webnovel

58

Sumama sa'min pauwi ng bahay si Darrin.

Maayos ayos na rin naman ako pero medyo masakit pa ang balat ko tanda na may sakit pa rin ako pero hindi na tulad no'ng unang araw.

Nasa malaking bahay kami at napag pasyahang doon na mag dinner.

Nasa pagitan namin ni M'Hailey si Charrie habang nasa kabila ko naman si Darrin na katabi ni Raffy.

"Kumusta ang bukid Dada?"-P'Craig

"Ayos na ayos po. Mas dumarami po ang kumukuha ng Yabe wine at nakabili na rin po ng mga bagong truck for delivery."

"Magandang improvement 'yon."

Naka tingin ako ngayon sa dalawang mahinang nag uusap malapit sa dulo ng mesa.

"Crenz? What's wrong?"-Mr. Acer

Hindi ako maka kain dahil bago sa paningin ko ang pag uusap nila.

Tinuro ko silang dalawa kaya lahat sila napa baling ang tingin sa kanila na naging dahilan para makuha namin ang atensyon nila.

"What?"-Cedric

"Kelan pa kayo nagka ayos?"

Walang gatol na tanong ko.

"Pfft!"-Raffy

"Crenz." Mahinang tawag sa'kin ni Nina para patigilin ako.

"Nag ka ayos? Hindi naman kami nag away."-Cedric

Ngumiti siya sa'kin. Tiningnan ko lang siya nang walang kwenta.

"Neknek mo."

Tugon ko sa kaniya.

"HAHAHA.."-Chiggy

"Pfft! Hey."-Yasy

"Hija, where in front of the food, mind your words."-Tita Meidy (Yashica's Mom)

Tumango ako bilang paumanhin at tiningnan ulit 'yong dalawa.

"Kumusta 'yong bahay? Nakahanap kayo ng lupa?"

Sumubo ako matapos ko 'yon sabihin.

"Yeah-"-Cedric

"Bakit ang kuya mo ang inuutusan mo sa bahay na 'yan? Hindi ba masyado ka nang matanda para hayaan pang asikasuhin ng kuya mo ang mga ganiyang bagay?"-Ms. Acer

Mapapagalitan pa nga.

"She didn't asked me to do that Grandma, I insisted."-Cedric

Tumingin ako kay Ms. Acer at nag second demotion.

"He insisted."

Hindi na muli siya nag salita kaya bumalik ako sa pang gigisa sa dalawa.

"Ngayon ko lang kayo nakitang mag tabi sa harap ng mesa. Guguho na ba ang mundo mamaya?"

Humagikhik ang iba naming kasama sa hapag.

"Huwag mo na sila asarin."-M'Hailey

"Nag patulong lang ako sa pag hahanap ng bahay tapos nagkabalikan na kayo?"

Ngisi ko sa kanila.

Iyon naman talaga ang purpose ko kaya ko sila pinag sama pero hindi ko akalaing effective pala.

"Tita, Daddy is living with us."-Vandro

"Vanny!" Saway ng Ina niya.

"Woooh! Nice move kapatid, mukhang masusundan na si Vandro."-Chiggy Mil

"Looking forward for that- AH!"-Cedric

Lumukot ang mukha ko dahil alam na alam ko nang inapakan siya ni Vanessa.

"Cedric! Huwag kang sumigaw sa harap ng pagkain."-Mr. Acer

Ma awtoridad na sabi ni Lolo.

Nag pigil ako matawa habang ang iba ay napapa tikhim dahil sa pag pipigil din ng tawa.

"I'm sorry."-Cedric

"So? Kumusta naman kayong dalawa?"-P'Craig

Tumingin siya sa mag asawa.

"Wala naman pong pinag bago-"-Vanessa

"We want a vacation."-Cedric

Natigilan kaming lahat sa pagkain.

Si Cedric Roft na workaholic gusto ng bakasyon?

"S-sure, don't worry about the company-"-P'Craig

"With all of you here."

Natutulilig ata ang tenga ko.

"We're going to beach?!"-Charrie

"I want a beach!"-Vandro

Sigaw ng dalawang bata.

"Anong naisip mo? Bakit biglaan naman ata?"

Pwede naman siyang mag bakasyon pero bakit kasama pa kami?

"Let's have a advance and belated birthday celebration exclusively for family and friends. Mag bibirthday na si Raffy at medyo hindi ko nagustuhan ang birthday celebration ko dahil sa mga elder na nandoon. So, ano?"

Hinayaan ko silang mag usap.

"Naisip mo pa talaga ang birthday ko kuya?"-Raffy

"Magkalapit lang ang birthday natin."-Cedric

"I'm fine with it."-Tita Meidy

"Sige, mag bakasyon tayo."-P'Craig

Kay P'Craig ata 'ko pinaka nagulat.

"Uulan ba ng bulalakaw mamaya? Anong meron sa inyo?"

Hindi ko talaga maiwasang magulat dahil kabaliktaran na sila ng dati.

