webnovel

Chapter 2

CHIA'S POV.

Shocks! Nagriring ang alarm clock ng phone ko! Anak naman ng teteng yan oh! Alas siyete na pala ng umaga! Napansin ko rin na ang daming mga unread messages na pumasok sa Messenger ko. It seems that, maaga akong nakatulog. Napagod ako malamang sa naging lakad namin nina Jamaica. Pero, mabuti na rin iyon.

Bumangon ako at agad-agad kong kinuha ang mga kailangan ko sa pagligo. Para hindi mabigla ang katawan ko, nagbuhos ako ng tubig sa paa muna bago sa ulo. It will help you from preventing yourself na pumutok ang ugat sa iyong ulo.

After shower, I went to wear my black Supreme t-shirt, jogger pants and my Vans Chukka shoes. Kinuha ko rin yung Wip Caps ko na snapback cap, at sinuot ito ng medyo tilted.

"Chia, nasa school ka na ba?" Jamaica sent me a message.

"Wala pa. Paalis pa lang ako ng flat ko." I replied.

"Huwag ka nang mamasahe. Dala ko tsekot ko, sunduin na kita dyan." she replied.

"Lifesaver ka talaga! Salamat! Sige, aantayin kita rito." I texted back. At habang nagaantay ay nagtimpla muna ako ng kape. Buti na lang may stocks pa ako ng Kopiko Brown sa cupboard ko. Nagsoundtrip na rin muna ako ng VXON habang inaantay ko si jam

(N/P: P.S. by VXON)

At nung nakapagkanaw na ako ng kape, saktong dumating si Jamaica.

"Chia, bestie, tara na!" Jamaica said, gesturing me to come inside her car. This time, she bought a Porsche 911 Carrera car. Woah. Napakaluxurious. Speechless ako sa kotse ni Jam.

"Bangis naman ng kotse mo! Sana akin na lang yang kotse mo eh!" I laughed.

"They see me rollin, now they 'hatin!" she joked. "Tara na, huwag mo nang ubusin yang kape mo!"

Sa pagmamadali ko ng paginom, napaso pa ang dila ko. Talaga itong si Jam, nagmamadali, eh alas-nuwebe pa ang pasok namin. May kotse naman at mas mabilis kaming makakapasok, kaysa sa magcommute.

"Awit sayo, napaso pa ako sa kape." I said.

"Deserve." she laughed.

"Ang sama mo!" I protested.

"Just kidding. Inom ka ng mineral water mamaya. Mayroon ako rito sa kotse." she said. Hinugot ko ang lahat ng mga appliances ko rito bago ko nilock ang pinto. Bumaba na ako sa flat, at sumakay sa kotse niya.

"Sana all may Porsche." I said.

"Magkakaroon ka rin neto. Trust me. Maybe sooner!" she said. Good encourager itong si Jamaica eh. Kaya masasabi kong tunay na kaibigan ito. After she turned on her car, we drove away.

Currently, nagaaral kami sa Greater District Annex High School. Public man ang high school namin, pero kumpleto naman sa pasilidad. Kayang-kayang sumabay sa mga eskwelahan sa United States ang school namin. Wala na rin kaming aatupagin sa bayarin ng uniform, dahil civilian ang dress code ng school namin. My school is three blocks away from my flat. It's not that far for me. Pwede kong lakarin or sumakay ako ng bus na biyaheng Greater District to Sperryville, a district near the city boundary. Pero para makatipid, mas gusto kong maglakad na lang. Naaliw pa ako sa paglalakad dahil nakikita ko ang mga magagandang residential buildings ng Westphalia Street.

"Siya nga pala bestie, saan ka nakatira?" I asked.

"Taga-Doherty Village ako. Malapit na sa bandang Tangos." Jam answered.

"Layo nun dito ah! Isang oras at kalahati ang binabiyahe mo? Bakit mo naisipan na dito magaral sa Greater District High? May school naman na malapit sa Tangos." I asked again.

"Wala lang. Hindi trip nina mommy at daddy na magaral ako roon. Mas gusto nila na sa Greater District na lang ako magaral. Baka hindi nila gusto ang facilities ng school sa Tangos." she answered.

