webnovel

Chapter 9

We stayed in the pool for a little longer. Tahimik lang ako at nagmumuni-muni. Ganoon din naman siya dahil abala sa ginuguhit niya.

Napahinga ako nang malalim. Naisip ko lang anong pakiramdam na inlove ang isang tao. Ang sabi ni Herana sa akin ay ang pag-ibig ay isang sakit, maraming sintomas ang nakikita. Marami siyang binigay sa akin pero isa lang ang naintindihan ko: kapag mahal mo ang isang tao, willing kang i-let go sila kahit masakit sa part mo.

Pero bakit kailangang i-let go gayong mahal mo naman? Bakit 'di mo ipaglaban?

"May tanong ako." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"What is it?" He asked under his breath.

"Paano mo malalaman na gusto mo 'yong isang tao?"

Iyong naramdaman ko kay Moffet dati, 'yon ba 'yong senyales na gusto ko siya? To think I did an effort, 'di pa ba matatawag na paghanga iyon?

"When you appreciate every piece of him." Sagot niya.

Nilingon ko siya na abala pa rin sa sketch pad. Sumulyap ako roon at napagtantong isang babae ang ginuguhit niya.

"What do you mean appreciate?"

He stopped from what he was doing just to face me. May kakaibang kinang sa kanyang mata na nagsasabing nag-uumpaw na emosyon ang kaniyang nararamdaman ngayon.

Huminga siya nang malalim at muling itinuon ang atensyon sa pagguguhit.

"You like him when you want to be with him all the time." He said, still on his sketch.

Is that all? Masasabi mong gusto mo ang isang tao kapag gusto mo siya laging kasama?

"You laugh at his silly jokes. You always see him as an art of perfection kahit pa nagsusungit siya sa'yo. Wala kang nakikitang mali sa kanya because if you like someone, you like his whole package."

Naglihis ako ng tingin at tumahimik sa sinabi niya. Ganoon ba 'yon? Ibig sabihin ay gusto ko nga si Moffet? But who knows hindi na kasi 'di ko na rin naman siya nakikita ngayon?

"And even years had passed by, if you really like him, there's a posibility na gusto mo pa rin siya hanggang ngayon." He added.

"Paano nangyari 'yon?" Takha kong tanong at nilingon ulit siya. "As in kahit ilang taon na ang lumipas, posibleng gusto mo pa rin siya hanggang ngayon?"

Posible kayang gusto ko pa rin si Moffet hanggang ngayon? Paano kaya kung magku-krus ang landas namin?

"Depende sa'yo, Luca." Aniya at mataman akong tinignan sa mata. His eyes glistened in mixed emotions. "Kung 'di ka naman tumitingin sa iba, baka gusto mo pa rin siya hanggang ngayon."

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kung paano niya ako titigan o dahil posibleng gusto ko pa rin si Moffet. Pero 'di nga?

Mixed emotion. 'Yan ang pangalan sa nararamdaman ko ngayon. Ito 'yong naramdaman ko noong mga panahong hinahangaan ko si Moffet na kulang nalang ay sambahin ko ang katawan niya.

Bumuga siya ng mabigat na hininga. Sa kung paano siya gumalaw ngayon ay nagpapahiwatig na aalis na siya.

"It's getting late, Luca. 'Di ka pa ba matutulog?"

"Hindi pa." Simple kong sagot. 'Di rin naman ako makakatulog dahil sa dami ng iniisip ko.

"May trabaho ka pa bukas. Don't forget to finish those cards perfectly o gagawa ka ulit ng bago." Aniya at tumayo. Inirapan ko naman siya. Ang yabang na naman.

Nagpaalam siyang matutulog na dahil may trabaho pa siya bukas. Ako naman ay nanatili sa kinauupuan ko. 'Di alintana ang lamig ng hangin tutal nakasuot ako ng sweater jacket.