"Mas magugulat kami kapag may pinakilala ka na sa'min na nobyo mo."-P'Craig

Natahimik ako saglit at saka naalala si Pula.

Nagigising ako tuwing umaga na may text or chat mula sa kaniya.

"Dapat pala niyaya mo si Liphyo na rito na mag hapunan."

Nag tindigan ang balahibo ko. Bakit parang ako na ngayon ang nasa hot seat?

"Busy na po ngayon si Liphyo."-Raffy

"Busy? Bakit?"-M'Hailey

"Sabi po ni Arya sa'kin na halos lahat ng club sa school nila ay gusto siyang kunin. Swimming, chess, basketball, baking, quiz math at marami pang iba, kasama ata yung spelling bee club."-Raffy

Napa kamot ako sa likod ng tenga ko kasi lately nga bago pa kami pumunta sa Baguio for competition halos hindi kami nag kakausap no'n dahil pag nag aangat ang ulo ko kapag break time wala na siya.

"He's a smart kid. Kahit no'ng una ko palang siyang nakilala alam ko nang matalino siya base sa mga pag sagot niya. Sumasagot siya nang laging may pros and cons."-P'Craig

Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan.

Ewan ko ba bigla akong naging proud. May mutual understanding kami nung taong kino compliment nila.

"Huwag niyong uulit ulitin sa kaniya 'yan baka lumaki ang ulo niya."

"Sa'yo lang siya madalas nag yayabang, hindi mo ba pansin 'yon? Humble kaya siya sa harap ng iba."-Raffy

Saglit at pasimple akong napangiti.

Ibig sabihin sa'kin lang siya may lakas nang loob ang ipakita ang totoong siya sa pamamagitan ng kahambugan niya.

"Ashariya."-Ms. Acer

Bigla akong kinabahan sa tawag niya sa'kin.

Kapag galit at seryoso niya lang ako tinatawag sa totoo kong pangalan.

Tumingin ako sa kaniya dahil ayokong sagutin ang pag tawag niya.

"We heard what you did on Vermon's house."

Unti unti akong nawalan ng gana sa pagkain. Binaba ko ang mga kubyertos ko at sumandal nang nakahalukipkip at naka tingin sa edge ng mesa.

May pakpak nga talaga ang balita.

"Vermon's house? You went there?"-Cedric

"Teka, Vermon? Hindi ba pamilya 'yon ni Alexander?"-Chiggy

Alam kong sumusulyap sa'kin ang mga pinsan ko pati na rin si Vanessa.

Tahimik lang sila lalo na si P'Craig at M'Hailey.

"Ayos lang na humingi ka ng tawad sa kanila at walang nang pipigil sa'yo roon, pero yung lumuhod ka sa harap nila parang ibang usapan na 'yon."-Ms. Acer

Naiipit na naman ako sa mga gusto kong mangyari o magawa at sa mga patakaran at prinsipyo nila. Hindi nila gustong bumababa ang tingin sa kanila ng organization at sobrang alagang alaga nila ang pangalan nila. Kung trophy lang ang pangalan nila baka maya't maya nilang pinapakintab 'yon.

Nang marinig ng mga kapatid ko 'yon ay hindi na sila nag salita pa. Alam nilang wala silang laban kapag nag salita sila.

"I didn't kneel down intentionally, it's just I can't support my knees because I feel so weak. It's been 10 years, don't you think my apology is too late? Kneeling down in front of them is not enough to express how sorry I am to kill their son."

Naiinis ako. Sila ang dahilan kung bakit kinailangan kong malayo sa mga tinuturing kong unang kaibigan.

Sa pagitan namin ng Lola ko ay walang nag tangkang sumabat pa.

"I told you not let other see your weakest side, are you taking us lightly now? Do you see us as a joke?"-Ms. Acer

Tinukod ko ang magkabilaang siko ko sa gilid pareho ng plato ko at pinagsalukap 'yon.

"Natürlich nitch Oma. (Of course not, Grandma). I wouldn't be here if I'm taking these lightly. Alam ko na ang ginagawa ko at simula pa lang noon alam niyo nang hindi ako pumapayag na may kumukontrol sa'kin."

Nginitian ko sila kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang mag wala at isaboy ang pagkain sa harap ko, pero syempre hindi ko 'yon gagawin.

"Don't humiliate us."-Ms. Acer

Pinigilan kong maluha sa harap nila dahil sa simpleng salitang sinabi niya. Mukha ngang nakikita niya lang ako bilang pabigat sa pamilyang 'to.

"Wala naman akong pakealam sa sasabihin ng iba. Gagawin ko ang gusto ko kapalit ng halos walang pagpipiliang mga bagay na gusto niyo."

"May choice ka-"-Ms. Acer

"Ang alin? Isakripisyo ang buhay ni Cresia?"

Hindi ako makapaniwalang nanggagaling sa kanila 'yan. Walang umimik sa kanila.

