webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · สยองขวัญ
เรตติ้งไม่พอ
115 Chs

Chapter 107

Crissa Harris' POV

Napalingon bigla ako sa may bandang kaliwa ko dahil parang napansin ko na may tumamang kulay pulang ilaw sa mata ko. Na parang laser? Na nasa baril?

Pero puro simpleng pistol lang hawak ngayon nitong mga kupal na tauhan ni Jade ah? Saan nanggaling 'yon? Imposibleng guni-guni ko lang 'yun dahil sigurado akong may tumama sa mata ko na kulay pulang ilaw ngayon-ngayon lang.

Hindi kaya, may iba pang tauhan si Jade na nagmamatyag sa amin mula sa malayo? Para masiguro na kapag tumakas kami, hindi pa rin kami makakaligtas?

Napantingin ako sa hita ko at nakita ko na naman yung pulang ilaw. Na gumagalaw at naglalakad pataas. Papuntang..

.. dibdib ko??!

Napaitlag ako at humarap kay Tyron at Christian na ngayon ay nag-uusap na nang seryoso.

"Napansin din namin. 'Wag kang magpahalata na alam mo.." pasimpleng bulong ni Christian. Kaya gayon nalang din ang ginawa ko. Sakto namang nawala na 'yung pulang ilaw pagharap ko kaya napanatag na ako.

Nag-iba ako ng pwesto ng pagkakaupo at tumabi na ako doon sa dalawa. Pumagitna na ako sa kanila at kapwa na lang kami nakikiramdam kung babalik pa 'yung kulay pulang ilaw na 'yon. Inalerto nalang din namin ang mga sarili namin kung saka-sakaling may bigla nalamg magpapaputok ng baril sa amin. Maganda nang handa kami anytime na may biglaang threat. Para by all means, makakaiwas kami.

Pero kung sinoman ang may gawa non, at talagang sinakto pa n'ya sa dibdib ko, nasisigurado kong manyak s'ya. Kesyo nantitrip lang s'ya o ano, sisiguraduhin ko rin na babalatan ko s'ya nang buhay kapag nahuli ko s'ya.

Bigla ko tuloy naalala si bestfriend Renzo. Kumusta na kaya sila doon? How are they dealing with our loss? Lalo s'ya na nawalan ng kapatid? Si Harriette na nawalan ng kasintahan? Yung tatlong batang lalaki na nawalan ng lolo? Si Rusell at Rosette na nawalang ina at tita? Pati yung iba pang buhay na sa isang iglap lang ay kinuha mula sa amin?

Bakit ngayon, bigla ko nalang naisip kung tama bang andito ako? Tama nga bang iniwan ko silang lahat doon kahit na ba alam ko ring may possibility na balikan sila ulit ng mga tauhan ni Jade? Dapat ba nanatili nalang ako doon para protektahan sila at mag-isip muna ng plano bago sumugod dito?

Napayuko ako.

Wala na akong magagawa. Nandito na ako e. Saka isa pa, mabuti na rin sigurong sumugod na ako ngayong dito kasi kung hindi? Malamang kung ano na ring ginawa nila dito kay Christian at Tyron.

"Let Elvis deal with it. Ngayon pa bang natrigger na s'ya? Para namang hindi mo alam kung anong klaseng tao 'yon 'pag nagalit." hinalikan ni Christian ang ulo ko at marahang tinapik-tapik. "Don't worry too much, twin sister. Trust Elvis. Hindi 'yun magpapabaya. Not this time."

Napalingon ako sa kanya pero binalik ko rin ang tingin ko sa kawalan dahil hindi ko magawang titigan s'ya nang matagalan. Naaawa ako, at nasasaktan.

"Binabasa mo na naman nasa isip ko, ha." bulong ko. Pero imbes na sumagot sa sinabi ko, narinig ko nalang s'ya na napangisi sa tabi ko.

Naghintay pa ako ng sasabihin n'ya pero hindi na s'ya ulit nagsalita. Kaya nagdecide na akong itanong yung tanong na kanina pa naglalaro sa isip ko.

"Bakit sobrang pacool mo ata kahit nasa ganito tayong sitwasyon? Kanina ka pa ganyan, ha? Feeling mo maililigtas tayo ng pagka-cool mo?" masungit na tanong ko pero narinig ko na mas lumakas pa ang pagngisi n'ya sa tabi ko.

