webnovel

Chapter 22 My Goddess

SAKTO ALAS SIYETE, pumunta na ako sa lugar kung saan gaganapin ang cosplay convention. Wearing my Sanji costume, I wander around the area.

May sariling GC ang One Piece fan club at nagkasundo kami na magkita-kita at mag-enjoy ngayon.

Abala ako sa pag-appreciate ng ibang cosplayer nang makita ko ang pamilyar na pigura. Sinundan ko siya para magkausap na kami habang may lakas ng loob pa ako para makipag-ayos. Sinundan ko lang iyon kahit hindi ko alam kung si Ash ba talaga ang nakita ko.

Sa kakahabol ko, may nabangga ako.

"I'm sorry. Nagmamadali kasi ako, hindi kita napansin," sabi ko sa babae na nakabangga ko.

She is cosplaying Erza Scarlet in her Nakagami Armor. Ang ganda ng pagkakagawa niya. Kuhang kuha ang kulay, tamang tabas ng tela, isama pa ang espada ni Erza. Pati na rin ang make-up at ayos ng buhok.

"Hey, Bro! Hindi kita nakilala. Kung hindi mo lang sinabi sa akin na magko-cosplay ka as Erza in her Nakagami Armor, hiningi ko na ang number mo."

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Kim na may hawak na phone.

Oo nga pala. Naalala ko na nag-usap sila tungkol sa pagpunta sa cosplay convention. So this is Gray.

"Kita mo, kahit si Sanji, na-love at first sight sa iyo," pang-aasar pa ng loko.

"Hindi ah? Natulala lang kasi ang ganda nang costume niya."

Totoo naman. hindi kasi ako ganoon kadaling ma-inlove, at lalong hindi ako naniniwala sa love at first sight.

"Oh? Si Kenneth pala ito." May pilyong ngiti na naglalaro ngayon sa labi ni Kim. "Sa costume o sa boobs?" tanong niya at hinawakan pa ang fake boobs ni Gray.

"Who-who are you?"

Pareho kaming nagulat ni Kim nang magsalita si Erza. Boses babae at namumula na rin ang mukha niya.

"Bro, ibang Erza yata nalapitan natin."

"Aba malay ko sa iyo. Ibang tao hinahanap ko, hindi si Gray."

"Sabi ko naman kasi sa gagong iyon, si Gray Fullbuster na lang ang i-cosplay niya. Mapapahamak tayo nito."

Nagpatuloy lang kami sa pagbubulungan ni Kim. Naghahanda na rin kami na subukang tahimik na lumayo nang magsalita ulit si Erza.

"Gulat kayo, ano?"

This time, it is Gray talking.

"Hello po!" Lumabas sa likod niya si Natsu Dragneel.

"My sister," natatawang pakilala niya sa kapatid niya.

"Hayop ka, Bro. Kahit kailan." Sinuntok ni Kim sa dibdib si Gray dahilan para umalog ng bahagya ang fake boobs niya.

"Kyaah!" hiyaw naman ng kapatid niya.

Iba din trip ng magkapatid na ito sa buhay nila.

"Bakit ikaw ang nag-react, Gabby?" asik ni Kim.

"Kambal ko siya kaya feel ko iyong sakit. Porke wala kang dibdib, hmp!"

They are actually ruining the image of the character in front of me. I will take a photo of them, para naman may pang-asar ako sa kanila. Lalo na kay Gray.

"Hoy, gago. Walang picture. Baka mamaya pang-blackmail mo iyan sa akin. Tamang ice candy lang kaya kong ilibre," sabi ni Gray at pilit kinukuha sa akin ang phone ko.

Sa kapipilit niya, natumba kami pareho, dahilan para magtititili ang kapatid niya at mapatingin sa amin ang ibang tao.

"Oh my gosh! Erza, you should be with Jellal. That's unfair," narinig kong sabi ng iba.

Shit!