*Cough*

Naubo ako at mas nawalan ako ng gana.

Uminom ako ng tubig at humalik sa pisngi ni Charrie para mag paalam. Sinabihan ko siyang mag pakabait doon.

"Busog na 'ko. May pupuntahan pa ako." Tumayo ako.

Nag madaling kumain si Raffy at kinuha ang paa ng manok tapos yumuko sa kanila para mag paalam.

"Tuloy mo yung vacation Cedric, sasama ako."

Ngumiti siya sa'kin at nag approved sign. Nginisian ko siya at saka lumabas ng bahay.

"Crenz, kelan pa 'yang ubo mo?"

Simpleng ubo lang 'yon, kumati lang ang lalamunan ko.

"Gano'n naman ako diba? Pag may sipon ako madalas inuubo rin ako. Dahil lang 'to sa allergy."

Pinatigil niya ako at kinapa ang leeg ko.

"Inuubo ka rin ba bago pa ang competition ni Darrin?"

Medyo.

"Ayos lang ako-"

"Tingin mo bakit ako nag Doctor?"

Aba malay ko.

"Kailangan pa ba natin mag guessing game?"

Inis na tanong ko.

"Nag Doctor ako para mamonitor ko 'yang health mo. Makipag cooperate ka sa'kin. Alam mo kung gaano kahirap sa Doctor kapag hindi nakikipag cooperate ang pasyente nila."

Hinila niya ako sa lilim at saka niya nilapat sa dibdib ko ang palad niya saka siya pumikit.

"Hinga nang malalim."

Sinunod ko ang sinabi niya.

Saka siya dumilat.

"Did you go back in smoking?"

Mabilis akong nag iwas ng tingin.

Halos gabi gabi akong nag su smoke dahil na sistress ako.

"You did?!"

"Sabihin mo nalang kung anong findings mo?"

"Hibang ka ba talaga?! Sinabihan na kita na huwag kang maninigarilyo!"

Lalo lang ako naubo sa sinasabi niya.

"Normal na ubo lang 'to-"

"Anong nararamdaman mo?"

Napa isip ako kasi lately parang hindi nga ako ok kahit no'ng wala pa yung allergy ko.

"Shortness of breath, sore throat-"

"Kelan ka pa inubo?"

Napaisip ako.

1 week na rin ata.

"1 week?"

"Tapos nag yoyosi ka pa!"

Napakamot ako sa leeg. Ayoko talagang ako ang pinapagalitan ni Raffy kasi nakaka bawas ng angas ko.

"Ano ba kasi-"

"Acute bronchitis."-Raffy

A-acute bronchitis?

Ako?

"Sa tingin mo ba superhuman ka? Alam mong may consequences yang pinaggagagawa mo! Tingnan mo ngayon may sakit ka!"

*Cough*

"Tumigil ka na."

Sita ko sa kaniya.

Hindi naman ako gagaling sa ka sermon niya.

"Stay in our house until you fully recovered."

"Ano?! Ayoko, marami pa akong gagawin-"

"Crenz Yara!"

Sigaw niya.

May sarili nga kaming bahay. Binili namin 'yon noong nasa ibang bansa kami, nag palakad kami para makabili ng bahay. Malayo 'yon rito at walang nakakaalam ni isa sa kanila na may bahay kami.

Doon ako nag stay noong bumalik ako rito sa bansa bago pa ako mag renta ng bahay.

May care taker kaming binabayaran doon para mapanatiling malinis ang lugar.

Doon din nag stay si Raffy noong bumalik siya rito at nang muli ko siyang tawagan para mag patulong tungkol sa kaso ni Phalyn Zaylous.

"Alam mong tambak ang gagawin ko."

"I don't care. Mag pagaling ka bago 'yang gagawin mo."

Hinila niya ako papasok sa kotse niya.

"Rafflesia-"

"Dadalhin ko ang trabaho mo sa bahay."

She really knew how to stop me from nagging.

"Drink this."

Binigyan niya ako ng bottled water.

"Huwag mo nalang sabihin sa kanila kung nasa'n ako."

"I will handle it, just pay attention to your recovery. I don't want it to be chronic. Gusto mo ng vacation diba? Mag pagaling ka para makasama ka. Hindi kita papayagang sumama kapag hindi ka pa gumaling."

*Start engine*

Nag simula na nga siyang mag drive papunta sa bahay namin.

LIPHYO'S POV

Ano na bang nangyayari? Wala na akong ganang mag angat pa ng ulo habang naka hilig ako sa bisig kong naka harap sa pwesto ni Raya.

Ilang araw na siyang hindi pumapasok at nababaliw na ako kakaisip kung nasa'n siya.

Hindi namin ma contact si Raffy na nawawala rin ngayon.

May biglang umupo sa pwesto ni Raya kaya nag angat ako ng ulo.

"Diba busy ka? May nasalihan ka na sa mga club?"-Jigs

"May balita na ba kay Raffy at Raya?"

Walang ganang tanong ko.