Napakagat ako nang madiin sa labi ko dahil inaamin kong nabibwiset na ko sa pang-iinis nitong kakambal kong gago.

Hindi n'ya ba kayang sumeryoso kahit ngayong oras lang na 'to? Dahil para na kaming mga baboy dito na ilang oras nalang e, ibabyahe na sa katayan para katayin? Ano 'to? Iintayin nalang namin na may magliligtas sa amin? Na may darating talaga para alisin kami sa sitwasyon na 'to? Like Baboy Man o Super Baboy? Na tagapaglitas ng mga baboy na kakatayin?

Haaay.

Bakit ba iniisip ko 'to? Una naman sa lahat, ako ang sumugod dito para gumanti kahit na ba wala naman akong concrete plan. Tapos nagkataon lang din na nakuha na rin pala nila Jade 'tong dalawa na 'to.

Dapat nasa akin talaga ang sagot.

Dapat ako ang gumawa ng paraan para makaalis kami dito.

Marahan kong sinulyapan 'yung dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko. Habang pinapasadahan sila ng tingin, iisang bagay lang ang nanatiling nakatayo nang matuwid sa isipan ko. Isang bagay na walang pagdadalawang isip kong gagawin.

I will get them out of here. Kahit ikamatay ko pa..

Inakbayan ko si Tyron na nasa kanan ko at kahit sobrang sakit ng kaliwang braso ko ay pinipilit ko pa rin na igalaw yun para maakbayan ang kakambal ko. Binigyan ko sila ng tig-isang halik sa noo nila at matapos ay malalim na huminga bago muling nagsalita.

"Mahal na mahal ko kayo, ha? Pangako, ililigtas ko kayo."

Kapwa sila napaalis sa pagkakaakbay ko. Kahit hindi ko sila tignan ng deretso sa mga mata nila, alam kong bahagya nilang hindi nagustuhan ang naging tono ng pananalita ko. Pinilit ko man kasing itago ang totoong tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito, alam kong damang-dama nila 'yon. Dahil kapwa nila ako mahal at kahit na ba ikubli ko ang totoo kong nararamdaman, alam kong batid pa rin nila 'yon. Madadama at madadama nila 'yon. Kilalang-kilala na nila ako.

Pagpapahiwatig ng pagbubuwis ng buhay?

Siguro, ganon na nga ang naramdaman nila sa sinabi ko. Kasi kung sakali mang doon din hahantong ang pagliligtas ko sila, sa sarili kong kamatayan, sigurado rin akong masaya akong mamamatay.

Kaya kahit ikamatay ko pa, gagawin ko talaga. Basta mapanatili ko lang silang buhay.

Hindi ko na hinayaan pang titigan nila ako na parang hindi rin nila hahayaan na gawin ko ang mga pinaplano ko. Ayaw kong hadlangan pa nila ako kaya naman mahigpit ko silang inakbayan kahit na ba sobra iyong nagpakirot sa kaliwang braso ko. Damang-dama ko na ang unti-unting panghihina pero pinilit ko 'yong itinago sa isang matipid na ngiti.

"Akala mo hahayaan ka namin nang ikaw lang?" - Tyron

"Marunong kaming magmakeup pero hindi kami bakla." - Christian

Napangiti ako nang palihim. Oo, magtutulong-tulong kaming tatlo. Pero 'pag naipit kami sa sitwasyon na kung saan kailangang magsakripisyo? Doon ko na talaga kakailanganing isagawa ang plano ko.

"Ayun naman e. How touching this scene my eyes are witnessing right now."

Sabay-sabay kaming napalingon na tatlo sa direksyon ng lungga ng mga duwag. At doon nakita namin ang pinakaduwag sa lahat na nagawa nang bawiin ang malay n'ya. May papala-palakpak pa talaga s'yang nalalaman habang nakatingin sa amin. Parang akala mong kung sinong matapang at malakas pero may nakaalalay naman sa magkabilang gilid n'ya na dawalang supot.

Ang sakit siguro talagang mahampas ng upuan sa likod, no? Alam kong nasasaktan na 'yan nang sobra pero nagpapanggap lang na matibay.

Tsk. Walang kwenta talaga.

