webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 106

Crissa Harris' POV

Isang nakakabinging putok ng baril ang biglang umalingawngaw sa hangin. At ang sumunod nalang na alam kong nangyari ay biglang nanghina ang itaas na bahagi ng kaliwang braso ko. Matinding sakit din ang biglang naramdaman ko sa parte na yon kung kaya't napahawak ako doon.

"S-shit.." bulong ko habang dinadama yung mainit na uka sa parteng iyon na nilalabasan na rin ng malapot at mainit ding dugo.

Napaatras ako ng ilang hakbang at kung wala lang doon na nakatayo yung dalawang lalaking mahal ko ay malamang natumba na ako sa lupa.

"Tama na laro mga bata." biglang lumabas mula sa likod ng puno ang isang may katandaan nang lalaki. May hawak s'yang pistol sa kanang kamay n'ya at hindi naaalis ang pagkakatutok nito sa amin.

Nakita ko nalang din na may isang sasakyan na may kulungan sa likod ang dumating at huminto sa may harapan namin. At base sa hinuha ko, ito yung sasakyan na ginagamit sa pagbyahe ng mga baboy na dinadala sa katayan.

"Pagsama-samahin n'yo nang ikulong 'yan at bantayan n'yong mabuti. Dami nang kasalanan ng mga 'yan kay boss. Lalo na 'yang babae na 'yan. Namumuro na 'yan." dinuro ako nung lalaking medyo matanda na gamit yung baril na hawak n'ya.

Nakangisi akong nagsalita kahit na ba pakiramdam ko hihimatayin na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa kaliwang braso ko ngayon.

"Kami pa ngayon ang maraming kasalanan ha? E kayo nga 'tong mga parang mga asong ulol na gigil na gigil samin kahit wala naman kaming ginagawa sa inyo e. Hirap sa inyo, sunud-sunuran kayo sa amo n'yong bugok. Kaya nahahawa na rin kayo sa kabugokan n'ya." mapang-inis na sabi ko sabay binigyan 'sya nang walang emosyon na itsura. Naramdaman ko namang may pumisil sa kamay ko sa likod.

"Crissa.." boses ni Tyron na nagpapahiwatig na patigilin ko muna sa mga sandaling ito ang katabilan ng bibig ko.

Pero yung matandang lalaki naman ay wala ring emosyon na naglakad papalapit sakin at bigla nalang ginawa yung bagay na inaasahan kong gagawin naman talaga n'ya.

Tinutok n'ya sa baba ko yung hawak n'yang baril.

"Isasarado mo bibig mo o pasasabugin ko 'yan?" bulong n'ya sa tenga ko.

Tanging ngisi nalang ang sinagot ko sa kanya. Kahit alam ko namang 'di n'ya gagawin 'yung sinabi n'ya, mas mabuti pang ireserba ko nalang ang natitira ko pang lakas para may mahuhugot ako mamaya. Para makabawi ako sa sakit ng tama sa braso ko, at para na rin may panglaban ako. Anuman at anuman ang mangyari.

Lumayas sa harapan ko 'yung matandang lalaki at deretsong naglakad papunta sa lungga nila. Alam kong nandun din nila dinala yung walang malay nilang duwag na amo. Sobrang nasaktan siguro sa ginawa ko kaya nakatulog na. Sino ba namang kasing lalampa-lampa at mahinang tao ang hindi mawawalan ng malay kapag nahataw ng mabigat na bangko sa likod? I bet, nagkabasag-basaga na ang spinal cord non.

Tsk. Magsama-sama silang mga mahihina at duwag. Mga walang itlog. Mga hudas.

"Wag na kasing manlaban. Wala rin naman kayong magagawa kahit pa ipilit n'yo. 'Di na kayo makakaalis mang humihinga pa dito." mapang-inis na sabi nung isang tauhan ni Jade habang isinasakay ako doon sa hawla ng baboy sa likod ng isang pickup.

Pinagtulungan din nilang isakay sila Christian at Tyron. This time, mas maingat at mas mahigpit na rin ang hawak nila sa dalawa dahil alam kong dala na sila. Dahil anytime din, pwede na naman kaming pumiglas at maghanap ng paraan para labanan sila.

