" Ang Hiwaga ng Baryo Lupas "
Ang Nakaraan....
Naunang dumating sa Baryo Lupas sina Tyler,Mia, Jenna, Ian, Alpia, Katalina at Theo.
Habang si Mariang Sinukuan ay Humingi ng pahintulot kay Bulan upang samahan ang mga Tagalipon at itinakda sa Baryo Lupas. Ngunit di ito sumang ayon. Habang si Raven naman ay Nawawala. At si Lula naman ay nakahanda na sya sakanyang gagawing pagpatay sa magkapatid gamit ang anyong ginaya nya sa ama ng magkapatid na Adonis. Habang sina Lina, Sierra At rica naman ay Naitakas nila si Olivia sa Palasyo.
----- Don't Forget to Vote mga mahal ---
Sa Aydendril...
Matagumpay na naitakas ng magkapatid na Sirena si Olivia. Habang gamit pa nila ang kapangyarihan na maglaho ay nasa daan pa sila di kalayoan sa Palasyo ng Aydendril.
" Sierra, Di nagtatagal ang Invisible Spell natin. Bilisan natin.." Sabi ni Lina.
" Oo, " - Sagot ni Sierra nang biglang nawala na ang bisa ng kanilang Invisible Spell.
" Lagot na kikita na tayo.. " Sabi ni Rica. Tyempo namang may mga Kawal na naglalakad at papasok ng Kaharian at Agad nilang prenotektahan si Olivia.
" Sa likud ka Mag bantay Lina, ako sa harapan. rica Ikaw sa magbila. " Utos ni Sierra. Agad kumuha ng konting tubig sa lawa si Lina at kinontrol nya ito gamit ang kanyang kamay. Samantala Si Sierra at Hawak nya ang Triden ni Paolo. Na hiniram nya ito sa kanyang Kapatid na lalaki.
" Sandali.. Hindi kami Lalaban sainyu!" Sabi ng Kawal.
" At bakit naman ? Kakampi ka ni Mathias.." Sabi ni Lina.
" Hindi sila tapat kay Mathias pinunong kawal sya ni mama. " Sabi ni Olivia.
" Tama ang Reyna Olivia, ako nga pala si Fernan. " Sabay Yuko. At yumuko din ang iilang mga Kawal na Kasama nya.
" Ibaba nyo ang inyong mga Sandata mga Reyna, Dahil kakampi natin sya" Sabi ni Olivia. Habang nanghihina sya.
" Hindi na kayo ligtas dito mahal na Reyna.. " Sabi ni Fernan.
" Nasaan ba nagtatago ang iba pang mga kapanalig nyo ?" Tanong ni Sierra.
" Ipapahatid ko kayo kay Dan." Sagot ni Fernan. Agad namang lumapit ang nasabing kawal at Yumuko sa kanilang Apat.
" Bilisan nyo dahil may mga tapat na kawal ang nakakita sa atin. Nais kung sugurin nyo kami. At Umarte kayong gagawin nyong Bihag si Dan. " Utos ni Fernan.
" Wala nang Oras Reyna Olivia, Sierra, Lina At Rica. Sumugod na kayo sa amin. Upang maniwala sila. " Sabi ni Fernan. At yun naman ang ginawa nina Sierra, Lina At Rica.
Gamit ang kapangyarihan ni Sierra, Pina init nya ang paligid at gamit ang Kapangyarihan ni Lina at Pinaulan nya ito. Naging Sanhi ito ng isang makapal na usok upang matakpan silang lahat.
" Halika na kayo mga Reyna.. sumunod kayo sa akin." Sabi ni Dan.
Habang Si Fernan naman ay umaarteng natamaan ng Sandata. Pati na rin sa mga natirang Kawal.
Samantala sa Baryo Lupas naman..
" Pumasok kayo dito Dali... " Sabi ni Jessel.
" Sandali Jessel may Kasama pa kaming di dumadating maari bang antayin namin sya dito sa labas. " Pakiusap ni Alpia.
" Sge pero kelangan nyong Suotin ito. Upang di kayo makita ng mga maligno. " Agad hinubad ni Jessel ang kanyang Kwentas at ipinasout nya ito kay Alpia.
" Miss Alpia, Pumasok nalang kayo.. " pakiusap ni Theo.
" Hindi ayus lang. Aantayin ko si Raven. " Sagot ni Alpia.
" Tandaan mo Alpia, kelangan mong pumasok sa loob ng bahay eksaktong Alas Sais ng gabi , Dahil mawawala na ang bisa ng Orasyon ko sa Kwentas. " Paalala ni Jessel. At Tumango lamang si Alpia.
" Nasaan naba kasi Si raven. " Pag aalalang Sabi ni Alpia.
Habang nasa Loob na sila ng Bahay.. Agad nag sara ng bintana at pintuan si nonoy.
Nang nadapa sya bigla. Agad naman syang linapitan ni Jenna at Katalina. Upang tulungan.
" Ayus kalang ba nonoy ? " Sabi ni Jenna.
" Tutulungan kana namin.. " Sabi ni Katalina.
" Sa-salamat po.. " sagot ni Nonoy. Nagulat sila hindi ito nakatingin sakanila habang nagsasalita ito sakanila.
" Nandito kami sa Likuran mo Nonoy.. " Sabi ni Katalina.
" Miss Katalina at Jenna, Hindi po nakakakita si nonoy.. " Sabi ni Jessel.
Gulat na Gulat silang Lahat sa kanilang narinig kay Jessel.
