Nang marinig ni Mo Ting ang sinabi ni Tangning na mukha silang isang perpektong pares, lumigaya ang kanyang puso. Gayunpaman, sa kaibuturan ng kanyang puso ay naiintindihan niya, ayon sa kasalukuyang istado ng Tangning sa industriya, marami pang pagdadaanan si Tangning bago nito makamit ang istadong kinaroroonan niya ngayon. Kahit na ang mga sikat na artista ay nahihirapan na makahalubilo si Mo Ting sa mga piling kasiyahan; alam ng lahat sa industriya, hindi niya gusto ang mga tao na nanggagamit ng iba upang sumikat.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com