"Wala pa. Iniisip namin na baka may assignment sila kaya hindi pa bumabalik. Gano'n ang ginawa niya sa kaso ni Zaylous diba?"

Zaylous?

Parang familiar.

"Ha?"

"Yung time na almost 1 month siyang nawala."-Jigs

Ahh! Yung nakita ko siya sa hospital.

"Wala man lang siyang pinag sabihan sainyo?"

"Wala. Hindi kami open sa mga ginagawa namin lalo na siya. Kapag binigyan siya ng assignment wala siyang sasabihin, malalaman mo lang na may assignment siya kapag nawala na siya nang matagal."-Jigs

Sa ganito ako kinakabahan kasi naiisip ko ang mga worst case scenario.

Ang magagawa ko nalang talaga at mag hintay.

Napa higa ulit ako sa desk.

Wala raw ang subject Teacher kaya nag kakagulo ngayon sa room.

"Huwag mo silang alalahanin."

Pero na mimiss ko na siya.

"Kasama niya si Raffy kaya wala kang dapat alalahanin."

May umupo naman ngayon sa harap ko, si Arya.

Hindi ko naman maiiwasang hindi mag alala.

"Wala lang akong gana pero hindi ako nag aalala."

Pag sisinungaling ko.

"Sige, sabi mo eh."-Jigs

"So ano nga? May napili ka nang club?"

Isa pa 'yon sa iniisip ko.

Hinahanap ko kasi talaga kung saan ako mag eexcel, kung ano talaga ang gusto ko para kapag nag pa accelerate ako alam ko na kung anong kukunin ko.

"Hindi ko alam, nawalan ako ng interes sa mga bagay bagay."

Parang wala roon ang passion ko.

"Hoy, may basketball tayo mamaya ah. Kalaban natin yung mga hambog na last section."

Oo nga pala. Nakipag talo pala ang kambal sa mga taga last section at nag ka hamunan ng basketball kaya sinasama nila kami nila Mike.

"Oo na."

Nag babasketball kami nila Mike noon kaya marunong kami no'n. Hindi lang naman basketball, nag volleyball din kami, soccer, badminton, tennis at iba't iba pang mga sports. Familiar kami sa iba't ibang sports, nawalan lang ng time noong sumabak na kami sa mga early career namin.

"Uy Attienza, baka naman ma apektuhan ang laro natin mamaya dahil diyan sa mood mo."

Nag angat ulit ako ng ulo at ngumiti sa kaniya.

"Ang dami mong inaalala. Hayaan mo, bubuhatin kita mamaya para makapag dunk ka sa ring."

Asar ko sa kaniya at saka sumeryoso ulit ng mukha.

"Pfft!"-Arya

Mas matangkad kasi ako kay Jigs

"Yabang mo, 2 inches lang naman height difference natin."-Jigs

Nasa'n ba kasi sila?

Tinawagan ko rin si Chelsea at maging siya ay hindi alam kung nasa'n ang girlfriend niya. Parang hindi na nga siya nag aalala eh.

"Alam mo wala kang magagawa kung umalis si Crenz nang walang paalam, kami sanay na kami riyan. Dati nga nawala siya nang 5 months tas bumalik na parang walang nangyari tapos umalis din siya ng almost 5 years tapos nag grand entrance no'ng birthday party ni Kuya Cedric. Hindi si Crenz ang taong kaya mong pagsabihan ng pumirmi sa isang lugar lalo na kapag may mga dapat siyang gawin."-Arya

Ang dami niyang ginagawa.

Kailangan kong masanay kung gusto ko siyang makuha.

Akala nga pala niya panaginip lang ang pag halik niya sa'kin noong nakaraan.

Mas ok na rin na sa tingin niya panaginip lang 'yon, atleast alam ko ang gagawin ko at napatunayan ko naman lalo na gusto niya talaga ako kahit sobrang kumplikado niya.

Kapag dumating siya, aarte ako nang normal at hindi na mag tatanong kung saan siya pumunta. Sana lang ligtas siyang makabalik.

"Alam ko naman 'yon."

"Then cheer up."-Arya

Nag kagulo sa labas ng room namin.

"Anong meron?"-Arya

Nagpa lingon lingon kami para maki esyoso.

"Si Julius."

Agad napa arko ang kilay ko.

Nakita ko ang pangalan niya sa mga cards na pinulot ko sa lapag no'ng nag bukas si Raya ng locker niya.

Sumilip ang lalaking 'yon sa room namin.

"Excuse me. Nandito ba si Crenz Yara?"

Malaking ngiting aniya.

Napaka galing nga naman. Noong una ay si Kyle ang nag lakas ng loob tapos ngayon isa na namang artista.

"Absent."-Hans

Sagot niya.

"Ahh.. sige babalik nalang ako next time. Salamat."

Ngumiti siya na mas lalong kinatilian ng mga babae.

"Tss.. mas gwapo pa ako sa kaniya."

Singhal ko nang makaalis na siya.

