Continuation..
PREVIOUSLY.....
Matagumpay na natalo ng Grupo ni Jenna, na mapatumba si Diosca, sa tulong narin ni Faith na nagbalik bilang kalag.
Samantala, sugatan si Katalina dahil di nya naiwasan ang kalmot ni Miguel na nag anyo bilang isang mabangis na Hayop.
ANG KARUGTUNG...
Sa Kanlaon...
" Bulan mukhang nananalo na ang ating mga kapanalig..." Sabi ni Magayon habang nakatingin sa mahiwagang bukal kung saan nakikita nila ang mga nangyayari.
" Tita Magayon.. Di Ako mapakali.. parang may kakaiba akong nararamdaman.." Sabi ni Kathleya.
" Anong nangyayari kathleya? ayus ka lang ba?" tanong naman ni Bulan sakanya.
" Maari ko bang makita kung nasaan ngayon sina Tito at Mama?" Sabi ni Kathleya.
" Maari naman, kung yun ang ikagagaan nang iyong pakiramdam.." Sagot ni Magayon at pinakita naman nang mahiwagang bukal ang mga nangyayari kina Katalina at Tyler.
" Si Tito, maayus naman.. si Mama? " Gulat sya nang makita nyang may malaking sugat si Katalina sa braso. at napapaligiran na ang kanyang mga magulang ng mga maiitim na kawal na kasama ni Miguel.
" Kelangan ko silang puntahan..." Sabi ni Kathleya.
" Hindi maari kathleya, Dahil kapag lumbas ka nang Kanlaon. babalik ka sa inyong tunay na edad. lalo na ngayon wala si Alunsina, sya lamang ang may kakayahang baguhin ang iyong katauhan.. gamit ang kanyang kapangyarihan.. " Sabi ni Makiling habang papasok ito sa loob nang bulwagan kasama nang iba pang mga diwata.
" Tama si Makiling... Kami na lamang ang pupunta.!" Sabi ni Magayon.
" hindi rin maari magayon.. Kelangan ka dito upang sasandaling isasara na nila ang pintuan ng impyerno.." Sabi ni Bulan.
Sa Kagubatan....
" Kanina ang yabang, Yabang mo Katalina. ngayon bakit naging tuta kana.." Sabi ni miguel habang nasa anyo nang pinagsamasamang mababangis na Hayop.
" Sinong may sabing Takot ako sayo.. Pasalamat ka dahil may sugat ako.. " Sabi ni Katalina. habang si theo naman ay dinidepensahan nya ang mga atake ng mga itim na kawal ni Miguel.
" Tama na Kat.. Pagalingin mo muna ang sarili mo!" Sabi ni Theo.
" hindi ko papayagan yan! Sugod mga alagad ng kadiliman..!" Sabi ni Miguel at agad syang nagpalit anyo bilang isang Leon na may pakpak nang agila. Habang ang mga itim na kawal naman ay sumusugod na ito sakanilang kinatatayuan.. Nang Biglang may malakas na hangin ang tumama sa mga itim na kawal, at tumilapon ito sa malayo.
" ikaw ba ang may agwa nun ?" Tanong ni Theo kay Katalina.
" hindi na nga ako makatayo dahil sa sobrang kirot. Letche naman tung mga dahon na ibinigay ni Jake. ang tagal umipekto. "Sagot ni Katalina habang pinapagaling ang kanyang sarili.
" ngunit kanino galing ang malakas na hangin na yun?" tanong ni Theo nang biglang may malaking agila ang Dumating.
" Parang pamilyar ang dambuhalang Ibon na yan.." Sabi ni Katalina.
" hindi kaya..." dina natapos ni Theo ang kanyang sasabihin nang biglang nagpalit anyo ang malaking agila sa anyong tao.
" Late naba ako?" Sabi ni Diwatang Sandawa.
" Diwatang Sandawa, ikaw nga.. salamat nang marami sa Tulong mo!" Masayang sabi ni Theo.
" Okay lang yun., teka may sugat si Jenna.. ako nang bahala sa Halimaw na yan.." Sabi ni Sandawa.
" Hindi maari, mahal na diwata..di ka namin iiwanan.." Sambit ni Katalina..
" Malala ang sugat mo..." Sabi ni Sandawa.
" Oo. dahil hindi lang ordinaryong kalmot ang ginawa ko sayo. dahil ang kuko ko ay mag lason nang sampung demonyo. Baka ilang oras nalang ang itatagal mo?" Sabi ni Miguel at tumawa nang napakalas.
" Sumpain ka demonyo ka!!!!!!!" Sigaw ni Katalina.
" Walang magagawa ang mga gamot mo.." Sabi ni Miguel.
" Wala nga, pero kung mapapatay ka namin.. May chansa pang mabuhay si Katalina.." Sabi ni Sandawa.
"Pano mo nalaman yun?" Gulat na sabi ni Miguel.
" Dahil isa ako sa mga sinaunang diwata sa kanlaon na tumulong upang ikulong ang kalag ni sitan, kasama nang mga oroskopyong kanyang nilukuban nang itim na mahika.." Sabi ni Sandawa.
" Mga bobo kasi kayong mga diwata.. di kayo nang iisip." Sabi ni Miguel.
" Op-oopss! Don't say Bad words..." Sabi ni Sandawa at biglang sumara ang bibig ni Miguel.
