Pagkatapos malantad ng drug scandal, nagtago si Lan Yu sa bahay ng kanyang kaibigan, takot na takot itong magpakita sa publiko. Lalo nan ang makita niya ang kanyang ina na nagdudusa ng dahil sa kanya, nakaramdam siya ng bahagyang pagsisi.
Subalit, hindi niya kailanman inakala na ang mga bagay ay patuloy na lalaki. Nang umagang iyon, pinag – uusapan ng lahat ang tungkol sa drug scandal, pagkatapos, nang dumating na ang hapon, nagsimula na ang media na magkalat ng balita tungkol sa pagiging marahas ni Lan Yu sa kanyang paaralan. Sa edad na 14 na taong gulang, siya ang nanguna sa pagsusulsol sa ibang mga kamag – aralan niya na mambugbog ng isang babaeng kaklase niya hanggang sa malumpo ang kaliwang binti nito. Pagkaraan, nagbago siya ng pangalan at lumipat sa Beijing.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com