Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko mahanap si Evan. I don't know where the fuck is he. I even went to their Mansion pero Mom niya ang nakausap ko at hindi raw siya napadaan doon.
I went to his unit at nag hintay ako doon hanggang gabi pero walang Evan na dumarating. Pina track ko na rin kay B ang cellphone nito pero hindi niya ma track dahil naka off ang phone niya. I'm so fucking worried. Para na akong mababaliw sa kaka isip kung saan siya nag sosoot.
I'm here now sa bar nila Kennedy at kasama ko si Lancie. Hinihintay namin si Kennedy dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa amin.
"Ang tagal naman ni Kenendy, bakla. Nasaan na ba 'yun?"
"Malapit na siya sabi niya kanina."
Bumukas naman ang pinto ng VIP room at pumasok si Kennedy.
"Bru."
"Grabe Kennedy ha. Ang tagal mo! Pagkatapos mo mag walk out kanina sa hospital."
"Bru, may alam ka ba sa ginawa ni Luke kanina?"
Umupo siya sa tabi ko at uminom agad ng alak. Aba himala!
"Hindi ko alam 'yun bru. Wala akong alam. Si Luke lahat ang nag plano ng lahat ng 'yun."
"You know what bakla, your brother is crazy sometimes. Pwede naman nating mapa amin si Evan in a nice way pero gusto niya yata yung sa masakit na way pa. Bakit kailangan niya pa gawin 'yun? Pati tuloy kami nadamay sa kalokohan niya!"
"Pero paano ka ba napunta doon sa hospital bru? Akala ko talaga totoong may nangyaring masama sa'yo. Muntik na 'kong mahimatay kanina. Tumaas ang altapresyon ko."
"Ako nga napa iyak ng bongga! Akala ko bakla mamamatay ka na talaga. Uunahan mo pa'ko."
"Grabe ka naman, Lancie. Ang sabi critical diba? Advance ka mag isip."
"E bakit ba?! Doon na rin naman papunta 'yon."
"Hindi ko rin nga alam. Basta kagabi after the gang fight, nag inuman kami ng mga ka gang ko dahil nanalo kami. Kasama namin si Luke. Treat niya pa nga lahat e. Tapos nagising nalang ako na nasa hospital na ako at binubugbog mo si Evan! Hayop ka Kennedy! Sinakal mo pa!"
"Hehehe."
Luke went last night at nanood siya ng laban namin. He was so happy that I beat Londonbridge. Talagang inilabas ko lahat ng galit at stress ko simula noong bata ako kay Lemon kagabi. Gigil na gigil ako e.
"So maybe Luke made the plan habang lasing ka. Para mapa amin si Evan at malaman kung ano ba ang totoong nararamdaman niya. Ibang klase rin e."
"Hindi kasi kumbinsido si Luke na hindi ka mahal ni Evan, bru. Sinabi niya sa akin noong isang araw."
"Pero palagay niyo ba, mahal talaga ako ni Evan? Kung ako ang nasa kalagayan niyo. Maniniwala ba kayo sakaniya kahit narinig ko na mismo sa bibig niya na hindi?"
I still want to know their opinion about this. Dahil ako mismo sa sarili ko ay naguguluhan ako. Iba ang sinasabi ng bibig niya sa pinapakita ng kilos niya.
"Siguro kung ako bakla, maguguluhan ako sa una syempre. Pero kung ako sa'yo noong oras na narinig ko mismo sakaniya 'yun, hindi ako tatakbo pa alis. Pakikinggan ko hanggang dulo at haharapin ko siya. Masaktan na kung masaktan pero kukomprontahin ko siya."
"Hindi ko rin naman masisisi si Lucia, Lancie. Kung ako, syempre ganoon na narinig ko papakinggan ko pa ba ang mga susunod na salitang maaring makaka sakit sa akin?"
"Kung ganon ang gagawin mo Kennedy, edi nagpaka duwag ka. Hindi ka a tapang a tao."
"Pero ano pala muna yung sasabihin mo bru? Sabi mo may sasabihin ka diba? Sabihin mo na at kailangan ko pang mahanap si Evan. Hindi ko na alam kung paano ko siya hahagilapin."
