The Continuation....
ANG NAKARAAN..
Nahati sila sa tatlong grupo upang mabilis nilang matungo ang Kuta ni sitan. Sina Jenna, Tyler, Raven at Jake ay nagtungo sa Baybayin kung saan, doon si Diosca naghahasik nang lagim sa mga kawal ng magkapatid na sirena. At sina, Mia, Charlie, Ian at Alpia naman ay nasa kabundokan upang harapin ang mga alagad ni sitan na pinamumunuan ni Nica. Habang sina, Theo, at Katalina. ay nasa kagubatan..
ANG KARUGTUNG..
SA KAGUBATAN..
"Mali ata tong desisyon natin theo. tayo lang dalawa ang nandito sa Kagubatan, di natin alam kung ano o sino ang ating makakaharap dito.." Sabi ni Katalina habang hawak nya ang kanyang Sandatang Pana.
" Alam ko.. hayaan mo dahil mas madali akong makakakilos dahil dalawa lang tayo." Sabi ni Theo.
" Mag iingat ka dahil nandito na sya.. " Sabi ni Katalina at itinutok nya ang kanyang pana sa isang malaking Puno.
" lumabas ka dyan..Alam kung may kung anong nilalang dyan..!! " Sabi ni Katalina.
" Bat ba ang tapang mo.. saan mo nakukuha ang tapang mo? " Sabi ng lalaking nagtatago sa malaking puno, at unti-unti nyang inilantad ang kanyang sarili.
" Miguel....!! " Sambit ni Theo.
" Ako nga.. kamusta kayong dalawa? Matagal na din tayong di nagkaharap theo.. naalala mo ba ang ginawa mo saakin? " Sabi ni Miguel at ipinakita nya kay theo ang isang malaking sugat sa kanyang dibdib na hanggang ngayon ay tila sariwa pa.
" Naalala ko.. bakit ganyan? ilang taon na yun " Sambit ni Theo.
" Dahil di sakanya ang katawang ginagamit nya." sabi ni Katalina.
" Pero, Di ba kayo marunong magbilang? kayo lang dalawa di ba kayo natatakot saamin.." Sabi ni Miguel.
" Tila ikaw ang di marunong magbilang Miguel.. Dalawa kami, ikaw lang ang mag isa... " Sabi ni Theo.
" Sinong may sabi na ako lang mag-isa.. " Sabi ni Miguel at biglang Lumabas ang mga itim na kawal, at nagtatago ito sa mga Puno.
" O mas dapat kung sabihin na Napapaligiran na namin kayong Dalawa? Bwahahaha!! " Tawang sabi ni Miguel.
"Walang problema yan Miguelito... " Sabi ni Katalina at nagbago sya nang anyo, ngayon ay ginaya nya ang anyo ng diwatang si Amihan.
"Ginaya mo nga ang wangis ng diwatang si amihan, ngunit anong gagawin mo.. di mo naman nagaya ang kanyang kapangyarihan.. bwaahhahaha.." Sabi ni Miguel
" Ay oo nga, di ko nga pala kayang gawin ko sainyo ito. " Sagot ni Katalina at biglang lumakas ang hangin.
" Kat, anong nangyayari?" Tanong ni Theo habang tinatakpan nya ang kanyang mukha dahil sa sobrang lakas nang hangin. Samantala ang mga Itim na kawal na kasama ni Miguel ay unti unting nanghi-hina.
" bossing, di kami makahinga...!!! " Sabi nang isang itim na kawal na katabi ni miguel.
" Di lang kayo pati na rin ako... " Sabi ni Miguel habang nahihirapan sa pag hinga.
" Ano miguelito? sinong may sabing di ko kayang gawin ang ginagawa nang diwatang Amihan?" Sabi ni Katalina.
" Katalina tama na yan.. nanghihina sila. " Sabi ni Theo.
" okay tapusin muna... " Sabi ni Katalina at pinahinto ang napakalakas na hangin, kasabay nang pagkawala malakas na hangin ay nagbalik na din sya sa kanyang tunay na wangis. Samantala si theo naman ay Inilabas nya ang kanyang Triden at Itinutok sa kalangitan.