"If I do like you, posible rin kayang magkakagusto ako sa iba?" Tanong kong wala sa sarili. Bumuntong hininga nalang ako at napagdesisyunang bumalik na sa kwarto. Kailangan kong kalimutan ang tungkol dito. 'Di naman 'to mahalaga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo at nagbihis ako ng panlakad na damit. Suot ko'y maroon pencil cut skirt and white halter top, paired in chunky heels. Kung kukulangin ako ng masusuot, siguro ay ipapakuha ko nalang ang mga gamit ko sa condo.

"Goodmorning!" Bati ko sa matatanda. Inasahan kong nandito si Ximi but I was wrong. Wala na siya rito. Baka maagang umalis.

"Nakaalis na si Maximilian." Balita ni lola. Umupo naman ako sa tapat niya.

"Why so early?" Tanong ko.

"He has to." Simpleng sagot ni lolo na nakaupo sa kabisera.

"Oh?" Bulalas ko.

I don't know his whereabouts but I can say he's a busy man.

"He told us na ikaw ang gumagawa ng card ni Abi?" Si lola ang nagtanong.

"Yes, la. Matagal na sanang tapos kung 'di lang siya nangialam."

"Why? What did he do?" Kuryosong tanong ni lolo.

You would hate him kung sasabihin ko sa inyo ang totoo.

"He said hindi pasok sa standards niya ang ginawa kong drafts. To think I have four!" Reklamo ko. "And you know what, lo? Lagi niya akong niyayabangan."

Bumusangot ako. Para akong batang nagsusumbong dahil may umaaway.

Lola chuckled like she was entertained by what I just said. Kusang nagsalubong ang kilay ko dahil sa reaksyon niya.

"Ah, ganyan din ang lolo mo sa'kin noon, apo." Nangingiting sabi ni lola at hinawakan ang kamay ni lolo na nakalapag sa mesa. "Your Lolo Pocholo is the most arrogant person I've ever met."

"Talaga, la? Paano mo siya napagtiyagaan?" Mangha kong tanong.

Arogante pala si lolo. Paano kaya siya nahahandle ni lola gayong kung si Ximi lang ang pag-uusapan, lagi akong talo pagdating sa kanya.

"Hay naku, hija. We'll talk about that later." Natatawa niyang sabi. "Ika'y kumilos na para 'di ka mahuli sa trabaho mo."

"Sige, la." I smiled at her. Bakas sa mukha ang saya siguro dahil naalala niya ang nakaraan nila ni lolo.

Eh ako kaya? Kailan ko maaalala ang nakaraan ko?

Tumulak na ako sa trabaho ko pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Hinatid na ako ng driver nila lola dahil late na umano ako. Nalilibang ako kaiisip tungkol sa nakaraan nila lolo at lola. Masaya iyon panigurado. Halata naman sa ngiti ng matanda.

Siguro may taong nakalaan para sa'yo. Iyong taong bubuo sa pagkatao mo, kasangga mo sa lahat ng bagay. Pero paano ako mabubuo kung buo na ako? Wala naman akong hinahanap pa sa sarili ko. I learned to live my life alone, to live in contentment. Iyong 'di kailangan ng ka-partner para mabuhay.

"Natapos ko na." Sabi ko kay Ximi sa kabilang linya.

"What about the envelope?" He asked.

Alas diyes nang umaga nang tumawag siya sa akin para i-monitor ang trabaho ko. Ang aga aga, nang-iinis na naman ang kumag.

"Currently." Tipid kong sagot. "Relax ka lang, okay? Don't you trust me?" Umirap ako kahit 'di niya kita iyon.

Hindi siya sumagot. Walang kahit na anong ingay ang naririnig ko sa linya. I checked my screen at kasalukuyan namang nagbibilang ng segundo. Umiling nalang ako at pinatay ang tawag.

I made myself busy by working the envelope. Mabango pa rin ito pero 'di katulad ng isa na matigas.

"Ayan," bulalas ko. Katatapos ko lang gawin ang gold ribbon na parang satin cloth ang itsura.