" Papanong nangyari yun ? Eh kanina nung nasa Kalsada kami Eh nung nag uusap kami. Nakatingin naman si Nonoy saakin." Sabi ni Ian.
" Ang totoo nga Po nyan, Kakaibang Bata po si Nonoy. " Sabi ni Jessel.
" Nakakaloka what do you mean kakaiba ?" Sabi ni Mia habang si Theo Naman ay nakatutok sa mukha ng bata.
" May kapangyarihan si Nonoy na makita ang Tunay at Peke. Nagpapanggap ba o Magsisinungaling.. " salaysay ni Jessel.
" lie Detector ganun ?" Sabi ni Tyler.
" A-ano po ba yung Lie detector?" Tanong ni Jessel.
" Wag mo nang Isipin yun Miss Jessel, maitanong ko lang, Ang baryo Lupas sa pagkakaalala ko. Hindi Ganito ang itsura. " Sabi ni Jake.
" Malaki kana pala Jake. " Ngiting Sabi ni Jessel.
" Parang namumukhaan kita Jessel.. " Dagdag na Sabi ni Theo.
" Ikaw ba ang anak ni Mang erning at Nanay Mildred ? " Tanong ni Theo.
" Buti naman nakikila nyo pa ako Iyo at Ake. Yan yung Tawag ko sainyu nung Sipuning Bata pa kayo. " Tawag Sabi Ni Jessel.
" Kung Hindi ako nagkakamali --- Ikaw si Jesjes ?" Sabay Sabi nina Jake at Theo.
" Oo ako nga.. " ngumiti lang si Jessel.
" Pano kayo nagkakilala Kuya ?" Tanong ni Tyler.
" Naalala ko pa noon, Sinasama kami ni Tito at Papa dito sa Baryo Lupas. Dahil Dati ang guro ng papa natin at Daddy ni Jake ay Ang ina nilang Dalawa. " Sabi ni Theo.
" Ang labo mo kuya di ko gets ?" Sabi ni Tyler.
" Oo nga bro.. " dagdag na Sabi ni Ian.
" Ganito kasi yun, si Daddy at Tatay nyo ay mag bestfriends. At si nanay Mildred naman ang Guro nilang dalawa. Si nanay Mildred ang pagtuturo sakanila papano mangamot. Isang Sikat na manggagamot ang ina nila Jesjes. " Salaysay ni Jake.
" Gets ko na din bro.. salamat !" Sabi ni Ian
" At sa tingin ko, si Nonoy ang nagtataglay ng kapangyarihan ni Nanay Mildred." Sabi ni Jake.
" Tama ka Ake, kaya nga nung lusubin kami ng pwersa ng Kadiliman dito. Isa sa mga tumulong upang puksain ang mga nilalang ng Kadiliman ay ang ina namin. Ngunit sa kasamaang palad katulad ng mga kasamahang Alburlaryo ni mama. Nasawi sila at ang baryong ito ay nasa kontrol na nag mga maligno. " Salaysay ni Jessel.
" At ako ang huling kelangan nila upang masakop nila ang mundo natin. Hindi lang ang kakayahan ni inay ang nasakin. Pati na ang susi upang masakop tayu. May basbas ako sa diwatang si Mariang Sinukuan. " Dagdag na salaysay ni Nonoy.
" Kung gayon... Kelangan ka naming protektahan nonoy." Sabi ni Jenna.
" Hindi na kelangan Ate Jenna. Dahil---- " Naputol ang sasabihin sana ni Nonoy ng sumingit si Jessel.
" Pagdating ng kanyang Sampung Taong gulang. Yan na ang oras na kukunin sya ng mga Mangkukulam upang ialay kay sitan." Sabi ni Jessel.
" Sumusobra na talaga si Sitan walang pinatawad pati bata dadamayin sa kanyang pagka Baliw." Galit na Sabi ni Ian.
" Ngunit nasabi nya sa Amin na sa sampung taong gulang na sya.. " Sabi ni Mia.
" Sa katunayan nyan Bukas pa ang kanyang kaarawan, kaya gumawa ako ng ibat ibang Spells na itinuro sa akin ni Mama. Ngunit Pakiramdam ko kulang pa din. " Sabi ni Jessel sabay Suntok sa lamesa.
" Teka may napansin ako,Jesjes.. yung mga taong nandito parang kakaiba ang kanilang mga Galaw. Tsaka nung naglalakad tayu kanina may nakita akong Cross na nakabaliktad. " Sabi ni Jake.
" Simbolismo yun ng Demonyo.. " Sabi ni Jenna. Agad nagsitaasan ang mga balahibo nila.
" Teka si Alpia nasa labas pa malapit ng mag alas Sais ng gabi.. " Sabi ni Tyler habang nakatingin sa kanyang Relo.
" Papasukin nyo ang kasamahan nyo. Kung ayaw nyong maapektuhan sya ng Sumpa ng mga Mangkukulam dito sa Baryo. ang lahat ng natatamaan ng Itim na usok nagiging Aswang. " Sabi ni Jessel agad namang pinuntahan nina Katalina at Jenna si Alpia.
" Tutulungan ka namin Jesjes, Para kana naming Kapatid. Pati na rin si nonoy. " Sabi ni Theo.
" Salamat Iyo, at Ake.. " Sabi ni Jessel.
Binilisan ko na ang pag update mga mahal.. dahil medyo di pa ako busy. JUST ENJOY mga mahal. Don't forget to vote.