webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · Urban
Not enough ratings
49 Chs

Chapter 47

Luke's POV

Fucking fuck! I'm about to lose my mind because I can't find my sister. It's been 1 month and up until now I don't know where to find her. Malapit na akong mawala sa katinuan. After she says no to Evan ay para nalang siyang bula na nawala.

"Boss, wala pa rin pong balita sa kapatid niyo."

"Putangina! Hanapin niyo! Diba sabi ko huwag kayong titigil habang hindi niyo siya nahahanap?! Fuck!"

Napatayo ako sa galit na nararamdaman ko. Naibato ko ang bote na nasa harap ko dahil sa frustrarion na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan kami mag hahanap matagpuan lang siya. Gulong gulo na ang isip ko at hindi na ako makapag isip pa nang matino. Pakiramdam ko ang bobo bobo ko.

"Bro, chill ka lang. Araw araw ka nalang galit at mainit ang ulo."

"Tangina Brandon. Kapatid ko ang pinag uusapan natin dito at hindi basta basta sino."

She's been gone for 1 month at kahit ni isang hi o hello ay wala akong narinig mula sakaniya. Noong araw na tumakbo siya palabas ng rooftop ay hindi na siya umuwi sa bahay. I thought she just went  somewhere to unwind pero lumipas ang dalawa, tatlong araw ay hindi siya umuwi. And that was the time na kinabahan na ako. If only I knew she'll be gone sana hinabol ko siya. Hinabol siya ni Evan noon pero nahuli na siya dahil hindi niya na ito naabutan pa.

I asked her groupmates at pati ang mga ito ay walang alam kung nasaan siya. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Kung saan ko siya makikita. Tangina.

I've been lying to our parents since she was gone. Hindi ko masabi ang totoo kay Papa at kay Tita na nawawala siya dahil hindi ko alam kung nasaan siya at alam kong mag aalala sila. As far as I can, I want to find her. I'm gotta find her.

"Isang buwan na, man. Isang buwan na simula nang mawala siya at umalis nang walang paalam."

Napa hilamos ako sa mukha ko at ininom ang alak na nasa may harapan ko.

"Saan kaya nag punta si Lucia? Wala ba siyang iniwan na kahit ano? Letter? O text? Like any clues?"

"Wala. Wala kahit na ano. Sapalagay mo mababaliw ako dito nang ganito kung meron at kung nagpa alam siya? Tangina. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"You really love your sister."

"My sister is my everything. Mahal na mahal ko 'yun kahit napaka baliw niya. Miss na miss ko na siya."

"What about her boyfriend? Diba ang sabi mo nawala siya noong nag propose ito sakaniya?"

"Her boyfriend? Ayun. Gabi gabi umiinom. She left him hanging. He's broken as fuck. At pareho na kaming nababaliw dahil hindi namin alam kung saan siya matatagpuan."

"Fuck. Pati ako napapa isip kung saan siya nag punta."

Evan is drinking every day and every night. Sinasamahan siya araw araw nila Kent, Dred, Lancie at Kennedy. Hindi mo na siya makikitang hindi naka inom at matino.

I actually understand him if he ended up like that. He loves my sister so much. He loves her more than anything else kaya hindi na ako mag tataka kung ganito ang nangyayari sakaniya.

He's always calling me if I know where Lucia is. One time he went in our house and he was fucking drunk. Buti nalang at wala doon sina Papa. He thought that I was just hiding Lucia to him. But when I told him that I really don't know where she is, he broke down. Na aawa na rin ako sakaniya. He got rejected at iniwan siya nito nang walang pasabi.

"Man, hindi kaya may inayos siya o ano sa Underworld?"

"Kung meron man siyang gagawin doon, dapat alam nang mga ka grupo niya."

"E baka tinatago lang din siya ng mga ka grupo niya? You know. Wala sa'yo ang loyalty nila kung hindi na kay Lucia. Hindi ako naniniwalang wala silang alam. What if Lucia talked to them at sinabihang huwag sabihin sa'yo ang totoo kapag nag tanong ka?"

