webnovel

Gift

Habang sila'y papasok sa kailaliman ng mansion ay napapansin nya na gumagaan at bumibigat ang paligid na para bang pabago bago ang "gravity" ng kanilang dinadaanan.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko dito? Gumagaan na parang nasa ulap ako at biglang bibigat na para bang hinahatak ako paibaba." Tanong ko.

"Natural lang yan anak dahil hindi mo pa natatanggap ang kapangyarihan ko. Wag kang mag alala, hindi mo na mararanasan yan sa susunod dahil sinisigurado ko sayo na magiging malakas ka matapos mo matanggap ang kapangyarihan ko." Sagot nya.

"Hahaha hindi sa pagmamayabang pero ako ang may gawa nitong lugar na to. Walang sino man ang kayang pumasok maliban nalang kung kadugo natin sya. Hahahaha" Pagmamalaki nya.

Sumaya ako ng marinig ko iyon ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang isang pintuan na kulay itim at ang hawakan ng pinto ay nagliliwanag na kulay ginto.

Pumasok sila at nakita nya ang pagkalaki laki at pagka lawak lawak ng lugar at tila napakaraming mga statwa na kagaya ng nasa labas ng mansion at para bang ang mga ito ay handang lumaban ano mang oras.

"Woooow!" Kinilabutan ako sa pressure na ibinibigay sa akin ng mga statwa. "Bakit ang daming anghel dito sa loob ng pamamahay mo?" Tanong ko.

*smiling* "Hehe, gawa ko ang lahat ng iyan. Habang hinihintay kita na makarating dito ay nag uukit ako ng bato at ayan ang naging resulta ng pag aantay ko sayo. Hehehe." Pagmamayabang nya.

"Hindi ka lang may kapangyarihan, talentado ka pa. Kaya ka siguro mayaman." Pag hanga ko.

"Hehehe, Ajax anak ko. Hindi mo ako kailangan purihin ng ganyan. Ha ha ha." Pagmamayabang nya.

"Hindi pala dapat to pinupuri dahil mabilis lumaki ang ulo." Pabulong kong isinambit.

"Ano yun Ajax? May sinasabi ka?

"Hahaha wala po. Wala akong sinasabi." Sagot ko.

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad at ng marating na nila ang isang lugar ay naglaho ang lahat ng nasa paligid na para bang sila ay nasa kalawakan. Sa kabilang dulo ay mayroong isang lagusan.

"Malapit na tayo sa aking pinakatatagong lugar na kung saan tayo lang ang makakapasok. WUAHA HA HA HA!! Napaka galing ko talaga. Hindi ba Ajax?" Pagmamayabang nya.

"Ok ok. Ikaw na ang magaling. Dalian na natin at kanina pa tayo lakad ng lakad. Napapagod na ako. Hindi ko alam na ganito pala ito kalayo." Sagot ko.

"Kailangan ko itago ito sa pinaka malayo dahil mahalaga ang lugar na ito sa akin." Malungkot nyang isinambit.

At nang marating na nila ang kanilang destinasyon ay nakaramdam sya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan at gaan ng pakiramdam sa pag tungtong palang ng kaniyang katawan.

"Ano itong nararamdaman ko? Parang may mainit na yakap sa aking katawan." Masaya kong isinambit habang naka pikit ang mga mata.

Nakatitig lang sa kanya ang kanyang Ama at tila ay masaya sya para sa kanyang anak.

"Halika Ajax, lumapit ka sa akin. May regalo ako sayo, para sa iyong kaarawan ngayon. Ito na ang tamang panahon para ibigay sayo ito. Kwintas ito na bigay ng isang propeta at nakalagay dyan ang dugo naming dalawa ng iyong Ina. Ingatan mo yan Ajax. Maligayang kaarawan sa iyo mahal kong anak." Sinasambit nya iyon habang lumuluha.

Tinitigan ko ang dyamante na kwintas at tila sa loob nito ay nagliliwanag. Kulay puti at itim ang patuloy na nagpapaikot ikot mula nung mahawakan ko ito. Tumingin ako sa kanya at sinabing...

*smiling* "Maraming salamat Dad, sa regalong ibinigay mo sa akin. Iingatan ko ito at aalagaan." Nakangiti kong sinabi.

*tears of joy* "Aaaaaahhhh anak kooo." Mahigpit na yakap habang umiiyak.

"Haha dad, tama na po. Nasasakal mo na po ako." Nahihirapan kong sambit.

"Hahaha pasensya ka na anak, nadala lang ako ng emosyon ko. Ehem! Ehem!" Sagot nya.

"Bakit pala ako nandito? Siguro naman ay hindi lang para ibigay mo sa akin ang kwintas. Hindi ba?" Sambit ko.

