webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · Urban
Not enough ratings
37 Chs

Chapter 2

GOSSIPS

I slowly opened my eyes when I heard my phone ringing on my bedside table. I blinked for few times before grabbing it.

It was Jason!

"How's your sleep honey?"i heard Jason's husky voice. Halatang kakagising lang din.

"Ang aga mo namang mambulahaw."protesta ko at sumandal sa headboard ng kama. Trying to blink my sleep away.

"Because you have a busy day ahead. Just wanna remind you that." Tinatamad na bumangon na ako at nagpaalam.

Like I said, he was constant in my new world. Every morning he always wakes me up and remind me of my engagements and all. Kahit pa kulang sa tulog ay siya pa rin ang gumigising sa akin. Nagbiro nga ako minsan na kukunin ko na siyang secretary ko.

I took my planner and checked for my appointments for today.

I slowly went to my kitchen and made myself a cup of coffee before my shower.

Nang matapos ay iinot inot akong nagbihis. Napaaga ang paggising sa akin ni Jason.. nakalimutan nya atang mid day pa ang-

Halos manlaki ang mga mata ko ng maalala ang natanguan kagabi.

Shocks!

I have two contract signing with major brands today with some other endorsers/models.

It's half past eight now. Kung suswertehin makakaabot ako!

Napapangiti ako sa pagiging dedicated ni Jason na maging kaibigan ko. Walang nakakalusot talaga sa kanya.

Basta ko na lang isinuksok ang phone ko sa bag ko at nagpalit ng black two piece suit and black high heels to be formal.

I then grabbed my bag and rushed out of my door. Sinigurado ko munang sumara ang pinto bago ako mabilis na naglakad papunta sa elevator.

Nang mapindot ang button ay kinapa kapa ko na ang susi ko hanggang sa makarating ako sa basement parking.

Kung kailan nagmamadali ay hindi ko pa mahanap ang susi!

Then I shut my eyes tight when I remembered that I placed it on my dining table last night.

Buti na lang at nang pinindot ko ang elevator ay bumukas ito ulit agad.

Inip na inip na hinintay kong makarating sa unit ko. Then napatakbo na ako pagbukas na pagbukas ng elevator door. Sa pagmanadali kong lumabas ay may nakabangga akong matangkad at malaking lalaki.

Napasinghap ako nang halos tumalsik ako paupo sa floor. He was huge, tall and hard.  Good thing he pulled me by my arms and steadied me.

Ang bag kong bukas ay bumagsak sa sahig at nagsikalat ang mga gamit ko.

Nagpumiglas ako sa hawak niya dahil nakaramdam ako ng mumunting kilabot at tinignan ng masama ang matangkad na lalaki.

His face was covered with his hoodie. Heads down. Kaya siguro hindi ako nakita!

Great! Nakabangga pa ako ng tatanga tanga! Kung kailan nagmamadali eh!

"Hindi kasi tumitingin."inis kong bulong habang nagpupulot.

Tahimik lang siyang yumuko rin para makipulot. Tumingin ulit ako sa kanya. Gusto kong makita ang mukha niya dahil para sa susunod na magkita kami ay iiwas na ako!

Pero walang pag asa dahil nanatili ang mukha niya sa sahig kaya hinablot ko na lang ang balak niya sanang pulutin na sanitary pad ko.

"Give me that!" Inis kong sabi at hinablot ang mga gamit ko sa kabila niyang kamay at tumayo na.

Umirap muna ako sa kanya at halos takbuhin ko na ang unit ko para makuha ang car keys ko.

Bad trip!

Inis na nagdrive ako papunta sa first appointment ko. Contract signing with a big perfume company at makakasama ko ang mga kilalang modelo.

I felt proud of myself. Bibihira ang katulad kong baguhan pa lang na makahilera sa mga ito.

Inayusan ako agad ni Tori at humarap na sa mga reporters. Televised ito kaya kahit nanginginig ako sa kaba ay pinilit kong magpakakaswal. Iba pa rin talaga yong magpopose ka lang sa camera. Dahil don, aawra ka lang. Dito, bawat reaction mo makikita.

Sa huli ay nagtanong nang tanong ang mga reporters sa mga models na kasama ko.