Ikinandado nila yung kulungan nung maipasok na nila kaming tatlo. Matapos nun ay bahagya silang lumayo at nagtipon-tipon para manigarilyo. Pero sapat lang ang distansya nila para mabantayan kami nang maayos. Kita ko ring may hawak na ulit silang mga baril.

"One, t-two? Three.." napangiwi ako sa biglang pagkirot ng braso ko. "Seven.. Seven sila ngayon dito sa labas na nagbabantay satin. P-pero ilan kaya yung mga nasa loob.." Sabi ko na pilit itinatago yung sakit na nararamdaman ko.

Ayaw kong ipakita dahil, nakakahiya sa kanila. Nakakahiya sa kanila kasi sila ang may karapatang dumaing ngayon dahil sila ang mas matindi ang sakit na naranasan. Ako nadaplisan lang ng bala. Sila pinagtulungan. Pinagtulungan pero nakasurvive at humihinga pa rin hanggang ngayon.

Wala akong karapatan na ipakitang nasasaktan ako. Dahil mas matindi pa ang naranasan nilang dalawa. Lalo na nila Renzy, at ng iba pang mahal namin na nawala na.

Itong sugat ko? Maghihilom pa. Pero yung buhay ng mga mahal naming wala na, kahit kailan hindi na maibabalik pa.

Kaya kahit anong sakit pa 'tong nararanasan ko ngayon, titiisin ko 'to. Titiisin ko hanggat wala pang nabubungang maganda ang sakit na 'to at lahat ng sakripisyo ko.

Lalaban ako para makuha ko yung hustisyang hinahangad ko para samin, lalong-lalo na para sa kanila.

"Bakit sinalo mo yung bala? Ako dapat ang tatamaan."

Napalingon ako kay Tyron at agad akong dinapuan ng pagkaawa nang makita kong tuluyan nang nagsara ang mga mata n'ya dahil sa sobrang pamamaga dahil sa mga suntok at bugbog na natanggap n'ya.

Umiwas ako ng tingin dahil kung hindi ko gagawin, malamang pa sa malamang ay maiiyak na naman ako.

Ayaw ko nang umiyak. Ayaw ko nang ipakita ang kahinaan ko dahil magagamit na naman 'to ni Jade laban sa akin.

"Bakit ka rin. Masama bang iligtas ko ang buhay ng taong mahal ko?" malumanay na sagot ko habang nakatingin nang deretso sa kawalan.

"Tsk. Pero kaunting-kaunti nalang, maaaring sa leeg ka na tinamaan. O sa mukha. Kaya maaaring patay ka na rin ngayon. Bakit mo ginawa 'yon?"

Kung kanina, wala pa s'yang pinapakitang emosyon, ngayon naman ay halatang-halata na ang pag-aalala sa bawat katagang binitawan n'ya. Animo isa akong anak na pinapangaralan ng tatay ko matapos kong sumali sa drag racing kahit hindi pa ako masyadong marunong magdrive.

"Bakit ka rin. At least buhay ka, diba? Masaya akong mamamatay kasi napanatili ko namang buhay ang mahal ko. Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam na 'yon."

Kapwa kami natahimik dahil doon. Puros tawanan nalang nung mga lalaking supot sa paligid ang naririnig namin.

Pero maya-maya lang din ay naramdaman ko na ang pag-usod n'ya papalapit sakin. Ang sumunod nalang na malaman ko ay binigyan na n'ya ako ng mainit na yapos. Yung klase ng yapos na kahit anong pagod pa nararamdaman mo, kahit ano pang sakit ang dinadanas mo, parang biglang mawawala.

Sobrang nakakagaan ng loob.

Nakakawala ng takot.

Parang nagkaroon ng pahinga yung kalooban ko.

Pakiramdam ko okay lang ang lahat.

Pakiramdam ko walang masamang nangyayari.

Pakiramdam ko ligtas na ligtas ako 'pag s'ya ang kasama ko.

"Nasabi ko na ba sa'yong mahal na mahal kita, Crissa?" bulong n'ya sa kanang tainga ko na naging dahilan para may kung anong kumirot sa puso ko.

"Oo, kakasabi mo palang ngayon.." pilosopong sabi ko dahil hindi ko maunawaan yung nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na namang bumigay at umiyak. Gusto na namang tumakas ng mga pesteng luha ko na nagtatago lang sa likod ng mga mata ko.