"Ganoon ba?" I asked.

"Oo eh. Pero mabisa rin na kahit papaano, malayo ang pinapasukan ko. Sayang naman ang kotse kung hindi gagamitin. Tsaka alam mo yun, nasanay na akong nagdadrive papunta't pauwi ng school." Jam answer.

Finally, nakarating na kami sa Greater District Annex High School. Alam mo yun, sinasabi ng mga tao rito na para ka raw nasa England pag nakapasok ka sa school na ito. Sasabihin ko sa inyo ang totoo, oo. Isa ang school namin sa mga pinakamalalaking high school sa buong bansa, gawa ng kumpleto ito sa pasilidad.

Pumped up at excitement agad ang nasense ko pagkapasok ko sa gates ng school. May mga students pa nga na naggagather at nagchachant. Woah, am I in a football game? May mga malalaking flags at tifos ako na nakikita na winawagayway ng mga estudyante. I'm anticipating for the best chanting that I'll hear in my life.

"Wow. Intrams nga pala ng school ngayon! On what team are we going to cheer?" Jam asked me.

"I'll cheer for my section! Red and yellow!" I shouted.

"Sige, magpapaos tayo! I'll cheer for Sophies United!" Jam said. Nag-high five kami at tumungo sa cafeteria para bumili ng energy drinks.

Hours later, everyone gathered for the opening ceremonies. Habang nasa cafeteria kami, tumawag ang kuya ko, si Siemkyn.

"Chia, nasaan ka? I need a partner here as MC. Punta ka rito sa main stand ng mini stadium natin. Hurry up." Kuya said.

"Okay kuya, papunta na po ako dyan. Hindi ako pormado ah!" I said.

"Walang problema doon. Basta pumunta ka na dito. Bilisan mo." Kuya said.

To be quite honest with you, mahigpit ang kuya Siemkyn. I dunno why he's like that to me ever since I was born.

At isa pa, tinatamad akong mag MC. I would rather spend my voice and my energy chanting for my team, but here I am, pinaghohost. Now what?

"Jam, samahan mo ako sa main stand ng school stadium. Pinaghohost na naman ako ni kuya." I said, shrugging.

"Sige, go lang." Jam said. We took our energy drinks and went to the school stadium.

Pagdating namin sa stadium, rinig na rinig namin ang non-stop chanting ng dalawang set ng supporters. Maglalaban nga ang Sophomores, and they call themselves as Sophies United FC, at kalaban nila ang District Young Boys, ang freshmen team. I'm neutral pala. The flags are waving. The scarves are waving in the air, and some students are jumping up and down as they chanted very loud for their teams. In short, the atmosphere is electric!

Pagdating ko sa main stand, agad-agad akong nilapitan ni Kuya Kyn.

"O Jam! Nasaan ka ba? Kanina pa kita hinahanap!" Kuya said. He's scolding me.

"Kuya naman, hindi ko nga alam na mag-emcee pala ako!" I protested.

"Oo nga pala. My bad Chia. Hindi kita nasabihan. We'll be having some guests today. Mga sikat na P-pop group. Basta sabayan mo na lang ako. Magadliban na lang tayo ng lines. Got it?" Kuya instructed.

I just nodded in agreement.

"Opo kuya. Susunod lang ako sa magiging flow ng program. Ikaw na bahala sa akin." I said.

"Kaya mo yan." he said.

Wala nang atrasan ito. Wala na akong pakialam, kahit na limang libong katao ang nasa harap ko.

Finally, the opening ceremonies has begun. Kuya gave me the mike. The school stadium is roaring and alive, as if I'm in a Champions League game. Grabe. Nalulunod ako rito. But still, I have to do my job.

"Good morning Greater District College!" I and my kuya greet the crowds in unison. The crowd went wild immediately after we began to speak.

"Good morning and welcome students sa ating Intrams Football League. Students, roar your loudest chants!" Kuya said. I can hear nothing but the football chants roaring from the east to west stands.

I was being overwhelmed by the passion of the students, hindi ko namamalayang tumutulo na ang luha sa aking mga mata. This is the energy that I wanted!

Narration.