Ang ikina ayos lang nang pakiramdam ko ay hindi ako napagtuunan nang pansin ng mga reporter.

Sino ba naman kasi ako kompara sa matagal na sa industriya?

Nang magtatapos na ang interview ay halos manigas ako sa kaba nang balingan ako ng mga ito.

Kaasar!

I felt like I wanted to run away when all their eyes snapped on the reporter who asked me a sensitive question.

"I've seen your old photos in instagram with this hot man cuddling you. Is he your boyfriend?"

Napalunok ako at tumingin sa mga reporter. Napainom ako ng tubig at ngumiti ng alanganin. Naghihintay sila nang isasagot ko!

"It's obvious that her boyfriend is Jason McCarthy, Bee!"Sagot nong isa na katabi niya.

"It's old pictures, so I guess he's an ex?" Sabi naman nong isa na kumukuha lang nang chismis.

Bakit kasi hindi tungkol sa opinyon ko about sa perfume or kung anong nagustuhan kong scent ang itanong! Shocks!

Ngumiti lang ako at akmang sasagot nang makita ko na binulungan ang big boss ng secretary niya. Hudyat na yon na tapos na ang interview.

Nakahinga ako ng maluwag nang nagsitayuan na rin ang mga reporter nang tumayo ito.

Shocks! Buti na lang!

Nagmamadali at nanginginig akong nagpaalam muna sa mga kasamahan ko at hinila na si Tori paalis.

"Nagsi-circulate online yong mga old pictures mo sa insta kasama yong CEO ng Wright Mall."pabulong na imporma niya nang makapasok kami sa sasakyan ko.

Napailing lang ako. Biglang namoblema.

Sino naman kaya ang nagpakalat?

"Sikat na sikat ka kaya laman ka ng entertainment world. Ganyan talaga kapag nasa itaas na. Babatuhin nang kung ano-ano.. Iniintriga ka na dahil nagmula ka sa wala tapos biglang angat.. Kumakalat na mistress ka nong CEO at backer mo siya.."

Napahinga ako nang malalim nang ipakita niya ang website kung saan nakapaskil ang mga old pictures ko kasama siya.

"He's my ex."pag amin ko.

Nanlaki ang mga mata niya sabay tingin ulit sa cellphone.

"Dios mio marimar! Napaka-hot niya! Paano mo siya nakuha?"hindi siya makapaniwala. Natigilan siya nang tignan ko siya ng parang nabobored.

Ngumiti siya at nag peace sign. "No offense.."

Ngumisi lang ako nang pagkapait pait.

"None at all. Kahit nga ako nagtaka. Tignan mo naman, matabang baboy pa ako dyan. Pero sa huli nalaman ko lang din kung paano ko siya nakuha..." I pursed my lips to stop myself from sounding bitter.

"Paano? Bakit kayo naghiwalay? Yong ganyang mga lalaki, dapat pinoposasan para hindi makawala!"hirit niya.

"I was his toy. Everything's a game for him. Wala eh.. rich.. so nong nabored at nakita ako, ako pinagtuunan ng pansin.."napakurap kurap siya habang binubuka buka ang bibig. Parang may gustong sabihin.

Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis.

"Ay grabe.. ayoko na talaga sa mayayaman!"nasabi niya sa huli.

"Kahit gwapo pa!"

Nang makarating kami sa isa pang venue ay niretouch nya lang ang make up ko.

"Pero nagtataka ako.. bakit nasa insta pa rin yong mga pictures nyo.. at take note.. ikaw lang ang babae doon.."hindi pa rin siya tumitigil.

Nagkibit balikat lang ako.

"Busy siguro sa business at babae.. wala nang time para tanggalin pa yong pictures.. pero I'm sure, maghahahire yon nang tao para itake down lahat ng mga issues tungkol sa kanya."

Napatango tango siya.

Pumikit na ako nang maglagay siya ng foundation sa mukha ko.

"So hihintayin mo na lang siyang kumilos?"

"Oo. Bukas tignan mo, iba na yong nasa tabloid."confident kong sagot.

Masyadong private ang mga buhay ng mga Wright. Sa nagdaang mga taon ay wala akong masyadong balita sa kanilang lahat pwera na lang sa mga parties na dinadaluhan nila.