" Pansamantala kang di ka makakapagsalita...sumusobra na kayo.." Sabi ni Sandawa.
" Mahal na diwata tulungan muna natin si Katalina... may paraan ba upang mapabagal ang pagkalat nang Lason?" Tanong ni theo.
" Wala... " Sagot ni Sandawa at nakatitig lang ito kai miguel.
Pinilit ni miguel na mag salita pero, di nya magawa.
" hindi mo magagawang utusan ang mga tau-tauhan mo.. dahil sumusunod sila sa boses mo..!" Sabi ni Sandawa habang nagsisimula na itong humakbang patungo kai Miguel.
Samantala sinamantala naman ni theo ang pagkakataon na itumba ang mga itim na kawal na nag tatago sa mga puno.
" Tinig nang kamatayan, Pakinggan ang aking Tinig.. " Sumpa ni Diwatang sandawa kay Miguel. Habang si Miguel naman ay nakakaramdam nang kakaibang pakiramdam sa kanyang katawan.
" bakit bumibilis ang pintig nang puso ko!" Sabi ni Miguel na nag balik sa anyo nya bilang isang tao.
" Yan ang Tinig ng sampung liwanag.. Di na magtatagal ang iyong buhay. katulad nang sumpa mong ipinataw kay Katalina. Mawawala lang ang sumpa na yan pag namatay ako.. " Sabi ni Sandawa.
" Mahal na Diwata.. Si Katalinaaa!!!! " Sigaw ni Theo, habang nangingisay si Katalina.
" Hayaan mo.. dahil nanghihina na ang may gawa nang sumpa..!! " Sabi ni Sandawa, at isang napakalakas na sigaw ang nanggaling kina Katalina at Miguel.. na Umabot ang tinig nito sa kinalalagyan nina, Katalina.
" Katalina?" Sabi ni Jenna.
" Sandali.. Kelangan kung puntahan si Katalina.. nasa panganib sya.." Sabi ni Jenna.
" Ate Jenna.. malapit na tayo sa Bukana nang Kuta ni Sitan..." Sabi ni Jake.
" Oo, nga tama si Jake... Susunod nadin sina Guro Ofelia saatin.." Sabi ni Raven.
" Ako na ang mag tutungo doon kina kuya at ate.. Dumerechu na kayo.. " Sabi ni Tyler at agad itong nag laho.
" Sandali Tai!!" Sambit ni jake.
" Wala na.. minsan matigas ang ulo nang Jowa mo. kaya pagsabihan mo.." Sabi ni Jenna.
" Hayaan muna ate Jen, alam kung di naman mapapahamak si tyler. kilala ko sya malakas yun. Mabuti pa magtungo na tayo.." Sabi ni Raven.
Habang nag lalakad sila.. ay nakita nila ang grupo nina Alpia, Mia, Ian at Charlie.
" Jake sugatan si Ian at Charlie.." Sabi ni Alpia habang akay nya si Ian habang si Mia naman ay akay si Charlie. at nagmadali naman si Jake na tulungan ang dalawa.
" Ano ba kasing tingin nyo sainyung mga sarili.. Si Superman? di na tatablan nang bala?" Sabi ni Alpia.
" Ano ba kasing nangyari mahal na reyna?" Tanong ni Jenna.
" Nakasagupa kasi naman ang mga bandidong sumusunod kai sitan ang di lang yun pati na rin ang mga Pari nang Kadiliman na minsan nang ikinuwento ni Katalina saakin." Sagot ni Alpia.
" Teka bakit di nyo kasama si tyler? " Tanong ni Mia.
" Pinuntahan nya sina theo.." Sabi ni Jake.
" Nasa panganib si tyler..." Sabi ni Mia. at agad syang nagpalit anyo bilang isang napakaliwanag na Bola.
" Di ko maintindihan. anong nangyayari dito?" Naguguluhang sabi ni raven.
" kung nasa panganib si tyler... pupuntahan ko sya!" sabi ni jake. ngunit pinigilan sya ni Jenna.
" hindi ka maaring magtungo doon dahil delikado. kelangan nating magka-isa. Malapit na tayu sa Bukana nang Kuta ni Sitan. " Sabi ni Jenna.
"Oo nga, kelangan nating magsama-sama..." Sabi ni Raven. Ilang sandali pa ay may dumating na kawal na galing sa Aydendril.
" Mabuti nakita ko kayo mahal na reyna Alpia, narito ako upang ibalita sainyo ang masamang nangyari sa inyung kaibigan na si Reyna Olivia." sabi nang isang Kawal.
" Anong nangyari sakanya?" Agad na tanong ni Jenna.
"Malubha ang Kalagayan ni Reyna Olivia. at kelangan namin nang Tulong ninyu.." Sabi ng kawal.
" Kung ganun, puntahan nyo na mahal na reyna.." Sambit ni Jenna kay Alpia.
" Pero. papapano kayo?" Pag aalalangang sabi ni Alpia.
" Ayus lang kami.. mahal na reyna.. " Sabi nina Charlie at Ian. na nakabawi na sa lakas nila.
" Sige.. Raven mag iingat kayo.." Sabi ni Alpia.
" Masusunod na mahal na reyna. " Sagot ni Raven.
"Salamat... tayo na kawal!" Sabi ni Alpia at agad silang naglaho.
TO BE CONTINUE...