webnovel

Chapter 10

Tahimik lang kami buong biyahe. Walang nangahas na magsalita. Bumaling nalang ako sa labas, nanunuod ng abalang kalye.

"You should have not fetched me, Ximi." Walang emosyon kong sabi. "Baka nagtataka na si manong kung nasaan na ako ngayon."

"Lolo told me to do so, Luca. There's no need to worry about manong." Kaswal niyang sagot.

Nilingon ko siya na ngayo'y seryoso sa pagmamaneho. Nakatuon lang ang atensyon sa kalsada, masama ang tingin.

Napatitig ako sa kanya, wondering something. Guwapo naman talaga si Ximi. Ayos sa kanya ang kanyang itsura kung 'di lang arogante. Maingay siya, makulit at magulo. He's somewhat opposite of my personality. 'Di kami magkakasundo kapag ganoon. I don't like him and I have this feeling that he feels the same way, too.

"Paano mo malalaman na gusto mo 'yong isang tao?"

"When you appreciate every piece of him."

Mas lalong nadedepina ang kulay ng kanyang mata kapag natatamaan ng ilaw mula sa labas. At ang bawat galaw ng kanyang panga ay dagdag buhay sa mukha niya.

"Alam mo," panimula ko. 'Di naman siya umimik. Seryoso pa rin. "Guwapo ka sana kung 'di ka lang arogante."

"And you think you look nice if you're not arrogant?" Sagot niya. 'Di ko alam kung tanong ba iyon o pabalang na sagot.

Naglihis ako ng tingin. Nag-aaway ang isip ko. May naguudyok sa akin na sapakin siya, meron namang nagsasabi na tumahimik nalang ako.

Sungit, hmp!

Hanggang sa dumating kami sa loob ng bahay ay 'di ko na siya kinikibo. Bahala siya sa buhay niya! Bwiset as always!

Nang pumarada ang sasakyan ay nanatili ako sa kinauupuan ko. Magkakrus ang mga braso at nakabusangot.

"Get out," walang emosyon niyang utos.  'Di ko siya pinansin bagkus nagtaas ako ng noo.

He moved, kita ko 'yon sa gilid ng mata ko. He unbuckled his seatbelt, opened the door and got outside. Ramdam kong frustrated siya. Well, let's get even, Maximilian.

Padabog niyang binuksan ang pinto. Sa gilid ng mata ko'y kita ko ang masama niyang titig sa akin na para bang nagpapahiwatig ng kamatayan. I wanted to smirk at his reaction pero kakalmahan ko nalang ang sarili ko.

"'Di ka lalabas o iiwan kita rito?" Panghahamon niya. 'Di ko pa rin pinapansin. Gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Luca!" Inis niyang sigaw.

I bursted into a laugh. 'Di ko napigilan ang sarili ko dahil frustrated na talaga siya. Hinarap ko siya na ngayo'y nagtiim bagang.

"Are you making fun out of me, Luca?" Feeling ko nagagalit na siya sa akin pero imbes na magsorry ay tumawa ako lalo.

Ang sarap niyang galitin. Nakakatakot lang kung manakit siya physically. Baka tuluyan na akong mawalan ng tiwala sa kanya.

"Luca!!!" Sigaw niya sa inis. Napatili ako nang binuhat niya ako. 'Di pa naman ako nakaseatbelt. Nakalimutan ko at 'di ko na rin napansin.

"Put me down, Ximi!" Tili ko. He ran as fast as he could while laughing. Natatawa na rin ako sa ginagawa niya lalo na't pasimple niya akong kinikiliti.

"You, brat." Gigil niyang sabi. Tumili mi ako nang sinundot niya ang tagiliran ko.

"La! Lo! Tulong!" Sigaw ko sa loob ng bahay. Muli akong bumungisngis.

"Sige, magsumbong ka pa." Tawa ni Ximi. Nakapasan na ako sa braso niya na parang sako lang ng bigas.

"Put me down, you jerk!" Hinampas ko siya sa likod niya. Dumaing siya pero 'di ko alam kung totoo ba 'yon dahil tumatawa naman siya.

"What's going on, here?" Rinig naming boses ni lola, tunog natataranta.

"Lola si Ximi!" Sumbong ko. Bumungisngis naman ang kumag.

"Akala ko ano na ang nangyayari rito." Ani matanda.

"Put me down, Maximilian!" Utos ko. Nakaramdam na ako ng inis, siguro dahil nandito si lola. Nakakahiya sa matanda. Baka iisipin niyang may namamagitan sa amin ni Ximi.

Maingat akong binaba ni Ximi. Nang nakalapag ako sa sahig ay hinampas ko siya sa braso. Tinanggap naman niya iyon.

"Kayo talagang mga bata kayo, oo." Ani Lola Rita.

"Si Ximi kasi, la." Inirapan ko ang kumag. Ngumisi lang siya sa akin.

"Kumain na ba kayo? Anong oras na ba."

"Not yet, la." Sagot ni Ximi.

"Kumain na kayo." Aya niya.

"Si lolo po?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Pauwi na rin iyon."