Bigla akong napa isip sa sinabi ni Brandon. He actually got a point. Hindi kaya tinatago lang din siya sa akin?

"It's not that I'm doubting her groupmates but malakas ang pakiramdam ko na meron silang alam kung nasaan at anong nangyari sa kapatid mo. Ka grupo niya ang mga 'yon kaya malamang sa malamang alam nila. Lagpas isang buwan na man. At kung nagkakanda ugaga ka sa kakahanap dapat ganon din sila."

Tangina. I'm gotta talk to them tomorrow. At huwag na nilang subukan na mag sinungaling pa kung hindi makaka tikim sila sa akin.

My phone started to ring. I looked at my phone and it's Kennedy.

Mukhang alam ko na kung bakit tumatawag ang isang 'to.

"Kennedy."

"Pumunta ka dito sa condo ni Dred. Nababaliw nanaman si Evan! Hindi ko na maawat! Sa'yo lang nakikinig 'to! Bilisan mo!"

Pinatay niya ang tawag at tumayo ako sa kinuupuan ko.

"O saan ka pupunta?"

"I need to go. Nag wawala nanaman si Evan. It's only me who can stop him."

"Love can really make people crazy."

Iniwan ko na siya doon. I walked outside and went to the parking lot.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa condo ni Dred. Doon na sila madalas nag iinuman dahil napapa away sila kapag sa labas sila nag iinom lalo na si Evan.

Nang maka dating ako sa Condo niya ay ipinark ko ang kotse ko at mabilis akong pumasok sa loob. I went inside the elevator at nang huminto ito ay tumakbo na ako papunta sa unit ni Dred.

I already know the passcode of his Unit at pumasok na ako. Naabutan kong umiiyak si Evan sa may living room habang may mga basag na bote na nagkalat doon. Fuck. Basag din ang tv. Did he break it?

"I love her so much but why did she do this to me?! Am I not enough? Tell me!"

"Evan, tama na." Umiiyak na sabi ni Lancie habang akap akap si Evan.

Lahat kami ay apektado sa pagkawala ni Lucia. Pare pareho kaming walang alam kung nasaan ito. Hindi na ako mag tataka kung darating ang isang araw na pare pareho na kaming nasa Mental kaka isip kung nasaan siya.

"Evan." Tawag ko sakaniya.

He looked at me. He really looks like a mess. Medyo pumayat din siya ng kaunti dahil panay inom nalang ang ginagawa niya.

"Luke, hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya? Diba kuya ka niya? Nag mamakaawa ako sa'yo dalhin mo ako sakaniya."

Humiwalay siya sa pagkaka yakap kay Lancie at lumuhod siya sa may harapan ko. Tangina.

"I'm begging you, Luke. Please. Dalhin mo ako sakaniya. Mababaliw na ako. Hindi ko na kaya na tumagal pa na hindi ko siya nakikita." He's crying and I can actually feel his pain.

Kung nasasaktan siya sa nangyayari ay ganoon din ako.

"Evan, I already told you before na wala akong alam kung nasaan ang kapatid ko."

"Baka tinatago mo lang talaga siya! Wala akong pakialam kung ayaw niya akong pakasalan. Wala akong pakialam kung nakipag break siya sa akin! Ipakita niyo lang siya sa akin! Nag mamakaawa ako. Putangina. Mamatay na ako kaka isip kung nasaan siya!"

"Evan, mag pahinga ka na muna. Bukas tayo mag usap."

"Hindi! Hindi mo ako naiintindihan!"

