webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · สมัยใหม่
Not enough ratings
49 Chs

Chapter 48

One year after...

Lucia's POV

It's been one year since I was gone. I am now excited that I am now in the Philippines. I am excited to see my friends, my family and specially him.

"Para kang tanga diyan. Kanina ka pa naka ngiti." Luke said to me as we're walking outside the airport.

"Syempre. It's been a long time since I was here. Miss ko na silang lahat."

"Yari ka kay Papa. Hindi mo alam kung ano ano ang pinag sasabi ko kada tatawag siya sa akin para itanong at kausapin ka."

"Mas mag alala siya kung hindi niya na talaga ako makita. Or kung nakita niyang bangkay nalang ako." Tumawa ako nang pagka lakas lakas dahil sa biro ko. Napahinto ako sa pag lalakad at pag tawa dahil wala nang Luke sa tabi ko. Nasaan na 'yon?

Lumingon ako and I saw him standing there at naka tingin lang siya sa akin.

"Huy! Napano ka? Pumunta ka nga dito!"

He walked towards me and he hugged me so tight. Aww my sweet brother!

"Lucia, please. Don't do that again."

"Hindi na talaga mangyayari 'yon."

I remember everything that happened one year ago. I left. I broke up with Evan. I declined his proposal. But I told him to wait. Nahintay niya kaya ako? Kaya niya pa ba akong tanggapin pagkatapos ko siyang iwan at saktan? But he knows how much I love him.

Humiwalay si Luke sa pagkaka yakap sa akin.

"Sinabi mo ba sa kanila na kasama mo ako at nandito na ako?"

"No. I didn't tell anyone."

That's good. Because I want to surprise them.

"What about Evan? Did you tell him? How is he? God! I'm so excited to see him."

Hindi ako sinagot ni Luke at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"Oh? Bakit ganiyan ang reaksyon mo?"

"Wala. Ano ba gusto mong i react ko?"

"Wala naman. Luke! Samahan mo ako mamaya sa OB ko dati. Gusto kong magpa check up ulit."

"What the fuck? Anong gagawin mo sa OB?"

"Remember noong kami pa ni Evan? Hindi ba nagte take ako ng pills? I just want to ask some things to my OB before. I want to get pregnant."

"P-pregnant?" Iniwas niya nanaman ang tingin niya sa akin at naguguluhan na ako sa mga pinapakita niyang mga reaksyon. Bakit ba parang takot na takot siya? Parang sira.

"Yes. Now that I'm back I know Evan would be happy. I hurt him but I told him to wait for me. Pakakasalan ko na siya ngayon and I'll make sure that he'll get me pregnant."

"Lucia, ano kasi. H-hindi biro ang isang taon na pagkawala mo tapos ano."

"Ano?"

"Ano ah... basta! Ayun na ang kotse oh. Baka si Papa na 'yan." Itinuro niya ang isang kotseng kadarating lang.

I saw Papa waving at us kasama si Mama na kakababa lang. Oh my god! I miss them both! Mabilis akong tumakbo papalapit sakanila at yinakap sila ng sobrang higpit.

"Walanghiya ka anak! Anong kalokohan nanaman ba ang pumasok sa utak mo at hindi ka nagparamdam sa loob ng isang taon?!"

"Sorry na Pa. Hindi na mauulit."

"We miss you anak. Please lang if you want to have vacation, tell us first. Okay?" Mama said at niyakap ko na rin siya.

"Yes po! Let's go home na!"

Nang maka dating kami sa bahay ay mabilis akong nag palit ng damit and went to the Mall. Luke is with me at hindi niya na ako iniwan at lagi niya na akong sinasamahan.

"You know what Luke you can actually take a rest if you want. Just look at you, you look like a zombie. Go home."

We are here in a jewelry shop and I'm choosing a beautiful ring. I'm gotta propose to Evan. I know I hurt him by saying no one year ago when he proposed to me but I have my reason. Ginawa ko 'yon dahil may dahilan ako. I fixed everything and I'm so lucky na naiayos ko ang lahat nang 'yon.

I'm confident that he'll accept me even though I hurt him. Luke said to me that he was so fucked up and he was a messed after what happened. Sasabihin ko sakaniya ang lahat kung bakit ko nagawa 'yon. Alam kong mahal na mahal ako ni Evan at alam kong tatanggapin niya ang alok ko na pakasalan ako. I am ready now. I can say yes to him now kahit ilang milyong beses niya pa akong tanungin.