"Pfft! What's that? You're jealous?"-Arya

Nagawa pa talagang mang asar.

Ginulo ko ang buhok niya na pinaka iinisan niya.

"Mang aasar ka pa talaga."

"H-hey- not my hair!"

Hinampas niya ako sa balikat.

Natawa ako saglit at saka nangalumbaba.

"Ano ba kasing pinuproblema mo? Ikaw ang gusto ni Crenz, masyado kang lamang sa kanila."-Arya

Napangiwi ako.

"Huwag ka ngang maingay."

Ayoko namang pag chismisan si Crenz kahit pa napaka famous na niya sa mga teacher at sa mga estudyante rito.

"Alam mo? Kalalaki mong tao tapos napakarami mong insecurities sa katawan."

Napanguso ako.

"Nakakainis, akala ko pa naman lalayuan na siya ng maraming lalaki dahil sa ugaling meron siya pero mukhang mas na attract pa sila sa kaniya."

Natawa silang dalawa.

"Maganda si Master at transparent ang ugali niya. Kapag ayaw niya ayaw talaga niya at saka karamihan sa mga lalaki gusto yung na tithrill sila isang relasyon."

Baka sumuko sila sa thrill na gusto nila kapag binalibag sila ni Raya.

"Kahit tinapon na ni Raya yung mga sulat na binigay nila? Hindi pa ba sila titigil?"

Busangot ko.

"Ikaw nga na busted na pero hindi pa rin tumigil eh."-Arya

Sabay kaming tumingin kay Arya ng walang kwentang tingin.

Mahina kong pinitik ang noo niya.

"Yung bibig mo talaga walang preno."

Hinimas niya lang ang noo niya.

"Totoo naman eh at saka hindi mo mapipigilan ang mga lalaking mag kagusto sa kaniya. Ikaw nga na mortal enemy niya noon nagustuhan siya ano pa kaya yung iba?"-Arya

Totoo naman lahat ng sinasabi niya.

Mabuti nalang talaga mahina lang ang boses namin at hindi kami naririnig ng iba.

"Arya!"

Napa tingin na naman kami sa labas ng room.

May isang lalaki roon at maganda ang ngiti kay Arya.

"Wow, magkaibigan nga kayo ni Raya. Parehong may bisita."

Hindi niya na ako pinansin at nilapitan yung lalaki sa labas nang may ngiti sa labi.

"Matutunaw na sila Arya."-Jigs

"Ha?"

Nginuso niya si Hans na naka tingin nang masama kina Arya. Sa tabi ni Hans ay katabi rin si Sandra na masama naman ang tingin ngayon kay Jigs.

Siniko ko si Jigs.

"Ano? Bakit?"

"May ginawa ka ba kay Sandra?"

"Ha? Ano namang gagawin ko sa kaniya?"

Tumingin siya sa gawi nila Sandra at saka mabilis na tumayo na ikinagulat ko.

Hinawakan niya ang long sleeves ko.

"Tara na."

Hinila niya ako kahit muntik muntik na akong madapa.

"Tabi!"

Nadanggi pa namin si Arya na napa yakap sa lalaking kausap niya dahil sa pinto sila nag uusap.

"Sorry!"

Paumanhin ni Jigs habang hila ako na takot na takot.

Nang tumingin ako sa likod ay hinihingal na dinuro kami ni Sandra na may hawak na ruler sa may pinto.

Hindi siya pwedeng sumigaw dahil nag kaklase ang ibang teacher sa ibang room.

Hingal kaming napatigil sa pag takbo.

"Ano- ano ba kasing ginawa mo?"

Hingal na tanong ko sa kaniya.

"Hindi niya pa alam na nakipag away kami ni kambal sa lower section na 'yon, mukhang ngayon alam na niya."

Siraulo talaga!

"Bakit dinamay mo pa ako?"

"Nandoon ka rin kaya. Huwag ka na mag reklamo, niligtas na kaya kita sa kaniya."

Umawat lang naman ako tapos nag hamon siya ng basketball game sa mga 'yon.

"Loko ka, sa'n tayo pupunta ngayon?"

"Sa gym. May volleyball game ang mga babae roon. Tara!"

Nag pa hila nalang din ako dahil wala na rin naman akong ibang pupuntahan.

RAFFY'S POV

Hindi pa rin siya magaling sa acute bronchitis niya pero nag sabi na siyang uuwi na siya dahil naman na raw gano'n kalala ang ubo niya at feeling daw niya gagaling na raw siya agad.

Si Darrin at Ryker lang ang pinag paalaman namin kung nasa'n kami. Ngayon ay nag dadrive na ako papunta sa trabaho ko habang natutulog sa passenger seat si Crenz.

Bakit siya nandito? Hindi ko rin alam, basta gusto niyang sumama.

"Crenz, wake up. We're here."

Pinarada ko sa parking lot ang kotse ko.

Nilahad niya sa'kin ang kamay niya kaya dumukot ako sa bulsa ko ng candy at nilapag sa kamay niya.