Right at the backstage, naghahanda na ang mga P-pop groups para sa kanilang performance. Nabalitaan kong manonood rin sila ng first match.

"Guys, get pumped up! I can hear the crowds roar for us and their teams. Let's go!" Pablo said to his fellow band members.

"Folks, back to back tayo with SB19. It's an honour na makakasabayan natin sila sa performance. Galingan natin for them and for the fans. C'mon lads!" C13, the leader of VXON, said to the crowds.

Nagbigayan ng handshake ang dalawang grupo habang nasa dressing room sila.

CHIA'S POV

"Okay students. Before we go ahead to the opening match. Let's give way to our first two guest performers! We are pleased to intoduce to you our first group, ladies and gentlemen, let's give it up for Zephanie!" I introduced. After that introduction, we went back inside the stands.

Zephanie is a very beautiful young woman. Grabe, at her young age, she won the Promenada Idol! Iba ang karisma niya.

Zephanie is wearing a long-sleeved black Vans t-shirt, pants and Reebok trainers as she went to the middle of the pitch to begin her performance. Everyone loves this talented young woman, even me!

"Magandang araw Greater District College! Salamat po for having me today as your guest sa parating ninyo na Intrams Football League! This time, allow me to sing for you folks! Enjoyin natin ang umagang ito!" Zephanie said to the crowds.

"Kuya, ang ganda pala ni Zephanie sa personal, ano?" I asked. We are watching the performers in the main stands.

"Sinabi mo pa." tipid niyang sagot. His arms are folded as she watched Zephanie.

After performing three songs, ay nagpasalamat si Zephanie sa mga sumabay sa kanyang mga awitin, then she left the pitch. Bumalik rin kami sa pitch para mag-MC ulit.

"Wow, that's a great performance for Zephanie! I'm sure that you students loved it!" Kyn said.

"I agree partner. And this was the first time that I saw her personally. She's full of charisma. Hindi lang pala siya sa TV maganda ah, pati sa real life rin!" I added.

"Totoo yan partner. And sinong excited for our next performer? Our next performer will bring more heat to this colourful atmosphere. Huwag na nating pahabain pa, let's welcome folks, G22!" Kyn excitedly said.

Literally, na starstruck ako dahil dang ganda ng mga members ng G22! Like, omg, lalo na si Jaz at Alfea! Lahat sila eh. Dumagundong ang studio as they went to the pitch. Lahat sila ay nakasuot ng mistulang mga racing jackets.

"Good morning Greater District, we are G22!" the G22 said in unison. They performed three songs as well. Sumasabay ang lahat at hindi nilunod ng mga fans ng chants ang performance ng G22. World-class ang grupong ito, lemme tell you.

After performance, the G22 gave away shirts and merchs for the students before heading towards backstage. Bumalik ulit kami sa pitch para ientertain ang mga estudyante.

"Grabe, we never thought that G22's going to bring the heat for you guys!" I said to Kyn.

"Totoo yan partner. Pero panimula pa lang iyan ladies and gentlemen. Papunta na tayo sa mas exciting na part. Hindi na namin papahabain pa. Ladies and gentlemen, let's give it up for VXON!" Kyn said. Mas maraming mga estudyante ang nagaabang sa VXON, at lalo na sa SB19.

Right after we introduced them, bumalik ulit kami sa main stand, but this time, hinanap ko si Jam dahil napansin kong nawala siya bigla after we went backstage. Maybe, she blended in the ultras section? I dunno.

I tried to message her on Messenger, pero hindi siya nagrereply. Pambihira ka Jam oh, sabay nawala ka oh!

As soon as VXON ended their five-song set, it's now the time for the main event. I wonder who's the last group that will perform?

Kuya called me from the dressing room. Hindi ko gaanong nakita ang VXON. Papaano, nagfofocus ako sa paghanap kay Jam. I wonder where did she went? Dinaig ko pa ang paghahanap kay Carmen Sandiego dahil misteryosong nawala ito. Ghost malala pala ah! Sige ka. She gave me the copy of my script. But when I read it...

Nagulat ako. I began to shake.

SB19 ang main event sa opening ceremonies na ito. Pero bakit man lang binanggit ni kuya na sila pala ang magiging main event?

