webnovel

Chapter 9: Rescue Mission

[Symon's POV]

Umuwi muna kami sa HQ at kumuha ng mga gamit na kakailanganin namin tulad ng earpiece, baril,dagger at iba pa.

Sumakay na kami ng van namin at tumungo sa lugar kung nasaan ang mga babae.

Nagpark muna kami ng sasakyan namin sa malayo. May dalawang lalaking nakabonet ang nagbabantay sa pintuan ng gusali. Sinenyasan ko ang dalawa at agad naman silang sumunod. Tinakpan nila ang bunganga ng dalawang nagbabantay at pinatulog.

Pumasok na kami sa loob at may limang lalaki kaming  nadatnan.

Sinuntok ni Y ang isa sa sikmura at tinadyakan naman niya ang isa. Sinuntok naman ni X ang kanyang kalaban sa mukha at sa tagiliran. Sinipa ko naman ang kalaban ko sa tiyan kaya tumilapon ito at ang isa naman  ay sinuntok ko sa sikmura. Tigdadalawa kami ni Y dahil hindi naman magaling sa Field si X.

 

Dumeritso na uli kami at hinarangan kami ng tatlong lalaki.

Pinatumba namin silang lahat at muling nagpatuloy.

May nakita kaming isang pintuan kaya dalidali namin iyong tinungo at sinipa ko ito.

Nakita namin ang tatlong babaeng nakagapos sa mga upuan. At mayroong 10 bantay na lalaki at ika 11 kasama si Mr. Barromeo.

"Pakawalan niyo sila" ani ni Y.

[Haley Sia's POv]

"Pakawalan niyo sila" rinig kong sabi ni Dylan. Teka nandito silang tatlo.

"tulungan niyo kami" sigaw naman ni Belle.

"Please be safe" sabi ko naman.

"haha, nandito pala ang inyong mga knight in shining armor eh" natatawang sabi ni Mr. Barromeo.

Lumapit ang tatlong kasamang lalaki kela Sy. Pinagsusuntok at pinagtatadyakan nila ang mga kalaban.

*bogsh*

*togsh*

*pak*

May tatlo ulit na lumapit sa kanila at tulad ng nauna tumba ulit.

"Wow" namamanghang ani ni Belle.

"Yea, wow" nasabi ko na lang.

Lima na lang ang natira kasama si Mr. Barromeo.

"Kayong apat sugurin niyo sila" utos pa ni Mr. Barromeo.

Nagsunuran naman sila at nagsuntukan ulit sila, parang hindi napapagod ang tatlo. At wala man lang ni isang nakatamang suntok sa tatlo.

Ang isang lalaki ay kinalaban ni Cyril, sinuntok niya sa ulo ang kalaban, susuntukin din sana sa tiyan si Cyril pero mabuti na lang at nakaiwas siya. Pagkatapos ay sinipa niya sa likod ang kalaban kaya nawalan ito ng malay.

Ang is a naman ay Kay Dylan, papaluin sana siya ng kahoy pero nasangga niya iyon at hinawakan, pagkatapos ay sinuntok niya ito sa tiyan at sinipa ang tuhod nito. Tulog ang kalaban niya.

Ang natirang dalawa naman ay kay Symon. May nahawak na kutsilyo ang isa. Sasaksakin niya sa sa tiyan so Sy pero nakailag ito ng mabilis. Hinawakan ni Sy ang kamay ng lalaki na may hawak na kutsilyo at binali.

"Ahh" sigaw ng kalaban niya sa sakit.

"Ouch," ani naman ni Belle

Pagkatapos niyang baliin ay siniko niya ito sa tagiliran. Brutal. Namilipit tuloy ito sa sahig.

Hinarap niya naman ang isa. Suntok ng suntok ang kalaban niya at si Sy naman ay iwas ng iwas lang pero sa huli ay sinangga niya ng palad niya ang kamao ng lalaki at inilagay ang kamay sa likod ng kalaban sabay suntok sa ulo. Tumba.

Namilipit sa sahig ang sampung tauhan ni Mr. Barromeo.

Lumapit silang tatlo kay Mr. barromeo kaya na paluhod ito at nakataas ang kamay na parang sumusuko sa pulis.

"Please don't kill me babayaran ko kayo ng kahit magkano  .wag niyo lang akong patayin..kunin niyo na ang tatlong yan... Takot na takot na pakiusap ni Mr. Barromeo.

Kinalagan nila kaming tatlo.

"Salamat" nakangiti kong sabi kay Symon.

"thanks" maikling ani ni Angelique kay Cyril.

"Thanks.ang cool mo" nahihiyang sabi naman ni Belle kay Dylan.

Nakarinig kami ng kasa ng baril kaya napaharap kami sa pinanggalingan nito at sunod ay ang dalawang putok ng baril.

Nakita o si Mr. Barromeo na may hawak na baril at umuusok pa ito tanda ng kakaputok pa lamang nito. Napahiga ito sa sahig matapos barilin ng pulis na dumating.

"Sy.." mangiyak-ngiyak kong sabi habang dinadaluhan si Symon. Niyakap niya kasi ako kaya siya ang tinamaan ng balang para dapat sa akin.

"H-uwag.. kang ..umiyak hindi pa ako mamamatay.. Malayo to sa bituka" nahihirapang sabi ni Symon. Pero nagawa pang magbiro

"Oo,but please don't talk" ani ko.

Sinakay na siya sa ambulansiya at ang mga kumidnap naman sa amin dinala sa police station.  

Sumakay kami sa van na dala nila Dylan at sumunod na kami sa ambulance papunta sa hospital.

Sy please be okay..

To be continued..