webnovel

The Beauty Inside My Head

HI, THIS MY FIRST TIME WRITING HERE... AND I HAVE BEEN BEARING THOSE HEAVY THOUGHTS INSIDE MY HEAD AND I GOT TIRED SO... I NOW DECIDED TO WRITE IT DOWN HERE FOR ME TO FEEL WEIGHTLESS. AND HAPPILY I NOW FELT SATISTFIED AND LIGHT. AND PLEASE EXCUSE MY GRAMMATICAL ERROR 'COZ THAT WAS JUST A MATTER OF IMPERFECTION AND I'M STILL WORKING ON IT, SO I'M OPEN OF ANY CORRECTION. XOXO :*

Vi_Na_Morena · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
22 Chs

"Ipaalala"

Pagka mula't ng aking mga mata ay syang

pagsilay rin ng kagandahang pag lubog ng araw sa silangan,

kulay-kahil ng bandang hapon ako'y pauwi na,

Ngunit parang may nakalimutan,

Nais ko sanang balikan ngunit kay layo na ng pagitan,

kaya sa paglisan ako'y nagpatuloy na lamang,

Sa pagmamaneho'y nalilito kung bibilisan ba o babagalan,

habang sumasagip sa isipan kung anong nakalimutan,

Ngunit kayhirap aalahanin,

Oo lumipas ang ilang minuto,

At sa wakas ay nakarating sa paparuunan,

ngunit may kurot sa damdamin at gambala sa isipan,

may nais akong balikan ngunit talagang nakalimutan,

Pagsapit ng gabi 'di maipikit ang mga mata,

sa isipan ay nanatiling umaga,

'di ba't kahapon ay masayang naglakbay?

Bakit ngayon mga luha'y nagsisilayan ng hindi matukoy ang dahilan,

Nagmamadali ang oras, pinilit kong habulin,

Umaga ng ako'y magising,

natutuyong mga luha ko'y lilinisin,

kasabay sa pagdampi ng tubig sa pisngi at pansamantalang pikit ng mata'y alalahanin,

subalit ang katotohanan ay nakatago parin,

Naging mapaglaro na naman ang oras,

Hindi namamalayang manebila'y hawak-hawak ko,

landas ko'y hinihigop ng hangin patungo sa silangan,

Pinahinto muna ang isipan,

Nakapaang naglalakad sa dalampasigan,

Sa bawat pag hampas ng alon pinilit kung ngumiti,

At sa pag kurba ng aking labi,

Dumaan ka Binibini,

Ngunit bakit mukha mo'y malabo?

Pabango mo'y nagpasilaw sa'kin ng kunting alaala,

Isang metro ang pagitan nating dalawa,

Ngunit ako'y hinila ng hangin papalapit sayo,

Ang pagdampi ng aking kamay sa iyong pisngi ay hindi ko namalayan,

Isipan ko'y nagtaka nang may mumunting butil na tumulo galing sa iyong mga mata,

Oh Binibini hindi ko matukoy ang iyong kagandahan,

Maaari bang sa akin ay magpakilala ka?

O hahayaan nalang bang tuluyang maglaho ang malabong alaala?

Isipan ko'y nalilito kung hanggang saan ang hantungan ang takbo ng isip at gambalang pintig ng puso,

Unti-unting mga labi natin ay nagkalapitan,

Oh Kay taksil ng kalangitan,

Tila ba isinumpa ang ating pagmamahalan,

kasabay ng pagpatak ng ulan ay syang paghiwalay ng ating mga labi,

Yaong unti-unting bumabalik sa aking isipan ang kahapon ng ating pinagsamahan,

Oh kay ganda mo Binibini ngunit pasensya na,

Mga yakap mo sakin ngayo'y kakaiba,

Hindi ko na dama ang tamis ng iyong labi,

Amoy ng iyong pabango ay naglaho na,

Ang saya na inaalay mo sa'kin ngayon ay naging napakalungkot na konsenya,

Oo, naalala ng aking isipan ngunit sa puso ko'y tuluyan ka nang nakalimutan,

Masyadong mapagtaksil ang tadhana at napagud na akong ipaglaban ka ng paulit-ulit,

Pasensya na mundo ko'y gabi at sayo'y umaga,

Oh Binibini, pasensiya na kagandahan ng iyong mundo ay hindi sakin nakatadhana,

Ngunit sa huling pagkakataon maaari ba kitang maisayaw sa huling ala-alala?

Pasensya, pasensya na, huling hiling ko Binibini, sana'y huwag mong kalimutang kalimutan ako.