"Let's wait for him, la." Suhestiyon ni Ximi.

"Okay. You two should change your clothes."

"Yes, la." Sagot ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. I glanced at Ximi and rolled my eyes at him. Bumungisngis naman siya.

Kagaya ng utos ni lola ay umakyat na ako para makapagbihis ng pambahay. 'Di na muna ako maliligo kasi tinatamad ako. Naghimalos nalang ako saka nagpalit. Suot ko'y pink na loose shirt at short shorts. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nakita ko kaagad si Ximi na presko sa kanyang pink t-shirt at gray short na hanggang tuhod.

"Goodevening," nakangiti niyang bati.

"Goodevening, sir." I smiled and winked at him. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig.

The coldness of the water refreshed my system. Nakaramdam ako ng ginhawa at katahimikan.

Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko pero binalewala ko nalang iyon. Niligpit ko ang pitchel at baso saka humarap sa kanya.

He was leaning on the counter, arms crossed and eyes on me. His hair is a little bit messy, parang kaaayos lang nito.

"What?" I asked and walked towards him. His scent immediately captured my nostrils.

"Nothing," tamad niyang sagot at umayos nang tayo. Nilagpasan ko naman siya.

"Are you staying here for good?" I asked, walking towards the living room.

"Nope. Kapag maayos na ang negosyo sa Bukidnon, I can live on my own."

"Live on your own?" Pag-uulit ko sabay ikot ng katawan para maharap siya. "Why? Aren't you living with your family?"

Nanatili lang ang mapanuri niyang mata sa akin imbes na sagutin ang tanong ko. I was wondering if who's he's living with o baka kagaya siya sa akin na bumubukod na.

"No," tipid niyang sagot. Nilagpasan niya ako at naiwan akong nakatunganga sa kawalan.

May mali ba sa tanong ko?

"Hey!" Tawag ko sa kanya at tinakbo ang gawi niya. "Ximi,"

"Hmm?" He whirled around and I froze when we almost touched. Napalunok ako at napaatras nang kusa. "What?"

Parang wala lang sa kanya ang nangyari. He remained unfriendly, his right hand inside his pocket.

"W-Wala," nautal ako. Umiwas ako ng tingin samantalang siya ay tumalikod sa akin. He walked away again.

I stayed in the pool in my remaining minutes bago makauwi si lolo. Nagmuni-muni ako, trying to remember my past. Pero kahit anong gawin ko, blanko pa rin ako.

I can't remember my past. And to think Ximi was part of it, 'di ko na rin siya maalala. Siguro nga naging kaibigan ko siya noon. 'Yon ay 'di ko alam kung paano.

Nang dumating si lolo sa bahay ay nagpahinga muna siya saglit saka kami kumain ng hapunan. Tahimik lang si Ximi, halatang walang gana mag-usap. Panay sa pagkukwento si lolo sa nangyari sa kanya ngayong araw at tanging si lola lang yata nagtatiyaga na makinig sa kanya.

After the dinner, kinulong ko ang sarili ko sa aking kwarto. I rolled myself in my bed, trying to feel comfortable. My mind was in chaos, I can't sleep.

Tumunog ang cellphone ko. I haven't used it in awhile. Simula nang dumito ako ay hindi ko na iyon nagagamit. Paminsan-minsan lang kapag kailangan.

I read the text from Herana at ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko nang nakita ko ang pangalan ni Moffet.

Herana:

Girl!!! Dadalo si Moffet sa kasal ni Atifa! Magpinsan pala sila ng magiging asawa niya!

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kung dadalo ako sa kasal ng pinsan ko, probably magkikita kami ni Moffet!

Napahawak ako sa dibdib ko. Doble ang bilis ng tibok.

Magkikita ulit kami ni Moffet?!

Nagtipa kaagad ako ng reply, nanginginig ang mga kamay. 'Di ko alam ano 'tong nararamdaman ko.

Dahil ba gusto ko pa rin siya hanggang ngayon? Pero paano kung 'di na? What if he changed a lot tapos 'di ko nagustuhan?

Oh my heart.

Ako:

Sino may sabi?

Kalma, Luca. Huminga ako nang malalim. 'Di yata ako makatulog kaiisip na magkikita ulit kami ni Moffet. If this is what they call 'destiny', I think I want to learn what love really is.

Ilang segundo ang lumipas ay dumating muli ang reply niya. What I love the most about Herana ay mabilis siyang magreply. She knows her priority.

I read her message and it said, "Si Atifa."

Does Atifa know na crush ko si Moffet?

Dumating ang isang mensahe. Nang tinignan ko ang sender, napagtanto kong si Morthena iyon.

Morthena:

You should come to Atifa's wedding, Luca. Moffet will be there, too!

Ugh! I want to pinch myself. I want to think that this is just a prank para makadalo ako sa kasal ni Atifa. I will be there, of course. Atifa's like my sister. Her parents are also supportive to me.

Nagtipa ako ng sagot sa kanilang dalawa. Nauna kong sinend ang kay Morthena, sumunod kay Herana.