Ginantihan ko ng ngisi ang pagkakatitig n'ya sa akin. Pero mas lalo pang naging nakakaloko ang tingin n'ya lalo pa nung huminto s'ya sa paika-ika n'yang lakad sa harap ng kinaroroonan namin. Umiling-iling s'ya nang kaunti sabay nagpakawala ng pamoso n'yang pang impakta na tawa.

"You fucking got on my nerves, Crissa. Kaya pasensyahan tayo ngayon sa gagawin ko, ha."

Gagawin?

Sumenyas s'ya sa ilang supot n'yang tauhan. Makaraan non ay lumapit sila sa amin at isa-isa kaming inilabas sa kulungan na 'yon. Marahas nila kaming itinulak sa harapan ni Jade at pinalibutan habang may nakatutok na mga baril.

"I hope, you guys already bid your goodbyes to each other. Bakit?" tinaasan ako ng kilay ni Jade matapos ay nagsalita ulit. "Kasi siguradong ngayon, may isa na talaga sa inyo ang mawawala."

Marahas akong hinaltak ni Jade habang may apat pang supot na lalaki ang nagtulong na hawakan at ilayo si Christian at Tyron mula sa akin. Ipinwesto nila ako sa pagitan ng dalawa na may isang dipa na distansya. At base sa nakikita kong ekspresyon ni Jade ngayon, talagang galit na galit s'ya at seryoso sa mga sinasabi n'ya.

At aaminin ko, masyado akong kinabahan dahil sa mga nabubuong hinuha sa isip ko.

May isang mawawala samin?

May isa na naman silang papatayin?

"Ngayon, Crissa. The choice is yours. Lapitan mo kung sino ba talaga yung mas matimbang sa puso mo. Yung lalaking kadugo mo? O yung lalaking, itinitibok ng pesteng puso mo?" sinabunatan ni Jade ang buhok ko at marahas na hinaltak. "PUMILI KA!"

Pumili? Nasa akin ang desisyon kung sino ang mabubuhay sa dalawang lalaking mahal ko?

Nanlabo bigla ang paningin ko dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Sakit na hindi dahil sa sabunot n'ya. At hindi rin dahil sa bali sa kamay ko at sa tama ng baril sa braso ko.

Ito yung klase ng sakit na parang biglaang gustong pumatay sa buong sistema ko. Dahil kailangan kong mamili sa dalawang taong parehas na mahal na mahal ko.

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa tabi ko. Kapwa sila may seryosong tingin habang parehas ding umiiling. Iling ba 'to na nagsasabing sila ang piliin ko? Or dapat 'wag sila ang piliin ko kundi yung isa? O baka naman gusto nilang sabihin sakin na 'wag akong mamili sa kanila?

Ayoko. Ayokong pumili.

Parehas silang mahalaga sa buhay ko at parehas ko silang gustong mabuhay. Hindi ko kakayanin kung may isa man sa kanilang mamamatay. Hindi ganon ang plano ko. Hindi ganon ang gusto ko. At hinding-hindi ko makakaya 'yun. Na ako ang magiging dahilan ng kamatayan ng isa dahil sa hindi s'ya ang pinili ko kundi yung isa pa.

Mas gugustuhin ko nalang na ako ang mamatay kesa pumili sa kanila.

"TANGINANG TAGAL!" mas hinigpitan pa ni Jade ang hawak sa buhok ko. "Hindi ka pipili? Pwes, ako ang pipili para sayo."

Gayon nalang ang panlulumong naramdaman ko nang makita kong yung isa n'yang tauhan ay nakangising naglakad papalapit sa kakambal ko para tutukan ng baril sa ulo. Sunod-sunod na nagpakawala ng mabibigat at mainit na luha ang mga mata ko habang pinipilit kumawala sa pagkakahawak ni Jade. Wala na akong nakikitang maayos dahil may nakaharang nang mga luha sa paningin ko. Pero kahit ganon, mabilis ko pa ring inipon ang lakas ko para sikuhin ang sikmura ng demonyong katabi ko.

At nang magawa ko nang kumawala para sana lapitan na at saluhin ang bala para sa kakambal ko, napapikit nalang ako nang madiin nang marinig ko yung malakas na tunog na iyon.

Yung tunog na naghudyat para sumampal sa pagkatao ko yung mapait na katotohanang nahuli ako.

Nahuli ako at hindi ko nailigtas ang kakambal ko.