I tried to keep away from those gossips columns. Kasi usually, may mga models at yayamaning babae lang na nakalambitin sa braso niya. Parang mga unggoy. At nakakairita dahil parang pinapamukha niya na hindi siya pumapatol sa gaya kong mataba! Nakakatawanan lang ako!

Kaimbyerna.

Anyways.. like what I've said, those news and pictures would be gone in few hours. Would be replaced by some issues. That was how fast his money could go.

Filthy rich nga kasi.

Pero dahil mukhang gossips ang mga kasamahan ko.. well, kasi nasa showbiz kami kaya updated sila at minsan ay naipapakita pa sa akin ang mga bagong news nang kung sino-sinong kilalang tao lang..kahit wala naman akong pakialam.

I continued my busy day at work. Nanginginig na ako sa gutom bandang alas tres nang hapon.

"Food for Miss Megan!"tuwang inilapag ni Tori ang paper bag nang kilalang restaurant.

Dahil sa gutom ko ay para akong hayok na kinuha ang lahat sa loob.

Sa ibabaw ng paper box ng pagkain ay ang maliit na note galing sa sender.

It was from Mr Colt.

Don't skip your meal. Be healthy

-Mr Colt

Napangiti na ako at mabilis na nilantakan ang carbonara at garlic bread.

"Asan ang finesse? PG lang?"Natatawang tanong ni Tori habang kumakain. Galing din kay Mr Colt.

Itong babaeng ito, kanina pa kumakain ng mga bigay dito. Walang pinapatawad!

Nakakainggit dahil kahit anong ngata niya ay hindi man lang madagdagan ang timbang. Sexy at maganda. Kinulang lang talaga sa height.

Samantalang ako, kailangang magbilang ng calories intake para mapanatili ang flat kong tyan.

"Grabe.. ang sarap talaga! Kaya mahirap makakuha ng reservation dito sa restaurant na to eh."iiling iling na sabi ni Tori at napapapikit pa sa bawat subo. Tinutukoy ang kinakain namin.

Hindi na ako umiimik dahil kailangan ko na talagang kumain.

"Hindi kaba naki-creepy-han na alam nya kung kumain kana or what?"tanong nito ulit.

Umiling lang ako.

Ang mga mayayaman, maraming koneksyon.

Money talks!

"Ginagamitan ka nang pa thoughtfulness effect.. kakaiba talaga siyang manliligaw.. pagkain, flowers at regalo. Puro mamahalin.. baka next time, siya na ang mamahalin mo.."At napabungisngis. Natawa na rin ako sa kakornihan nya.

"Kailan kaya natin siya makikita?"tanong niya matapos kaming kumain.

Kahit papaano ay umayos na ang pakiramdam ko.

Hirap talagang kumita ng pera!

"Malay.. baka kapag nagbinata na?"nakangisi kong sagot sabay tayo para itapon ang mga pinagkainan namin.

"Gaga! Baka pangit lang kaya nahihiya. Kinukuha muna yong loob mo tapos kapag nafall kana tsaka ipapakita ang mukha!"

"Okay na yon. Kesa DOM na nagbibinata ulit."

"So talagang ganon? Purke galante DOM na?" Napangisi ako habang kinukuha ang pouch ko na may lamang toothbrush at mouthwash.

"Kapag pangit na mayaman, pwede ko siyang pakiusapan na magpagawa ng mukha.. or pumikit habang nagdo-do kami. Pero kapag DOM, amoy lupa na."tumatawa kong sagot habang naglalakad papunta sa banyo.

Wala naman akong pakialam kung DOM si Mr Colt or pangit.. naaappreciate ko lang talaga mga effort niya.. gusto kong magpasalamat.

"Sabagay.. Pero papatol ako sa DOM basta ibigay lahat sa akin! Tapos gwaps pa. Ay bet ko yon.. at syempre dapat tinatayuan pa rin. Para naman hindi lonely sa gabi!"Tumawa kaming dalawa.

Gaga talaga..

Sabay kaming nag toothbrush at nakigamit pa ng mouthwash. Libre kasi itong akin dahil endorser ako.

Lagi ko siyang binibigyan ng mga stocks ko. Pero ipinapadala lang sa Pinas.

