webnovel

Chapter 1

PROLOGUE/INTRO

Thank you so much for reading my book, titled "Secret Girlfriend of Famous Idol", a fanfic/teenfic story about a girl who fell in love to a famous P-pop idol. Will they keep up their hidden love?

I apologize if there are errors, typo's in this book of mine. Pretty soon, I'm going to fix this up for you, my beloved readers!

Disclaimer: This fanfiction is not intended to hurt or bash the real-life characters used in this story. Also, there are fictional characters created in this story.

All of the brands, soundtracks, and trademarks used in this story are owned by their respective owners. The author claims none of the ownership of the references used in this story.

"The Promenada World" is owned under license from The North Collective. Used with permission.

All glory to God!♥️

Published day:April 13,2023

Chapter 1.

CHIA'S POV

Nandito lang ako sa flat ko, nagtetext at nakaupo sa terrace ng bahay namin. Nakatira ako ngayon sa Westphalian Street, dito sa Greater District, Escoda City. Kakauwi ko lang din halos ng eskwelahan, and my school's not far from my flat.

All of a sudden, I hear that someone's knocking on my door. Who could that be?

My friend, Jamaica is knocking on the door. But wait, anong ginagawa niya dito?

Nakabihis si Jamaica na nagpunta rito sa bahay. She's wearing the away jersey of our city team, the Escoda FC. Black and red stripes ang suot niyang jersey, tapos naka-jogger pants siya, sabay nakasuot rin ng Hummel na trainers na itim.

"Uy, beshie!" she said. Niyakap niya ako at nagbeso-beso kami. Pinaupo ko siya roon sa sofa.

"Anong sa atin, beshie?" I asked.

"Namiss kita eh. Bawal ka bang mamiss?" she joked.

"Langya ka, parang sampung taon tayong hindi nagkita sa ganyang pagbati mo eh! Eh kahapon lang, kakakita lang natin!" I replied.♥️

"Eh araw-araw kitang namimiss eh! Kasi nga, ikaw lang ang tunay kong bestfriend, at hindi yan matatanggal ng kahit na sino!" she said.

"Of course, alam ko yan. C'mon, gimme a hug!" I said, and I offered my hands and gestured to hug me. Yun, mahigpit ang naging yakap namin.

"Halika, meryenda muna tayo. Mukhang nakagayak tayo ngayon ah!" I said. Kumuha ako ng bacon at pancakes na nakalagay sa ref. Magluluto ako ngayon ng pancake sandwich.

"Ikaw talaga ang intensiyon kong puntahan ngayon eh. Puwede ka bang umalis ngayon?" Jamaica asked.

"Hindi ko pa sure kung makakagala ako ngayon. Ano bang ganap?" I asked.

"Well, pupunta tayo sa concert! Doon gaganapin sa SM Greater District!" she answered.

"Sinong banda o grupo ang tutugtog?" I replied.

"VXON! In fact, nabili ako ng tickets ah. Para sayo yung isa." she said.

"Baliw, binilihan mo talaga ako ng tix? Eh hindi ko pa sure na makakaalis ako." I answered.

"Dangpangit mo kabonding. Minsanan lang to oh!" she said, na may tono ng pagtatampo.

"Awit sayo. Sayang yung isang ticket. Wala bang ibang tao na available, aside from me?" I asked.

"Wala. Ikaw lang. Kaya go na tayo." she said, insisting me to come with her.

Tutal, sayang ang ticket na binili niya. Alam kong nagpakandahirap siyang bumili ng ticket. Sige, may decision na ako...

"Sige na nga, sasama na ako." I said.♥️

"Uy!!! Thank you so much! Bestie nga kita, no doubt!" she hugged me.

"Walang anuman, beshie. Basta ikaw." I said. "Siya nga pala, kailan yan?"

"Nakalimutan mo, ngayon!" she laughed.

"Sorry, nalutang lang. Nagluluto kasi ako rito eh. Mamaya mo ituloy ang kwento mo." I said. Good thing, hindi natusta itong pancakes na niluluto ko. Tapos na akong magprito ng bacon. Kain muna kami bago umalis.

"Tsaka beshie, salamat sa pagaabala mo, inasikaso mo ako at nilutuan ng meryenda." she said, smiling.

"Walang anuman yun, beshie." I said.

Ibang klase talaga ang kaibigan kong si Jamaica. She values me a lot. And she's valuable to me too.

Finally, natapos na kaming magmeryenda. I wore my black t-shirt, my tore-off jeans, and my Vans Chukka shoes. Simple lang muna magiging pormahan natin pagpunta sa concert. I don't need to wear expensive clothing or yung dress dress, basta makapunta, goods na ako.

Alam niyo, naexcite na ako na makakadalo ako sa concert for the first time in my life. Ibang klase talaga si Jamaica, palibhasa, dangyaman. Mantakin mo, VIP tickets ang binili para sa akin! Ayoko namang sayangin yung binili niya at inooffer niya para sa akin.

"Anyway, first time kong makikita ang VXON. Sa TV at Youtube ko lang sila nakikita, pero ngayon, thanks to you, eto, makakapunta na ako." I said with a smile.

"Franz is cute, by the way!" Jamaica said.