"You know, I can't leave you Lucia. Na trauma na yata ako."

"Alam mo para kang tanga. Umuwi ka na kasi at magpa hinga."

"No. I'll stay here with you. Mahirap na at baka may gawin ka nanaman na ikakabaliw ko."

Napa poker face ako sa sinabi niya.

"You know nothing won't happen now. I'm totally free Luke."

Nang makapili ako ng singsing ay binayaran ko 'yon sa may cashier. Natatawa ako sa naiisip ko na ako ang mag aaya ng kasal ngayon kay Evan. God! I'm just so excited to see him now. Kahit isang taon kaming hindi nag kita ay hindi nabawasan ang pag mamahal na meron ako sakaniya.

"Anyway, Luke. How was Bella? Nanganak na siya no? Babae o Lalaki?"

"It's a girl. Kamukhang kamukha ni Jayden ang anak nila."

"Omg! I'm so excited to see my pamangkin. Dalaw tayo sakanila soon. Are they still living sa bahay nila Evan?"

"N-no. Naka tira na sila sa ibang bahay. And actually they're getting married this month. Nag 18 na si Bella so she's allowed to get married."

"Really?! That's good to hear though. Biruin mo naunahan pa nila kami ni Evan. What if I say yes before kay Evan? Siguro buntis na rin ako ngayon no?"

"H-huh? Siguro. Aaahh! Inaantok na talaga ako Lucia."

"E bakit kasi hindi ka pa umuwi? Kaya ko naman na Luke. I'm okay now."

"No. I don't want you to leave. Bilisan mo nalang. Punta na tayo sa OB mo. Saan ba 'yon?"

Lumabas na kami ng mall ni Luke at siya na ang nag maneho. Para siyang walang gana ngayon and this is the first time I saw him like this. Siguro ay masyadong napagod ang kapatid ko sa byahe tapos sinasamahan niya pa ako ngayon. Kawawa naman siya.

"Turn right, Luke."

Iniliko niya ang sasakyan at nakita ko agad ang clinic kung saan ako nagpa check up noon. He parked the car at bumaba na kami ng sasakyan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo na 'to Lucia? Hindi ba para kang ewan nito."

"Ewan ka diyan. I want to get pregnant nga diba?"

"Edi dapat si Evan muna ang kausapin mo dahil siya ang bubuntis sa'yo e."

"Syempre gusto ko munang tanungin kung malaki ba ang chance kong mabuntis na. Huwag ka na ngang ano diyan. Sasaktan kita e!"

Nag lakad na kami papasok ng OB. Nakilala agad ako ng nurse na nandito at pinaupo muna kami ni Luke.

"Lucia siya ba 'yung boyfriend mo na kinikwento mo? Ang gwapo naman pala!"

"Hoy grabe ka Nurse! Hindi siya 'yon. Kapatid ko 'yan. Bastos ka."

Natawa naman ang Nurse at mabilis na humingi ng sorry. Madalas kasi kaming mapagbintangan na mag jowa kapag magkasama kami ni Luke specially those people who don't know that we're siblings.

"E nasaan ang boyfriend mo?"

"Nasa kanila siguro?" I laughed.

"Ang tagal mo ring nawala ah? Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"I was in California. Kaya hindi ako nakabalik at ngayon lang ako bumalik dito."

"Anong ginawa mo don? Bakasyon?"

Ngintian ko lamang siya at tumango na lamang. Only Luke knows what really happened to me. And once I see Evan I'm gotta tell him too kung anong nangyari sa akin. At ipinapangako ko na lahat nang nangyayari sa akin ay sasabihin ko na sakaniya. Hindi na ako mag tatago nang kung ano pa.

"Bru?" Napa lingon ako nang marinig ko ang salitang bru. Bigla kong na alala si Kennedy na bestfriend ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong si Kennedy nga iyon na mukhang galing ng labas.

Shit! My bestfriend!

"Bru!!!" Sigaw ko at mabilis akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit.

"Ikaw ba talaga 'to Lucia?" Bulong niya sa tenga ko at parang hindi siya makapaniwala.

"Yes bru! Ako nga 'to. I miss you!"

Nang marealize niya na ako talaga ito ay niyakap niya ako pabalik at pinag hahalikan ang ulo ko. God, I miss my bestfriend!

Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin and he's crying.

"Huy! Bakit ka umiiyak?!"

"Miss na miss kasi kita bru. Wala kaming balita sa'yo sa loob ng isang taon tapos bigla bigla kitang makikita dito?!"