Hindi man lang magtira para sa sarili.

I've met her nong baguhan pa lang ako sa modelling world. Gaya nya. Then naging magkaibigan kami agad. We clicked. Dahil pareho kaming Pilipino.

Nang makabalik sa upuan ko ay nagsimula na ulit si Tori na pinturahan ang mukha ko..

Maya- maya lang ay nandito na si Jason na partner ko sa photo shoot ngayon para sa isang jeans brand.

It would be my last engagement for today. Tapos work out ko na sana mamaya with my F.I pero nacancel dahil may gagawin siya. She referred me to a guy pero umayaw ako.

"Ang ganda talaga ng mga make ups mo.."komento niya.

"I know right! Kaya nga malakas ang kutob kong magiging success ito."positive kong sagot.

Tumango tango ito.

"Kamusta naman ba yong legalities ng business mo?"

"Okay na lahat.. investors na lang.."

"Magloan ka sa bangko..baka mapagbigyan ka!"napapapitik na suggestion ni Tori.

Napatango ako.

Oo nga no..

I eagerly took my phone and contacted Reese and Ticia my assistants about the possibilities..

Then I felt an arm snake around my tummy. Habang pinapakinggan ko ang assistant kong si Reece ay may humalik sa gilid ng labi ko. Kinikilig na tumili ang mga bakla sa set namin.

Kahit kailan talaga ay bongga ang entrada nitong lalaking ito. Hindi na ako nabibigla sa mga kalokohan niya.

"Hon.. how's your day?"Bulong niya.

Pinatay ko na ang tawag at tumayo na para harapin ang epalogs.

"Okay na sana. May manyakis lang na nangyayapos at nanghahalik!"kunwari ay inis kong sabi.

Inilapit niya ang mukha niya at pinagdikit ang noo namin. I saw some emotions flickered in his blue eyes. Bigla akong naasiwa. Parang.. iba na to..

Nakarinig ako ng buntong hininga ng mga kasamahan namin.

"You should be an actor."tangi kong naisagot at pinigilan ang sariling sitahin siya. Baka nagkakamali lang ako..

Inilibot ko ang paningin sa mga taong nanonood sa amin. Para kaming nasa set ng koreanovela kung panoorin.

Humawak siya sa baywang ko at pumisil.

"I know right.."sagot niya kaya mapatingin ulit ako sa kanya. He was smirking now. Nawala na ang emosyon sa mga mata niya. Nakahinga ako ng maluwag.

Baka siguro nalipasan lang talaga ako ng gutom. Kaya naghahalucinate na ako.

"Times up na!"pinaghiwalay kami ni Tori at inutusan si Jason na magpunta na sa dressing room.

Nagflying kiss pa ang loko sa akin at kumindat. Ang mga bakla naman at mga babae ay kinikilig na pinanood siyang makapasok sa loob.

"Alam mo.. hindi ko maintindihan bakit hindi mo makitang may gusto-"

"Tori, magpapalit na ako. Gustong gusto ko nang matapos ito."pampuputol ko ng sasabihin niya at tumalikod na. Ramdam ko ang tingin ni Tori sa akin.

Agad akong sinalubong nang isa sa mga tauhan at pinilian ako ng damit.

I quickly went in to change.

I didn't want think anymore..

Everything was fine with my life right now..

Ayoko nang maging komplikado pa ang lahat.

Paglabas ko ay nakasuot na ako nang black backless top and low waist skinny jeans. Tinawag na ako at nagsimula na ang pagpose ko sa camera.

After series of shots, the photographer called Jason for his solo shots too. He looked so hot wearing white tank top and jeans with opened fly. Itinaas niya rin ung tank top niya. Kitang kita ang six packs abs niya.

Grabehan lang.. kinikilig ang mga babae at feeling babae sa mga poses niya.

Nagpalit ako ulit nang micro mini denim short, fitted white tee, knee length white socks, and rollerblades. Sa background ay mga boxes na ibat ibang sizes. Pinatalikod ako sa camera, pinakapit ako sa malaking box, habang nakadukwang at nakalingon sa harapan.

Sa gilid ko ay si Jason na nakaupo patagilid sa camera.