"Uy! Ano ka ba, Justin is way cuter than Franz!" I refuted.

"Gara ah. From Franz, then magiging fan ka ni Justin? Baliw ka, baka mapalayas ka ng amo mo." Jamaica laughed.

"Basta, Justin is awesome. End of discussion." I laughed.

And after I dressed up, we went out of my flat.♥️

After we went out of the flat, she took me a ride in her brand new Polestar 2 car. Sana all may kotse. Not unlike me, na panay commute everytime na aalis ako at pupunta sa city proper. Hay, ang buhay. Sana lahat kasingyaman ni Jamaica.

"Napapansin ko lang. Maunlad ang city natin. We have a lot of trains to ride at kunektado ito sa mga iba't-ibang lugar ng ciudad. Pero, mas madaling magtravel ng may kotse. At sana all, may kotse, gaya mo." I said.

"Ano ka ba? Magkakaroon ka rin ng kotse. Sa ngayon, talagang hindi pa kaya. Pero darating ang panahon, magkakakotse ka rin. Malay mo, mas maganda pa sa kotse ko ang kotse mo, diba?" Jam said with a smile.

Medyo malayo ang SM Greater District kung galing sa bahay namin. Mga isang oras siguro kung kotse, tapos isa't kalahating oras naman pag nakasakay ka sa tren o subway. Pero ngayon, mapapabilis lang, at mapapalibre pa ako, gawa ng may kotse si Jamaica. Nadaanan namin ang mga matataas na buildings ng Greater District, pati ang stadium ng football team na favourite namin ni Jamaica.

At yun, nakarating na kami sa SM Greater District. Eto na ang pinakamalaking mall dito sa city namin. Naghanap kami ng mapaparkingan, at buti naman eh hindi puno ang parking lot ng mall.

Pagpasok namin sa mall, marami kaming nakita na mga kapwa fans namin ng P-pop. May iba na nainom sa Starbucks. Baka mamaya eh bago umuwi ay bumili ako ng maiinom sa Starbucks, kahit matcha lang.

Pero, naririnig namin na nagbubulungan ang iba. Ano kayang napaguusapan nila?

"Supposedly, dapat ngayon ang concert eh. Nakakainis, bakit kinancel?" one of the fans said.

"Jam, cancelled raw ang concert? Hala! Sayang naman ang tix na binili mo!" I said.

"Pagtanong-tanong muna natin. Baka rumours lang yan." she replied. So, lumapit kami sa mga nagbebenta ng ticket na malapit sa stage.

"Ma'am, cancelled po ba ang concert?" we asked.

"Opo, cancelled po. Iniba po ng date eh. Pero don't worry, magagamit niyo naman ang tickets na binili ninyo. Nareschedule lang po gawa ng may biglaang conflict raw po ng dates. Yun lang po." the ticket seller said.

Tsk, tsk. Wrong timing nga naman. Nagaksaya pa ng battery ng kotse si Jamaica papunta rito, tapos cancelled lang? Hay, buhay.

"Mabuti pa, mag-kape na lang muna tayo." Jam said to me. Nagpunta agad kami sa Starbucks na malapit roon sa stage. Umorder kami ng matcha latte para sa aming dalawa. Umupo na rin kami sa malambot na mga sofa nila.

"Okay lang naman na macancelled itong concert nila. At least, hindi sayang ang ticket na binili ko. Magagamit naman pala ang tix na ito sa nireschedule na araw." Jam said.

"Oo nga eh. Siguro, gumala na lang muna tayo. Tutal, nandito na lang naman na tayo." I said. I stopped talking and I began to sip my latte.

"Mas mabuti pa nga." Jam said.♥️

Naisipan naming gumala muna at maghanap ng mga merch ng VXON, SB19 at anything na P-pop. May nakita kaming nagbebenta ng merch nila sa third floor. Pero, dahil hindi pa dumarating ang allowance ko, ay nagtingin na lang muna ako. Wala tayong magagawa, pag walang pera, nganga. Babalikan ko na lang pag nagkapera na ako.

Not unlike kay Jam, eh kahit anong gawin mo, ay may lagi siyang pangbili ng merch, dahil nga mayaman siya. She bought some merch that day, including a t-shirt.

After Jam bought some merch, it was time for us to go home.

"Beshie, hatid na kita sa inyo. Salamat dahil sinamahan mo ako." she said. She was smiling.

"Walang anuman, beshie. Next time ulit." I said with a smile. Nagpunta na kami sa parking lot ng mall, at sumakay na sa kotse niya. Hindi naman gaanong traffic sa Maysilo Boulevard pag 7:00 p.m.

At nung hinatid niya na ako, ay nagpaalam niya sa akin.

"Salamat talaga beshie ah. Hindi man mission accomplished ang araw na ito, but at least, nakapagspend tayo ng oras para sa bawat isa. Goodnight." Jam smiled.

"Walang anuman. Ingat ka sa paguwi." I smiled. Sinarado ko na ang pinto ng flat, at umakyat na ulit sa third floor, na kung saan nandoon ang flat room ko.

After that, I decided to lay down on my bed, at magcheck ng messages at posts sa wall ng FB ko, but little did I know na inaantok na pala ako, at nakatulog na sa pagod.♥️