"Tawagan mo si Dora. Baka alam niya."
"Ulul. Ano na ba kasi 'yun?"
"Bru, kahit ganoon ang opinyon ko may tama si Lancie. Sana nakinig ka pa at nag stay noong nandon ka sa locker's room. Pero hindi ko sinasabing mali ang ginawa mong pag takbo. Kasi kung ako rin 'yun baka tumakbo nalang din ako. Kinausap ko si Kent kanina kaya ako umalis ng hospital."
Bigla naman akong kinabahan sa sinasabi ngayon ni Kennedy. Napa inom ako ng alak para bumaba ang tensyon na nararamdaman ko.
"A-ano ba 'yun? Bakit kinailangan mong kausapin ang makanto na si Kent?"
"Here." Inilabas niya ang cellphone niya.
"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko sakaniya.
"May video diyan. Video na nag uusap si Kent at Evan. Hanep! Pangarap pala ni Kent maging vlogger. Ngayon ko lang nalaman."
Kinuha ni Lancie ang cellphone at pinlay niya video doon.
Si Evan at Kent ang nasa video. Shit! Ito ba 'yung araw noong game nila? Parehas silang naka jersey e. And they are inside the locker's room.
"Dude, kung talagang proud ka na mahal mo si Lucia vivideohan kita."
"Gago! Nasusukat ba ang pag mamahal sa pagvi video?"
"Hindi. Pero isa ito na magpapa tunay na mahal mo nga siya."
"Oo na tangina mo." Nag tawanan sila at nilagay ni Kent ang cellphone niya sa parte kung saan kita silang dalawa na nag uusap. Para silang nasa isang reality show.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nanonood. Tangina tama ba ang dinig ko? Mahal niya daw ako. Totoo ba 'to? Hindi naman 'to editied? Walanghiya. Pero ano 'yung narinig ko?
"Hi everyone! Welcome to my youtube channel!"
"Vlogger ka, dude?"
"So mga kaibigan, narito po tayo ngayon sa locker's room at ang aking guest ay si Evan Palermo na kilabot ng SWU! At matutunghayan po natin ngayon ang pag ibig niya para kay Lucia Dela Rosa na dinidedma siya nitong mga nakaraang araw. Bakit kaya? May ideya ka ba Mr. Palermo?"
"Ano ka? Si Boy Abunda? Gago."
"Sumagot ka nalang. Pangarap ko ring maging host."
"Ang dami mo namang pangarap." Binatukan siya ni Kent at medyo natawa ako doon. Ang kulit nila.
"Sumagot ka na lang."
"Hindi ko alam bakit niya ako iniiwasan pero shout out kay Luke Adams. Fuck you ka."
"Hahahahaha! Sinong Luke, dude?"
"Ex niya." Sagot niya. Nag umpisa na siyang mag soot ng sapatos sa video. Paniwalang paniwala talaga siya na Luke is my ex. But the truth is he's my brother.
"Ouch! So mga kaibigan may ex pala ang beloved Lucia niya. Napakasakit naman non. Panira talaga 'yang mga ex na 'yan!"
"Mas masakit kapag sinuntok kita. Itigil mo na nga lang 'yan."
"Anong ginagawa niyo?" Si Kai. Nasa video na siya at naka tayo sa harap ni Evan. Ito yung time siguro na papunta palang ako sa locker's room at naghihintay sa labas! Omg!
"Humihinga, Captain. Hehe. Ikaw? Ginagawamu?"
"Evan."
"Yes?"
"Are you okay now? Kaya mo bang mag laro?"
"I don't know. Kapag nandito siya mamaya I'll play good."
"Who?"
"Si Lucia 'yun, Captain! Luh! Di updated?"
"Itatapon kita sa kanto, Kent. Get ready. Malapit nang mag simula ang game. Kayo nalang ang hinihintay. If you're still not okay later Evan, you know what will happen."
Nawala na si Kai sa video at marahil ay lumabas na siya sa locker's room. Pucha! Ito na yung time na papasok na ako!