100 pieces gold ribbons. Hindi ko pa naman natatanong si Aubriene kung ilan ba talaga ang ipapagawa niyang invitation cards. Mukhang marami ang 100 pieces.

The remaining hours I had, I spent it in making the envelope. Printed na iyon ng piano at nakagupit na rin ang edge in a wave shape.

Pagpatak ng alas tres ng hapon ay natapos ko na ang lahat. 100 pieces lahat kagaya ng gustong mangyari ni Ximi. Buti naman at 'di siya tumawag para lang insultuhin ako. Dahil diyan, natapos ko ang trabaho nang maaga. I didn't have any break pero may kinakain pa rin naman ako.

Bago mag alas cuatro ng hapon ay kinausap ko si Aubriene. Pinakita ko sa kanya ang finished product and she was amazed.

"Kaso lang, bakit naman 100, Ate Luca? 50 lang naman 'di ba?"

Nablanko ako sa sinabi niya. May kung anong sumabog sa tainga ko. Binola ko ang kamao ko.

Sinasabi ko na nga ba eh! Pinagtitripan talaga ako ng kumag na 'yon!

Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. Kalma, Luca. Kalma lang.

"Binago kasi ni Ximi ang bilang ng cards. So I thought you already know about it."

"Hay naku, kuya!" Humalukipkip siya. Halatang dismayado sa kapatid. "Sa susunod, 'wag ka na maniwala kay kuya. He's a liar, Ate Luca. Nagpapaikot lang 'yan ng tao."

I smiled at him. Naiiyak ako sa 'di malamang dahilan.

"Sige, ate. Okay lang na times two 'yong card." Tumawa siya nang mahina. "Baka naman may pagbibigyan siya niyan."

"Okay. Basta, do you like this?" Pagkaklaro ko.

"Yes, ate." She smiled sweetly.

"Your kuya designed this."

"Pasensya ka na talaga kay kuya. Dakilang kaaway 'yon. Gusto lagi nasusunod." Umirap siya. Ngumiti naman ako. Pareho kami ng pagtingin kay Ximi. He's a pain in our ass.

I bid my goodbye to Aubriene tutal time ko na at tapos na rin ang trabaho ko. Bukas, iba naman ang aasikasuhin ko. 'Yong mga design naman sa venue. Bukas na rin idi-discuss iyon.

"Pauwi na po ako." Sabi ko sa driver sa kabilang linya.

"Sige, Ma'am Luca." Sagot niya. Pinatay ko na kaagad ang tawag.

I waited outside for manong driver. Dala ko pa rin ang laptop ko. We've been together for a decade. I've been using this since I was in high school at hanggang ngayon ay buhay pa rin.

Labinlimang minuto ang lumipas pero wala pa rin si manong. Natutukso akong magcommute nalang. Sayang 'yong mga dumadaang taxi na walang laman.

Mula rito ay tanaw ko ang isang pamilyar na kotse. Kung 'di ako nagkakamali ay kay Ximi ito. Black SUV. Huminto ang sasakyan sa tapat ko at bumukas ang pinto sa kabila. Lumabas ang pamilyar na mukha na ngayo'y nakasuot pa ng itim na sunglasses.

"Good afternoon, Luca." Nakangisi niyang bati. Tinanggal niya ang salamin at tumingin nang diretso sa akin.

He's wearing a polka dots, black long sleeve polo, dark jeans and brown leather shoes. Preskong presko ang dating.

"Let's go?" Aya niya at binuksan ang pinto. Umirap naman ako't tumalikod sa kanya.

100 pieces ang pinagawa sa 'kin pero 50 lang pala ang kailangan? What a piece of crap!

"Luca!" Tawag niya. Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya.

He's making my life miserable. Hinding hindi ko palalagpasin 'tong ginawa niya sa 'kin!

"Let's go home, Luca!" Tawag niya ulit. Binalewala ko pa rin. Manigas siya!

"Luca!" Maawtoridad niyang tawag na sinundan ng paghablot sa braso ko.