" Tinatawagan ko ang Ulan bumuhos ka...!! " Sabi ni Theo, at biglang Kumulog nang napakalakas, kasabay nang kulog ang Kidlat na sumakop ang liwanag nito sa kapaligiran. Ilang sandali pa ay Bumuhos ang napakalakas na ulan. Habang si Katalina naman ay nagpalit anyo. ngayon naman ay ginaya nya ang wangis ni Ian.
" Oras na para maging Yelo kayo.. " Sabi ni Katalina, at ginawa nyang yelo ang boung kagubatan, kasabay nang pagyelo nang boung kagubatan ay nagyelo din ang mga kawal na itim ni Miguel habang si Miguel naman ay nakatakas sa kapangyarihan ng dalawa.
" Ginawa nyo mang yelo ang aking kawal.. Di ko parin kayo papayagan na makapunta sa aming kuta! " Sabi ni Miguel at nag palit anyo ito bilang isang napakabangis na leon.
" Ngayon isang kuting nanaman...??'' pang aasar ni Katalina sakanya at tumawa nalang si Theo dahil doon.
" Anong nakakatawa? dapat natakot na kayo sa aking pagpapalit anyo. " Sabi ni Miguel habang na sa anyo nang isang malaking Leon.
" Bakit naman ako matatakot.. eh isnag kuting lang naman ang nakaharap sa aamin. " Sabi ni Katalina nang di nya nailagan ang atake ni Miguel. At dahil doon nagkatamo sya nang sugat sa kanyang Braso.
" Lapastangan... " Sigaw ni theo at itinutok nya sa katawan nang leon ang kanyang triden at lumabas ang napakalakas na kidlat. Dahil doon nanghina si Miguel at nagbalik sya sa kanyang Tunay na anyo.
" Ayus ka lang...??'' Pag aalalang sabi ni Theo.
" Ayus lang ako, daplis lang ito.." Sagot ni Katalina.
" Hayaan mo pag nakita natin si Jake.. ipapagamot ko kaagad ang sugat mo. " Sabi ni Jake.
" Kamusta na kaya sila doon.." Pag aalalang sabi ni Katalina.
Samantala sina, Jake, Jenna, Raven at Tyler naman..
" May sugat si Raven.. Kelangan nyong protektahan si Jake." utos ni Jenna.
" Wag kayong mag-aalala, Ayus lang ako." Sagot ni Raven.
" Mga Sirena.. ang Daluyong..!!" Sigaw ni Rica. at sabay sabay nang mga sirena na pinagalaw ang dagat. Tila ba Tsunami ang nangyari sa pagkakataon na yun.
" Ngayon ibagsak na!" Sigaw muli ni rica at sa pagkakataong ito. ay nalunod ang mga kasamahan ni Diosca dahil sa malaking daluyong.
" Naloko na..! parang matatalo pa ata ako dito! kelangan ko nang umalis dito!" Sabi ni Diosca. Tatakas na sana sya nang nakita ito ni Jenna.
" Tatakas sya.. " Sabi ni Jenna. Hindi pa makaalis si Jake dahil pinapagaling pa nya si raven. habang si Tyler naman ay Pinapaslang pa ang mga kaaway na nakaligtas sa daluyong.
" Ako na nga lang.." Sabi ni Jenna.
" Hoy saan ka pupunta..! sigaw ni Jenna, Ngumiti lang si Diosca. Nang tangkang sasabihin na sana ni Diosca ang Mahiwagang salita upang makapaglaho. Biglang may humawak sa kanyang Bibig.
" Don't say bad words sis.. Did you missed me?" Sabi nang Pamilyar na boses sa likuran ni Diosca.
" Fe-faith? pa-papano ka??" Gulat na sabi ni Diosca nang makita nya si Faith.
" Edi syempre para multuhin ka.. hahahha! " Tumatawang sabi ni faith.
" Faith papano ka naka balik?" tanong ni Jenna.
" haleerrr?? Isa na nga akong kaluluwa sa sulad. pinapunta ako ni Diwatang magwayen upang sunduin si Diosca." Sabi ni Faith sabay hawak sa Noo ni Diosca at biglang nahimatay ito.