Gusto kong sumabog sa inis dahil sa ginawa ni kuya Kyn, pero hindi ko siya masisisi. Pero iniisip ko, is Kuya testing me? Well, I dunno. But for now, I've gotta focus. Tsaka ko na siya kukumprontahin pagtapos nentong hosting duties ko. Bahala na muna.

We headed back to the pitch to continue our hosting duties. But this time, medyo lumulubog ang hearing ko, at para akong nagkakavertigo, I dunno why.

"Partner, grabe ang VXON! Dangbangis ng performance talaga nila ano?" Kyn said to me.

Nalutang ako ng konti dahil naooverwhelm ako at naguguluhan sa mga nangyayari ngayong araw. Why is this happening? Hindi ko gaanong narinig ang sinasabi ni kuya. At parang walang buhay akong nakatitig sa kanya

Bumulong si kuya Kyn sa akin.

"Uy, anong nangyayari sayo, Chia?" he whispered to me.

"Uh-uh... y-yes, partner. Kita mo, speechless ako dahil mahusay ang performance na binigay ngayon ng VXON sa atin!" I replied.

"Chia, ikaw na magpakilala sa SB19." Kuya whispered to me.

Ano ka ba kuya, nananadya ka ba? Grabe ka ah! Ang lala ng ginagawa mo sa akin!

Hesitant pa ako kung gagawin ko ang pinapagawa ni Kuya. But since I need to be professional, sige, sige, pagbibigyan na kita!

"So ladies and gentlemen, this is the main event of this ceremony. This is an award-winning P-pop group. Nakilala sila sa kantang Go Up, Alab, and currently, Bazinga. Ladies and gentlemen, let's give it up for... SB19!" I said.

Habang pinapakilala ko sila, ang totoo niya, tinatago ko ang inis ko. Nagpapanggap akong masaya. Pero salamat sa Diyos, naitago ko ang inis ko.

But when I went back to the dressing room, bigla na lang akong naiyak. Hindi ko na napanood pa ang performance ng SB19 gawa ng gusto kong kumprontahin si kuya, at sumabog sa inis.

"Kuya, bakit hindi mo man lang sinabi na sina Justin pala ang main event? Anong trip mo?!" I yelled.

"Ano ka ba? Hindi ko nga rin alam na SB19 ang main event eh! At pwede ka Chia, kumalma ka! Ang ganda ganda ng spirits natin kanina, tapos ngayon magkakaganyan ka?! Can you please calm down?" Kuya said.

"Siguro may kasabwat ka rito ano kaya nangyari ito?" I said.

"Wala nga! Wala, Chia! As in wala!" Kyn frustratingly explained.

But, I'm not convinced on kuya's explanation. I'm not. At kapag nalaman ko kung sino man ang mga kasabwat niya at anong reason ng paggawa niya ng gaanong klaseng plano, trust me. Maghahalo ang balat sa tinalupan.

KYN'S POV

Mission passed! Dinaig ko pa si CJ ng GTA San Andreas sa husay kong maging matagumpay ang plano ko! Buti na lang, hindi alam ni Chia na nandito ngayon ang SB19!

Papasok kami sa pitch at kita kong naiiyak sa inis si Chia sa akin. Well for me, magpapanggap akong inosente at sasakyan ko lang ang paghihimutok ng kapatid kong ito.

"Kuya, bakit hindi mo man lang sinabi na sina Justin pala ang main event? Anong trip mo?!" Chia yelled. Kita ko ang galit niya sa akin habang kinukumpronta niya ako.

"Ano ka ba? Hindi ko nga rin alam na SB19 ang main event eh! At pwede ka Chia, kumalma ka! Ang ganda ganda ng spirits natin kanina, tapos ngayon magkakaganyan ka?! Can you please calm down?" I explained.

"Siguro may kasabwat ka rito ano kaya nangyari ito?" she said. Kita kong umiiyak na siya. Well, drink your tears, Chia!

"Wala nga! Wala, Chia! As in wala!" I frustratingly explained. At lumabas ako para magpahangin at manood kunwari. Pero ang totoo niyan, gusto kong sumigaw sa tuwa! But right now, as I'm enjoying the outcome of my successful plan, ay manood muna ako ng performance nila. Sabay nood na rin ng football!

