EPILOGUE
-SIMOUN-
A SMILE formed on my lips as I sipped the last drop of coffee on my cup. After all these years their Hide and Seek game ended the way I was hoping.
I'm just a man who will do everything for the sake of my love. Even if I have to use other person. I can't be with her so I want to give her to the person I know she'll be happy with.
It's Cee.
I am always trying to suppress myself from bursting out and I'm glad I was able to do it.
No one was able to notice it. No one was able to know it. And I will just carry it 'til the day I die.
It was a forbidden love so I can't help. Hindi sa hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko. Sadyang alam ko lang na sa huli ay matatalo ako. I know all the consequences that we will face once we live together at ayokong maranasan niya iyon. Hindi rin naman ako sigurado kung mananalo ako.
Duwag? No, that's not it. Susugod ka ba sa isang laban kung saan alam mong ni katiting na porsyento nang pagkapanalo ay hindi mo makakamtam?
Duwag para sa akin ay hindi ang taong hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal niya. Ito ang taong patuloy na lumalaban kahit alam niyang marami na siyang masasaktan dahil lang sa hindi niya matanggap na kahit kailanman ay hindi sila puwede.
Bravery? Para sa akin ito ay ang pagtanggap mo na talo ka na sa larong ang tadhana ang nagmamanipula.
You can't win over destiny because if you do chaos will start. And before you can defy destiny you need to overcome yourself first. Sa bawat desisyon na gagawin mo nakaka-apekto ang sarili mong pananaw. Kaya kanya kanya tayo ng pananaw tungkol sa kaduwagan at katapangan pagdating sa pag-ibig.
Kanya kanya tayo ng paraan para mapasaya at maipakita nating mahal natin sila.
At ang paraan ko ay ang pagtulong na makamtan niya ang kaligayahan. Kahit na hindi sa akin.
Tumayo ako mula sa kama ko kung saan ako naka-upo. Maglalakad na sana ako nang makita ko ang litrato kasama ang babaeng mahal ko. Kailangan ko nang kalimutan ang pag-ibig ko na umusbong para sa kanya.
Hinawakan ko ang larawan na nakapatong sa lamesa malapit sa higaan ko saka ito itinumba.
To move forward, left everything in the past.
-VEATRICE-
"I LOVE you Haven," mahinang bulong ko habang hinehele ang anak ko sa mga bisig ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang inosenteng mukha ng anak ko. Wala pa siyang kamuwang muwang sa kung anong nangyayari sa paligid niya.
Hindi niya alam na may kapatid siya na pinsan niya rin. Masyadong magulo ang kalalakhan niyang paligid at ayoko nang ganoon. Magkakaroon siya ng isip at dadami ang mga tanong niya na hindi ko alam kung masasagot ko nang walang halong pagsisinungaling.
Ayokong maranasan niya iyon.
Ayoko ring maranasan niya na walang kalakihang ama. Pero kung papapiliin ako kung ano ang mas ayokong maranansan niya ay iyon ang lumaki sa mundong puno ng kasinungalingan.
Naranasan ko na eh. Mahirap magpanggap. Hindi rin ako sigurado kung makakaya niya katulad ko. Alam kong mahirap at patago kang masasaktan. Walang dadamay sa'yo dahil hindi rin nila alam kaya ayokong iparanas sa kanya.
Kaya sigurado na ako sa desisyon ko.
Inilapag ko ang anak ko sa crib niya at saglit pa itong pinagmasdan bago lumakad patungo sa cabinet. Sa cabinet kung saan ko itinago ang isang envelope na sinabi ko sa sarili ko na ilalabas ko lang kapag sigurado na ako.
Divorce papers.
Dati ang inaalala ko lang ay ang ate ko rin. Parehas kami na poprotektahan ang isa't isa. But the thing that lit up my jealousness towards her is love. Siya na nga ang mahal ni Cee siya pa ang mahal ng lalaking una kong nagustuhan. Sa tingin ko ay masyadong unfair.