Agad naman niya 'yon binuksan at lumabas na.

"Ano ba kasing gagawin mo rito?"

"Gusto kong makita ang ginagawa mo rito."

Pumirma muna siya sa logbook ng school bago kami naka pasok.

"Crenz?"

"Hm?"

Tugon niya habang nag lalakad kami papasok.

"Gusto mo na bumalik 'no?"

Hindi niya ako sinagot.

Alam ko namang gusto na niyang bumalik sa hospital bilang doctor.

"Bakit hindi mo pa tapusin ang residency mo?"

Alam ko namang bata palang siya gusto niya na maging Doctor dahil may sakit noon si Crescia na naging dahilan para dalhin pa siya sa Doctor at alam kong hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang sarili niya dahil noong mga panahong 'yon ay wala siyang magawa kahit expected naman na ng mga matatanda na wala talaga siyang magagawa dahil bata pa siya.

"Alam mo na ang sagot diyan."

Napa isip nalang ako.

Siguro iniisip niya na marami pa siyang gagawin sa organization kaya hindi pa niya balak tapusin ang residency niya kahit gustong gusto na niya.

Puro trabaho nga ang ginawa niya no'ng nandoon kami sa bahay namin. Pahinga ba yun? Sobrang dami ng mga binasa at pinipirmahan niya.

Syempre may mga pirma rin ako sa gawa niya dahil nga kanang kamay niya ako pero yung kaniya kasi parang hihimatayin ka sa dami ng bondpapers, folders at envelopes.

"Kelan mo dadalawin si Crescia?"

Bigla siyang nag dahan dahan sa pag lakad.

"Balak ko bukas na."

O.O

Bukas?!

"Bakit bukas mo naisipan?"

Dapat nga matagal na niya ginawa.

"Bago ang vacation gusto ko na siya makita."

Mag ki Christmas break na pala.

"Bakit hindi ngayon?"

Umiling siya.

"Gusto ko muna rito. Titingnan ko kung anong lagay nito."

Itong school na 'to sinabi ko na noon na kayang kaya nitong tumayo sa sariling mga paa niya at hindi na kailangan pa ng pangalan ng organization kaya ang school na 'to ay hindi konektado sa organization pero karamihan sa nag aaral dito ay may kinalaman sa organization o parte ng organization.

"Inutusan ka?"

Tumango siya.

"Si Mr. Acer ang nag utos sa'kin kaninang umaga."

Kaya naman pala gusto niyang pumunta.

"Anong inutos?"

"Tingnan ko raw ang ginagawa mo, baka nag wawalangya ka na raw dito."

0o0

"Weh? Totoo ba?"

"Mukha ba akong nag bibiro?"

"Parang ayokong maniwala."

"Tss.. sinabi niya 'yon para maengganyo ulit ako sa medisina. Alam ko namang gusto niya nang ipatapos sa'kin ang residency ko."

Sabagay, gano'n nga talaga si Mr. Acer.

"Sama ako bukas kapag pumunta ka kay Crescia."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit kailangan mo pang mag paalam? Sumama ka kung gusto mo tutal hindi pa ako tuluyang gumagaling."

Ngiting ngiti naman ako saka ko siya inakbayan pero natigilan kami sa paglalakad nang may naka halukipkip na humarang sa'min at seryosong nakatitig sa'min ni Crenz.

*Gulp*

Si Chelsea.

"H-hi?"

Nag aalangang bati ko.

Napansin kong dahan dahang nag lakad paatras si Crenz.

Bwiset ka talaga Crenz! Kapag ganitong senaryo na ako lagi ang pinang sasalag mo!

Sinabihan ko na rin si Chelsea na huwag akong lapitan sa school or something na may kinalaman sa personal na relasyon namin.

Seryoso siyang may dinukot sa bag niya na mas lalong nakapag pa lambot sa tuhod ko.

Pareho kaming tiklop sa seryosong itsura ni Chelsea.

Hinintay kong ilabas niya ang hinahalungkat niya sa bag niya at nang ilabas na niya ay feeling ko aamba siya kaya medyo umarte ako ng pag ilag.

Pero after 3 seconds at tiningnan ko siya at nakalahad sa harap ko ang dalawang chocolate na inumin.

"Thanks."

Mabilis na kinuha ni Crenz ang isa at nag tago ulit sa likod ko.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to kapag mga chocolate na nauuna pa siyang kumuha.

Nagkatitigan kami ni Chelsea. Wala akong mabasa sa itsura niya kaya kinuha ko nalang ang naka lahad sa'kin.

Matapos kong kunin 'yon ay walang sali salitang nilampasan niya kami.

Nagu guilty ako. Sinasadya kong hindi ipaalam sa kaniya ang mga gano'ng lakad ko lalo na kapag may misyon ako. Gusto ko kasing magalit nalang siya sa'kin if ever na mamatay ako kesa sa malungkot siya at umiyak siya. Gusto kong mabilis siyang makapag move on sa'kin at natutunan ko ang mga bagay na 'yon kay Crenz.

