyang iwasan pero wala eh. Mahal ko siya" nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun.

So mahal niya si george.

"Kelan pa?" I asked her

Parang di naman niya nagets kung ano tinutukoy ko "kelan mo pa siya mahal?"

She just lower her head.

"35 seconds left" napaangat naman siya agad ng ulo

"Bago mo pa siya nakilala may something na sa aming dalawa" pag-amin niya

Kumunot naman yung noo ko. Before ko pa si george nakilala? Eh bakit di niya sakin sinabi? Kung alam ko di na sana ako nakipagrelasyon sa gagong yun. Di ko na sana siya inentertain. Di ko na sana siya ginamit para magsilbing experiment sa sexuality ko. Edi sana walang panloloko na nangyayari sa aming tatlo.

"Bakit di mo sakin sinabi?" Walang emosyong tanong ko sa kanya

"Para saan pa? Masyado akong nasaktan nun lalo na nung nalaman ko na liligawan ka niya. Ang buong akala ko pareho kami ng nararamdaman pero ang gago nakilala ka lang kinalimutan na ko. Wala akong nagawa. Alam ko din naman na di mo kasalanan kung bakit ikaw ang pinili niya"

"Pero pinili ka din niya tignan mo pinagsabay tayong dalawa" diin kong sabi sa kanya

Nag-iwas siya ng tingin sakin. "Ayokong masaktan ka pero mahal ko siya kaya naman nung inamin niya na mahal niya din ako pumayag ako sa kagustuhan niya na itago ang relasyon namin..."

"Kahit alam mong masasaktan mo ko?" wala pa ring emosyong tanong ko sa kanya. Yumuko lang siya ulit "Alam mo bang mas nasaktan ako sa ginawa mong panloloko kesa kay george?" Tumingin siya saglit sakin saka inilipat ang tingin sa sahig "actually wala naman akong pakialam eh kung lokohin man ako ni george dahil simula pa lang wala akong feelings sa kanya." Bakas sa kanya ang pagtataka sa sinabi ko. "Ang di ko lang matanggap ay niloko ako mismo ng sarili kong bestfriend!" dagdag ko pa

"What do you mean na wala kang feelings for george?"

Di ko siya sinagot instead I said "times up! I have to go"

Akmang paalis na sana ako ng pigilan niya ako "wait, thea!"

Nilingon ko siya "I'm sorry" she said full of sincerity

Tiningnan ko lang siya tsaka marahan na inalis ang pagkakahawak niya sa wrist ko "do you love him?" She nodded. Nginitian ko siya "be happy, okay?" sabi ko saka tuluyan na siyang tinalikuran.

Aminado ako na masakit talaga ang ginawa nila sakin despite of me having no feelings for george. Siyempre kahit wala naman akong feelings talaga kay george eh masakit pa rin sakin yung fact na niloko nila ako especially ng bestfriend ko.

Pero di naman ako ganun ka galit sa kanilang dalawa. Oo nasampal ko nga si george nun pero dala lang yun ng emosyon na naramdaman ko that day. Alam ko rin na I have no right to be mad at them since may kasalanan din naman ako sa kanilang dalawa. Kay george sa paggamit sa kanya at kay lea dahil feeling ko ako yung dahilan bakit ganun yung sitwasyon nila ni george.

Napabuntong hininga ako.

Papunta ako ngayon ng canteen. For sure andun si krystal. Bigla akong napangiti.

Sino ba naman kasi di mapapasmile lalo na pag naisip mo yung taong nagpapasaya sayo. Ayieeee haha

Agad siyang hinanap ng mga mata ko pagpasok ko ng canteen.

Two days na rin pala nakakalipas nung nawalan ako ng malay habang sakay sa motor ko.

Two days na ang nakakalipas nung sinabi niya sakin na concerned siya as a friend...

Ihhh... kinikilig talaga ako tuwing naaalala ko yun kahit na sinabi pa niya na as a friend lang. At least concerned siya sakin diba? Hehehe

"Ganda!" Narinig kong may tumawag sakin kaya hinanap ko agad ang taong yun.

Nakita ko naman si ally na kumakaway "dito" sigaw pa niya

Nakangiti akong tumungo sa table nila.