"Tangina naman Evan! Akala mo ba ikaw lang ang nakakaramdam ng ganiyan? Puta. Halos mabaliw na nga ako kaka isip kung saan siya nag punta at kung paano ko siya matatagpuan maiharap lang sa'yo! Ni hindi na nga ako makatulog sa gabi at maka kain dahil iniisip ko kung okay lang ba siya? Kung naka kain na ba siya? Kung maayos ba ang lagay niya?! Kapatid ko 'yun Evan! Kapatid ko ang nawawala kaya huwag mong sasabihin sa akin na hindi kita naiintindihan dahil parehas lang tayo ng nararamdaman!"

Sinabunutan niya ang sarili niya at humagulgol nanaman siya ng iyak.

"I'm doing everything just to find my sister. You all know kung gaano kahalaga sa akin ang kapatid ko. At kung kailangan kong halughugin ang bawat sulok ng mundo ay gagawin ko makita ko lang siya."

"Bwisit kasi si Lucia! Saan ba siya nag punta?!"

"I want to die. Just kill me."

"Stop saying that nga Evan! It's not the end of the world. Sapalagay mo Lucia will be happy if you're like that?!"

"I miss her so much. I fucking miss her." Natumba siya mula sa pagkaka luhod niya. He passed out. Dala nang sobrang kalasingan niya.

"Kent, help me to carry him." Lumapit si Kent at Dred kay Evan at binuhat nila ito pa akyat ng kwarto.

Umupo ako sa may sofa at ramdam na ramdam ko na ang stress. Lucia is missing and Evan is so fucked up.

"Did you eat, Luke? Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Makikita rin natin si Lucia."

"I don't know what to do anymore, Lancie." My tears started to fall.

"It's okay Luke. Mahahanap din natin siya. Tiwala lang."

"Miss ko na ang bestfriend ko. Araw araw na akong dumadalaw sa Church para mag dasal. Para matagpuan siya."

"Bro, hindi kaya may plano na talaga si Lucia na gawin ito? Remember during Kennedy's party? She was so clingy to Evan that night pati sa'yo. Napansin ko kasi noong gabi na 'yon na parang iba siya."

Napa tingala ako nang mag salita si Dred. Nandito na sila ni Kent at umupo rin sila sa may sofa.

"Actually that day, hindi ba naka inom na kami nang dumating kami? Nagka salubong kami sa isang coffee shop at hinila niya ako papuntang convenient store. She was the one who invited me to drink at halos siya nga ang naka ubos sa mga alak na binili niya."

Inisip ko ang araw ng party ni Kennedy. Actually Lucia was acting strange that night. She was so sweet to me and to Evan. Panay din ang inom niya ng alak ng araw na 'yon. What was her plan? What was in her mind?

"She was so strange that time tapos kinabukasan sa proposal ni Evan ay nag no siya. We all know how much she loves Evan."

And up until now we don't know the reason why she said no to Evan. Kilala ko ang kapatid ko at alam kong atat na atat na rin siyang magpakasal kay Evan. Kaya gulat na gulat ako when she declined to Evan's proposal.

"So what are you saying? That Lucia had something in her mind? That she was planning something?" Tanong ni Kent kay Dred.

"Pero kung may pinaplano siya dapat sinabi niya muna sa akin." Sagot ko.

"Luke, bestfriend ako ni Lucia. Pero hindi lahat ng bagay sinasabi niya sa akin. Boyfriend niya si Evan, at may mga bagay din na hindi niya sinasabi kay Evan. So ikaw na kapatid niya, marahil ay ganon din. May mga bagay na hindi niya rin sinasabi sa'yo."

"Lucia is making me crazy thinking where the fuck she is."

"Ang iniisip ko dito ay si Evan. He's vulnerable. Tignan niyo nalang kung gaano siya kawasak ngayon. I hope magpakita na si Lucia. Dahil hindi titigil 'yan habang hindi niya natatagpuan si Lucia."

"What about his parents? Hindi ba siya hinahanap?"

"I think his parents know pero pinapabayaan nalang siya dahil wala rin naman silang magagawa. Bella is calling me everyday asking about his brother." Sabi ni Dred.

