HIS POV.
"Mamang inglisero,paabot nga nung apple." Sabi ni Clarisse.
"Kaya mo na 'yan." Sagot ko sa kanya habang nagbabasa ng dyaryo.
"Ehhh, hindi kaya. Dali na! Pleaaaaaseee." Sabi nya saka nag-pout sa harapan ko. Hindi sya cute sa ginagawa nya. Tss.
"Ayoko nga. " tanggi ko pa rin.
"Sige na kasi, bala ka, isusumbong kita kay Mama. " pananakot nya sakin kaya tumayo ako at inabot sa kanya ang apple na gusto nya.
"Thank youuuuuuu. " psh! Kung hindi ka lang binilin ni Mrs. Grahams sakin, hindi kita babantayan eh.
Tatlong araw na simula nang mangyari ang insidenteng nangyari sa kanya at tatlong araw na rin akong nagbabantay sa kanya. Tsk, naging personal nurse nya na ako ah. Tatlong araw na rin akong hindi napasok, kinukulit na nga ako ng dalawang kaibigan ko kung nasaan daw ako eh, syempre hindi ko sinabi na nandito ako sa hospital at binabantayan ang stupid girl na 'to. Baka ano pa ang isipin nila eh.
"Tss. " nasambit ko na lang.
"Alam mo, tss ka ng tss, ahas ka ba? " tanong nya.
"It's just my expression, stupid. " sabi ko saka umirap.
"Expression? 'Yun 'yung tawag sa ugali ng isang tao diba? Kapag tinatanong kung anong first expression mo sa isang tao. 'Yun 'yun diba? " what? Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ay, di mo gets, libre mo 'ko. Teka, gets? Diba tatak ng damit 'yun? Gets?" I really don't know what she's saying.
"Can you please stop saying non-sense? " tanong ko.
"Psh! Non-sense? Non-sense din kaya ako sa buhay nya? " pag-hugot nya.
"You're very dramatic, huh?"
"Oo, pero trip ko lang 'yun syempre. Hehe. "Sabi nya saka tumawa. Okay, tumawa sya.
*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub*lub dub* lub dub*lub dub*lub dub*
Here's my abnormal heartbeats again. Maybe, I have a sick or disease? Heart disease. Psh!
"You don't need to laugh. Walang nakakatawa. " sabi ko.
"Eh? Pake mo ba kung natatawa ako? " pagtataray nya.
"Ang ingay kasi. " pagdadahilan ko pa.
"Sus, naiinlove ka lang sakin eh. Ayiieee. " pangaasar nya.
"Duh! As if that I'm going to like you. Never! "
"Wag mag-salita ng tapos. " sabi nya.
"What? " tanong ko. Di ko sya na-gets eh.
"Wala. Wala. Hindi mo rin maiintindihan. Idiot ka eh. " at saka bineletan ako. What a childish stupid girl.
"K. " sabi ko saka nag-basa ulit ng dyaryo.
"Mamang inglisero, tulog muna ako ha? Wag mo 'kong iiwan. "
'Wag mo 'kong iiwan. '
'Wag mo 'kong iiwan. '
'Wag mo 'kong iiwan. '
Sige utak, i-replay mo pa. Masaya ka eh. Psh!
"Oo na, hindi na kita iiwan. " sabi ko na lang saka nag-basa ulit.