webnovel

The Casanova’s Queen

Lucia Dela Rosa, isang pasaway at naging rebelde na anak dahil sa issue nila sa pamilya. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya. She is like a dangerous queen. Bukod doon ay isa rin siyang leader ng mga gangsters at kilala ito sa pagiging matinik at palaban. Samantalang sa kabilang banda, ay may isang binata na nag ngangalan na Evan Palermo. Kilala rin siya sa pagiging matinik at palaban...sa babae at kama nga lang. Anong mangyayari kapag ang dalawang ‘to ay nagka kilala at nagka inlove-an dahil sa isang pustahan? Will they find love and peace in each other?

Darlin_Reld · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
49 Chs

Chapter 24

"Tangina mo! Umamin ka. Mahal mo ba siya o hindi?! Ano? Sagot!"

"Ang lakas ng loob mong mag punta dito! Napaka kapal ng mukha mo! Lumayas ka! Layas!"

"Pwede ba tumigil nga kayo!"

"Hindi ako aalis dito! Magka matayan man tayo pero hindi niyo ako mapapa alis! No!"

Ano ba yung ingay na 'yon? Bakit parang may nag aaway? At bakit parang naririnig ko ang boses ni Evan? The fuck? Ganon na ba ako ka baliw sakaniya para marinig ko ang boses niya?

"Edi papatayin kita. Gago ka!"

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Shit. Sobrang sakit ng ulo ko. Napadami yata ang inom ko kagabi after ng laban namin sa grupo ni Langka. At ano pa bang aasahan niyo? Edi ayun talo siya. I may be a woman but I can beat his ass. FSSG. /Feeling strong si gagu/ Pahiyang pahiya tuloy ang grupo niya kagabi. Lalong lalo na siya. Atleast now, he knows where to place his self. I am much better than him.

Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay napatingin ako sa paligid ko. Wala ba ako sa kwarto ko? Bakit puro puti ang dingding? Napa tingin ako sa may kamay ko dahil kumikirot ito. Luh? Bakit may dextrose? Pasyente ba ako? Nasa hospital ba ako?! Anong ginagawa ko dito?

"Lu-lucia?"

Lumipat ang tingin ko kay Evan na nasa sahig at naka halandusay habang nasa ibabaw niya si Kennedy at sinasakal siya. Taragis! Anong ginagawa nila?

Bakit ang dami niyang dugo sa mukha at sa jersey uniform niya? Walanghiyang Kennedy na 'to! Binugbog niya ba si Evan? Ito na nga ba ang sinasabi ko once na nagagalit siya. Nawawala ang pagka inosente niya at nagiging masamang tao siya. Taragis! Kinalimutan niya nanaman ba ang Diyos dahil sa galit niya? Dimunyu na siya!

Tinulak niya si Kennedy at mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. Naka higa pa rin ako sa may kama dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. May oxygen pa ako sa ilong. Putek. Ano ba talaga ang nangyayari at gulong gulo na ako.

"I'm so sorry, Lucia. I'm so sorry kung pinag pustahan ka namin."

Oh my god. Is he crying?

"I know I'm such a fool and asshole but Lucia, please. Don't leave me."

Itinulak ko siya mula sa pagkaka yakap sa akin at umupo ako sa may kama. Kung iniisip niya na issue sa akin yung pustahan nila pwes hindi. Matagal ko ng alam 'yun. Ang hindi ko lang matanggap ay yung lahat ng pinakita niya sa akin ay fake lang pala.

Lahat ng care, pag seselos pati yung pag mamahal na naramdaman ko peke. Daig ko pa ang na scam!

"Lucia..."

"Get out. I don't want to see your face anymore."

"Lucia please. Let me explain. It's not what you think."

"It's not what I think? Alam ko na ang lahat Evan. Hindi mo na kailangan mag paliwanag pa."

I'm not pertaining about the bet. I'm pertaining about his feelings towards me. Masyado niya akong pinaniwala at ang bobo ko dahil masyado akong nag paniwala.

"Lucia, please. I'm begging you. Just let me explain."

Hindi ko maiwasang mag alala sa pag mumukha niya ngayon. Puro dugo at putok pa ang labi niya sa may gilid at may mga pasa pa siya sa mukha. Si Kennedy ba talaga lahat ang may gawa nang 'to o dalawa sila ni Luke? Tinignan ko si Kennedy, Luke at Lancie at seryosong nanonood lang sila sa amin.