"E bakit galit ka? Hindi ka ba masaya?"

"Masaya! Pero ano bang nangyari bru? Bakit ka nawala? Alam mo bang ang daming nangyari sa loob nang isang taon simula nang mawala ka?"

Is it just me o ang lungkot ng boses niya? Is he really happy to see me or not?

"Bakit parang hindi ka masaya na makita ako?" Nag tatampo kong tanong sakaniya. "Isang taon akong nawala hoy!"

"Ayun nga bru e. Isang taon kang nawala. Bakit hindi mo inagahan ang pag balik mo?" Malungkot ang mga mata niya habang tinatanong ako.

"What do you mean?" Bakit parang may laman ang mga salitang binibitawan niya? I actually don't like it.

Umalis siya sa harapan ko at lumapit siya kay Luke na naka titig lang sa amin. Pati si Luke ay nakikitaan ko ng lungkot sa mga mata. Ano bang nangyayari?

"Anong ginagawa niyo dito Luke?" Tanong niya. Lumipat ang tingin sakaniya ni Luke at nagka titigan silang dalawa.

"She wants to visit her OB. So we went here."

"Bakit dito pa? Get out."

"Bru, may problema ba?" Hindi ako pinansin ni Kennedy at naka tingin lang siya kay Luke.

"Hindi mo pa ba sinasabi sakaniya Luke?"

"Sinasabi ang ano?"

Walang kumikibo sakanila at parang pareho pa silang nagpapakiramdaman kung sino ang unang mag sasalita.

"Ano ba 'yon? Kinakabahan ako sa inyo ha!" Tumawa ako pero grabe na ang tibok ng puso ko. "Luke, ano ang dapat mong sabihin sa akin?"

"Lucia, it's about Evan."

"What about him?"

"Lucia, he's... he's-"

"Oh? Ano nga? Bakit hindi mo masabi?" Naka ngiti ako sakaniya pero sa kaloob looban ko ay sobra sobra na ang kabang nararamdaman ko.

"Next na po!" Sigaw ng isang Nurse mula sa kwarto kung saan chinicheck ang mga pasyente.

"I'm next. Iwan ko muna kayo."

"Lucia, stop." Pinigilan ni Kennedy ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kaniya.

"Why bru?"

Nabaling ang mga mata ko sa lalaking kakalabas lang sa kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Evan.

"Evan?" Tawag ko sakaniya. Nangilid na ang mga luha ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha.

He looked at me at gulat na gulat din siyang nakatingin sa akin. My heart is beating so fast just by looking at him. God knows how much I miss him!

"L-lucia?"

Tumakbo ako papalapit sakaniya para sana yakapin siya kaso napahinto ako nang may lumabas na babae na galing din sa kwarto. I looked at the woman at napa kunot ang noo ko nang makilala ko siya.

Ang laki na ng umbok ng tiyan niya. Bakit mag kasama sila? Hindi ba't dapat ang kaibigan namin ang kasama niya hindi si Evan?

"Lucia!"

Mabilis na lumapit sa akin si Evan at niyakap ako nang sobrang higpit. He's crying. Hindi ko nagawang yakapin siyang pabalik dahil naguguluhan ako.

Why is he here? Why is he with her?

"Where have you been baby? Why did you leave?! God knows how much I missed you."

"Evan." Tawag sakaniya ni Carmela.

Yes. He's with Carmela. Si Carmela na girlfriend ni Dred ang kasama niya. At si Carmela ang buntis na kasama niya.

Parang natauhan naman si Evan at humiwalay siya sa pagkaka yakap niya sa akin.

"Lucia, let me explain."

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at hinalikan niya ako sa may labi. Para akong nanghihina. Parang ayaw kong marinig ang sasabihin niya dahil may hinala na ako kung ano man 'yon.

"Bru, uwi na tayo? Baka pagod ka pa sa flight mo. Sabi ni Luke kadarating niyo lang. Pahinga ka muna."

Hinila ni Kennedy ang kamay ko pero hindi ako nagpahila sakaniya. Parang nanigas ang buong katawan ko sa kinakatayuan ko.

"Lucia, I'm so sorry. I'm really sorry."

Lumuhod sa harap ko si Carmela habang nakatakip sa bibig niya ang mga kamay niya at umiiyak siya.

"A-ano 'to Evan? Bakit ka humihingi ng sorry Carmela? Hindi naman si Evan ang ama nang dinadala mo diba?"

