webnovel

Hindi ko ba nasabi noon na ang "tanga" lang?

Kapag lumilipas ang panahon...

Lumilipas na rin ang lahat.

May natitira.

Iyong mga kupas na't kulay ay bawas na.

Siyang mga bagay na bakit nakatago pa.

Siyang mga bagay na may kipit na ala-ala.

Siyang mga bagay na dapat ay wala na.

Siyang mga bagay na dapat naitapon na.

Lumilihis tayo ng madalas.

Ng sobrang napakadalas.

Nasa tamang daan na

Ng pagkamaya-maya'y dahan ang pag-gilid.

At bigla naman sa pagbaling.

At takbo naman sa pagbalik sa kung saan nanggaling.

Kung bakit ba nagbabalik ang mga dati ng pakiramdam

Kung paano bang nalulusaw ang mga pader na iniharang

Kung saan na biglang nahati ang daan at nasira ang tulay

Kung kelan mauulit lang ang lahat

Bakit?

Napakaraming bakit ngunit sa iisang sagot lang din nagtatapos.

Pag-ibig.

Isa bang sumpa o pagpapala?