Narration

Chia was crying all alone in the dressing room. She was surprised, angry and sad at the same time. Never siyang napaiyak ng ganito and her cries can be heard even on the outside areas of the dressing room.

Alfea and AJ, two of the members of G22, heard Chia's cries. Naglalakad sila sa hallway ng main stand when they heard Chia's cries.

"Uy, may umiiyak ah? Sino kaya yun?" Alfea said.

"Huwag mong sabihing may multo rito, Alfea?" AJ joked nervously.

"Baliw ka? May multo bang nalabas ng umaga?" Alfea laughed.

"Mas mabuti pang tignan natin. Baka tao talaga yan." AJ said. So, they opened up the door, and yes, they saw Chia crying alone.

CHIA'S POV

I kept on crying from the pain that I'm feeling right now..

But as I'm crying, I noticed that the door of the dressing room is opened, at nakita ko na pumasok sina Alfea at AJ, two of the members of G22.

"Miss, okay ka lang ba?" AJ asked. They both sat beside me, umupo sa kaliwa si AJ, tapos si Alfea sa kanina.

I looked into them. They both gave me a genuine embrace, allowing my tears to fall more. This time, humahagulgol na ako.

I thank God that these two ladies are being sent by heavens to comfort me. Buti na lang, may mapagbubuhusan ako ng luha.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Alfea asked.

"Ate, wala po ito. Nalulungkot lang ako." I answered.

"Are you okay now?" AJ asked me. Binigyan niya ako ng bottled water, at ininum ko naman ito.

But this time, kailangan ko namang itago itong frustration ko kung sakaling tanungin nila ako.

"Eto ate, medyo nalulungkot lang ako. Nafufrustrate." I answered.

"About what? About your hosting? Ang galing mo kayang maghost!" Alfea cheered.

"Oo nga, tama si Alfea. Hindi ko man alam kung anong nangyari, at hindi na namin aalamin pa, pero okay lang yan. Ganyan talaga. May techinical difficulties talagang nangyayari. Pero para sa amin, masasabi kong mahusay ka!" AJ interceded.

"O diba, tama si AJ! Kaya okay lang yan, huwag ka nang umiyak. Gusto mo bang sumaya? Tara labas tayo, at manood mamaya ng football game after ng performance ng SB19. You good with it?" Alfea offered.

"Sige po. Manonood po talaga ako ng football game. Yun naman po talaga ang pinunta ko rito. Ate Alfea, ate AJ, salamat at nawala kahit papaano ang lungkot ko." I said I smiled slightly.

"Wala yun. Huwag ka nang malungkot. Ganyan talaga." Alfea smiled.

Niyakap ko sila at niyakap rin nila ako. Nag group hug kami bago sila lumabas ng dressing room.

This time, ayoko munang makita sina kuya. Papalipasin ko muna ang mga nangyari ngayon.

Narration

Tapos na ang performance ng SB19, at bago pa man makabalik ang SB19 sa dressing room ay lumabas na si Chia. She went back to the VIP seats of the main stand, at tinabihan ang kuya niya. The match between Sophomores and the Freshmen. The chants of each set of supporters can be heard, at non stop ito. Mas malupit ang ultras ng freshmen kasi may tambol pa at pa-flares! It's like I'm watching an Italian or a German football game. Kulang na lang, may beer eh. Football game na talaga.

"Chia, mamaya, bili ka ng drinks natin. Kahit Coke lang. Okay lang ba?" Kyn commanded me. Akala mo kuya, nawala na ang sama ng loob ko sayo? Well, hindi pa.

"Yeah. Whatever. Just enjoy the game first." I said, then I rolled my eyes in dismay.

Malapit nang magsimula ang match. Nakita ko ang members ng G22 na umupo rin sa VIP seats. Katabi nila si Zephanie at kakwentuhan ni AJ si Zephanie. Hindi ko pang nakikitang lumabas ang SB19 at VXON, tho, they'll be there to watch the football game as well.