" anong ginawa mo? " Tanong ni Jenna. Ilang sandali pa ay biglang naging abo ang katawan ni diosca.
" See? nasa sulad na sya ngayon. at mag iingat kayo sainyong misyon. " Sabi ni Faith at agad itong naglaho.
SA KANLAON..
" Mukhang nanalo na sila..." Ngiting sabi ni Magayon.
"Oo nga, pati na rin sa Aydendril, Dalaket at Oceana.. natatalo na ang mga kalaban. " Sabi ni gassia.
" Napano ka Gassia, bakit ang dungis mo?" Tanong ni Makiling.
" Eh kasi, itong si Olivia. Umilang sa Palaso nang Kalaban, Eh nasa likud ako. Imbes na tamaan. nasubsub ako sa putikan. ang dirty dirty ko na. " Sabi ni Gassia.
" Halika papalitan ko ang kasuotan mo...!" Sabi ni Makiling.
" Nananalo na nga sila.. pero wag tayong papakasigurado, dahil di pa natatapos si Sitan. Taglay na nya ngayon ang Lakas nang Walong Demonyo sa Impyerno. " Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
WHO IS BURIGADANG PADA SINAKLANG BULAWAN ?
GODDESS OF GREED
Wealth and greed go hand in hand, and both are under the special guidance of the "golden deity" of the Visayan pantheon, Burigadang Pada Sinaklang Bulawan (her name usually means Coveted Gold, Desired/Precious Gold), the goddess of greed. Burigadang Pada Sinaklang Bulawan is more known to the masses as the wife of Humadapnon, one of the three heroic sons of Alunsina in the epic poem, Hinilawod. She is one of the "Three Great Beauties", a triad of sister-goddesses who descended from Maklium sa T'wan (in some oral traditions it was said that Maklium sa T'wan was grandfather, in some he is actually her mother when his female form seduced and mated with a human datu in a mining cave) She is portrayed in the stories, as a goddess who rose from the earth with beautiful golden tanned skin, a seductive body clothed in rich golden fabrics and precious minerals and gems and a face of perfection, and it was said that her aura was also "golden" that no man can resist her and her charms. She is the sister of Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata, the goddess of lust and Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan goddess of the night breeze, her uncles are Panlinugon, the god of earthquakes and of Tungkung Langit, the Pillar of Heaven whose wife is Luyong Kabig, the goddess of snakes, who is also her aunt.
"Ikaw pala.. anong dahil bakit ka naparito?" Tanong ni Magayon.
" Narito ako upang Tumulong.. Di ako papayag na wala akong gagawin. " Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" kung gayon, Sasama ka saamin sa paglusob mamaya.. " Sabi ni Haliya.
" Kung ganun walang problema saakin.. Sabihin nyo lang at akoy tutulong!" Sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at naglaho.
" Tila natauhan ata ang Spoiled brat na yun...! " sambit ni Gassia.
" Hayaan nyo, kung mas marami mas masaya!" Natatawang Sabi ni Dalikmata.
" Nariyan kana pala bakit ikaw lang nasaan si Bulan?" Tanong ni haliya.
" Nasa silid nya, nagpapahinga.." Sagot ni Dalikmata.
Samantala sa Bahay nina Theo at Tyler, nagkaroon na nang malay si Jessel.
" Buti naman at Gising kana.. " Sabi ni Mang Gaspar.
" Oo nga ate.. kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Helena anak ni Mang Gaspar.
" Ma-ang Ga-aaspar nasan ako?" Tanong ni Jessel.
" Nasa Bahay ka nang magkapatid, pinapunta nila ako dito upang alagaan ka. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mang Gaspar.
" Masakit pa din ang Ulo ko. Teka nasaan si Nonoy kasama mo ba sya mang gaspar? " Tanong ni Jessel.
"Oo nasa kusina nag luluto nang Lugaw. " Sagot ni Mang Gaspar.
" Mabuti pa Helena, tingnan mo si Nonoy doon sa kusina. Tulungan mo baka nasunog na yung Lugaw. " Utos ni Mang Gaspar.
" Sge po ama. " Sagot ni Helena.
TO BE CONTINUE...