"At ayun na nga po mga kaibigan pumasok ang Captain namin na mas cold pa sa pasko niyo. Ipag patuloy natin ang video na ito."
"Tangina mo talaga bro."
"So, Mr. Palermo ang gusto kong gawin natin ngayon ay alalahanin ang pinag usapan natin noon. Noong panahong hindi ka pa naiinlove kay beloved Lucia. Gusto kong alalahanin ulit ang mga salitang binitawan mo. Dahil alam kong busog na busog ka ngayon dahil nilamon mo ang lahat ng 'yun e."
"Bakit kailangan pa nating gawin 'yun?"
"Kasi bro, gagawan natin ng spot the difference. Sumunod ka nalang! Channel ko 'to, guest lang kita."
"Gago ka talaga."
"Game! Ito na. Mag babalik tanaw na tayo. Anong masasabi mo kay Lucia? O 'yan ang tinanong ko sa'yo noon. Tandang tanda ko pa."
"Gago ka. Months ago ito ang sagot ko. Bakit ko ba ginagawa 'to?" Huminga muna ng malalim si Evan sa video sabay iniba ang expression ng mukha niya.
"Lucia? She's pretty and hot. She's actually a bomb dude. Every man will like her, even you."
"To tell you honestly dude naging crush ko si Lucia noong nag aaral siya dito. Pero mailap siya e. Ang dami niyang napa iyak na lalaki kaya hindi ko na sinubukan."
"Well, I'll do anything just to get her. I'm a lucky man kung magawa ko man 'yun. Knowing there are lots of boys na pinag aagawan siya."
"Kaya mo ba?"
"Ako pa ba dude? I'm Evan Palermo. At lahat ng babae'ng gusto ko nakukuha at naika kama ko. I will win our bet, Kent. Just give me time."
"Baka mamaya bro, ma fall ka naman."
"Fall inlove? You must be kidding me. Why should I fall for her? I fuck but I don't love. Mark that dude."
Nag apir sila ni Kent sa video at sabay nag tawanan. Oh my god. This is the time I left the locker's room dahil hindi ko na kayang makinig pa.
"Biruin mo bro! Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan pero anong nangyari sa'yo? Nganga!"
"Wala bro e. Iba si Lucia. Hindi siya basta basta. Yes at first na challenge ako. But when I saw her crying? Damn it. Pakiramdam ko ako ang lalaking mag sasalba sa lahat ng sakit na nararamdaman niya. I want to remove her pain. And I don't want to hurt her. I want to take care of her. I want to love her."
"Tungunu! Ano ka? Tagapag ligtas? Lover boy ka na talaga bro! Pero mahal ka ba niya?"
"Tangina mo. Next question, please."
"Oh to the highest m g! Iz diz one sided love? Ouchie."
"Umamin ka nga, Kent. Bakla ka ba?"
"Gago. Bakla ka diyan. So, do you think deserve ka ni Lucia?"
"Well, I may not be the man who's deserving for her, but dude I'm gotta do everything just to be the right man na deserve para sakaniya."
"Seryoso ka ba talaga dude? Parang gusto kong magpa party sa mga naririnig ko sa'yo ngayon."
"Gago. Seryoso nga ako."
"Sige naniniwala na ako. Kita ko naman lahat ng pag babago mo e. Oh ito nalang. Para sa ending nang ating interview, anong message mo para kay Beloved Lucia."
Kinuha ni Kent ang cellphone niya at itinutok ito kay Evan.
"Talk now, dude."
"Required pa ba 'to?"
"Ano? Nahihiya ka na?"
"Hindi."
"Mag umpisa ka na. Bilisan mo at baka magalit na ang ice king captain natin."
"Lucia... I may be an asshole but I want you to know that I'm sincere. I may be a Casanova before but I changed. Tangina wala na nga akong sex life ngayon. Nag tatampo ako sa'yo pero may magagawa ba ako? Iniiwasan mo ako pero may karapatan ba akong mag reklamo? Siguro hindi pa sapat lahat ng ginawa ko para sa'yo kaya hindi mo pa ako sinasagot."