Nang makailang pose kami sa camera ay pinagpalit ulit kami ng damit.

This time naka black brassiere nalang ako, denim jacket na may pangalan ko sa likuran at high waist jeans. Si Jason naman ay naka hubad baro, ang jeans na suot ay nakahang lang sa hips niya, kita ang boxers.

Pareho kaming inispray-han ng fake tan, naglagay din nang oil sa katawan ni Jason para mas makita ang abs nya at maging mas kaalit akit.

Sa unang shot ay nakasuot pa ako ng denim jacket habang nakahawak sa braso ni Jason at nakatalikod sa camera. Si Jason naman ay nakahawak ang isang kamay sa baywang ko.

Sa pangalawa ay ibinaba na ang jacket mula sa balikat ko, nakatalikod pa rin sa camera pero ngayon ay nakayakap na ang  isang braso ko batok niya. Siya naman ay bahagyang nakayuko sa akin at may maliit  na ngiti habang hawak ang hita ko na nakaangat.

Sa last shot, nakaharap na ako sa camera nang walang suot na jacket, nakahawak sa buhok ni Jason ang isang kamay, at may nang aakit na ngiti sa mga labi. Sa likuran ko naman ay nakahalik sa buhok ko si Jason na nakapikit at yakap nang matatatag niyang mga braso ang baywang ko.

Nang isigaw na tapos na ang shoot ay halos napaupo ako sa pagod. Buti na lang at naalalayan ako agad ni Jason at ipinasuot ang jacket sa akin.

Inakay na nya ako sa upuan ko at humalik bago nagpaalam para makapagpalit.

"Grabe.. ang hot noon. No wonder nanghina ang mga tuhod mo!"Tumatawang komento ni Tori.

Umirap ako sa kanya.

"Gaga! Pagod na pagod na ako!"angil ko.

Nang makapagbihis ay sumabay na sa amin si Jason.

"I didn't bring my car because I know you'll have yours."nakangiting sabi ni Jason habang nagdadrive.

Napag usapan naming magdinner muna bago magclubbing. Pumayag na ako dahil libre ni Jason. Mukhang good mood siya..

Matapos kumain sa isang kilalang restaurant ay dumiretso na kami sa bar.

Pagpasok pa lang sa bar ay hindi na ako mapakali. Ganito palagi ang nararamdaman ko kapag nasa labas ako..

Parang may nagmamatyag..

Pero ngayon ay parang mas lumala..

Iginala ko ang tingin sa buong bar. Pawang mga nagkakasiyahan ang mga tao. Pero may panaka nakang tumitingin sa grupo naming tatlo.

Sabagay.. kapag kasama ko si Jason ay lahat ng babae ay napapatingin sa kanya..

Nang makaupo kami sa pabilog na couch ay agad kaming nilapitan ng waiter at kinuha ang mga orders namin.

Habang nagkukwentuhan ay pansin ko ang mga modelong gustong lumapit sa mesa namin. Halatang gustong makausap si Jason na katabi ko.

I excused myself when felt the urge to pee. Napailing ako nang tumayo agad ang mga babae pagkalagpas ko sa table nila. Nang lumingon ako ay nakaupo na sila sa couch namin at kinakausap si Jason.

Ibang klase talaga-

Napakunot ang noo ko nang makita ang mesa sa may dulo. Malapit sa restroom.

May dalawang lalaking nakatalikod na kinakausap ng waiter na pinagsilbihan kami. Patango tango ito. At inabot ang card na hawak ng lalaki.

Hindi ko masyadong mabistahan dahil sa malikot na neon lights.

Tumigil ako sa tapat nila at napatingin sa akin ang isa niyang kasama.

He then said something to the guy and I could see how he stiffened on his couch. Natuon ang pansin ko sa naninigas na lalaki.

He seemed familiar.. broad shoulders.. huge built and thick arms.. naka long sleeves siya nang itim na hakab sa mamuscle niyang katawan.

Ang kagustuhan kong lapitan sila ay naantala nang may dalawang babaeng lumapit sa kanila at nakipag usap.

Baka.. hindi siya..

Atsaka anong pakialam ko sa kanya?

Hindi naman na kami close..

Dumiretso nalang ako sa banyo para makaihi na.