"Ngayon ay alas dose na ng gabi at ngayon ay ang takdang kaarawan mo na. Simula sa araw na ito ay hindi ka na mamumuhay na ayon sa gusto mo. Marami ang magtatangka sa buhay mo. Isa na dito ang mga nag rebelde sa akin. Gusto nilang mawala ako at ang taga pagmana ko upang sila ang maghari sa mundong ito.

May nag report sa akin na gumagawa sila ng sariling hukbo.Iniimplowesyahan nila ang mga ibang alagad ko na sumali sa kanila pero pag hindi sumunod ang iba sa kanila ay bini-brain washed nila ito o kaya naman ay papatayin. Gumawa ako ng trap sa lugar na ito kaya hindi sila basta basta makakalapit dito." Seryoso nyang sinambit sa akin.

"Eh paano kung hindi ko sundin at paniwalaan ang lahat ng sinabi mo? Ayoko magtago habang buhay gaya ng ginawa mo. May sariling buhay din ako. May mga kaibigan din ako na nakakasama ko. Hindi ko sila pwedeng iwanan nalang ng basta basta ng hindi nag papaalam. Kung mahalaga ako sayo, mahalaga rin sila sa akin. Kung totoo yang mga sinasabi mo. Aantayin ko nalang muna na mangyari yan bago ako maniwala sayo." Galit kong sinambit.

"At isa pa Dad. Kung wala ka ng sasabihin ay kailangan ko ng umuwi sa apartment ko." Dagdag ko.

"Dalhin na kita sa apartment mo, pero may tanong ako sayo." Sambit nya sa akin.

"Ano yun Dad?" Tanong ko.

"Gusto mo magsama ng maid sa apartment mo? Pwede kong ibigay sayo yung iba, hihihi." Alok nya sa akin.

*blushed* "Hindi na Dad. Hindi mo alam ang sitwasyon ko dun sa apartment. Atsaka wala akong maipapakain dyan kung sakali."

*crossed arm* "Tsk! Tsk! Tsk! Sayang naman tong credit card na to." *waving his head*

"Hahaha Dad, para sa akin ba yan?" Tanong ko habang nag kakamot ng ulo

"Para sayo sana tong credit card kaso ayaw mo naman ng mga regalo ko sayo na maid." Sambit nya sa akin.

"Haha Dad yung credit card nalang akin, iwan mo nalang dito yung mga maid mo." Nakangiti kong sambit.

"Ok sige. Magaganda pa naman ang mga maid ko. Sayang anak, virgin ka pa naman. Hahaha experience din yun." Sambit nya na may kasamang pangangantyaw."

*blushed* "Hindi na ako virgin! Atsaka may experience na ako sa mga babae!" Sagot ko habang nakayuko.

"Talaga ba anak?" Pangangantyaw nya sa akin habang nakalapit ang mukha nya.

"Dad! Iuwi mo na ako at akin na yang credit card!" Sambit ko.

"HAHAHAHA! Sige na iuuwi na kita, pero ayaw mo talaga mag uwi? Hahaha" pangangantyaw nyang muli.

"DAD!" Sagot kong naiinis.

"Kumapit ka sa likod ko. Iuuwi na kita" *snap*

Sa isang iglap lang ay nasa apartment na silang dalawa. Ngunit nagulantang sya sa nakita nya dahil madaming maid sa bahay nya.

"Whaaaat the!!???" Sigaw ko.

(Sa kabilang apartment)

"Hoooy!! Natutulog na mga tao! Wag ka ngang maingay dyan! Istorbo ka sa lipunan ah!"

"Pasensya na hooo" sagot ko.

"Sino yun? Arogante magsalita ah. Maghintay ka, gagawin kitang alikabok!" Galit na sambit ng Ama.

"Huh?! Wag! Hayaan mo lang. kasalanan ko naman eh." Pag pipigil ko sa Ama ko.

(Thinking) "Hindi manlang sya nagalit sa pinagsasabi nun?"

"Dad! Alisin mo tong mga maid mo. Mapapadali ang buhay ko dahil dyan eh." Sambit ko habang namumula.

"Ayaw mo talaga? Hahaha. Sige anak babalik na ako pero dadalaw ako sayo dito." *snap* sambit nya bago umalis.

(Plank at the bed) "Haaays. . . Nakakapagod tong araw na to. Masaya na rin ako at alam kong may pamilya parin ako." Sambit ko sa sarili ko.

At dahan dahang pumikit ang kanyang mata ngunit ang hindi nya alam ay ang Ama nya ay nandun parin kasama nya. Pinagmamasdan sya matulog.

"Ajax Sotíra, anak ko. Maiintindihan mo rin ang lahat. Masaya akong tinanggap mo rin akong bilang Ama mo sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko. Maligayang kaarawan anak ko." *snap* ^swiiish^

***********