HER POV.
After 1234567890 years, nakalabas na rin ako sa hospital. Ano ba yan? Sabi ko pa naman hindi na ako babalik sa hospital. Hays.
Ngayon, kasalukuyan akong nag-bibihis dahil papasok na ulit ako.Yehey!
"Hoy babae, bilisan mong mag-bihis dyan, kakain na! " sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo na! " sigaw ko rin. Teka, ba't parang ang aga gumising ni kuya ngayon?
Nang matapos na akong mag-bihis ay bumaba na rin ako.
"Good morning, everybodyyy! " sigaw ko.
"Wag ka ngang sumigaw, ingay eh! " reklamo ni kuya.
Luh? Meron ba 'to ngayon? Ay, jowk lang. Hehehe.
"Sshh, wag kayong mag-talo sa harap ng hapag-kainan. " saway ni Mama sa kanya. Syempre, hindi ako kasama. Hindi ko naman sya inaaway eh.
"Ay, ma, bat pala nagising ng maaga si kuya? " tanong ko kay Mama.
"Sinabihan ko kasi na sabay na kayong pumasok ngayon para kapag inatake ka na naman, may nandon para maagapan kaagad. " hayys, ayan na naman si Mama.
"Pero ma---"
"Walang pero-pero, sundin mo na lang ako. "
"Opoo. " sagot ko na lang. Naiintindihan ko naman sya eh kaya hindi na lang ako kokontra.
Nang matapos ko ng ayusin ang sarili ko ay sumakay na ako sa kotse ni kuya.
"Kuya, may itatanong ako sayo. "
"Ano 'yun? " tanong nya habang naka-earphone. Eh? Narinig ako? Ay, baka props lang. Hahahaha.
"Kilala mo ba si Jennifer Hwang? " tanong ko.
"Yeah, why? " tanong nya rin.
"Girlfriend mo ba sya? " tanong ko ulit.
"Of course not! " agad nyang tanggi. Ay? Galit?
"Galit na galit? Tsaka, bat ba tangging-tanggi ka? " tanong ko.
"Nothing. Ah basta, I don't want to hear her name again, okay? " eh? Bakit naman?
"But I can't help my self to do that because she's my friend now. " sabi ko.
"What?! " luh? Ano bang nangyayari dito kay kuya?
"O.A makasigaw ha? " sakit kaya sa tenga.
"Tss. Just shut-up. " ay, meron nga 'to.
Nang makarating na kami sa L. U ay nauna akong bumaba. Alam nyo na, baka may makahalata.
Habang naglalakad na ako papuntang room ay biglang may sumalubong sakin.
"Clarisseeeeeee! " tawag sakin ni Jen.
"Uy, Jen. " bati ko sa kanya.
"How are you? Are you okay now? " tanong nya. Tiningnan ko sya ng nagtataka.
"Pano mo nalaman? " tanong ko. Ang mga dumalaw lang naman kasi sakin ay si mamang inglisero, si Mama at si kuya.
"Ha? Ano kasi.. " bat parang di sya mapakali?
"Ano? " tanong ko.
"Sources. Oo, yun. Sources. Hehe. " sabi nya saka ngumiti ng alanganin.
"Ahh." Nasagot ko na lang. Naglakad na kami papunta sa room ko. Nalaman kong pareho kaming third year at magka-age lang din kami.
"Sige, dito na ako. Bye. " sabi ko sa kanya.
"Bye, mamaya na lang. Muah! " sabi nya saka ako kiniss sa pisngi.
Pumasok na ako sa room at ramdam ko na naman 'yung titig sakin ng mga kaklase ko. The hell did I do again?
'Diba hindi sya pumasok ng tatlong araw ganon din si Jackson. Magkasama kaya sila? '
'Bat naman sila magkasama? '
'Tsaka, sya? Kasama ng prince natin? Bakit? Ano ba sila? '
Bulungan everywhere again. Bakit ba ang daming bubuyog sa University na 'to?
Hindi ko na lang pinansin at umupo na lang sa upuan ko. Nakita kong lalapit sakin sana sila Rara kaso dumating na rin si Sir Arman kaya nakinig na lang din sila. Kailangan din nila 'yun eh. Hahahaha. Jowk lang.