Umiiling si Carmela habang panay pa rin ang iyak niya.

"Lucia, uwi na muna tayo? Bawal ka pang ma stress." Hinawakan ni Luke ang kamay ko pero inalis ko ang pagkakahawak niya doon.

"Lucia, tara na."

"Bitawan mo ako Luke! Putangina! Sabihin niyo sa akin kung ano 'to?! Tangina niyo!"

Hindi ko na napigilan ang mapa sigaw. Wala akong pakialam kung pag tinginan kami ng ibang mga tao dito. Ang naninikip na ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga dahil para akong sasabog.

"Carmela, sabihin mo sa akin na si Dred ang ama nang batang 'yan. Si Dred lang ang ama niyan."

"Lucia, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Hindi namin ginusto ang nangyari."

"Sabihin mo sabi na si Dred ang ama niyan! I don't need your fucking excuse! What I need is for you to say that Dred is the father of your child! Where is he?! Nag tatago ba siya?"

"Lucia." Niyakap ako ni Evan pero inalis ko ang pagkaka yakap niya sa akin.

"Ikaw ba Evan? Ikaw ba ang ama?"

Yumuko siya at patuloy ang pag agos ng luha niya. Parang gusto ko na lang mamatay nang bigla siyang tumango at sabihin niya ang mga salitang ayaw kong marinig.

"Yes, Lucia. I'm the father of her child."

Napatakip ako sa may bibig ko at para na akong hihimatayin sa nalaman kong 'to. I want to cry but I'm holding back my tears. I won't cry in front of them. No! Never!

"H-how could you do this to me Evan? P-paano? Isang taon. Isang taon lang akong nawala tapos nakabuntis ka na?! Putanginang titi na 'yan! Hindi ba nakapag pigil na maghanap ng iba?!"

"No, Lucia. I was drunk. We were drunk and the next we knew w-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at dumapo na ang kamay ko sa mukha niya.

"You were drunk?! Seriously Evan?! Drunk?! Putangina rin kayong mga ibang lalaki e no. Kapag naka buntis kayo o may naikama kayo ay yan ang dahilan niyo! Naka inom?! Kailan ba maglalaho ang napaka walang kwentang excuse na 'yan dito sa mundo?! Ha?! Kelan?!"

Malalalim na ang hininga na ginagawa ko dahil sa sobrang sikip na ng dibdib ko. Nangingilid na ang mga luha ko pero todo pigil ako sa sarili ko na bumagsak ito. Tangina. Ang sakit. Wala na yatang kasing sakit ang malaman na nakabuntis ang lalaking pinaka mamahal mo.

"At ikaw naman Carmela? Fuck. Of all people na pwedeng buntisin ni Evan ikaw pa?! Mag kaibigan tayo! Girlfriend ka ni Dred hindi ba? Bakit nakuha mong ahasin ang boyfriend ko?! Bakit Carmela?! Pinalayo mo ako noon kay Dred dahil ayaw mo ng issue! Pinagbigyan kita! Iniwasan ko. Lumayo ako kahit pagkakaibigan namin ang isinakripisyo ko. Tapos ito?! Ikaw pa pala ang gagawa nang ganito? At ang mahirap pa kaibigan ni Dred at boyfriend ko ang inahas mo?! Tangina! Tangina niyong dalawa!"

Niyakap ako ni Evan nang sobrang higpit.

"Baby please, listen to me. Hindi talaga namin alam ang nang-"

"Bitawan mo ako!" Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at itinulak siya.

"Evan, Isang taon. Isang taon lang akong nawala. Ilang buwan na 'yang tiyan ni Carmela? Seven? Eight? Evan, isipin mo. Isipin mo na wala ilang buwan palang akong nawawala sa buhay mo ipinagpalit mo na agad ako? You even proposed to me. And I'm really sorry if I said no that time. I have my reasons. Alam mong hindi ako hihindi kung wala akong dahilan. Alam mong hindi kita iiwan at hindi ako mawawala nang ganon kung wala akong ipinaglaban. Evan, ipinaglaban kita e. Mahal na mahal kita e." Kinuha ko ang box sa may sling bag ko at pinakita sakaniya ang singsing na binili ko sa Mall.

"Ayan oh. Ako na sana ang mag aaya sa'yo na magpakasal na tayo. Kahit ngayon pa mismo pakakasalan kita. I went here para magpa check up dahil gusto ko nang magpa buntis sayo. Dahil gusto ko nang gumawa tayo nang pamilya natin. But what did you do? I was planning to build a family with you but you already build your family with someone."

