"Kasal? Sino naman ang pinakasalan mo?" tila ba nakarinig si Mo Yurou ng isang labis na nakakatawang biro. Walang bahala niyang dinuro – duro si Tangning, "Tangning, kapag nagsinungaling ka, maaaring hindi malaman ng iba. Pero, mas alam ko kasya kanino pa man kung gaano mo kamahal si Han Yufan. Para kay Han Yufan, naging hangal ka at pumayag na suportahan ako at maging isang pamalit ko pa. Ninais mo pa nga gumawa ng mga bagay para makapaghiganti ka lamang sa aming dalawa. Ikaw? Kasal na? Hindi mo ba naiisip na masyado kang nakakatawa?"
"Hindi mo matanggap ang katotohanan na natalo kita kaya humanap ka ng dahilan para mapagtakpan ang iyong kahihiyan. Pareho tayong babae, tumigil ka na sa pagpapanggap sa harap ko."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com