Mas lumalakas ang chants at singing ng both sets of supporters. You readers might disagree with me, but the atmosphere's much better than any European football matches! South American level na! Everyone in the stadium is jumping up and down whilst chanting. At partida, hindi po ito professional level ng football, college pa lang po!

Naririnig kong nagdidiskusyon ang G22 at sina Zephanie habang pinagmamasdan ang football atmosphere. Naiiyak pa nga sa tuwa si Zeph sa nakikita't naririnig niya.

"Grabe, ganito pala ang experience sa pagnood ng football? Totoo nga na ang ganda at ang husay ng mga football supporters na ito! Naiiyak ako sa atmosphere eh! Para silang nasa concert, ang wild!" Zephanie said.

"I agree! It reminds me of watching A-League games when I was still living in Australia. But this is two times crazier!" Jaz answered.

"Guys, just watch these supporters and just watch the game! I wonder who's gonna win!" Bianca smiled.

Kick-off na. The Sophomores control the ball and they're wearing red and gold kits, whilst the freshmen's wearing all-sky blue Adidas kits.

"Chia, kuha ka na ng drinks natin. May nagtitinda ng drinks rito sa hallway." Kuya instructed me. He gave me a dollar bill to buy two pints of cola for us.

Lumabas ako ng VIP room ng main stand at pumunta nga roon sa snack bar. I bought four cups of Coca-Cola for me and kuya, at sinamahan ko na rin ng chili hotdogs na may fries at potato chips. Gross, this is unhealthy, pero minsan lang naman ito, so considered na cheat meal na ito agad.

Nakabili na ako ng drinks at bitbit ko ito. Medyo nagmamadali akong bumalik sa VIP room.

But, accidents happen.

It happened na kasalubong ko ang VXON at papunta rin sila sa snack bar. Sa pagmamadali ko, ay nabunggo ko ang isa sa kanila. Napunta sa damit niya ang chili hotdogs. Jeez, this is a big mess!

"Miss, ano ba? Bakit mo namantsahan ang damit ko?" that guy said to me. Nakikita kong badtrip ito.

"S-s-s-sorry. Hindi ko sinasadya." I replied.

"Franz, ano ka ba? Pagpasensyahan mo na lang yung tao! Halika na!" C13 said.

"Huwag ka kasing natataranta, babae. Padalos-dalos ka eh. Hindi mo ba alam na nakakaagrabyado yang ginagawa mo? Huwag kang tatanga-tanga miss sa susunod." Franz said to me.

This time, nilapag ko muna ang mga drinks at binili kong fries at chips sa lamesa. Sayang lang talaga yung chili dog. At badtrip na iyon pa ang nakapagmantsa sa damit niya. I need to stand up for myself.

"Nagsorry na nga po ako eh! Pero gusto kong bawiin yang sorry na yan dahil sa pagsabi mo ng tanga sa akin! Sino ka para sabihan ako ng ganyang word?" I said.

"Miss, miss, pagpasensyahan mo na si Franz. Kami na ang magsosorry in behalf of him." Patrick said to me. Eh sino ba namang hindi magagalit na pagsabihan ka ng tanga?

"Hindi pa tayo tapos." Franz said to me.

"Talagang hindi pa." I answered. Kahit miyembro ka ng VXON, wala akong paki. Kung masama ang asal mo sa akin, mas masama ang asal ko. Kinuha ko ang drinks ko, ang chips at ang fries ko, sabay naglakad papalayo sa kanila.

Kinalma ko muna ang sarili ko pagbalik sa VIP seating areas ng main stand.

"Chia, napatagal ka yata?" Kuya asked me.

"Medyo ya. Mahaba ang pila sa snack bar. Tara't manood na lang tayo ng laro." I replied.

This time, hinayaan ko na lang na magenjoy sa football game. Mas mabuting kalimutan ko na lang ang mga nangyari ngayong araw. I don't want to think about what happened right now, it will only spoil the fun and my mood as a fan of The Beautiful Game.

At the added time before halftime, 46:18, a striker from Sophomores scored a stunning bicycle kick and it went in the goal. Everyone of us at the VIP room, and the whole stadium, celebrated for that beautiful goal! Mistulang parang sigaw ng leon ang hiyawan at mas umingay ang pagchachant ng mga fans ng Sophomores. Meanwhile, tuloy tuloy pa rin ang chanting ng mga ultras ng freshmen team despite they conceded a goal. Now, this is why I love The Beautiful Game!

