webnovel

CHAPTER 26

" Ang Tatlong Sirena sa Aydendril "

Ang Nakaraan....

Humingi ng Basbas sina Lina, Rica at Sierra kay Bulan. Upang Saklolohan ang Kaharian ng Aydendril.

Samantala, nasa mundo na ng mga tao ang mga Tagalipon at itinakda upang gawin ang kanilang huling pagsubok.

At sina Jake at Ian ay umuwi sa kani-kanilang tahanan.

---- Don't Forget to Vote mga mahal! ------

Sa Kaharian ng Aydendril....

Nang makarating sina Lina,Rica at Sierra sa Aydendril.. nagulat sila sa kanilang nakitang pagbabago.

" Ito na ba ang Aydendril ? Bat ibang iba ito nung unang pagpunta natin dito ? " Sabi ni Lina..

" Oo nga ang mga Puno at halaman.. namamatay sila.. " dagdag na Sabi ni Rica.

" Teka, wag kayong lumayo saakin. Kakaiba ang Katahimikan sa paligid. Kung nasakop na ito ng kapanalig ni Sitan malamang may mga ----- Ilag Rica!" Sabi ni Sierra naputol lang ng may pana na muntik ng tumama kay rica.

" Muntik nako dun! " -- Rica..

" Mag iingat kayo may mga mawal na nakabantay dito. " Sabi ni Sierra..

" Mabuti pa dumeretchu na tayu sa palasyo mga sisters!" Sabi ni Lina. Nang biglang inatake sila ng mga Kawal.

" Saan kayo pupunta mga Sirena ?" Sabi ng isang Kawal..

" Wala kang pakialam.. " sagot ni Rica. May nakitang maliit na batis si Sierra at agad syang Kumuha ng tubig mula doon at kinontrol nya gamit ang kanyang kamay.

" Ready sisters ? " Sabi ni Lina.

" Handa na... " Sagot nina Sierra at Rica.

Agad silang nakipaglaban sa mga kawal..

Samantala sa Kuta ni Sitan...

" Nakahanda kana ba Lula ? " Tanong ni Sitan.

" Oo kamahalan at alam ko na po ang gagawin ko... " Sagot ni Lula at agad nyang ginaya ang Anyo ni Arnel ang Tatay nina Tyler at Theo..

" Magaling!" - Sitan At tumawa si sitan ng Malakas..

Balik sa Aydendril...

Dahil sa pagkainis ni Rica ay napagpasyahan nyang gamitin ang kanyang Tinig..

At sumigaw sya ng napakalakas...

" Haaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!" Sigaw ni Rica dahil sa lakas ng Tinig nya agad nanghina ang mga kawal at sa tulong nina Sierra at Lina mabilisan nilang Natalo ang mga kawal.

" Tayo na Wala na tayung Oras... " Sabi Ni Lina. Agad humawak sa balikat ang kanyang mga Kapatid. Kagaya ng mga diwata may kakayahan din silang maglaho o mag teleport.

Nang Marating nila ang Palasyo, Nakita nilang mas maraming kawal ang nakabantay sa Bulwagan.

" Naloko na Sierra mas madaming Kawal dito. Baka makita tayo. " Sabi ni Lina.

" Alam ko na kung anong gagawin natin.. tulad ng itinuro ni Tita Mia.. Invisible spell!" Sabi ni Sierra. Ilang sandali pa ay naging invisible sila at malaya silang nakapag lakad sa Pasilyo ng kaharian.

" Kelangan nating mailigtas si Reyna Olivia..." Sabi ni Lina.

" Narinig ko ang isang kawal kanina.. nasa pinakamataas na Torre si Olivia. Tayu na!" Sabi ni Rica.

" chismosa ka talaga Rica... Hehe " dagdag na Sabi ni Lina.

Agad nilang tinungo kung saan nakakulong si Olivia.

Samantala sa mundo ng mga tao ay nagsimula na ang kanilang pagsubok.

" Ito ang lugar na inyung pupuntahan.. " Sabi ni Makiling sabay pinalutang nya ang isang Dahon.

" Sa Baryo Lupas, may Sabi Sabi na may nilalang ng Kadiliman ang gumagala sa lugar na yun. Ang misyon nyong protektahan ang mga taong nadun. At patayin ang Nilalang nayun. " Pagkatapos na isinalaysay ni Makiling ay agad syang naglaho.

