webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
37 Chs

Chapter 3

BENEFIT

Nang makabalik ako sa upuan ay wala na si Jason at Tori.

Napapailing lang na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng slacks ko at nagtipa nang reply sa manager ko.

Gusto niyang magpahinga ako bukas dahil sa issue na kumakalat sa akin.

Akala mo naman kung nasa showbiz ako kung makaarte siya. Alam ko namang mawawala din agad ang chismis sa akin..

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kalat kong pictures kasama ang ex ko. Hindi lang sa isang website ko nakita ito kundi sa lahat nang mga kilalang pages! At ang siste pa, branded na mistress ako kaya daw mabilis akong nakaakyat at sumikat!

Marami ding nakikisawsaw na fans namin ni Jason. Nagdedemand ng explanation ko. May iba na mas gusto si ex dahil mas gwapo at mas sexy daw.

Gusto kong mapasabunot ng buhok.

Ang gulo gulo!

Bakit ngayon pa ito nangyayari? Kung kailan balak kong maglaunch ng cosmetic line?

Napapabuntong hininga na lang ako ng mabasa ko ang mga ibang negative comments sa akin.

Galit na galit at inaalipusta ako.

Cheater at whore..

Saan ba nila napulot ang mga salitang yon? Kung makapagsalita sila ay parang may atraso ako sa kanila.

Tumayo ako para tumawag sa manager kong nagagalit na. Pagtayo ko ay napalingon ulit ako doon sa dalawang lalaki.

Halos lahat ng mga babae ay nakatingin sa kanila. Halatang halata kasi na pareho silang gwapo at mabango.. I mean yummy.. I mean gwapo at mayaman..

Napasulyap ulit yong isa sa akin. Pero nilagpasan ko lang ng tingin para naman hindi mahalatang pati ako ay pinagpapantasyahan sila ng kasama nya.

"Lex, I can't do that."mariin kong sagot.

Gusto niyang magpahinga ako ng tatlong araw!

As in tatlo! Baka ultimo umihi ay hindi ko na magawa non sa dami ng engagement ko! Ako yong klase nang taong hindi pinagpapabukas ang mga dapat gawin.. Kung mapopostpone lahat, paano na yong negosyo ko?

May target date na ako later this year.

"But you have to."giit nito.

"Why can't you just close those websites down! Or report that account who spread my pictures!"

"We already did. I even contacted Mr Wright-"

"Fuck!"

"Don't swear at me Megan! I'm trying to clean your name!"

"Why do you have to call him? Just report his instagram account so they won't get anymore photos from it!"

"His secretary called me. They already removed all your pictures."

Napahinga ako ng maluwag. At least secretary lang yong involved.. akala ko siya na yong nakausap.

Sabagay.. masyadong petty ang ginagalawan kong mundo para pagtuunan pa niya ng pansin.. high and mighty yon eh.

"But.. they won't help us with those rumours."

Feeling ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko sa galit.

"But it's also his privacy!"

"Well.. I think their company would benefit from these rumours.."

"What?!"sigaw ko.

"That's why you need to just stay at home while we take all the website down.."

"His people can do it without even an hour Lex! Talk to him again."

"I can't. It's his secretary who deals with his affairs."

"Buwisit! Puta siya!"pagmumura ko.

Kinuyom ko ang palad ko sa galit. Benefit? Anong klaseng benefit ba yong sinasabi nila?

Marami siyang pera pampaadvertise sa malls nila. At kung sa personal naman, marami ring babaeng gustong mailink sa pangalan nya.

Bakit ako pa na umiiwas at nananahimik ang idadamay nya?

Gusto ko tuloy isiping siya ang may kagagawan sa pagkaungkat ng pictures namin.

Huminga ako ng ilang beses para ayusin ang loob ko.

Wala na akong choice kundi gawin ito..

"I-I'll be back working again after the rumours stop right?" Nakarinig ako ng buntong hininga niya.

