webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · วัยรุ่น
Not enough ratings
50 Chs

Finding Stealer 23

I feel so devastated.

Hindi ako mapakali. Gusto kong makalanghap ng simoy ng hangin. Gusto kong maglakad-lakad.

Tumayo ako. Binulsa ko ang susi at cellphone bago umalis.

Agad akong lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang puso ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

Hinawakan ko ang wrist ko. Fresh na naman ang sugat ko. Iyak lang ako ng iyak kagabi hanggang sa makatulog ako. Hinatid ako ni Gian dito sa bahay kaya nakauwi ako. Hindi ako pinabayaan ni Gian simula kahapon, nasa tabi ko lang siya at hindi ako iniwan.

Mabagal lang ang paghakbang ang ginawa ko. May kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Pilit kong winawaglit ito.

Nang madaanan ko ang playground na tambayan ko at ang playground kung saan kami naglalaro noon ay saglit akong tumigil. Pinagmasdan ko ito ng ilang segundo bago napagdesisyunang pumunta roon.

Bago pa man ako makarating malapit sa slide ay may natanaw akong isang lalaki sa seasaw. Nakaupo lang siya do'n at walang kasama.

Nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang maputi at makinis na balat ay agad itong tumayo.

Pinagmasdan ko lang siya bago siya pumuntang swing.

Madalas na puno ng tao ang playground na ito. Madalas ito puntahan ng mga bata pero ngayon ay kaming dalawa lang ang tao rito.

Sa gilid ng swing ay may nakatayong puno, kaya hindi masyadong mainit kahit alas tres na ng hapon. Dalawa ang pwedeng umupo sa swing na parang sinadyang idensyo para sa dalawang taong gustong magsaya.

Tumalikod ako at bumuntong hininga. Ito ang lugar na nakakapagpaalala sa 'kin sa magulang ko. Kaya may kirot sa puso ko sa tuwing nadadaanan ko ito.

"Angelica!" Sigaw nito bago pa ako humakbang.

Wala akong nagawa kung hindi humarap sa kinarooonan niya. Saglit akong ngumiti bago kumaway. Gano'n din ang ginawa niya.

Ang plastik naman namin. Dati parati kaming nag-aaway, ngayon parang cease-fire muna kami.

Wala rin naman ako sa mood makipag-away ngayon dahil sinamahan niya ako kahapon.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Nagdadalawang isip kung uupo ba ako o hindi. Kakasabi ko pa lang kanina na ang swing ay parang idinesenyo sa dalawang taong gustong magsaya pero pwede ring sa dalawang taong magkarugtong ang puso, katulad nila mom at dad.

"Umupo ka na. Sa 'kin ka pa ba nahiya?"

"Hindi ako nahihiya." Sabi ko at agad na umupo.

Nagsimula na niyang igalaw ang swing na kinauupuan niya. Saglit pa itong bumuwelo para mas malakas ang paggalaw ng swing.

Gano'n din ang ginawa ko.

Ang sarap talagang maging bata.

Dati, no'ng bata ako gusto ko na agad tumanda. Pero ngayong matanda na ako parang gusto ko ulit bumalik sa pagkabata.

Panahong wala kang iniisip na problema. Panahong candy pa ang iniiyakan mo. Panahong kahit malakas pa ang pag-iyak mo ay okay lang.

Di tulad ngayon na puro problema at hindi lang candy ang iniiyakan kundi mabibigat na problema at masasakit na karanasan. Ngayon, palihim ka na lang umiiyak dahil hindi na nila pwedeng marinig ang pag-iyak mo.

Ang sarap maging bata.

"How are you?" Basag niya sa katahimikan.

Wala naman sa 'kin ang tahimik na kapaligiran, mas gusto ko nga na tahimik lang eh. Kasi magulo na ang utak ko tapos magulo pa ang paligid.

"Okay lang." Tipid kong sagot.

Okay lang means hindi. Nasasaktan ako. Nalulunod ako. Maraming gumugulo sa isipan ko.

"I know you're not."

"Wala kang alam." Basag ko sa sinabi niya.

Nakita ko ang panunubig ng mga mata niya. Alam kong may something sa kanya pero hindi ko alam kung ano iyon.

"Sometimes, it's kinda tired of being okay with the things you're not okay with." Tumingala ito. Tumigil na siya sa pagswing kaya gano'n din ang ginawa ko.

Tumayo ito at humarap sa 'kin, "Everytime I look into your eyes... I'm drowning... Your eyes are so deep."

Nagulat ako sa inakto niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang siya ay gano'n din ang ginagawa.

"Tell me, ano ba talaga ang kwento ng isang Angelica Samson?"

Tama nga ako, hindi nga niya narinig lahat ng pinag-usapan namin ni Paul kahapon.

"Hindi mo gugustuhing malaman." May diin kung saad.

Ayaw ko ng maalala pa ang lahat ng masasakit na alala na nagbigay ng trauma sa akin. Masyadong masakit para alalahanin ko pa. Gusto ko na itong kalimutan.