Pero ngayong may anak na ako. She's the only one that matters to me the most.
Kaya ito ang desisyon ko.
I won't let her live in this cruel life. Kaya sa oras na dumating si Cee. Handa na akong pirmahan kasama niya ang papel na tuluyang magpapalaya sa aming lahat.
-TAUX-
A MESSAGE from Amanda made me woke up so early. Gusto niyang makipagkita sa akin sa isang coffeeshop dahil may importante raw siyang sasabihin.
At first I felt so excited. Pero habang pa-ikli nang pa-ikli ang distansiya ko mula sa coffee shop na pagkikitaan namin ay mas lalong kumabog ang dibdib ko. Iba na ang pakiramdam ko. May hinala na ako sa puwedeng mangyari. Pero kahit alam ko na ang mangyayari tumuloy pa rin ako.
I want to hear it straight from her.
Nang nagsimula akong mahulog sa kanya ay alam ko na ang mga posibleng kahinatnat. I can't replace Cee from her heart pero nagpatuloy pa rin ako. Hindi naman masama na sumubok.
At least I don't have any regrets.
"Kanina ka pa ba dito? Sorry na-late ako, medyo traffic kasi," she asked as she sat in front of me.
"Kadarating ko lang din naman kaya ayos lang," wika ko para hindi na siya mag-alala pa. "Order na tayo?" pagyayaya ko pero umiling siya.
She doesn't want to prolong my suffering. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat.
"Mabilis lang ito," aniya na may ngiting nag-aalangan.
"Then let me hear it now Amanda."
Yumuko siya saka huminga nang malalim. Muli niyang inangat ang ulo niya at diretsong tumingin sa akin.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito. Ayaw kitang saktan pero--" Huminto siya sa pagsasalita. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya kaya ngayon ay nasisiguro ko na kung ano ang nais niyang sabihin.
"I already know it. I can feel it. Hindi mo na kailangang sabihin." Ako na ang nagpatuloy sa sasabihin niyang alam kong hindi niya masabi sabi.
Tumingin ako sa relong suot ko at nagkunwaring inaayos ito. "Umpisa pa lang alam kong wala akong pag-asa pero hindi naman masamang umasa," sabi ko saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Hindi ko sinabing pilitin o pag aralan mo akong mahalin. Hindi rin naman kita pinipilit na suklian mo ang pagmamahal na ibinibigay ko kaya wala kang kasalanan," pagpapatuloy ko pa.
"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.
I smiled. Kahit masakit nginitian ko siya. "You don't have to be sorry," I said as I cupped her chin to look at me. "I'm your bestfriend, right? So I am rooting for your happiness. Kung saan ka sasaya susuportahan kita!"
For the second time in my life, I used that line.
Hanggang pangkaibigan na lang ba talaga ako?
-CHASEL-
"WHAT'S THIS?" I asked as she put an envelope on my table.
Tinitigan ko siya saglit bago kinuha at binuksan ang envelope. Inisa-isa ko lahat ang bawat papel sa loob at saka muling bumaling sa kanya.
If she gave me these papers a year earlier then maybe everything were already settled. Pero gaya nang sinabi ni Amanda lahat ay may rason. Lahat epekto nang kung ano ang paniniwala natin. Lahat ay konektado kung ano ang mas mahalaga sa atin.
Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang mahalaga sa akin. Ang alam ko lang ay mahal ko si Amanda. Hindi ko na iniisip kung ano ang puwedeng mangyari sa akin, sa tao sa paligid ko. Doon lang umikot ang paniniwala ko.
But I doubt. Like what she said, hindi ako magkaka-anak kay Veatrice kung siya lang ang nasa isip ko. I fell in love with Amanda but I learned to love Veatrice.
Kung sino ang mas matimbang hindi ko alam.
"Malaya ka na. Puwede na kayong magsama ni ate," she said with a smile.