"I'm not sure yet.. the rumours spread like a wild fire.."

"What else should we do then?" I snapped.

"Have him talk to the media about your real score."parang lumaki ang ulo ko sa narinig.

Impossibleng mapagsalita ko yon!

Baka pwede pang tulungan niya ako sa pagtanggal ng mga pesteng chismis. Pero hindi ang magsalita siya.

Pumipintig ang ugat ko sa ulo na bumalik sa bar.

Hindi ko alam kung bakit napatingin ulit ako sa table sa dulo kung saan andon ang mga mababangong lalaki.. I mean gwapo at mayaman.

Nag iisa na lang yong nakatalikod kanina.

Mas dumilim sa pwesto nila kaya kahit naka side view siya ay hindi ko maaninag ang mukha niya.

Pero ramdam ko hundred percent na gwapo din ito.

Napabilis ang tibok nang puso ko nang akto siya lilingon sa akin. Agad akong naglakad papunta sa table namin na wala pa ring katao tao.

Naka ilang shot ako ng alak nang makarinig ako ng kaguluhan sa dancefloor.

Nagsitigil lahat at pinanood lamang ang cat fight.

At dahil chismosa din ako ay napatayo na ako para tignan kung sino-

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tori na hila hila ang isang payat na babae sa buhok.

Napatakbo ako para umawat dahil wala man lang tumulong sa kanila.

My lips formed into an o when I saw how wet Tori was. No pun intended.

"Tori! Tigil.."kinuha ko ang kamay niya na nakasabunot sa nagpipisag na babaeng buto-buto.

"You slut! I'll make your life miserable!"galit na aktong susugod ulit ang buto pero agad ko siyang hinila at tinulak sa mga taong nakatayo. Agad nila itong nasalo.

"Puta ka rin! Matagal nang miserable ang buhay ko gaga!"lasing na ganti ni Tori.

Kumapit na ako sa kanya at hinila siya paalis sa dance floor.

"Uwi na tayo okay? Sa bahay ka na matulog."sabi ko.

Sumandal siya sa couch at pumikit.

Bumubulong siya nang mga mura.

Napabuntong hininga ako. Saglit lang akong nawala lasing na agad ito.

"Riri.. kunin ko lang si Jason. Hwag kang aalis dyan ah?" Tumango siya at hinawakan ang ulo.

For sure ay nahihilo na ito. Hindi naman kasi kami malakas uminom.

Sa nakikita ko ngayon ay para siyang may malaking problema. Ang galing lang kasing magtago nito nang nararamdaman eh..

For sure tungkol sa pamilya niya ito.. na nasa Pilipinas..

Hinanap ko si Jason sa dance floor. Wala ito.

Iginala ko ang paningin sa mga tables.. napadako ulit ang tingin ko sa dulong mesa. Nakabalik na yong isang gwapo.

Napipilitang inilipat ko ang tingin sa iba.

Napapailing na naglakad ako papunta kay Jason na halos ma-rape na nang dalawang babae. Animong lasing na rin ito. Or nilasing..

"Excuse me. But I need my friend back."magalang kong sabi sa mga kapwa ko models.

"We can take him home Megs.."ngiting ngiti nilang sagot.

Ngumiti ako nang malungkot.

"But his mother kept calling me.. Do I need to tell her that you're with him?"

Nanlaki ang mga mata nila.

Kilala si Tita Jade na strikto at nanunugod kapag may hindi nagustuhan. Stage mother.

Umiling sila at umalis sa tabi ni Jason. Nagpaalam na magbabanyo lang.

"Jay.. let's go.."tinapik ko ang mukha.

Napangiti ito at hinawakan ang kamay ko at parang batang ikiniskis ito sa mukha niya.

Sinampal ko siya ng medyo malakas.

Napadilat siya at kumurap kurap.

"Uwi na tayo. Sa unit ka na rin magpalipas ng gabi. Wala na ako sa mood ihatid ka pa."sabi ko.