At ang ipinag tataka ko is bakit ako nandito sa hospital? Pakana ba nilang lahat 'to? Tinitigan ko si Luke gamit ang may nag tatanong na mukha. Kumuha siya ng papel sa may gilid at may sinulat doon sabay pakita sa akin.

"ACT"

Nakuha ko na agad ang gusto niyang iparating. Gusto niya sigurong bumawi ako kay Evan. Gusto niyang gantihan ko si Evan sa pamamaraan na'to. At gusto ko ang ideyang 'yun. Ako ang kawawa. Ako ang nag mukhang tanga. At ayaw kong ipa alam at ipa kita na umasa ako sa wala.

I saw Dred beside the table at nanonood lang din siya sa amin. He's staring at me. Good thing he's here. Nasaktan ako at hindi ako makaka payag na hindi ako maka ganti sa pananakit niya sa akin.  I don't want to hurt him physically but I'll hurt him emotionally. Yun ay kung masaktan nga siya. I love him pero ayaw kong malaman niya 'yon. Ayaw kong mag mukhang kawawa. Ako na ang talo dito sa larong pinasok ko at ayaw kong mag mukhang talunan. Ayaw kong mag mukhang tanga. Ayaw kong malaman niya sa larong pinasok namin ay siya itong panalo. I wanna show him na kahit nasasaktan na ako I can still play this game. Na kaya kong makisabay.

"Kaya ba iniiwasan mo ako? Kaya ba hindi ka na nagpapa ramdam sa akin?"

"Iniwasan kita dahil ayaw ko na sa'yo. Nakuha ko na ang atensyon mo. Nakakasawa ka kasi."

"What? What do you mean? You must be kidding me, Lucia. Hindi totoo 'yan."

"Sapalagay mo nag bibiro ako? Sapalagay mo nilapitan kita at nag stay ako sayo dahil gusto kita? You're wrong, Evan."

"I don't understand you baby."

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Punyetang pusong 'to. Kung makapag react akala mo hindi siya sinaktan!

"Hong and I have a bet too. Ang makuha ka. To make you crazy over me."

Hindi ko sasabihin na ang bet namin ay ang mapa fall siya sa akin. Ayaw kong malaman niya na mahal ko siya. Lalo na't hindi niya naman ako mahal. Baka nga nag punta lang 'yan dito dahil sa konsensya. Nakokonsensya lamang siya sa lahat ng ginawa niya at pinakita niya sa akin na scam lang naman. Scammer!

"And as far as I can see you're really into me. Just look at you, now. You look pityful. You're a casanova right? Pero sa itsura mo ngayon? Wow."

"Lucia!" Bawal sa akin ni Lancie pero hindi ko siya pinansin.

"Anong ibig mong sabihin? Is this true Dred?" Tinignan niya si Dred.

"Yes. It's all true dude."

"Nagalit sa'yo si Kennedy dahil pinag pustahan mo kami. But my bad, dahil hindi ko sinabing may pustahan din kami ni Hong. Siya ba may gawa niyan sa'yo? Don't worry. I'll pay for the bills. Go and see a doctor. Baka may mangyari pa sa'yo kasalanan ko pa."

I saw pain in his eyes after saying that. Totoo ba 'tong nakikita ko o nag papanggap lang nanaman siya? Hindi siya masasaktan dahil hindi naman niya ako mahal. Ayaw ko ng magpa dala sa lahat ng kasinungalingan niya. Dahil once na magpadala ako, ako nanaman ang talo. Tama na ang minsan. Ayaw ko ng ulitin pa lalo na't maliwanag naman sa akin ang lahat.

Inalis ko ang dextrose sa kamay ko at oxygen na nakalagay sa ilong ko. Props lang naman ang oxygen na 'to. Tumayo ako sa kinauupuan ko at muntik pa'kong matumba. Shit. Bakit ba ako nahihilo?

Hinawakan ko ang ulo ko at potek may sugat ako doon. Totoong sugat! Kaya siguro masakit ang ulo ko. Nakuha ko ito sa laban namin ni Loser kagabi.

"Are you okay?"

"Don't touch me."

"Lucia, we're okay right? Siguro hindi lang mabuti ang pakiramdam mo. Do you want me to take care of you? I'll take care of you. What fruit do you like? Bibilhin ko."

"You're really out of your mind."

"Do you want me to stay here with you? I will. A-absent ako. Kahit ilang araw pa ang gusto mo."

"Can you please stop? Just go! You don't need to do that dahil tapos na ang lahat. Tama na ang pag papanggap, Evan."