Pero hindi pupwede. Dapat ipakita kong matatag ako. Lalo pa sa harap ng taong mahal ko, at ng kakambal ko.

Kaya tama lang siguro 'to. Na magbiro ako sa oras na 'to. Para mapanatiling magaan ang paligid kahit saglit lang.

"Tsk." umiwas ng tingin sa akin si Tyron pero agad 'ding humarap. "Please? Can I get an I love you too?"

Napatawa ako bigla sa sinabi n'yang 'yon. Lalo pa nang masulyapan ko sa gilid ng mata ko na nakapout s'ya ngayon kahit putok putok ang labi n'ya. Kahit may pasa sa gilid. Kahit may natuyong dugo na nakatulo.

"Paano ako magsasabi sayo ng I love you too? E hindi ka naman nag I love you?" mapanlokong sabi ko.

Hindi ko s'ya magawang tignan nang deretso ngayon dahil masasaktan lang ako. At kapag nasaktan ako ay iiyak na naman ako. Kaya pinilit ko nalang ipako ang tingin sa mga kamay namin na ngayon ay magkahawak na.

Hindi s'ya sumagot sa akin kaya ako na ulit ang nagsalita.

"Kahit naman hindi ko sabihin ang mga salitang 'yun, dama mo pa rin naman, diba? I mean literally. Look at this wound in my arm. This means I love you so much, Tyron."

Pagkasabi ko nun ay wala na naman akong nakuhang response mula sa kanya. Haharapin ko na dapat s'ya sa pagkakataong yun pero laking gulat ko nalang nang mas humigpit pa ang yakap n'ya sakin. Mas tumindi rin ang kirot ng braso ko dahil doon pero mas pinili ko na ring 'wag indahin 'yon. Dahil inaamin ko rin na sa tanang buhay ko, ito ang klase ng sakit na pinaka naenjoy ko. Knowing na itong sakit na 'to, ay may nailigtas na buhay ng isang tao.

Buhay ng taong mahal ko.

"Should I get you two a VIP room 'cause I can't stand the lampungan my eyes are seeing rn? Na para ring nagsasabi na after 9mos, may pamangkin na ako? Will it be a boy or a girl?"

Sabay kaming marahas na lumingon sa likod namin at hinarap si Christian na nakapokerface. Naka pokerface kahit na may kulay violet na bilog sa magkabilang mata.

"Inggit ka lang kasi walang may love sayo." - ako

"Nice eyes, panda." - Tyron

Mm

Nginisian ako ni Christian pero kay Tyron s'ya mas nagfocus.

"Look who's talking. Isang lalaki na parang pinagtulungang gulpihin ni Pacquiao at Mayweather." sabi ni Christian sabay poke sa namamagang mata ni Tyron. Napangiwi si Tyron sa sakit pero hindi s'ya nagpatinag. Dinutdot n'ya rin ang parehas na mata ni Christian na may naghahalo nang violet, black, red, green, at blue na kulay.

"So are you. Di ko alam na sanay ka pala ng smokey eyes?" - Tyron

"Smokey eyes makeup? My God pare, how'd you know that kind of makeup? Are you gay? Baka alam mo rin kung paano mag cat eyes eyeliner?" - Christian sabay tusok sa parehas na mata ni Tyron.

"Ugh. Hindi. Syempre. Baka ikaw alam mo?" - Tyron

"Yun nga pare e. Hindi rin. Pero balita ko pare depende sa eye shape mo 'yun kung ano babagay sa'yo." Christian

"Talaga pre? Ano kaya bagay sakin? Yung winged ba or hindi?" - Tyron

"Hmmm. Dahil monolid ka, ang babagay sayo pare.."

Napailing nalang ako at napokerface dahil sa mga naririnig ko. Nasa sitwasyon kaming kritikal ngayon pero nakuha pa talagang magbiruan ng dalawang gago na 'to? Hindi ako makapaniwala. Haaay.

Pero mas ayos na rin siguro 'to. At least gumagaan nang kaunti yung atmosphere namin.

At saka alam kong ginagawa nila 'to para malibang kami pare-parehas. Na 'wag muna namin indahin ang mga tama namin. Para hindi mawala ang focus namin, para makapag-isip kami nang maayos, at para mapanatiling matatag ang isa't-isa.