"Hon.."protesta niya ng hilain ko siya patayo.

Sumadsad ang mukha niya sa leeg ko. Nasa six feet two inches ito. Pinalibot niya ang mga braso sa baywang ko para masteady siya.

"You smell divine hon.."paungol niyang sabi at suminghot singhot.

"Divine? Oo ako divine, ikaw divide kasi madidivide ko na yang mga kamay mong manyakis!"babala ko dahil pumipisil pisil na siya sa baywang ko.

He chuckled and let me go.

Iniakbay ko ang braso nya sa balikat ko para makalakad na kami sa table namin na wala na naman si Tori!

Napahinga ako ng malalim at pinaupo si Jason sa couch habang tumitipa ako sa cellphone ko para matawagan na si Tori.

Umusog si Jason palapit sa akin at iniyakap ang mga braso sa baywang ko..

"Hon.. i missed you.."lasing nitong wika.

Hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang pagtawag kay Tori.

"Please give me some of your time.."kulit nito at humawak na sa braso ko.

"Jason behave!" Asik ko.

"Aso lang?" Tumatawang sabi niya. Ang gwapo din nitong kumag na to. Kakagigil.

"Oo! Mukha ka nang aso eh! Kung makasinghot kapa wagas."natatawa kong sabi.

Napapout lang siya at sumandal sa balikat ko at pumikit.

"Ano na naman kayang nangyari-"

"M-Miss.. excuse me." Napatingala ako sa waiter na umasikaso sa amin.

Itinaas ko lang ang isa kong kilay. Halatang mas ninerbyos ito.

"Y-You can o-order more drinks. I-It's o-on the h-house."utal utal na sabi niya.

"Nice.."masayang sagot ni Jason. Ang kulit.

Siniko ko siya kaya mapasinghap ito at humiwalay na sa akin. Parang batang umuungot sa sakit.

"Wala nang iinom."matigas kong sabi at binalingan ang nasa mesa namin.

Wala na rin kaming inumin kaya sakto lang ang pag uwi namin.

"No thanks." Sabi ko at inayos na si Jason na nakatulog sa couch.

"B-but Miss."apela pa nito.

"We're fine."tiningala ko siya at hinintay siyang umalis na.

"O-Okay then."wala itong nagawa kaya umalis na.

Bumalik ako sa pagtawag kay Tori.

Nang tatayo na sana ako ay bumalik ulit ang waiter na makulit. Mas makulit sa lasing na si Jason. May dala na itong tray na may tatlong bote ng tubig.

"M-miss-"

"I didn't order anything."gigil kong sabi.

Ang ayaw na ayaw ko ay pinipilit ako.

"B-but Miss-"

Napapikit ako sa inis. At tumango na lang.

Dali-dali niyang inilapag ang tubig sa mesa namin at umalis na.

Sinundan ko siya nang tingin. Magaan ang paa na dumiretso ito sa counter at kinausap ang bartender. Ilang sandali pa ay may iniabot itong kung ano at agad ding ibinalik matapos ng ilang sandali.

Binawi ko na ang tingin at binuksan ang bote para makainom na ako.

Nang mapatingin ako sa dulong mesa ay nandoon na ang waiter habang may inaabot sa nakatalikod na lalaki.

Yong card kaya niya yon? Tanda ko kanina na may inabot si mabango sa waiter eh.

"Hay.."napalingon ako nang may tumabi sa akin.

Si Tori na gulong gulo na ang buhok at nakabukas pa ang ilang butones nang polo nya.

"Anyari? Para kang may nirape ah.."biro ko.

Tumawa siya nang parang may inaalala. Then lumingon sa dulong mesa.

Nakita ko yong isang mabango na gwapo na papupo na rin. Sinusuklay ang buhok gamit ang kamay.

Masyadong madilim kaya hindi ko makita kung anong itsura niya..