"Weak ka pala dude e."
"Gago. Sisiguraduhin ko mamaya na mapapa sa akin siya. Naka plano na ang lahat."
"Anong plano 'yan?"
"Secret. Walang clue."
"Hoy! Bilisan niyo raw diyan. Mag uumpisa na ang laban." May isang lalaki na sumigaw kaya nag madali silang ayusin ang mga gamit nila.
"So mga kaibigan dito na po mag tatapos ang interview with Mr. Casanova noon, Lover boy na ngayon. Don't forget to subscribe on my channel!"
Hinila ni Evan ang cellphone at hinarap niya sakaniya ito ngayon.
"I love you, Lucia. You're mine. And I swear that later you're officialy mine!"
Nag end na ang video pero nakatulala pa rin ako. Parang ayaw mag sink in sa akin lahat ng napanood ko. He loves me! I was wrong. Fuck!
"Told you, bakla."
"Tangina. Tangina talaga." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
So all this time tama lahat ng hinala ko? Tama lahat ng pakiramdam ko. He loves me ever since. And I was so fucked up from walking away that day. I chose to be coward! If I stay that time hindi ko siya masasaktan. If I stay baka kami na ngayon. Gusto kong sampalin at saktan ang sarili ko sa kagagahan ko! Punyeta ka, Lucia!
"Bru, hindi ka nagka mali ng rinig. Pero hindi kumpleto ang narinig mo. Ngayon, maliwanag na sa'yo ang lahat. Mahal ka niya, bru. At base sa sinabi niya, noon palang mahal ka na niya talaga."
"Mag sorry ka kay Evan, Kennedy! Pinag susuntok mo siya kanina sa gym."
"Susuntukin at susuntukin ko pa rin siya kahit mahal niya si Lucia."
"Bakit naman?"
"E pinagpustahan nila e."
"Anong gagawin ko? Anong gagawin ko ngayon?" Tanong ko sakanila. Hindi matigil ang luha ko na bumabagsak sa mga mata ko.
I'm so stupid! Hindi ako nagka mali ng rinig pero hindi buo ang narinig ko. He loves me. For real! What have I done? I even hurt him. Parang slideshow na pumasok sa isip ko ang mga sinabi ko sakaniya kanina sa hospital pati ang itsura niyang puro bugbog.
"Lucia, sasabihin ko ito kahit masaktan ka. Pero sana sa susunod huwag mong takasan ang problema. Kapag nalagay ka sa sitwasyon na ganito huwag mong takbuhan. Dapat natuto ka na noon nung nagka issue kayo ni Luke at ng Papa mo e. Hindi ba?"
"Oo na, Lancie. Alam kong mali ako. Nagpaka duwag ako dahil ayaw kong masaktan."
"Pero dahil sa pag iwas mo mas lalo pang nagulo hindi ba?"
"Punyeta! Anong gagawin ko ngayon? Paano kung ayawan niya na ako this time? Paano kung sobra pala siyang nasaktan kanina at ayaw niya na akong balikan? Paano kung maka hanap na siya ng iba?! Aaaah puta! Ang bobo bobo ko!"
"Sana bru hindi 'yan mamana ng mga magiging anak mo at apo mo in the future. Kawawa sila. Malandi na tatay ft. bobo na nanay."
"Hayop ka, Kennedy."
"Just prepare yourself. Yan ang consequence ngayon nang nangyari kanina. You must accept everything kung ano mang desisyon niya. Because what happened a while ago is really painful for his part."
"Grabe ka naman, Lancie. Kanino ka ba kampi? Kay Evan o sa kaibigan natin?"
"Abnormal. Sinasabi ko lang 'to dahil may mali rin kasi si Lucia. Huwag kang bias!"
"I need to find him! I need to talk to him. I want to see him. Right fucking now!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng VIP room. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa. I want to say sorry to Evan. Nagpaka bobo ako at ngayon nasaktan ko siya.
Sumakay ako ng kotse ko at nag drive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta lalo na't hindi ko alam kung nasaan siya.