" Bakit ang bilis maglaho ni Makiling..? " Tanong ni Raven.

" Hindi kasi nya teretoryo ang mundo natin.. kaya di sya pwdeng magtagal ng bongga sa mortal world. Di gaya ng dati. " Salaysay ni Jenna.

" So ano, Unahan tayong makapunta doon? Sabi ni Theo.

" Game " dagdag na Sabi ni Ian.

" Let's go to Baryo Lupas... " Sigaw ni Mia.

Naunang gumamit ng kapangyarihan si Jake at sumunod naman si Tyler. Naglaho sila, Nag anyong Agila si Theo, habang si Raven ay nag anyong Uwak. Si mia naman ay nag anyong Ibon din. Habang sina Ian, Jenna at Alpia. Napagpasyahan nilang mag Commute.

" Nakakaloka sila Sissy, nag change talaga sila ng Anyo. " Sabi ni Alpia.

" Oo nga hayaan muna sis, may kotse ako... So we can use it. Arte Arte ko na mag salita hahaha. " Sabi ni Jenna.

" Ako na mag mamaneho ah.. " Sabi ni Ian.

" Go para makapakinabangan ka... " Sabi ni Jenna.

Balik kina Lina, Rica At Sierra...

Nang Marating nila ang kwarto ni olivia.

Nakita nilang nanghihina na si Olivia.

" Reyna Olivia ? " Sabi ni Lina. Agad silang nagpakita silang tatlo kay Olivia.

" Masaya akong nandito kayo.. " agad nyang niyakap ang tatlo.

" Halika na Reyna Olivia. Itatakas ka namin dito. " Sabi ni Lina.

" Maraming Salamat Reyna Sierra,Lina at Rica. Mabutit nandito kayo. " Sabi ni olivia.

" Wala nang Oras Olivia.. kumapit ka sakin." Sabi ni Lina. Agad nang humawak sa Braso si Olivia.

" Sierra at Rica magkita tayo sa labas ng Palasyo.. " Sabi ni Lina.

" Sandali, Lina Isabay na natin silang dalawa!" Sabi ni Olivia.

" Hindi kakayanin ng aking Lakas mahal na Reyna. " Sagot ni Lina.

" Hindi, may konti pa akong Lakas gagamitin ko. Humawak kayong dalawa saakin Rica at Sierra. " Sabi ni Olivia.

Agad namang humawak sa balikat sina rica at Sierra kay Olivia.

Sa Baryo Lupas....

Ligtas silang nakarating sa Baryo Lupas..

Nauna sina Tyler, Mia, Katalina At Theo.

Habang ilang sandali pa ay dumating na rin sina Jenna,Ian at Alpia.

" Nasaan na si Raven ?" Tanong ni Tyler.

" Baka mamaya nandito na yun, Sandali at susulatan ko lang ang mga diwata sa Kan-laon. " Sagot ni Jenna at agad nyang Kinuha ang kanyang Mahiwagang aklat at bumuklat sya ng isang Pahina sa libro at doon nag simulang sumulat si Jenna.

" Insan, tunay ngang kakaiba ang libro mo. " Sabi ni Katalina.

" Oo nga katalina, sinusulatan ko ang mga diwata sa Kan-laon. Tulad ng ibinahagi saking sekreto ni Mariang Sinukuan tungkol sa Librong ito. Ang librong ito ay kakambal ng Libro doon sa Kan-laon. " Salaysay ni Jenna habang pinapaalam nila sa mga diwata na nasa Baryo Lupas na sila. Agad naman itong nabasa ni Bulan, Dalikmata at Mariang Sinukuan.

Sa Kan-laon...

" Nasa Baryo Lupas na sila.. kung papahintulutan mo pinunong Bulan sasamahan ko sila roon. Total nasa paanan lang sila ng aking Bundok na aking binabantayan. " Sabi ni Sinukuan.

" Alam kung nag aalala ka Sinukuan, ngunit mag tiwala tayo sakanila. " Sabi ni Bulan.

" Oo nga Mariang Sinukuan.. Magtiwala ka sakanila " dagdag na Sabi ni Dalikmata.

Walang magawa si Sinukuan kundi manood sa mga nangyayari.

Habang si Lula naman ay agad nyang napansin ang pagdating ng mga tagalipon at itinakda.