ANG PANGAKO nila na kami-kami lang dapat ang makakaalam ng nangyari sa cosplay event na iyon, nauwi sa pag-iingay ng fujoshi at fudanshi sa block namin. Our classroom that was once a quiet place becomes a weird place.

Paano ba naman, dapat ako ang mang-aasar pero ako ang inaasar. Hindi nagpatalo ang magkaibigan na ito.

Whatever!

Minsan lang itong college life, lubusin na ang saya. Kahit single, nariyan naman ang barkada. Basta may alak, di joke lang.

Nananahimik ako at nakatanaw sa labas ng bintana habang iniisip kung paano makakalapit kay Ash nang tumabi sa akin si Gray.

"Narito lang naman ako sa tabi mo. Huwag mo ako masyadong isipin." Nagboses babae pa si Gray na agad namang ginatungan ni Kim.

"Oo nga, Kenneth. Gusto mo, mamaya magpakita ulit iyong girl version ni Gray."

"Kinikilig ako! Gusto ko rin makita, share naman," sabi ni Jillian.

She is one of the crazy fans of BL comics. She loves taking pictures of us and posting them on our GC and labeling it as a hot topic.

"Ok, tama nang kalandian. Mag-review na tayo. Final exams na next week." Pumunta sa harapan si Jillian at hinampas ang whiteboard para kunin ang atenyon ng iba pang estudyante.

"Special mention, mga matatalino. Huwag kayong selfish. Hindi kayo magre-review kung wala kaming nagpu-push sa inyo para mag-review. Kaya sa exam, alam na ha? Pakabait tayong lahat!"

Napailing na lang ako. ang bilis magbago ng mood sa classroom. Nakakatakot itong mga taong ito.

"John Kenneth!" sigaw ni Gray kahit katabi ko lang siya.

"Hai?" Kunwari ay natatakot ako sa kanya.

"Mag-review ka na. Ikaw ang pag-asa namin. Umayos ka. Sa iyo nakasalalay ang lahat. You're our hero. You're-"

"Oo na. Tama nang sweet talks," putol ko sa sinasabi niya.

Alam ko naman na matatalino sila kaso tamad lang talaga mag-review. Kapag on the spot ang quizzes, halos lahat pasado. Pero kapag ganitong midterm at finals, medyo tinatamad ang iba kaya cooperation daw ang sagot.

Napabuntong hininga na lang ako. Tama na rin itong maingay ang mga kasama ko at may pinagkakaabalahan ako. Kahit paano ay hindi sumasagi sa isip ko sa lahat ng oras ang babaeng iyon kahit nasa kabilang room lang sila.

"Just in time, Princess Elvyra. And who is the goddess beside you?"

Lahat kami ay napatingin sa labas ng pinto kung saan nag-uusap ang kabilang block.

Ang ilan ay tumayo at nakiusyoso.

"Gosh, she's gorgeous!"

"Transferee? Magtatapos na ang sem ha?"

Sa nagkukumpulan na mga tao, nakita ko si Ash.

Speaking of the goddess, anong mayroon at hindi yata siya naka-nerd mode ngayon?

"Shut up, morons! Can't you recognize my lovely sister-in-law? I thought you are all smart to be part of this university. Guess I was wrong? Simple disguise and you are all fooled for the whole semester."

Sister-in-law? At sino namang unlucky brother ang napangasawa ng bad influencer na iyon?

"Who is she anyway?"

"She is the only princess of Castro family, the richest family I have ever known in this town-"

"No way! Ashene Lei Castro? Our nerd classmate is that Ashene Lei Castro?"

"Hey, I'm not done talking! How dare you to interrupt me? And yes, she is the one and only Ashene Lei Castro. Now bow your heads, come on!"

Tumayo na ako at naglakad sa direksyon niya. Sa gitna ng ingay ng mga kaklase namin ay nagbitaw ako ng mga salita.

"Wearing thick glasses? I can still recognize you from afar."