I grabbed my phone and dialed Luke's number.
"Hello, Luke? Any update?"
"I'm doing everything to find him but hindi ko siya mahanap."
"Luke, alam ko na ang lahat. He loves me. He fucking loves me."
"What do you mean?"
"I watched a video. It's a video of him and Kent. Nagka mali ako Luke. Nagka mali ako."
"Take a rest first, Lucia. It's already 1:00 am. Hindi ka tanod para mag ronda sa ganitong oras. Magpapa kita rin yan. Umuwi ka na. Mamaya mo nalang siya hanapin ulit."
"But I need to look for him. I'm fucking desperate. Specially now that I know the whole fucking truth."
"Pati ako napupuyat diyan sa ginagawa mo."
"Just call me immediately kapag may balita ka na."
"Yes. I will."
I drive my car again papunta sa mga bar na madalas niyang puntahan. Lintik. E kung umuwi na kaya muna ako? Pero gusto ko siyang makita. Hintayin ko nalang kaya siya sa unit niya? Bwisit! Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko at kung paano ko siya makikita! Mag report kaya ako sa Pulis? Pota ano namang sasabihin ko sa mga pulis?! Na hinahanap ko ang lalaking sinaktan ko? Letse.
Wait, speaking of unit, bigla kong na alala ang unit ko. Parang bigla kong gustong makita yung effort na ginawa niya sa akin. Nila ni Lancie.
Dinrive ko ang sasakyan ko papunta sa building kung nasaan ang unit ko. I'll go there first to check it out atsaka ko na siya ulit hahanapin. Mabilis akong naka rating doon. I parked my car and immediately hurry to ride the elevator.
Pagdating ko sa unit ay pumasok na ako at dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw at bumulaga sa akin ang mga rose petals na nasa sahig at kama. Pati ang mga pictures na naka sabit sa may kisame. Ganoon pa rin ang ayos nito tulad ng pinakita sa akin ni Lancie sa picture.
Napa takip ako ng bibig habang papalapit sa may dingding kung saan naka dikit ang mga letters that asking me to be his girl.
"Yes, Evan. Yes." Wala sa sarili kong sagot habang naka titig sa may dingding.
"Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka pa kasi mag pahanap at magpa kita?!"
Umupo ako sa may kama ko at umiyak. Pakiramdam ko kung hindi ko siya makikita ngayon ay mababaliw ako. I really want to see him so bad! Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang maka usap to say sorry and to tell him how much I love him!
I hurt him so much where in fact he loves me so much. Pinag tabuyan ko siya kanina. I don't fucking know kung gaano kasakit ang naramdaman niya sa mga salitang binitawan ko.
Nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag and it's his Mom. Bakit gising pa Mama niya e late na? Mabilis kong sinagot iyon. Baka alam na nila kung nasaan siya! I told his Mom a while ago to call me once na umuwi siya sa Mansion nila.
"Hello po, Mom? Is Evan there?" Tanong ko ka agad.
"No, anak. I'm so sorry to call you at this time. Na istorbo ba kita?"
"No, Mom. It's okay."
"Naka usap mo na ba si Evan? Kasi si Bella rin hindi pa umuuwi. We are so worried dahil hindi naman siya nagpa alam sa akin."
"Po? Mag tu- 2:00 am na po ah."
"Ayun nga. Galit na galit na ang Dad niyo dahil hanggang ngayon wala pa siya at out of coverage area ang phone niya. Hindi ko rin ma contact si Evan mula kanina kaya ikaw na ang tinawagan ko."
Shit. Saan naman kaya nag punta si Buknoy? Baka naman nag bar siya?
"Okay po, Mom. I'll find her. Puntahan ko nalang po ang iba niyang mga kaibigan. Magpapa tulong po ako."
"Okay, anak. Thank you. Call me immediately at hindi na natutuwa ang Dad niyo."
"Sige po, Mom."
