"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong niya. May something sa mata niya na hindi ko maintindihan. 'Yong tingin niya na parang may meaning.
"Ikaw si Paul, ang b-boyfriend ko. Ano bang sinasabi mo?" Tumayo na ako.
Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Bakit ba siya nagkakaganyan?
"How are you, my dear sister?" Nakangisi niyang saad.
Naguluhan ako dahil sa sinabi niya. Sister? Ano bang sinasabi niya?
"Anong sinasabi mo? Sinong kapatid?" Pinunasan ko ang luha ko. Ang kaninang mukha kong umiiyak ay napalitan ng pagtataka.
"Narsem..."
"S-sino ka?" Napaatras ako. Paanong alam niya ang totoong pangalan ko?
"Alam mo ba..." Papalit siya sa akin habang patuloy lang ang pag-atras ko.
Naguguluhan pa rin ako. Sino ba siya? Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko? Kasama ko ba siya rati sa ampunan? Isa ba siya sa mga naging kaibigan ko? Bakit hindi man lang siya nagpakilala sa akin una pa lang?
"No'ng nakita kita ulit, gusto kong humingi ng tawad." Inipit niya sa tainga ko ang buhok ko upang makita nang mabuti ang mukha ko.
Tinabig ko ang kamay niya. Tumawa lang siya. Ang tawang parang nang-aasar. Nagtataka pa rin ako kung sino ba talaga siya at bakit parang kilalang kilala niya ako.
"Kaya lang sa tuwing titignan kita, naaalala ko lahat. Naalala ko ang galit ko sa 'yo."
Dahil sa sinabi niya ay parang unti-unti ko nang naaalala ang lahat. Parang nagkakaroon na ako ng hint sa mga sinasabi niya.
Napasandal ako sa wall. Wala na pala akong maaatrasan.
"Alam mo bang dahil sa 'yo kaya namatay ang nanay? Dahil sa 'yo kaya rin ako iniwan ng tatay! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang dahilan kung bakit napunta ako sa ampunan! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang masaya naming pamilya!" Sigaw niya. Kitang-kita sa mukha niya ang galit.
"Kuya R-raul?" Kinakabahang saad ko.
Siya si kuya Raul. Siya ang dahilan kung bakit miserable pa rin ang buhay ko hanggang ngayon. Baon-baon ko lahat ng sakit at pampapaboy niya sa akin.
"Ako nga, Narsem. Alam mo bang kahit anong gawin ko, galit pa rin ang nararamdaman ko sa 'yo!"
Sinampal ko siya. "Galit at pandidiri rin ang nararamdaman ko sa 'yo. Paano mo nagawa lahat ng 'yon sa sarili mong kapatid? Paano?" Tinitigan ko siya ng may halong pandidiri. 'Yong taong minahal ko ay 'yong taong bumaboy sa akin at ang mas masakit pa ay siya ang kapatid ko, siya ang kuya ko.
Mariin niya akong hinarap at ngumisi. "Dahil kasalanan mo lahat. Simula't sapul ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ka ipinanganak ay dapat masaya pa kami. Kung sana lang ay ikaw na lang ang namatay."
Biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng ginawa niya sa akin. Ang pambababoy niya sa musmos na ako. Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ng sarili kong kuya sa akin na dapat siya ang pumoprotekta sa akin, siya pa pala ang kapahamakan.
Simula noong bata pa ako, sa ampunan. Pinagsasamantalahan niya ako. Hindi ako nagsumbong noon dahil hindi ko pa alam na pambababoy pala ang ginagawa sa'kin.
Ang inosenteng bata ay ginagawa niyang hayop. Ginagawa niyang laruan.
Wala naman akong magawa dahil lagi niya akong tinatakot na papatayin niya ako at lahat ng mahal ko sa buhay. Ang mga kaibigan ko na lang ang mayroon ako noon. Ang mga madre na naging magulang ko. Ayaw kong madamay sila. Ayaw kong mamatay sila ng dahil sa 'kin.
Sa kabila ng maamo niyang mukha, may demonyong nagtatago sa kalooban nito.
Bakit hindi ko agad napansing siya pala 'yong lalaking gumahasa sa 'kin noong nasa ampunan pa ako? Bakit hindi ko naalala ang mukha niya?
Kinuha niya ang loob ko. Pagkatapos no'n ay sinamantala niya na ang kahinaan ko.
Akala ko no'ng una nag-aalala siya sa akin ng totoo! Akala ko masasandalan ko siya pero mali ako! Mali ako!
Anong ginawa ko sa mundo para parusahan ako ng ganito?
All my life I've been good to them. Been good to people and to my family. Been a top student. But why me?
Nabalik ako sa realidad ng haplusin niya ang buhok ko. "Siguro tama na rin lahat ng pagpapahirap ko sa 'yo. Nang makita ulit kita ay gusto ko pa ring gumanti dahil nandito pa rin 'yong galit ko. Gusto ko pang maghirap ka pero ito na ang huling beses na makikita kita. Masaya na akong makita kang miserable pa rin." Sabi niya bago umalis.
Tumaas ang balahibo ko.
Wala siyang puso! Hindi ako umiyak sa harap niya dahil ayaw kong makita niya kung gaano ako nasasaktan sa nalaman ko at sa mga ginawa niya sa akin.
Sinundan ng mga mata ko ang paglayo niya bago lumuhod at umiyak. Ang sakit lang. Sobrang sakit.
Nakakapagod ng mabuhay. Nakakapagod ng lumaban. Siguro ito na rin ang katapusan ng kwento ko sa mundong ito. Siguro ito talaga ang kapalaran ko.
I found the reason to live again but that reason is the same reason for me to stop living.
Masyado nang masakit lahat ng nararanasan ko araw-araw. Siguro reasonable naman sa akin para tapusin ko na lahat ng sakit.
Gusto ko ng tapusin lahat. Ayaw ko na sa araw-araw kong pagtitiis at paglaban ay puro sakit lang ang mararamdaman ko. Kailan ba ito matatapos? Kapag mamatay na ako?
Umupo ako at inilagay ang mukha ko sa mga tuhod ko. Dito ko lahat binuhos ang mga luha ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ubos.
"Oh, Ange. Anong nangyari?"
Hindi ko hinarap si Gian. Patuloy pa rin ako sa paghagulgol.
"Shhh. I'm here, kahit anong mangyari nandito lang ako." Hinagod niya ang likod ko.
Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko. Narinig niya kaya lahat ng pinag-usapan namin? Kung gano'n ay bakit pa rin siya nandito? Dapat ay nandidiri na siya sa akin gaya ng pandidiri ko sa sarili ko.
Ito ang matagal ko ng tinatago sa lahat dahil alam kong huhusgahan lang naman ako ng mga tao at alam kong walang gugustuhing makipag-kaibigan sa akin. Alam ko ring kapag nalaman nila ito ay hindi nila ako tatanggapin.