Hindi nag papaalam si Crenz kapag may delikadong misyon siya at dahil alam kong gano'ng klase ng tao siya, sumasama talaga ako sa mga misyon niya dahil ang misyon ng binabantayan ko at misyon ko na rin para maprotektahan siya.

"Hindi mo siya susundan?"

Sumisipsip na tanong ni Crenz nang humarap sa'kin.

"Magagalit ba siya?"

"Malay ko."

Napa facepalm ako. Mali pala ako ng pinag tanungan.

"Hindi na muna siguro ngayon."

"Puntahan mo na muna siya."-Crenz

Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.

"Natatakot ako."

"Mas matakot ka sa'kin kapag nakita ko siyang umiiyak nang dahil sa'yo."

*Gulp*

Wala akong kawala. Nananakot na siya.

"Hindi ko alam sasabihin ko."

"Huwag mo na kasing gayahin ang mga paniniwala ko "-Crenz

Hindi ko maiwasan, para sa'kin kasi may sense ang mga patakaran niya sa buhay.

"Iyon ang nakasanayan ko kaya hindi 'yon basta basta mawawala sa'kin."

"Bahala ka, basta itago mo siya kapag umiyak siya nang dahil sa'yo kundi tatalupan kita nang buhay."

*Gulp* WAAAAAAAAAAAAAAH!! Puro nalang siya pananakot!

"Oo na."

"Sundan mo na. Hindi ko naman kasi sinabing hindi ka mag paalam."

Bulong niya.

"Sa'n ka pupunta?"

"Akina susi ng kwarto mo."

Kinapa ko ang bulsa ko at binigay sa kaniya ang susi.

"1st floor lang ah, left wing. Makikita mo naman sa taas ang pangalan ko."

Tumango siya at nag simulang mag lakad paalis.

Malalaking hakbang naman ang ginawa ko para maabutan si Chelsea.

Sana lang maging maayos ang pag uusap namin.

"Ms. Niveda."

Habol ko sa kaniya.

Napa hinto naman siya saglit at nag simula ulit mag lakad.

Mabilis ko siyang sinabayan sa pag lakad at sinabing "Follow me"

Wala akong narinig na tugon sa kaniya pero alam kong nakasunod na siya sa'kin ngayon.

Sa likod ng campus ko siya dinala kung saan wala talagang tao. Hinarap ko siya at nag katitigan kami nang seryoso.

Mag sasalita na sana ako nang may marinig ako sa kabilang gilid namin na parang may tao.

Mukhang narinig niya rin 'yon kaya walang sali salitang hinigit niya ako sa gilid niya at sumenyas na huwag kaming maingay.

Sabay kaming sumilip sa gilid pero mabilis kong tinakpan ang mata niya nang makita ko kung ano ang nangyayari sa gilid na 'yon.

*FAST HEARTBEAT*

Nag init ang buo kong katawan.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo?!"

Pagalit na bulong niya.

"Shhh.."

Ako naman ang nag patahimik sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano bang meron-"

Sisilip sana ulit siya pero mabilis ko siyang pinasandal sa pader. Ayokong makita niya 'yon.

"Nababaliw ka na ba-"

I claimed her lips to shut her mouth for a while and it makes her eyes widened.

Bahagya niya akong tinulak at hinampas ako sa balikat.

"Aw."

Mahinang reklamo ko.

"Ano bang ginagawa mo?!"

Singhal na bulong niya.

Sisilip sana ulit siya pero hinila ko siya ulit.

Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.

"Bakit ba ayaw mong ipakita sa'kin-"

"They're making something wrong- no, a totally wrong. Let's just get out of here."

Hinawakan ko na ang kamay niya para hilain pero winaksi niya 'yon.

"Isa pang pigil sa'kin hindi na ako makikipag ayos sa'yo."

*Facepalm*

Bahala siya, basta pinigilan ko siya.

Hinayaan ko siyang sumilip doon at gano'n nalang ang gulat ko nang bigla siyang nag lakad paalis sa pag tatago at sumugod doon.

"Chelsea!"

Mahinang tawag ko sa kaniya pero wala, naka kuyom na ang dalawa niyang kamao at ang dalawang taong nakita namin dito sa likod ay natigilan sa ginagawa nila at napa tingin kay Chelsea.

Malalaking hakbang ang ginawa ko para pigilan si Chelsea sa pag sugod. Nahagis ko nalang sa kung saan ang binigay niya sa'king inumin. Nang maabutan ko siya ay sa bewang ko na siya hinapit para pigilan.

"Chel-"

"NAG IISIP PA BA KAYO?! ANG LAKAS NG LOOB NIYO- BITIWAN MO 'KO RAFFY!"

Mabilis na nag hiwalay ang dalawa at halos hindi ko na makayanan ang pag pupumiglas ni Chelsea dahil ang lakas niya.