Narration

Chia's instincts was right. Jam was watching the game as well. But when the halftime came, she went out of the stands at pumunta muna sa staircase na malapit sa pasukan papuntang stadium.

"Yo, parating na ako dyan. Antayin ninyo ako. Kita tayo sa lobby ng main stand." Jam said. And finally, she went to the main stand of the stadium.

JAM'S POV

Chia, pasensya na kung nawala ako ng bigla. Hindi ko natupad ang promise ko sayo. At pasensya na, kung minsan ay sinungaling ako.

Para tuloy nakukunosensya ako at hindi mapakali. Lintek. Mangyari na ang mangyari. Basta gusto ko, kahit ganoon pa man, tuloy lang ang pagkakaibigan natin.

"Guys, baba na kayo sa elevator. Nandito ako sa ground floor." Jam said.

After I called my close friends, I waited foe them na makababa sa elevator. It will never take long.

"Yo guys, kamusta kayo?" I said and I gave high-fives to my closest friends, VXON!

"Uy, Jam! Kamusta?" C13 said. Naghigh five kami sabay yakap ng konti.

"Eto, okay lang naman ako. Ayos ang performance ninyo kanina ah!" I said.

"Ay sus, wala yun!" Patrick said.

"Nanonood rin ba kayo ng game?" I asked again.

"Ah oo. Ganda ng laro. Bicycle kick pa yung ginawa ng taga Sophomore na team. I wish that I've got skills like that lad." Patrick said.

"Nasa VIP seating ba kayo? Tara pwesto tayo roon." Jam said.

"Sige ba. Sakto, may dalawang upuan roon na bakante. Duon ka na sa amin tumabi." Franz said.

"Ayos. Tara doon tayo!" I said. Then we went to ride in the elevator.

But, little did I knew that there's gonna be an awkward moment after this ride.

CHIA'S POV

Naiihi na ako. Since halftime pa naman, I decided to go and take a pee first.

"Kuya, ihi lang ako." I said.

"Go ahead. Bilisan mo baka magsimula na ang laro." Kuya Kyn answered.

So I went out of the VIP area and went to the lobby of the main stand. Pero may napansin ako na pamilyar na mukha sa akin sa di kalayuan. So by instincts, pumunta ako malapit sa elevator area.

As soon as I'm near the elevator, I spotted VXON, na kasama si Jam! Wait, wait, wait. How come na kasama niya at kaibigan niya ang VXON?

"Uy Jam!" I approached her.

Iskimo natulala ng saglit si Jam, at sadyang may gulat siya na nakita niya ako.

"Uh, h-h-hey Chia! Nandito ka pala?" she asked.

"Jam, huwag mong sabihing kaibigan mo ang VXON?" I smirked.

"E-eh, ang t-totoo niyan, nakasabay ko lang sila sa elevator." Jam explained but she was stuttering.

"Teka, bakit parang nabubulol ka Jam?" I asked.

"W-wala naman. Siyempre, masaya ako na nakasabay ko sila sa elevator!" Jam said.

"So, mission accomplished, Jam! Kasi finally, nakasama mo ang paborito mong grupo!" I smiled.

"Yeah! Kaya eto, hindi ako makapagsalita, kasi nakamit ko na ang pangarap na makasama ko sila! Haysss, God, thank you!!!" Jam smiled.

"Yieeeeeee!" I shouted. At naghigh five ako kay Jam, at naghigh five na rin sila.

Masaya ako kay Jam na nakasama niya ang mga pinapangarap niya na grupo. This is a sana all moment! Kung ako ito at SB19 naman ang naencounter ko, well, except for Justin, kumpleto na ako!

JAM'S POV

Shocks! Buti na lang at hindi nalaman ni Chia na kaibigan ko ang VXON. Kung hindi, baka malagot ako roon at masabihan pa akong sinungaling na kaibigan. Oh Lord, this time, I could break my sweat dahil hindi niya nalaman.

Let's say, sana hindi niya malaman.