A smile that looks so positively to her. A smile that always cheer me up back then when I am still the Cee who is loyal only to her.
"Bakit ngayon lang?"
Kung noon pa sana ito nangyari baka ngayon ay naghilom na ang sakit na naranasan niya.
"Kasi wala pa si Haven noon. I was stucked in the thought that you are my happiness," aniya.
She was just a lonely girl who wants to be love.
"But you're now late," saad ko saka pina-ikot ang swivel chair patalikod.
"Anong sinasabi mo?" Mahihimigan ang pagtataka sa boses niya.
Huli naman na talaga ang lahat. Ayaw na ni Amanda. In the end-- no, scratch, it will always be her sister.
Tanggap kong wala ako sa listahan ng top priorities niya.
"I'll try my best to be a good father to Haven." I uttered as I closed my eyes.
Hindi ko man magawang magpakatatay sa anak namin ni Amanda at least sa anak namin ni Veatrice magawa ko.
And...
Should I add this too?
"And hoping that someday, I can also be a good husband to you."
This is what Amanda wishes. I should comply.
-AMANDA-
"MOM! AREN'T we going to be picked up by dad?" Cyvix asked as we walked outside the elevator.
Tumingin ako sa kanya. Pilit kong inaalam sa pamamagitan nang pagsusuri sa ekspresyon niya kung sinong dad ang tinutukoy niya.
"Mom, I was referring to daddy T not my real dad," he continued.
Nahalata niya sigurong hindi ko alam kung sinong daddy ang tinutukoy niya.
I should say sorry to him. I lost the game that destiny sets up for us to play. No, it isn't destiny. Ibinigay na sa amin ni destiny ang lahat ng pagkakataon para maging masaya pero dahil kilala ko ang sarili ko I still choose to hurt myself.
Kilala ko ang sarili ko na magpaparaya ako para sa kapatid ko. That's the hindrance why I didn't won the game. This is not Destiny's game. It is a battle with myself. Nasa akin na ang lahat ng pagkakataon pinakawalan ko pa.
"Hindi eh, Sinabi kong gusto kong tayo na lang ang pupunta ng airport," sagot ko sa kanya habang naglalakad palabas ng hotel.
"Okay!" he answered plainly.
Hindi ba niya tatanungin ang tunay niyang ama?
"Mom!" tawag niyang muli sa akin kaya lumingon ako. "My dad has another family, right?" he asked and I just nodded.
"Then you're free to find me a new dad."
Napahinto ako sa paglalakad at kaagad na humarap sa kanya. Ayokong paasahin ang anak ko kaya habang maaga pa ay kailangan kong magsabi ng totoo.
"Pero kaka-basted ko lang kay T. 'Di ba siya ang ideal dad mo?"
"Oh? Really? Then I should start calling him Tito T now. However Tito T isn't the only man, mom. I'm fine with a dad as long as he loves you and you love him too," sambit niya saka nagpatuloy sa paglalakad.
What would you choose? The path to the left when no one is right or the path to the right when no one is left?
I'd rather choose the right path. Kasi alam kong umalis man sila at least may dadating. Kaysa sa tahakin ang daan na puro pagkakamali.
Right, there's a lot of men in this world. I can fall in love with anyone of them when the time comes.
Kapag kaya at bukas na ulit ang puso ko.
Hindi na magiging makasalanang mga gabi. Hindi na patago. Wala nang matatapakan. Wala nang masasaktan.
End of Book 1...
-XXX-
[EDIT] MAY PART 2 (BOOK 2) TO KAYA HUWAG KAYONG GANYAN BWAHAHAHA
Dahil ito ang ending ng Sinful😂 alam niyo na sa Mistress de joke lang.
Dedication list... Comment po dito ang gustong magpadedicate. Just state the chapter or the scene.
ALL RIGHTS RESERVED 2018
X. Lawliet (estudyanteXXX)
DATE FINISHED: 06-10-18
Thank you for reading...