"Ang ganda naman ng ngiti natin... parang di lang niloko ah" bungad sakin ni ally

Napansin ko naman ang pailing na pagsiko ni krystal sa kanya saka bahagyang tumawa

Napairap na lang ako "well hi to you too ally" sarcastic kong sabi

I averted my gaze to krystal na nakangiting nakatingin sakin

"Hi" I greeted her while giving her my sweetest smile.

"Hi" bati niya din sakin "did you eat na ba?"

Wow naman. Ang sweet naman ng my loves ko. Tinanong talaga ako kung nakakain na ko hehe

"Not yet" pabebe kong sagot "bakit? Bibilhan mo ko foods?" Ang kapal ko talaga haha baka lang naman kasi ilibre niya ako no malay mo hehe

"Duh! Bumili ka ng foods mo" ayy ganern? Kala ko pa naman madadala ko siya sa pabebe effect ko hehe

Nagpout lang ako sa kanya

"Ay? Bat may pa pout?" tanong ni ally

"Paki mo ba eh gusto kong magpout"

"Asus! Nagpapacute ka lang eh" ally's teasing me. Alam niya na kasi yung about sa feelings ko for her bestie kaya ganyan na lang kung magsalita sakin. How did she find out?

*flashback*

"Thea!" si george

For sure gusto makipag-usap sakin nito.

"Thea, wait!"

Nilingon ko siya "what george?" Walang gana kong tanong sa kanya

"Can we talk?" I signaled him to go start whatever he wants to talk about "about lea"

"You love her?" Di siya nakasagot agad

"I love you..." I just stared at him "but I love her more"

"Look kung mahal mo talaga si lea gaya ng sabi mo go for it. I don't care" pag-amin ko

Napakunot naman yung noo niya "you don't care?" Tinangoan ko lang siya "why?"

I told him about the reason why I said yes to him nung tinanong niya ako if he can court me. I confessed to him everything na kaya ko lang siya sinagot because I was confused about my sexuality.

"I'm sorry george. I didn't mean to" di ko alam kong ano yung nararamdaman niya ngayon. Di ko mabasa ang emosyon niya "Sa kagustuhan kong malaman kung sino at ano ba talaga ako di ko naisip na makakasakit ako. That's why I'm sorry"

"Did you ever love me?" Blanko niyang tanong

"Minahal kita george....pero bilang kaibigan lang"

Tumango-tango lang siya "so who's this someone that made you confused?" He asked. Di ko naman inexpect na tatanungin niya ako tungkol dun

I gulped "ahm... ahh... k-krystal"

Napansin ko na parang nabigla siya "krystal? You mean krystal baran?"

Tinangoan ko lang siya

Tumango din siya "Now I understand why" napakunot naman yung noo ko

"What do you mean?" Taka kung tanong sa kanya

"Naintindihan ko na kung bakit ganun na lang kung tumitig ka sa kanya" I can't believe what he just said

"Am I that obvious?" He just smiled at me. So I guess that's a yes

"I'm sorry and thank you thea" he said

"Why you're thanking me?"

"Just thank you" he's still smiling

Naguguluhan man ay ngumiti na lang din ako sa kanya "I'm sorry too"

"Nah, it's okay! You used me, I cheated on you. So, I guess we're even" tumawa siya ng bahagya

He tapped my shoulder and akma na sana siyang paalis ng pigilan ko siya

"Take care of lea" sabi ko sa kanya

"don't worry, I will take care of her"

Napangiti ako "wag mo siyang lokohin ha kasi pag nalaman ko lang talaga na niloloko mo kaibigan ko masasapak kita" tumawa lang siya ulit

"Woah! Chill! Di ko siya sasaktan" he winked kaya napairap na lang ako "and go for it din. I mean, krystal!" He simply said while smiling at tuluyan na nga siyang umalis.

Napailing na lang ako. I was about to walk my way sa next class ko ng may marinig akong nagsalita.

"So...you have feelings for krystal?" nagulat ako sa tanong ni ally

*end of flashback*

Yes guys. Narinig lahat ni ally pinag-usapan namin ni george. Kaya naman sinabihan ko siya na amin amin lang muna yung nalaman niya.

Pumayag naman siya kaya eto ang lakas makaasar sakin ngayon.