Ako:

Pupunta naman talaga ako whether andiyan si Moffet o wala.

Does she know about it?

I bit my lower lip. Anong oras na at 'di pa ako natutulog. Kung mag-off kaya muna ako bukas? Pero 'di naman puwede 'yon lalo na't 'di reasonable ang excuses.

"Hay naku," bulalas ko. Ang hirap maipit sa ganitong sitwasyon. Kaya ayaw ko sa ganito, eh. Pampagulo lang 'to ng isip.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Naiinis ako sa sarili ko. Kung bakit ba kasi nagkagusto ako sa lalaking iyon? Alam kong gwapo siya. Ang astig niya lang talaga mag-motor. Mali ba ang humanga sa opposite sex?

Sunod sunod na dumating ang kanilang mensahe. Napapikit naman ako ng mata. Ginugulo ako ng mga alaala ko noon.

I was 16 when I met him. Astig, maganda pumorma, mabango, guwapo, maputi, matangkad. Ang sabi sa akin ay matalino iyon pero 'di lang nagpaparticipate sa klase. 'Di ko alam kung bakit.

Huming ako nang malalim at nagmulat ng mata. Binasa ko ang message nila. Ganoon na lamang ang paglawak muli ng mata ko.

Fuck!

Herana:

She already knew about it, Luca. Dati pa!

Morthena:

Sus kunwari ka pa! Alam ko namang nagbago ang isip mo dahil kay Moffet. Crush mo pa rin ba hanggang ngayon?

To: Herana

What?! Paano nangyari iyon? Sino may sabi?

To: Morthena

Hindi na! Saka matagal na 'yon, More. Move on!

Nabubwiset ako sa dalawang 'to. Napapahamak ako dahil sa pinaggagawa nila! Do they really think gusto ko pa rin si Moffet hanggang ngayon?

Pero 'di na nga ba? What if bumalik?

Umiling ako. Walang babalik at walang dapat na bumalik. Matagal tagal na rin 'yon. Ilang taon na ang lumilipas.

Kinaumagahan ay nagising akong masakit ang ulo. Napuyat ako kagabi. Ayaw kasi akong tigilan ng dalawa. Pinipilit nilang may gusto pa rin ako kay Moffet.

"Goodmorning!" Masigla kong bati sa kanila. As usual, wala na naman si Ximi. Nasasanay na akong gumigising nang wala siya.

"Goodmorning, apo." Bati nila pabalik. Umupo naman ako sa tapat ni lola at kaagad na kumuha ng tinapay.

"Wala na si Ximi. Maaga na namang umalis." Balita ni lola. Iyon ang lagi niyang sinasabi sa akin. "Hay naku 'yang batang iyan. Napakasipag. Nagmana sa kanyang nanay."

Napatigil ako sa pagpahid ng peanut butter sa tinapay. Naalala kong 'di ko pa alam ang pangalan ng nanay niya. Pamilyar lang sa akin ang mukha. Si Aubriene lang ang pinakakilala ko kasi kliyente namin.

"Ba't nga pala rito 'yon natutulog, la?" Pasimple kong tanong, 'di pinapahalata na interesado ako kay Ximi.

I want to know him better. I want to see him as a man with so much potentials. I want... him to be part of my life.

"I asked him to." Si lolo na ang sumagot.  Napabaling kami ni lola sa kanya. "He used to live alone."

"Eh?" Reaksyon ko. "How come? He used to be like me?"

He has his own place, too? Saang condo siya namamalagi?

"Yes, apo." Lola smiled. "Kaya siguro hindi kayo nagkakasundo dahil pareho kayo ng ugali."

Napaisip ako roon. Kung pareho kami ng ugali, how come 'di naman ako arogante? Samantalang siya, nasa highest level na.

"But if you know him better, he has a soft heart, apo. You just have to explore deeper. Be with him in every shade he has."

Natahimik ako roon. 'Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Siguro nga nahusgahan ko siya nang maaga. Dapat ay kinilala ko muna siya.

But how come? 'Di ko naman kasalanan kung ganoon ang tingin ko sa kanya. Ininsulto niya ako in the first place; niyabangan. No one can blame me.

I kept myself busy with my work pero kahit na ganoon, 'di pa rin makatakas sa akin na mag-isa lang si Ximi sa condo niya. Ang sabi sa akin ay sa Manila 'yong unit niya. 'Di ko na natanong kung saan sa Manila.

If that's the case, I think malungkot ang buhay niya. Or depende sa kung paano siya mamuhay. Unlike me, I'm happy living on my own. Marami akong bagay na pinagkakaabalahan kaya 'di ako makaramdam ng lungkot. Halos 'di ko na nga masundan ang mabilis na paglipas ng panahon.

Nakakalungkot lang isipin. What if he was not happy at all? What if 'yong pagiging arogante niya, 'yon ang way niya to communicate? Did I judge him so easily without knowing his background?

I want to hug him so tight to make him feel important. Now I understand a little bit of him. Tama si Lola Rita. I have to explore deeper, to be with him in every shade he has.