"Sabihin mo sa akin lahat. Gagawin ko naman ang lahat para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman mo eh. I will try my best to make it better."

Lumuhod ito, "tell me, what is the story behind that eyes?"

"Bakit kahit anong gawin ko, hindi mo ako sinusukuan?" Balik kong tanong.

He's the rarest person who never gets tired of understanding me and never refuse to give up on me no matter what.

"When I'm in love I don't just love her petals. I will also love her throns. I will love your throns. Even if I gets hurt, I will still hold you."

Gusto kong maniwala pero sinasabi ng isip ko na 'wag akong maniwala.

Madaming beses na akong nagkamali. Ayaw ko nang sumugal. Pagod na ako.

"Sige, sasabihin ko na para layuan mo na ako. Kapag nalaman mo ng lahat, pwedeng umalis ka na lang na walang kahit na isang salita ang lalabas sa bibig mo. Please?"

Nagkibit-balikat lang siya.

Alam ko naman na kapag nalaman niya lahat, iiwan niya na ako. Siguro mas magiging madali nga ang pagsuko niya sa 'kin kapag nalaman niya na lahat. Hindi niya deserve ang tulad ko. Hindi ako ang para sa kanya.

"Once upon a time..." Pagsisimula ko.

"Wait, hindi nga pala mala-fairytale ang kwento ng buhay ko. Tumayo ka muna at umupo sa tabi ko." Sabi ko dahil medyo naiilang ako sa kanya.

Sinunod niya naman ang sinabi ko at agad na umupo.

"No'ng bata pa ako, sa ampunan, may isang lalaking laging nakatingin sa akin." Sabi ko habang inaalala ang mga nangyari.

Mababakas sa boses ko ang galit, "kasama ko siyang dumating sa ampunan. May mga pagkakataong nahuhuli ko siyang tumitingin sa 'kin. Hindi pa ako masyadong sumasama sa ibang bata sa ampunan. Kaya kapag naiiwan akong mag-isa sa silid naming mga babae ay palihim siyang pumapasok." May tumulong luha sa mga mata ko.

Ang kaninang galit ay napalitan ng pandidiri. Matagal ko itong itinago at kinalimutan kaya grabe ang sakit ng ikwento at alalahanin ko ulit ang lahat ng nangyari.

Hindi ko na alam kung anong reaksyon niya sa mga sinabi ko dahil yumuko ako at tinakpan ang mukha ko.

"Binababoy niya ako sa tuwing mag-isa lang ako. Kahit saan ginagawa niya, sa sala, sa kusina, sa banyo, sa kwarto o kahit saan man ako naroon tuwing nag-iisa. Ginahasa niya ang inosenteng bata. Ginahasa niya..." Napalunok ako, "ginahasa niya ako."

Tuluyan na akong napahagulgol. I was so young back then.

"Sabi niya, kapag nagsumbong daw ako papatayin niya ako at ang mga kaibigan ko. Tinatakot niya ako at inaabuso. Sinasaktan niya rin ako sa tuwing iiyak ako sa sakit."

I look at him, teary-eyed.

"Nang may umampon sa 'kin, natigil na ang kahayupang ginagawa niya sa akin. Umayos ang buhay ko. Nakalimutan ko lahat. Ngunit, binubully naman ako ng mga kalaro ko, ampon daw ako. Totoo naman pero nasasaktan pa rin ako."

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at lumunok, "hindi ako nag-eexcel sa kahit na anong acads activities. Nawalan ako ng self-confidence. Wala rin akong social support. Walang kaibigan. Wala lahat. Para akong humihinga pero patay." Para akong nanghihina sa t'wing naaalala ko 'yung past experiences ko. Wala nga ata akong good memories eh.

"Pinapagalitan ako ni daddy kasi matalino naman daw ako pero bakit hindi ako sumasagot kapag tinatanong ng teachers. Pinilit ko ang sarili ko. Pinilit ko kasi alam kung ako ang dahilan kung bakit masaya sila mom at dad. Ako ang naging tulay para magdugtong sila. Pero last year, nahuli ko si dad na may kasiping na babae. Ang sakit. Sobrang sakit. Gusto ko mang sabihin kay mom ay para akong pipi na hindi makapagsalita. Ayaw ko silang maghiwalay. Ayaw kong masira ko ang relasyon nila kaya nagbulag-bulagan na lang ako." Tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Na-depressed ako pero walang nakakakita no'n. Kapag nagkukwento ako ay parang wala lang sa kanila, nasa isip ko lang daw ang lahat. Baka lang daw malungkot ako. Nakakapagod din pala." Tumawa ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Sabi sa 'yo hindi mo gugustuhing malaman ang kwento ko. Hindi mo gugustuhing malaman na araw-araw gusto kong mamatay dahil sa mga rason na ako lang ang may alam. Hindi mo gugustuhing malaman ang kwento ng isang Angelica Samson."

Nagulat ako nang tumayo ito. Hinila niya ako upang mapatayo rin at agad na niyakap.