"Ang sarap non."komento ni Tori. Napabawi ako ng tingin sa lalaki at binalingan ang kaibigan.

"Come again?"

"Grabe ka. Make out lang ginawa namin."

"Ano?"Naguguluhan kong tanong.

"Yong dalawang lalaki sa kabilang mesa, nilibre ang mga inumin natin."

Napatingin ulit ako sa dalawang lalaki. Nakatayo na sila. Patalikod pa sa amin.

"Bakit? Kilala ba natin yon?"taka kong tanong.

"Hindi. Ngayon ko nga lang nakita yon eh."inabot ni Tori ang tubig at uminom din.

"Teka lang bruha.. anong make out ang sinasabi mo?"hinila ko ang magulo niyang buhok.

"Aray naman. Mas masakit ka pang makasabunot kesa don sa lalaking naka-make out ko!"angal niya.

"Sinong ba yong nakamake out mo?"kuryoso kong tanong.

"Yon isang gwapo. Wala eh. Para akong inaakit kung makatingin sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon ulit sa mesa nila.

Wala na ang mga ito!

Sinuyod ko ang tingin sa buong bar.

"Dalang dala na nga ako kanina eh.. balak ko nang magpabutas.."tumatawa siya habang umiinom.

"Gaga ka! One night stand? Birhen ka day!"paalala ko sa kanya.

"Ang sarap humalik eh.. pero nakapagpigil pa ako."Naubos niya ang isang bote. Halatang uhaw na uhaw.

Ikaw ba namang makilagpalitan ng laway sa ibang tao..

"Kaya lang, naturn off ako sa sinabi niya."

Napataas ang kilay ko nang dumilat siya at tinignan ako.

"Bakit?"

Tumawa siya at napailing iling.

"Gusto niyang pakasalan ko siya pagkatapos naming magsex kaya atras ako agad."

Bumagsak ang panga ko sa narinig.

"Hindi pa ako tanga para magpatali. Butas kung butas lang. Walang sakal.."

"Kasal."pagtatama ko. Napalingon ako sa exit ng bar.

Nakita ko ang dalawang lalaki na papaalis na. Sinuntok pa nong isa ung mabango nang pabiro.

"Sakal, kasal.. who cares.. pareho lang na matatali ka at puro problema ang bigay."bitter na sabi ni Tori.

"Anong sinabi mo?"

"Siyempre umayaw ako! Ano ako bale? Kakakilala ko lang sa kanya! Malay ko ba kung psychopath pala!"

"Gwapong psychopath yon."biro ko.

"Tara na nga. Gusto ko nang makahiga sa kama ko."sabi ko at tinapik tapik na ang pisngi ni Jason.

Pinainom na namin siya ni Tori nang tubig  at naglakad na kami palabas.

Nang makarating kami sa unit ko ay nagkanya kanya kami ng kwarto.

Lumabas ako saglit para kumuha ng tubig.

Nakita ko si Tori na nakatalungko sa counter ko at humihikbi.

"Riri.."tawag ko

"Papakasalan ko na ata yong psychopath dito.."umiiyak na tumatawa nyang sabi.

"Baliw.."tangi kong nasabi at niyakap na siya.

"Yong boyfriend ko.. may nabuntis na sa Pinas at doon ginagastos yong ipon namin.."hinagod hagod ko lang siya sa likod habang nagsasabi siya ng problema niya.

"Ang mga taong mahal mo lang ang pwedeng makapagpaligaya sayo at makapanakit.."sabi ko.

"Kaya nga papakasal na ako dun sa lalaki. Atleast wala akong nararamdaman sa kanya! Kaya kahit mambabae, kiber!"umiiyak na sabi niya.

"Paano yan.. hindi mo naman nakuha yong pangalan.."

Ibinuka niya ang kamay at may nakita akong calling card na lukot.

Kinuha ko ito mula sa kamay niya at binasa ang pangalan niya na nakasulat ng bold letters.

"SIMON DUNCAN."