" Sila na nga ang sinasabi ni Sitan. Tatapusin ko na kayo isa isa.. " Sabi ni Lula at Ginamit nya ang anyo ng ama nina Theo at Tyler.

Habang nag iikot sila sa baryo Lupas, may nakasalubong silang isang Bata.

" Bago lang Po kayo dito mga ate at kuya ?" Sabi ng bata.

" Oo, anong pangalan mo boy?" Tanong ni Ian sa bata.

" Ako si Nonoy, sampung taong gulang na ako ngunit Sabi ng mga tao sa baryo para na daw akong matanda magsalita. " Salaysay ng bata. Ngumiti naman sina Theo at Katalina naalala nila ang kanilang anak na nasa pangangalaga ng mga diwata.

" Ah boy may alam kabang bakanteng hotel o inn na pwdeng pagpahingahan namin?" Tanong ulit ni Ian.

" Sa katunayan wala.. mas mabuti pang doon kayo sa maliit naming bahay dahil, nararamadaman kung parating na ang mga maligno. " Sabi ng bata, ilang sandali pa ay may tumawag sa bata ang humahangos ito.

" Nonoy ! Nonoy! Mabuti naman Nakita na kita. Ikaw talagang Bata ka pano kung masagasaan ka ng mga sasakyan sa kalsada." Pag aalalang Sabi ng isang Dalaga sakanya.

" Sya nga Pala ito si Ate Jessel ko. At ate sila pala ang mga dayo. Teka di ko naitatanong ang mga pangalan nyo." Sabi ni Nonoy.

" Pasensya kana, Ako nga Pala si Theo.. ito namang Kasama ko ito ang asawa ko si Katalina, ito si Jenna, Si Ian, Mia, Alpia, Kapatid ko si Tyler at Kasintahan nyang si Jake. " Pagpakilala ni Theo sa bata.

" Ako naman si Jessel o Jes nalang itawag nyo sakin.. mukhang Hindi kayo taga rito. " Sabi ni Jessel.

" Oo Jessel, may alam kabang bakanteng hotel o inn dito sa baryo nyo.? " Tanong ulit ni Theo.

" Pasensya na ho, Wala kaming ganun dito." Sagot ni Jessel at yumuko ito at hiniwakan ang kamay ni Nonoy.

" Tayo na Nonoy " - Jessel

" Sandali ate Pwde sila sa ating Bahay, di natin sila pwdeng Iwan dito. Isa pa ate nararamadaman ko na ang mga Maligno sa paligid. " Sabi ni Nonoy.

" Mag iingat ka sa mga sinasabi mo Nonoy baka marinig ka nila. " Sagot ni Jessel.

" Ah pasensya na Kung makikialam kami Jessel, anong ibig nyong Sabihin ?" Tanong ni Jenna.

" Hindi tayo pwdeng mag usap dito kasi maraming nakikinig. Samama kayo sa akin." Sabi ni Jessel.

Agad naman silang sumunod sa magkapatid. Habang nasa daan sila, kakaiba ang kanilang napansin sa mga taong nadun.

" Bakit sobrang nalilisik ung mata ng mga tao dito mga adik ba sila ?" Sabi ni Mia.

" Stop talking Mia, it's not good. Nasaan na ba kasi si Raven. " Sabi ni Alpia.

" Masama ang kutob ko baka napano na si Raven. " Dagdag na Sabi ni Tyler. Nang marinig ito ni Jake nakaramdam sya ng lungkot.

( Di mo na ba ako Mahal Tyler? ) - Sabi sa isip ni Jake. At nagulat nalang sya dahil agad syang tinapik sa likud ni Theo.

" Mahal ka nya Jake.. Bigyan mo lang ng konting panahon. " Sabi ni Theo sabay Ngiti sa kanya. At Inakbayan nya ito sa kanan habang sa Kaliwa naman ay si Katalina.

" Magmadali kayo, dahil malapit nang mag gabi. "Sabi ni Jessel.

We need to cut on this part Guys,

Nasaan kaya si Raven ?

Ano ang hiwagang Meron ang Baryo Lupas ?

Anong Hiwagang dala ng magkapatid na sina Jessel at Nonoy ?

Magtagumpay kaya sina Lina, Rica at Sierra sa pag takas kay Olivia.

Don't forget to vote and put some comments bellow. Thanks guys. Mwaah !