Tita ended the call. Napa tayo ako sa kama at naglakad na palabas. Potek na Bagito 'yan! Hindi kaya mag kasama sila ng Kuya niya? Bakit parehas pa silang nawawala? Dis oras na ng madaling araw pero saan saan pa nag pupupunta. Saan ko kaya siya hahanapin? I don't know who are her friends kahit sinabi ko kay Tita na pupuntahan ko mga kaibigan niya. Bwisit.
Lumabas ako at dumiretso sa parking lot. I'm driving my car now and I don't know kung saan ako papunta.
"Nag sibling goals pa talaga kayo. Bwisit!"
Nag ring nanaman ang cellphone ko at halos manlaki ang mata ko nang makitang si Evan ang tumatawag. Oh my god! Itinabi ko ang sasakyan ko sa may gilid dahil baka mabunggo pa ako. I answer it immediately!
"Hello! Evan?! Evan mahal kita patawarin mo a-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig kong babae ang nag salita.
"Ate! Ate!"
"Bokya?! Ikaw ba 'yan?! Nasaan ka? Galit na galit na ang Dad mo. Kanina kapa hinahanap! Nasaan ang kuya mo?
"Ate, help us! I don't know kung nasaan ako! Ate! I'm so scared. Kuya is with me pero nagka hiwalay kami at naka takas lang ako! Please! Puntahan mo kami dito."
"What?! Ano 'yang sinasabi mo? Punyeta! Anong nangyari?!"
"Someone got us and I don't know who are they. Magka sama kami ni Kuya kanina while he was crying at may mga lalaki nalang ang biglang sumulpot at dinukot kami!" Takot na takot ang boses ni Bebe at umiiyak pa ito.
"Okay, Beast listen to me. Huwag ka magpanick. Kalma ka lang muna. I will locate your location. Got me? I'll call someone and then I'll call you back again para mahanap ang location mo. Don't be scared. I'll save you."
"Please, Ate. Hurry! Takot na takot na ako. Kuya is there alone at wala na siyang malay."
"I'll be there. Just wait for me."
Pinatay ko ang tawag at saktong pagka patay ko ng tawag ay may nareceive akong text galing kay Luke.
From: Luke
I got his location. I'm on my way there because the place is kind a suspicious. I'll send you my gps. Follow me there.
Na receive ko ang address and this is the first time na mabasa ko ang lugar na 'to. Kung sino mang gumalaw sakanila tangina mapapatay ko sila.
I tried to dial Evan's number again pero hindi ko na ma contact. Potek! I hope Balerina is just fine.
Binilisan ko na ang pagmamaneho ko dahil kabadong kabado na talaga ako. After 1 hour and 30 minutes of driving ay naka dating ako sa isang lugar na puro puno at sa kalayuan ay may abandonadong bahay at bandang dulo pa ito. I stopped my car 500 meters away from it. They must not see me.
Nag lakad lakad ako and I silent my phone and texted Luke. Ang tagal naman niya.
I dialled his number and he answered it. Mag uumaga na.
"Hello? Nasaan ka na ba? Nandito na ako."
"What the fuck? Ang bilis mo naman. Malapit lapit na ako. Wait me there. You're just alone."
"Hurry up!"
"Lucia, wait for me okay? Huwag kang mag madali. Wala na akong tiwala sa mga desisyon mo sa buhay."
I ended the call at umupo muna ako dito sa may ilalim ng puno. Hihintayin ko nalang siya at baka ano pang mangyari. Wala na rin yata akong tiwala sa sarili ko.
After 10 minutes ay may humintong sasakyan. Bumaba sila and it's Luke together with two men.
"Pssst!"
"Tangina man. Akala ko nuno!"
Hayop na lalaking 'to. Gagawin pa akong nuno.
"What are you doing there?"
"I'm waiting for you. Ang tagal mo! Bilisan niyo na at hindi ko na alam ang gagawin ko. It's not Evan who called me. It was his sister."
"Si Bella? Anong ginagawa niya dito?"
"Yes. It was her. May dumukot daw sakanila and I don't know kung sino ang mga yun! Putek. Patayin mo 'yun Luke!"
"Tthe last time I checked her location the phone's owner is just here around. But the phone is dead. Just look around here. Maybe she's hiding." Singit nang kasama niya habang may hawak hawak na maliit na tablet.