"Okay tayo diba? You want me to love you, Lucia. Baby, you want me to love you right?" Hinawakan niya ang kamay ko at muli nanamang tumibok ng pagka bilis bilis  ang puso ko nang hawakan niya ako.

"Lucia, if I say I love you, magbabago pa ba ang desisyon mo? Iiwan mo pa rin ba ako? Will you stay by my side?"

Mabilis kong inalis ang pagkaka hawak niya sa akin. Ano bang pinag sasabi niya? Why should I stay if he doesn't love me? Ulul ba siya? Kung gagawin ko 'yun edi para akong kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo ko.

"I want you to love me dahil gusto ko lang hindi dahil gusto kitang makasama o ano."

Tumawa naman siya at tumingala. Mukhang pinipigilan niya bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa may bandang dibdib ko.

"Ganoon na lang ba 'yun? Wala lang ba talaga ako sa'yo?"

Unti unti na akong naguguluhan sa mga pinag sasabi niya. Bakit ganito siya umakto where in the first place niloko niya lang ako at nag paniwala lang ako. He doesn't love me! But why is he talking like this? Na parang mahal niya ako. Na parang may nararamdaman talaga siya sa akin. Kung acting lang lahat ng 'to, pwes pwede niya ng talunin lahat ng artista. Ang galing e.

"Wala. Noong sinabi kong busy ako? Hindi ako busy noon. Kaya nga mag kasama kami ni Luke noon diba? Gusto ko na talagang layuan ka dahil wala rin namang kwenta kung ipagpa patuloy ko pa. I'm just being kind dahil ayaw kong mabigla ka."

"Baby... Please tell me that you're lying."

"Lying? I'm telling the truth."

"Putangina naman, Lucia! Mahal kita e. Pero tangina. Ano ba 'yang mga sinasabi mo? Stop it. Just please stop! You're breaking me baby."

Nagulat ako sa sinabi niya. What the fuck?

"Sabi mo, mahalin kita. Lucia, kahit hindi mo sinabi 'yun balak ko talagang mahalin ka dahil 'yun ang gusto ng puso ko. I was falling for you before you told me na mahalin ka. And I'm so stupid to fall inlove with someone like you who's good at breaking someone's heart."

"You don't love me, Evan. You don't love me. Nakokonsensya ka lang."

Nangingilid na ang luha ko pero pinigilan kong bumagsak ang mga 'yun. I won't cry in front of him. I won't cry now. Not now.

"Sabi mo mahalin kita. Ngayong sinasabi kong mahal kita tsaka mo namang sasabihin na hindi kita mahal. Ewan ko, Lucia. Magulo ka rin."

"Because you're lying! Don't say you love me cause you really don't! I don't want you! Get out!"

"You don't want me? Okay. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa babaeng marami ng pinaiyak? But still thank you. Siguro tama nga ang sabi nila. Na ikaw ang karma ko sa lahat ng mga babae'ng pina iyak at sinaktan ko. Ngayon alam ko na. Alam ko na ang pakiramdam ng masaktan. I deserve this right? I fucking deserve this. Well, thanks to you."

Tinalikuran niya ako atsaka siya lumabas ng pintuan. Pabagsak niyang isinara ang pinto na kulang nalang ay ma alis ito.

Kasabay nang pag bagsak ng pinto ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na bumagsak sa mga mata ko. Napa upo ako sa may sahig dahil pakiramdam ko hinang hina na ang mga tuhod ko.

"Lucia. He loves you. I am now sure that he loves you kahit ipag pilitan mo pa sa akin yung narinig mo." Sabi sa akin ni Luke na ngayon ay yakap yakap ako. I am crying into his arms.

"Bakla, I have to tell you something. Putek ka kasi Luke! Bakit hindi mo muna 'ko sinabihan na joke lang pala ang lahat ng 'to?!"

"Why?"

"After nung game. Noong umalis ka Lucia at hindi na bumalik si Kennedy. Kinausap ako ni Evan."

"Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ni Kennedy.

"Isa ka pa! Bakit hindi mo kinwento sa akin?!"

"Lancie, ikwento mo nalang. Ang dami mo pang sinasabi." Inis na sabi ni Dred.

"Tinanong niya sa akin kung alam ko ba ang passcode mo sa unit. Nagpa tulong siya sa akin bakla. Balak ka niyang isurprise."

"I surprise?"