"Buti pa mag pahinga na kayo. Bukas pagka gising ni Evan malamang alak nanaman ang hahanapin niya."

"Please make him stop drinking."

"As if he'll listen to us, Lancie. Pati kami ay nagiging lasinggero na rin dahil kailangan namin siyang damayan."

"Tayo ang sandalan niya ngayon. Kaya sana huwag niyo siyang pababayaan. I'll make myself busy for these coming days finding my sister."

"Balitaan mo nalang kami once malaman mo kung nasaan siya."

"Yes. I will. Mauna na ako. Tawagan niyo nalang ako kapag nagka problema ulit."

Tumayo na ako at iniwan sila doon. Lumabas na ako ng unit ni Dred at nag lakad papuntang elevator.

Sa lahat ng iniwanan ni Lucia si Evan ang pinaka nasaktan. Lucia is his world. Lucia is his everything kaya ngayon na nawala ito sakaniya ay sirang sira siya. Makakatikim talaga sakin ng konyat ang kapatid ko once na matagpuan ko kung nasaan siya. Tangina. Pero ang mas ang ikinakaba ko ay kung okay lang ba siya. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sakaniya. Baka mabaliw na talaga ako if something bad happened to her.

I'm waiting for the elavator to open nang mag vibrate ang cellphone ko. I looked at the screen and it's Ryoga.

"Hello?"

"Oh? Bakit parang malungkot ka? Hindi mo ba na miss ang bestfriend mo?"

"Tangina mo. Nabibwisit pa rin ako sa'yo na gago ka."

"Luke, past is past. Kalimutan na natin 'yon. Actually may utang na loob ka pa nga sa akin ngayon."

"Utang na loob? Gago. Huwag mo akong biruin ngayon at wala ako sa mood."

"Ah yes. I can actually feel that you're problematic now. Is it about your sister?" Tumawa siya sa kabilang linya at bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya.

"Fuck you. How did you know about it?"

"Baka nakakalimutan mo Luke, I'm Ryoga. I have my own ways." Seryosong sabi niya.

"I know you have something to say. Spill it fucker."

"Go here in California if you want to see your sister." Seryosong sabi niya.

Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

"Fuck you! What did you to her?!"

"Chill bro. Just come here ASAP. Kung kaya mong pumunta ngayon mismo, then come here. And don't tell it to anyone. It's only you who I want to come here. Kapag ipinag sabi mo sa iba 'to, hinding hindi ko na ipapakita sa'yo ang kapatid mo."

"Tangina mo Ryoga! Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko!" Singhal ko sa kabilang linya.

"Ang dami mong sinasabi. Just come here. Same address. Bye bestfriend."

He ended the call at napamura ako. Puta. Anong ginawa niya kay Lucia? Magkasama ba sila?! Sumama ba sakaniya si Lucia? Did he kidnap my sister?! Fuck.

Sakto namang bumukas ang elevator at mabilis akong pumasok doon. Shit! I need to go in California. As in right now!

I drive my car as fast as I can and I went home. Tumakbo ako papasok sa kwarto ko at mabilis kong inimpake ang mga mahahalagang bagay na kailangan ko.

"Anak, saan ka pupunta?" Napalingon ako and it's Papa. Fuck. Ikinalma ko ang sarili ko dahil baka mag taka siya.

"May business trip lang po ako Pa." I lied.

"Wala na nga si Lucia dito pati ikaw aalis din? Saan na ba ang kapatid mong 'yon? Mahigit isang buwan na rin siyang hindi ko nakikita. Hindi na ako natutuwa Luke. Pagsabihan mo 'yang kapatid mo. Pati pag tawag ay hindi makuhang magawa."

"Nagpapa miss lang 'yon, Pa. Don't worry iuuwi ko siya dito atsaka mo siya pagalitan. Dapat kapag pinagalitan mo siya ay yung nakaharap ako ah."

"Sige anak."