"Lucia please. Maniwala ka sa akin. Hindi ko mahal si Carmela. Ikaw ang mahal ko."

"Mahal mo man o hindi, ginusto mo man o hindi. Hindi mo na mapapalitan ang katotohanang magkaka anak na kayo. Buti nalang pala humindi ako. Buti nalang pala nilabanan ko ang sarili ko na kahit gusto kong umoo noong araw na 'yon ay humindi ako. You just prove to me that the love that you have for me is not as much as I love you. Sa ating dalawa ako lang pala ang mas nag mamahal. Hindi mo alam kung anong isinakripisyo ko maging pwede lang tayo. Wala kang alam Evan. Wala kang alam kung anong ipinaglaban ko at kung ano ang nangyari sa akin."

Tinalikuran ko na sila at nag simula na akong maglakad palayo. Nakaka ilang hakbang palang ako nang maramdaman ko ang yakap ni Evan sa akin.

"Lucia please. Don't leave me again. Hindi ko na kakayanin na mawala ka pa sa akin."

"Kaya mo 'yan Evan. Kinaya mo nga ang mambuntis nang iba e. At the moment you kiss her, at the moment that your body touches her, that was the moment na pinakawalan mo na ako. You cheated on me Evan. You cheated on me."

"I love you Lucia. I love you so much please. Don't do this."

"Hindi Evan. Hindi mo ako mahal. Dahil kung mahal mo ako hindi mo magagawa sa akin 'to. I told you to wait. I told you that I love you at ang hiniling ko lang ay ang hintayin mo ako but you failed. You failed me. So please, let me go."

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at napakagat ako sa labi ko.

"Let me go, Evan."

"No, Lucia. I won't let you go." Basang basa na ang balikat ko dahil sa mga luha niya.

"Kung talagang mahal mo ako Evan, pakawalan mo ako. Please. Let me go dahil ayaw kong dito ako gumuho. Ayaw kong makita mo kung paano ako guguho dahil sa ginawa mo. Kahit ito man lang magawa ko para sa sarili ko."

Unti unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at tuluyan kong inalis ang mga kamay niya. Nakatalikod pa rin ako sakaniya dahil hindi ko na kayang harapin pa siya. Ang sakit! Sobrang sakit.

"Hindi ba sabi ko sayo noon, kapag nagkaroon ka ng iba guguho ako? Bakit hindi mo tinandaan 'yon? You broke me Evan. You just broke me."

Himinga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti pero hindi ko magawa. Bigla kong na alala kung anong petsa ngayon at gusto kong mag wala dahil ang sakto!

"Happy Mother's Day. Ang sakto mong gago ka. Happy mother's day sa binuntis mong letse ka."

Nag lakad na ako ng tuluyan palabas ng Clinic. Pagka labas na pagka labas ko ay hindi ko na napigilan pang umiyak. Yung kaninang luha ko na naka abang na sa mga mata ko ay malaya nang nakalabas.

Napa suntok ako sa dibdib ko dahil parang hindi ko na kakayanin pa ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako maka hinga.

Nag lakad ako papalapit sa kotse namin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tuhod at bumagsak ako dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ako.

Pinag susuntok ko nang malakas ang kotse ni Luke. Wala akong pakialam kung paborito niyang kotse ito. Wala akong pakialam!

"Lucia! Stop it!" Sigaw ni Luke sa malayo. Patuloy pa rin ako sa pag suntok dahil gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

Saan ba ako nag kulang? Hindi niya ba ako ganon ka mahal? Bakit niya ako nagawang lokohin? Bakit siya nagkaroon ng ibang babae? Sabi niya ako lang. Ako lang. Pero bakit may iba?!

Hinawakan na ni Luke ang magkabilang braso ko para mapigilan ako. My hands are full of blood.

"Stop it. Stop hurting yourself. Umuwi na muna tayo."

Itinayo ako ni Luke dahil hindi ko na masuportahan ang sarili ko para tumayo. He opened the car at ipinasok niya ako sa loob.

He started to drive his car at iyak lang ako nang iyak sa loob. Para akong pinapatay ng sakit.

"Luke, sana namatay nalang ako. Sana namatay nalang ako. Sana hindi nalang ako bumalik."

Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin nang nararamdaman ko. Pero sana mag laho nalang ako kasabay nang pagkawala nang sakit na nararamdaman ko.