webnovel

Son Of The Dark Lord (Tagalog)

แฟนตาซี
Ongoing · 89.6K Views
  • 14 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

.... Si Sotíra ay mag isa nalang sa buhay ngunit hindi sya nawawalan ng pag asa para sumuko.. ..Alam nya sa sarili nya na hindi purkit mag isa sa mundo ay kailangan ng sumuko.. ....Isang araw ay dumating ang kanyang tito upang isama sya.. Walang ideya si Sotíra sa kanyang tiyo kaya nagpasya nalang syang sumama.. Ano kaya ang dahilan at saan kaya sya dadalhin ng kanyang tiyohin?

Chapter 1Unkown Origin

Ako si Sotíras, 20 Yrs old, matangkad ngunit hindi ka gwapuhan. Mag isa nalang akong naninirahan sa apartment na iniwan sa akin ng tito at tita ko. Mababait sila sa akin at dinadalaw nila ako kada bwan. Malungkot mag isa pero napupunuan naman yun ng aking mga kapitbahay lalong lalo na ang nag iisang anghel sa aking mata na si Isabella ang matalik kong kaibigan.

Si Isabella ay maganda, mabait, maputi, maganda ang hubog ng katawan at pinaka nakakaakit nyang tingin samahan mo pa ng mapupulang labi na halos nasa kanya na lahat ng katangian ng isang babae na kailan man hindi ko pwedeng hawakan kapag kasama nya ang nobyo nya.

Si Isabella ay katabing apartment ko lang. Mula nung grumaduate ako dito na sya tumira at minsan kasama nya ang maangas na nobyo nya na si Darwin. Palaging sinasabi sa akin ni Darwin na hindi ako karapat dapat na magkaroon ng kagaya ni Isabella kaya sa tuwing makikita ko silang dalawa ay lumilihis na ako ng daan o kaya naman umiiwas nalang ako ng tingin dahil baka isipin na naman ni Darwin na pinagnanasaan ko na naman ang nobya nya. Hindi naman sya nagkamali duon sa kanyang hinala.

"Bukas na ang kaarawan ko at wala parin akong nagiging nobya, panay si mariyang palad nalang ang nakakasama ko pero tuloy parin ang buhay. "

"Aarrrrggghhh... Bagong umaga na naman.

Kay sarap talaga ng hangin sa umaga. Haaayss, gutom na ako. Sakto at darating sila tito Joseph at tita Quenkle ngayon. Siguro kailangan ko na munang maligo bago mag handa ng makakain."

Lumipas ang ilang minuto...

"Woooh!!! Fresh from the bath again. Nasaan na kaya ang paborito kong gitara? Siguro ay nasa hiraman parin.Hindi bale, magluluto na muna ako ng almusal".

Habang nagluluto ay nakakaramdam sya ng kaunting paninikip ng kanyang dibdib.

"Uugghh!! Bakit kaya biglang sumikip ang dibdib ko?" Tanong nya sa kanyang sarili"

Matapos syang magluto at maghanda, dumating ang kanyang tito at tita na sila Joseph at Quenkle.

"Halina po kayo tito, tita. Nagluto po ako ng makakain natin".

Umupo at kumain silang tatlo, ngunit nagtataka sya sa dalawa na para bang may gustong sabihin, kaya hindi na sya nag dalawang isip mag tanong sa kanyang tito at tita.

"Mayroon po bang problema tito, tita?"

Nagtinginan ang mag asawa. Nagsalita ang kanyang tito Joseph.

"Aahhmm.. Sotíras, kailangan mong malaman na hindi ka namin kaano ano o kahit kadugo ng kahit sino man sa aming pamilya"

Nagulat ako sa diretsahan nyang sinabi at nanlambot ako sa aking narinig ngunit binalewala ko ito.

"Tito naman, niloloko nyo na naman po ako."

Pangiti kong sinabi.

"Sotíra, ipinag bilin ka lamang sa akin ng taong nagligtas sa aking kapahamakan, pero hindi ibig sabihin non Sotíras ay hindi ka namin itinuring na bilang anak."

Lumuluha si tita Quenkle habang isinasambit iyon ng aking tito Joseph.

"Sotíras, bukas na ang iyong kaarawan. May pupuntahan tayong dalawa at ang tita Quenkle mo ay babalik na dun sa aming mga anak."