"Bakla, kasi diba gusto mo mahalin mo siya? Mahal ka na niya. Umamin siya sa akin. Kaya nag plano kami sa unit mo. But base sa nangyari ngayon parang hindi mo alam. Akala ko nga kayo na e. I've been calling you for three days para mag tanong about it pero hindi ka sumasagot at hindi kita macontact. That's why I went this morning sa unit mo at ganoon pa rin ang ayos ng lahat ng inayos namin."

"Are you saying the truth? Lancie, umalis kami ni Kennedy dahil narinig ko silang nag uusap ni Kent sa locker's room. Na pinag pustahan niya lang ako at hindi niya ako mahal and he won't fall for me! Alam mo ang plano ko diba? Na aamin na ako. Pero wala e. Naunahan ako at buti nalang hindi pa ako nakaka amin sakaniya."

"Pero narinig mo ba ng buo ang pinag uusapan nila? Paano kung may katuloy pa pala 'yon? Lucia, mahal ka ni Evan. He was so sincere habang sinasabi niya sa akin 'yun. I can see it into his eyes. And to tell you the truth, kahit kaibigan kita, I didn't like what you did to him a while ago. Kayo nila Luke at Kennedy."

Lumabas naman si Kennedy ng kwarto.

"But.."

"Lucia, kaibigan mo ako. At hindi ko nagustuhan itong ginawa niyo sakaniya. Mapang trip akong tao oo at siguro wala akong karapatang sabihin ito sa inyo pero sobra ang ginawa niyo sakaniya ngayon. To think na binugbog pa siya ni Kennedy kanina sa gym."

"I just did that to know if he really loves my sister. Sinaktan niya ang kapatid ko. And that's the only way I know para patunayan 'yun."

"Pero nasaktan niyo rin siya ngayon. Luke, I do understand na nadehado ang kapatid mo dahil sa mga narinig niya pero hindi natin alam kung ano ba talaga ang totoo kung hindi niyo siya kukomprontahin at kaka usapin ng maayos."

"Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano bang iisipin ko."

Bakit ganon ang pinapakita niya sa akin where in the first place dinig na dinig ko mismo sa bibig niya lahat?

"Ito sana ang surprise niya sa'yo, Lucia. I took a photo of it this morning. And the other photo was taken after the game."

Inabot sa akin ni Lancie ang cellphone niya at hindi ko na napigilang maiyak ng husto sa nakikita ko ngayon.

There were lots of rose petals sa kwarto ko and balloons. May mga pictures pa kaming naka sabit sa may kisame. Evan was standing in the middle habang may hawak hawak na cake at bouquet of roses. Sa likod niya ay may naka dikit na mga big letters sa may pader saying, "I love you, Lucia. Will you be my girl now?"

"Pero yung narinig ko. Dinig na dinig ko e! Ang sabi niya hindi niya ako mahal! Ang sabi ni—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napa hagulhol nalang ako.

"Sana bakla, kinausap mo nalang muna. Para nalaman mo ang totoo. Hindi yung iniwasan mo nanaman ang problema."

Nasaktan ko siya. Nasaktan ko siya ng sobra. Ang tanga tanga ko. Sobrang tanga ko! I love him right? And if I really love him dapat hindi ko siya pinag salitaan ng ganon.

"Just talk to him. And ask him for the last time kung ano ba talaga. We don't know what's the truth. Dahil iba ang narinig mo sa mga bagay na ginagawa niya ngayon."

"Tama si Luke. That's the least thing you can do now, Lucia. Talk to him. But I'm telling you, kahit sabihin niyang hindi ka niya mahal huwag kang maniniwala. Dahil iba pa rin ang nararamdaman kaysa sa naririnig lang ng tenga."

Tumayo ako sa pagkaka upo ko kahit nahihilo pa ako at tumakbo palabas. Kailangan ko siyang makausap! Kailangan ko siyang makita.

Bigla kong na alala ang mga sugat at dugo sa mukha niya. Para akong sinaksak ng isang libong kutsilyo sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit ko natiis na mag salita ng ganon sakaniya despite nang physical appearance niya kanina?

He is physically hurt tapos dinagdagan ko pa emotionally. I'm so cruel! Napaka sama kong tao.

But what can I do? Ang gulo niya! Ang gulo gulo niya at hindi ko na alam kung ano bang paniniwalaan ko. Paniniwalaan ko ba ang nararamdaman ko o paniniwalaan ko ba kung ano 'yung narinig ko mula sakaniya? Fuck. Love is so fucking complicated!