"Ano ba, Maximilian?!" Sigaw ko sa kanya. "Ano bang gusto mong mangyari, ha?"

"What are you talking about?" Kunot noo niyang tanong na mukhang naiinis na sa akin.

Well, let's get even, Maximilian!

"You're a jerk!" Sigaw ko sa kanya at tinulak siya. Napatianod siya sa ginawa ko. "You're making my life a hell one. Ano bang gusto mong mangyari, ha?!"

Triple ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang katawan ko sa galit. Para akong bomba na sasabog maya maya.

"What? Tell me, Luca. Explain it to me!"

I gritted my teeth in anger habang nakatingin sa kanya nang masama. This boy never failed to ruin my life. Kahit anong subok kong maging mabuti sa kanya, he's always crossing the line.

"You see? 'Di mo alam ang tinutukoy ko kasi marami kang plano para sirain ang buhay ko?"

Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang palad. He looked so frustrated. Mas frustrated ako sa kanya!

"What the hell are you talking about, Luca? What sirain ang buhay mo? Are you crazy?"

"Fucking idiot." Mura ko sa kanya. "Don't play innocent here, Ximi. Para saan 'yong 50 cards na 'di naman kailangan sa debut ni Aubriene?"

Isa pa talaga, Ximi. Masusuntok kita sa mukha.

"What?!" Kunot noo niyang bulalas. "That's for her guests, Luca. 'Di porket sinabi niyang 50 lang ang kailangan niya, it doesn't mean hanggang doon lang 'yon. Isipin mo naman na kailangan nila mama at papa 'yong 50 para sa mga kaibigan nila. And you think I won't invite my friends, too?"

Binola ko nang mahigpit ang kamao ko. Kung sa inaakala niyang nakuha niya ako sa palusot niya, well, he's wrong!

"He's a liar, Ate Luca. Nagpapaikot lang 'yan ng mga tao."

"And why would I believe you? You're a son of lies."

Habol habol ko pa rin ang hininga ko pero unti unti ko ng nararamdaman na kumakalma na ako. Gayunpaman, galit pa rin ako sa taong 'to.

"I'm not expecting you to believe me, Luca." Mahina niyang sagot, sounding defeated. "It's your choice. Now, would you mind to get inside? Let's go home, Luca."

"May sundo ako." Agap ko.

"I'm here, can't you see me?"

Sinamaan ko siya ng tingin. This man reached his extreme level of confidence and arrogance.

"Hindi ikaw ang tagasundo ko. Sino ka? Si Kamatayan?"

I want him out of my life. Gusto ko nalang maging maayos muli ang buhay ko.

He was about to say something when his phone rang. Tinitigan niya muna ako bago kinuha ang cellphone para sagutin ang tumatawag.

He pressed something on his screen and placed the speaker near his ear.

"Yes, Moffet?" Bungad niya sa kabilang linya. Ang kaninang galit ko'y natupok dahil sa pangalang iyon.

Magkakilala sila ni Moffet?!

"Yes, bro." Ani Ximi. Gusto kong isipin na kapangalan lang iyon ng lalaking gusto ko dati pero parang posibleng si Moffet nga iyon.

I swallowed hard. Baka tama si Ximi na posibleng kahit ilang taon na ang lumipas ay gusto mo pa rin ang isang tao. May nagbago man o wala. Or as long as hindi ka tumitingin sa iba.

Pinatay na ni Ximi ang tawag. Hindi ko na nasundan ang naging usapan nila dahil nawala ako sa ulirat. Masyado akong nahalina sa mga iniisip ko.

"Luca, please..." aniya, tunog desperado. "Let's go home."

I threw him a glare at nagmartsa papunta sa kanya. He opened the door silently at pumasok din akong tahimik bago niya sinara ulit. Umikot siya at siya naman ang pumasok.

My goodness! Nakakakaba. Paano kaya kung malaman ni Ximi na dati ko pa gusto si Moffet? Will he ruin my life a little bit harder?

Next chapter