Tumawa ako ng mapakla. God I miss my sister.

"Ngayon ka na ba aalis? Mukhang nag mamadali ka."

"Yes Pa. Biglaan e. Pakisabi nalang kay Tita."

Isinara ko na ang bag ko nang matapos kong maayos ang mga gamit ko.

"Pa, una na ako ha? Punta na akong airport."

"Hatid na kita anak."

Hinatid nga ako ni Papa papuntang airport. Nag book agad ako ng flight. Kinausap ko ng masinsinan ang mga crew at buti nalang ay naihanap nila ako ng seat. I paid a lot of money para maka alis lang.

It took me how many hours to travel going to California. Hindi ako makaramdam ng pagod dahil kinakabahan ako lalo na't si Ryoga ang kasama ni Lucia. Baka kung ano nang ginawa niya sakaniya. But I trust Ryoga. I still trust him and I know nadala lang siya ng emosyon niya noong pinagsamantalahan niya ang kapatid ko.

Nang makalabas ako ng airport ay may isang sasakyan ang naka abang sa akin. Maybe Ryosa sent this. Sumakay ako doon at tahimik lang ako buong byahe.

Hinding hindi ko mapapatawad si Ryoga once he did something bad to my sister. Ako mismo ang papatay sakaniya. Magkalimutan na kami kapag ginalaw niya ang kapatid ko.

"We're here Sir Luke." Sabi ng driver kaya bumaba na ako.

It's Ryoga's Mansion. Iilan lamang ang may alam ng lugar na ito. Tanging ako, si Red at iilang mga kaibigan niya lang ang may alam ng lugar na ito. Why did he bring my sister here?

Sinalubong ako ng isang lalaki at kinuha ang bagahe ko.

"Where is Ryoga?"

"He's inside Sir. He's been waiting for you."

"Is he with someone? With a woman named Lucia?"

Hindi ako sinagot ng lalaki at iginaya lang ako papasok sa loob. I've been here in this place for how many times. I even lived here before kaya alam ko na ang lahat ng sikreto na meron sila Ryoga.

"This way sir."

Pumasok kami sa isang kwarto at kwarto ito ni Ryoga. Unang bumungad sa amin ang library at naka tayo siya doon sa harapan ng mga libro.

Mabilis akong lumapit sakaniya at sinuntok ko ang mukha niya.

"Fuck you Ryoga! Nasaan ang kapatid ko?!"

Lumapit ang lalaki sa amin at mabilis niya akong inawat.

"What the fuck Luke? Is this how you're going to greet me? You're so bad."

"Putangina. Huwag ka nang madaming pasakalye! Ilabas mo ang kapatid ko na hayop ka."

"Bitawan mo na siya." Sabi niya sa lalaki at binitawan naman ako nito.

Lumapit siya sa akin at seryoso niya akong tinignan sa mga mata. I want to punch him pero pinigilan ko ang sarili ko. Tangina niya talaga.

"Luke, bilin sa akin ni Lucia na huwag sabihin sa'yo 'to. But you're my bestfriend and she's your sister. And even though I promise to her not to tell you or to anyone I couldn't just hide it to you. You deserve to know. Dahil alam kong nababaliw ka na kaka isip kung nasaan siya."

Ginapangan ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Parang alam ko na yata ang gusto niyang sabihin. Sana mali ako. Sana hindi tama ang kung ano man ang nasa isip ko.

"Don't tell me, she just f-"

"Yes, Luke. Kung anong iniisip mo ay tama ka."

"Where is she?! Bring me to her!"

"She's inside my room."

Tinype niya ang passcode at bumukas ang pader na humaharang sa library papasok sa mismong kwarto niya.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay para akong pinapatay nang makita ko ang kapatid ko.

"Lucia?" Sunod sunod na nagsigbagsakan ang mga luha ko sa mga mata ko. "W-What have you done?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I immediately ran towards her and hug her.