webnovel

Chapter 21 The Past

"Look, I am so sorry. Lalaki lang ako, mahina sa tukso-"

Sasabihin ko sana na mahina ako sa tukso ng barkada. Nagyaya mag-inuman kagabi ang mga kaibigan ko. Ilang linggo na lang, magtatapos na kami ng senior high at maghihiwa-hiwalay na sa kolehiyo.

"Shut the fuvk up, jerk! Pwede ko rin naman sabihin iyan eh. Pwede ko rin gawin ang mga ginawa mo. Pero pinili kong hindi gawin kasi alam ko na may lalaking naghihintay sa pag-uwi ko. Lalaki na akala ko, ako lang ang tinitingnan, na ako lang ang mahal. Pero puta lang!"

Iyong totoo, hindi ko siya maintindihan ngayon. Kung may dalaw siya at inaatake lang ng mood swings niya, sabihin niya na ngayon pa lang, habang hindi ko pa sinasabayan ang init ng ulo niya. Kasi nagsisimula na rin talaga akong magalit. Sa paraan ng pananalita niya, parang pinamumukha niya na mayroon akong babae.

Alam ko na gwapo ako at kahabol-habol naman talaga. Sa edad na disinuebe, maganda ang katawan ko. A typical Filipino well-built body. Kayumanggi, matipunong katawan, nagbabagang mga panga- so they say.

Napangisi ako sa likod ng isip ko. Ito ang unang beses na nagselos si Ash sa tinagal-tagal ng relasyon namin. Gusto kong magdiwang pero iba ang pinapakita niyang pagseselos. Kailangang kumalma muna siya.

Mayamaya ay marahas niya akong tinulak. Napaatras na rin ako dahilan para mabanas ako nang wala sa oras. I feel like she's telling me who's the boss. Hinding hindi namin ito tino-tolerate, kailangan palagi kaming pantay.

Hinuli ko ang mga kamay niya at mahigpit iyon na hinawakan. Pilit niya itong binabawi kaya pagkalipas lang ng iang segundo, pinakawalan ko siya.

"Anong pinagkaiba natin, ha? Pakisabi nga. Lalaki ka, babae ako. Ang pinagkaiba lang natin, gender, wala na. So paki-explain nga. Hindi ko ma-gets iyong reason mo. Na lalaki ka at mahina sa tukso? Ang sabihin mo, gago ka. Wala iyan sa pagiging lalaki mo. Gago ka lang talaga kaya mahina ka sa tukso!"

"Let me explain, babe. Puro ka dada. Papagsalitain mo rin ako at nang malinawan ka," mahinahon na sabi ko. Ngunit sa choice of words ko, alam ko na nahalata niya na nauubusan na rin ako ng pasensya.

"Sige nga, explain! Anong palusot ang sasabihin mo? At nang maihanda ko na ang sarili ko sa pagtawa nang malakas sa isang malaking kalokohan na ginawa mo. Explain!"

Napakamot na ako sa tainga ko. Siguro pulang pula na iyon sa sobrang inis ko. "Tsk!"

"Aba't hoy-"

I have no choice. Kung wala siyang planong papagsalitain ako, patatahimikin ko na lang muna siya. Hinalikan ko siya. Sinubukan ko rin na buksan ang mga labi niya.

Maybe I'm writing too much romance. I am hoping she would calm down and kiss me back. Pero isang malakas na suntok lang naman ang ginanti niya.

Salo ko ang pisngi ko. Nararamdaman ko ang init noon. Nalalasahan ko na rin ang dugo sa loob ng bibig ko.

Blame it to her brother, teaching her stuffs like this. But I can't blame him. She is the only sister they had and protecting her is a brother's duty. Pero kahit na. Bakit ko nga ba ito nararanasan? Ni hindi ko nga alam ang dahilan ng galit niya sa akin ngayon.

Nagsimula na siyang maglakad palayo. Gustuhin ko man na habulin siya, pigilan ang paglayo, yakapin at humingi ng tawad kahit ilang beses pa– hindi ko ginawa. Hinayaan ko siya. Kailangan namin pareho na kumalma.

Galit siya, galit na rin ako.

Gaya ng sinasabi ng iba kapag pagod na sa isang relasyon, mag-cool off muna. Pangako, babalik ako.

NAPABALIKWAS ako ng bangon. Dreaming about the past is the worst dream I ever had.

Dumako ang tingin ko sa bintana. Kulay lila ang sinag ng araw.

"Ang aga pa."

Kahit tinatamad pa ako at gusto kong bumalik sa pagtulog, tumayo na ako. Magjo-jogging na lang siguro ako para gisingin ang sarili ko.

Binuksan ko ang phone ko, nakita ko roon ang reminder na may pupuntahan akong event mamaya.

"Oo nga pala. Iyong cosplay!"

Binuksan ko ang cabinet, kahit kagabi ay naayos ko na lahat ng gagamitin, pakiramdam ko kung hindi ko ulit itse-check, may makakalimutan ako.

Nilagay ko sa kama ang pares ng itim na suit, black shoes, yellow wig, at make-up kit.

"Balikan ko kayo mamaya. Labas lang ako saglit."

Nag-toothbrush at naghilamos ako. Pagkatapos ay sinuot ko ang sweatshirt ko at running shoes.

Pagbaba ko ay nanonood na ng balita sa sala si Ate.

"O? Alas singko pa lang, napaaga ka yata?" tanong niya.

"Jogging lang ako, 'te. May ipapabili ka?"

"Pandesal at peanut butter. May bakery doon sa labasan. Ingat na lang," sabi niya at muling itinuon ang mata sa TV.

"Ok."

Nang maisara ko ang gate, napadaan sa harap ko ang pamilyar na motorbike ni Kuya Nico. Muli ay naalala ko ang pambubugbog niya sa akin noong nag-break kami ng kapatid niya. Halos hindi na ako makilala ng kapatid ko nang umuwi ako noon.

Halos sugurin na nga rin ni Ate ang Castro Household. Kulang na lang magmukha akong bakla sa mga nangyayari. Sinabi ko na lang kay Ate noon na mali ko iyon at aayusin ko rin kaya huwag niya na lang alalahanin.

Pero lumipas ang linggo at buwan, hindi ko man lang nakausap ni isang beses si Ash. Sinusubukan kong tawagan, pero unattended. Wala na rin sila doon sa subdivision sabi noong guard.

Noong nag-enrol naman ako sa university, hindi sinasadyang makita ko ulit si Kuya Nico. Iiwasan ko sana pero hinila niya ako sa eskinita. Akala ko, bubugbugin na naman ako. Tinanong niya ako kung ano ang eksaktong nangyari noon.

Sinabi ko ang side ko. Walang halong excuse.

Sinabi ko na nag-inuman kami ng magbabarkada. Doon ko naalala na may kasama kaming babae na hindi naman namin kaklase. Nanlaki ang mata ko dahil doon.

"Naalala mo na kagaguhan na ginawa mo?"

Hindi ako nakaimik noon. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa isa na namang malakas na suntok pero isang mahinang tapik lang ang binigay ni Kuya Nico.

"Kausapin mo si Lei. Hindi pwedeng hindi malinawan iyon."

Tama siya. Hindi pwedeng patagalin ito. Kailangang magkausap kami ni Ash nang masinsinan.

Gaya ng pangako ko, babalik ako.