Napatayo ako nung narinig ko na may anak pala silang dalawa. Nagulat ako dahil wala naman akong nababalitaan na may anak pala sila.

"Ano?!, May anak kayo?! Kailan pa? Bakit wala akong nalalaman tungkol dyan? Kayo lang ang naging pamilya ko pero wala kayong sinasabi sa akin buong buhay ninyo pala akong niloloko!!!" Galit kong isinambit.

Tumayo si tito Joseph at tita Quenkle at naunang lumabas si tita Quenkle para makausap pa ako ni tito Joseph.

"Sotíras iho, sasabihin ko sayo ang lahat pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. Wag kang mag alala maiintindihan mo rin."

"Bakit hindi nalang po ninyo dito sabihin? Bakit duon pa?" Tanong ko.

"Sotíras, pakiusap, wag ng maraming tanong. nauubos na ang oras. Kailangan na natin mag madali." Nag aalala nyang sinabi.

Pagbaba namin galing apartment ay nagulat ako dahil sa ganda ng mga bagong kotse na nasa harap namin. Brand new Ferrari ang nasa harap ko at ang sumunod at Brand new Lamborghini.

"Wow! Kanino kaya tong kotse na to? Sarap gasgasan ah, hahaha."

Pabiro kong sinabi at tumingin sa akin si tito at tita na parang nanlilisik ang kanilang mga mata.

"Bakit po? hehe nagbibiro lang naman po ako sa sinabi ko."

Dumukot si tito Joseph sa kanyang bulsa at si tita Quenkle naman sa kanyang bag. Kinuha nila ang kanya kanyang susi at iniangat ang mga ito at itinutok sa mga sasakyan.

"What the ffff! Sssorry sa mga sinabi ko kanina, hehehe sa inyo po pala yan haha." Nanginginig kong bigkas.

"Sumakay ka sa akin at ihahatid na kita." Seryosong tingin sa akin.

"Honey, mauna ka na at susunod ako sayo pagkahatid ko kay Sotíras." Malanding sabi ni tito Joseph kay tita Quenkle na naka ngiti.

"Okay, Honey. mwuah 😘" Sagot naman ni tita with flying kiss.

Habang nabyahe ay tahimik lamang si tito at parang nagmamasid sya ng maigi sa kanyang paligid. Para kumalma si tito ay nagtanong tanong ako sa kanya.

"Tito Josep, Anong pangalan po ng anak ninyo?"

Tumingin sa akin si tito sa salamin at nag aalangan sumagot.

"Aah eh, siya si Katrina, kaedaran mo lang sya." Sagot nya.

Nakaramdam ako ng galit sa aking puso dahil sa nalaman ko na buong buhay pala ako niloloko nilang dalawa. Nanahimik nalang ako at pinagmasdan ang kalangitan. Iniisip na sana ay may pamilya rin ako.

Makalipas ang ilang oras na byahe...

"Sotíras, narito na tayo sa bahay ng iyong Ama." bigkas nya.

"Hah? Bahay ng aking Ama? nagbibiro po ba kayo? eh mansion to eh." Sagot ko.

"Maniwala ka sa akin at sumunod nalang!" Sagot nyang pasigaw.

Bumaba kami sa sasakyan at habang papalapit sa gate ay bigla na lamang itong nagbukas. Nagpatuloy kami at habang naglalakad ay namamangha ako sa mga dekorasyon sa paligid. Gaya nalamang ng isang statwa ng isang lalake na may pakpak at may tusok sa dibdib ng espada na nila eto ang naging sanhi kaya sya naging bato. Meron ding Ahas na may dalawang pakpak at may apat na paa at meroon ding statwa ng demonyo na meron ding tusok ng espada sa dibdib.

Sa aming paglalakad ay napahinto si tito sa paglalakad at itinuro nya sa akin ang pintuan at ang sabi nya.

"Sotíras, sa pagpasok natin sa pintuan na yan ay sasabihin ko lahat ng iyong gustong malaman ngunit pagkatapos nito ay wala na tayong ugnayan. Palagi mong tatandaan na hindi ka parte ng aking pamilya"

Nagtataka na ako bakit biglang nanlalamig na sila sa akin. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy ako para malaman ko ang sagot sa mga tanong sa aking isipan.

Sa pag pasok namin ay nagdugo ang aming mga ilong sa nakita.

You May Also Like

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
Liked
Newest

SUPPORT