webnovel

Chapter 8: Abduction

[HAley Sia's POV]

Pagkatapos ng laro nagkanya-kanya muna kami, kaming mga babae ay pumunta sa lockers ng girls para magbihis at ang mga boys naman ay sa locker din nila.

Nauna akong nakabihis sa dalawa kaya naghintay muna ako sa labas. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas si Angelique at huli si Belle.

"Anong ngingiti-ngiti mo diyan Belle?" tanong ko kay Belle.

"Hmm..Nag-iisip ako ng ipapagawa ko kay Dylan" sagot naman nito.

"Bakit mo naman siya uutusan?" tanong ko uli. Habang si Angelique ay tahimik lamang na sumusunod sa amin.

"wala ka nga pala nong nagpustahan kami ni Dylan.. Ganito kasi yon, kung sino ang magcha-champion sa atin ay uutusan ang matatalo." litanya pa ni Belle.

"Goodluck na lang kay Dylan diyan sa evil plan mo" ani ko.

 

Nang pabalik na kami sa cafeteria para magmerienda ay bigla na lang kaming hinarang ng mga lalaking nakabonet at nakasuot ng all black. Pumiglas kaming tatlo ng hinawakan kami nila ngunit tinakpan nila ang bibig namin ng panyong may pampatulog kaya unti-unti na akong nawawalan ng malay.

Pagmulat ko ng aking mga mata agad kong inilibot ang paningin ko para malaman kong nasaan kami dinala ng mga lalaking dumukot sa amin. Nasa isang lumang gusali pala kami nito dinala.

"aray, ang sakit ng ulo ko" rinig kong sabi ni Belle.

Nakagapos ang mga paa at kamay naming tatlo sa upuan.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Ang sakit ng ulo ko" sagot ni Belle.

"Oo" maikling ani naman ni Angelique.

"Gising na pala kayo?" nakangiting bati ng isang matandang kaedaran lang ni daddy.

"Anong kailangan niyo sa amin?" lakas loob kong tanong.

"Sa inyo wala, pero sa tatay mo meron" nakangisi na nitong sabi.

"Ano bang kasalan ng daddy ko sa inyo?" nagtataka kong tanong.

"Marami" seryosong sabi pa nito.

May tinawagan siya sa kanyang cellphone at ng sinagot na ito ng sa kabilang linya ay niloud speaker niya pa ito.

"Hello? Sino to?" tanong ng sa kabilang linya.

" Delvalle, hindi mo na ba ako kilala?" siya.

"Barromeo? Anong kailangan mo?" Tanong ni daddy.   

"Nasa kamay ko ang pinakamamahal mong anak " anti niya Kay daddy.

"Anak..pakawalan mo ang anak ko" galit na sabi ni daddy.

"Daddy" sigaw ko para marinig ako ni daddy.

"Kung gusto mong makitang buhay ang anak mo at ang mga kaibigan niya.. kailangan mong magquit sa pagtakbo bilang governor bukas na bukas din" ani pa niya.

"Sige kung yan ang gusto mo, at wag mong saktan ang mga bata" daddy.

"Sure..sure..sure" siya sabay patay ng cellphone.

"Hahaha..ikaw lang pa kahinaan niya eh" ani nito sa akin.

"Madaya ka" sigaw ko sa kanya. Pero binaliwala niya lang ito.

---

[Symon's POV]

Pagkatapos naming magbihis ng dalawa ay dumeritso na kami sa cafeteria dahil alam naming matatagalan pa ang mga babae dahil nature na nila yon.

"Sigurado ang saya-saya ni Belle ngayon dahil natalo tayo" ani ni Dylan.

"Kasalan mo naman eh" panunukso naman ni Cyril.Hindi naman talaga tahimik si Cyril ganyan lang talaga yan kapag may babae kaming kasama.

"Oo nga, panalo na sana tayo eh, finoul mo pa kasi eh" pang-aasar ko naman.

"Grabe naman kayo sa akin mga kaibigan ko ba talga kayo" pag-iinarte ni Dylan.

"HIndi" sabay naming sabi ni Cyril sabay tawa at apir.

"Pinagkakaisahan niyo na naman ako" parang batang pamamaktol pa ni Dylan.

"Bakit ang tagal ata ng tatlo?" pag-iiba ni Cyril. Kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Tara hanapin natin sila" utos ko.

Una naming pinuntahan ang locker ng girls pero wala na sila don. Pumunta kami ng gym,sa room at sa buong school pero wala ni anino man nilang tatlo.

"X" tawag ko kay Cyril.

"Bakit Z?" tanong naman nito.

"Locate the location of Sia" utos ko sa kanya.Nilagayn ko kasi ng Tracking device ang cellphone ni Sia.

"Nasa lumang gusali sila dinala ng kung sino mang dumukot sa kanila." ani ni X.

*kring..kring..kring*

Tumunog ang cellphone sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Gov.

"Hello?" bungad ko.

"Agent, nasa kamay ni Barromeo ang anak ko at ang mga kaibigan niya, please iligtas niyo sila" litanya ng Governor, halata ang pag-aalala sa boses niya.

"Yes po, ililigtas namin sila. Pinatay niya na ang tawag kaya ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko.

Just wait girls we will save you.

-----

To be continued..