"Sino ang dumukot sakanila and what's their reason? Do you have any idea?" Tanong sa akin ng isa pang lalaki na kasama niya. Sila 'yung ka member ni Luke na nakasama namin noong sinagip namin ang mga ka member ko.
"I really don't have idea. Luke, Leon doesn't know about Evan right?"
"I think? And Leon won't do that now. He's still in the hospital so he can't."
"Ah! Na stress ako lalo. Let's just start looking for Barabas."
"Bakit natin hahanapin si Barabas?"
"My sister has a problem when it comes to names so bare with it."
"Cool."
Nag simula na kami mag lakad lakad dito sa lugar na ito. Isinusumpa ko kapag may nangyaring masama kay Bibe at Evan malilintikan talaga sa akin ng wala sa oras kung sino mang hayup ang dumukot sakanila!
"Luke, wala na daw malay si Evan kanina. Hindi kaya binugbog nanaman siya?"
"Kawawa naman si Evan kung nagka taon. Kasalanan mo talaga 'to."
"Gago ka!"
"Biro lang. Huwag kang masyadong kabahan. Makikita rin natin sila."
"Man, may babae doon sa may puno oh. Nag tatago. Siya ba 'yung hinahanap natin?"
Tinignan namin ang tinuturo ng kasama ni Luke at nakita ko si Baby na takot na takot habang nag tatago sa may puno. Bigla naman akong na awa sakaniya.
Mabilis akong tumakbo at nilapitan siya.
"Bertigo!" Tawag ko sakaniya. Lumingon ito at tuluyan ng umiyak nang makita niya ako.
Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ate! You came." Iyak siya ng iyak at takot na takot.
"Hush. Don't cry. I'm here."
"Where's your brother?" Luke asked.
Humiwalay ako sa pagkaka yakap at pinunasan ko ang mga luha niya sa mata. May sugat siya sa ulo niya at nang gigil ako sa nakita kong 'yun. How dare them to hurt her!
"Bella?! What the fuck happened to you?!" Napa tingin kami sa kasama ni Luke na ngayon ay kadarating lang dahil nahuli siyang nag lakad. Ano ba mga pangalan ng mga 'to?
"You know her, man?"
"Fuck! She's my girlfriend!"
Hinila niya si Betlog at niyakap ng mahigpit. Oh my god. Yung totoo? Jowa niya is a high school student?! Jusko! Alam ba 'to ng mga magulang niya?
"Are you okay? I've been calling you but you're not answering. I'm gotta kill those men! Fuck them."
Umiyak lang si Bessy habang yakap yakap siya ng jowa niya.
"Enough with that, man. Let's find his brother first."
"Babe, tell us where's your brother and how many guys are there?"
Tumahan si Bakery sa pag iyak at huminga ng malalim bago sumagot.
"Nandoon sila sa bahay na 'yun. Tatakas sana kami ni Kuya pero nahuli nila kami at naiwan si Kuya doon dahil pina una niya na ako." Nag simula nanaman siyang umiyak at nanginginig pa ang mga kamay nito. Hinawakan ng boyfriend niya ang kamay niya para tumigil ito sa panginginig. Wow ang sweet!
"I think there are 10 men sa bahay na 'yon. Let's help, Kuya. Baka ano nang ginawa nila sakaniya."
"Do they have guns?"
"No. They don't have."
"Okay. Let's go there now! Maiwan ka na dito Bestfriend. Huwag ka nang sumama baka ano pa ang mangyari. Atleast you're safe now. Sasamahan ka ng boyfriend mo dito at kami nalang tatlo ang pupunta doon."
"Ate, pinapasabi ni Kuya if ever something bad happened to him, mahal na mahal ka raw niya. And he said sorry kung pinag pustahan ka nila ng kaibigan niya."
"Walang mangyayaring masama sa kuya mo. Patawarin ako ng Diyos pero ako mismo ang papatay sa taong mananakit sakaniya."
Just wait for me, Evan. I'm coming for you. And I swear to God, I'll be the one to send those bastartds to hell once they hurt you.