"Chelsea! Calm down!"

Saway ko sa kaniya.

"HINDI AKO KAKALMA DAHIL NILOLOKO NILA ANG BESTFRIEND KO!"-Chelsea

Maging ako ay masamang masama ang tingin kay Nina pati na kay-

"ANG GAGO MO DANIEL! KAYA MO PALA SINABI NOON NA KUMPLIKADO AT WALA KANG CHANCE NA LIGAWAN YUNG BABAE KASI MAY BOYFRIEND NA PALA!"

Grabeng twist naman 'to.

"M-mag papaliwanag ako-"

Nagulat ako nang makawala sa'kin si Chelsea at mabilis na sumugod doon pero ang pinaka mas nakakagulat ay nang may tumalon mula sa 2nd floor na tao at mabilis na pinigilan si Chelsea.

"Crenz!"

Gulantang na sigaw ko dahil sa ginawa niyang pag talon.

Nakaharap siya ngayon kay Chelsea na tumutulo na ang luha sa sobrang sama ng loob.

"Hawakan mo 'to. Nang hihina ka na ba para maka takas siya sa'yo?"

Seryosong tanong niya sa'kin.

"Crenzy-"

Maging si Nina ay umiiyak na rin dahil sa takot.

Hindi siya pinansin ni Crenz at pinatingala lang si Chelsea para punasan ang luha niya.

"Hoy liit, masyado kang maganda para umiyak. Tumahan ka na."

Niyakap siya saglit ni Crenz saka ako tiningnan ni Crenz na sinasabing kunin ko na si Chelsea dahil humahagulgol na 'to sa iyak.

"C'mhere Chelsea."

Marahan ko siyang hinila sa'kin at saka ko siya niyakap nang mahigpit.

Nasasaktan din ako sa nangyayari dahil parang mag kakapatid na ang turingan namin. Sabay sabay kaming nahirapan noon at maging ngayon, pero hindi mo expect na may sulutan na mangyayari.

Sa relasyon namin ni Chelsea sigurado akong hindi ko siya sinulot kay Daniel dahil break na sila at si Chelsea ang unang nag paramdam sa'kin.

"Let's go."-Crenz

Seryosong pahayag niya kaya nag simula na kaming mag lakad palayo.

"Wait, Yara. Ako lang ang may kasalanan."

Hinabol kami Daniel para mag paliwanag pero hindi siya pinansin ni Crenz.

"Napilitan lang si Nina kanina, huwag kayong magalit sa kaniya -"

*BLAG!*

Nagulat nalang kami nang ibalibag siya ni Crenz nang hinawakan siya ni Daniel.

"Crenz!" Sigaw na pigil ko sa kaniya.

"Daniel!"-Nina

"Gago ka, Daniel. Wala akong pakealam kung sino ang unang lumandi sa inyong dalawa. Asahan niyong makakarating 'to kay Tyro."

"Crenz, please! Huwag!"

Lumapit din sa kaniya si Nina para pigilan siyang huwag nang sabihin pa kay Tyro ang mga nalaman namin ngayon.

Nag angat ng kamay si Crenz para sampalin si Nathalie at mukhang gets na ni Nina na masasampal siya kaya napa pikit na siya sa para hintaying lumapat ang kamay ni Crenz sa mukha niya... Pero naka amba lang si Crenz saka napa kuyom ng kamay.

"Yara-"-Daniel

"PUNCH"

Imbes na kay Nina niya ibigay ang sampal, kay Daniel niya binigay 'yon pero suntok.

"ASH!"

Seryosong banta ko na sa kaniya at saka hinila ang kamay niya.

"Bitaw-"

"Gumagawa ka na naman ng pag sisisihan mo."

Kahit bato siya sa pang labas alam kong mamaya ay magsisisi siya sa ginawa niya at lalamunin na naman siya ng guilt niya.

"Bitiwan mo 'ko!"-Crenz

Wala na akong choice kundi ang hilain siya para ilayo siya sa kanila.

"Crenzy-*sobs*"-Nina

"ANONG CRENZY! MANAHIMIK KA NA! BAKA MAKALIMUTAN KONG KAIBIGAN KITA!"-Chelsea

Susugod pa sana si Chelsea pero mabilis kong hinarang ang braso ko sa bandang tiyan niya para pigilan siya.

Ang hirap pigilan ang dalawang dragon.

"Tumigil na kayong dalawa!"

Singhal ko sa kanilang dalawa.

"NAG BAGO NA ISIP KO! KAKALBUHIN NA KITA!"-Chelsea

Wala na akong nagawa kundi ang buhatin si Chelsea sa balikat ko na parang sako para mapigilan siya.

"BITIWAN MO 'KO- HOY! NATHALIE, ANG KAPAL NG MUKHA MO- ANO BA?! IBABA MO 'KO!"

Susunod pa sana si Nina pero pinigilan ko siya.

"Mamaya na kayo lumabas kapag naka layo na ako."

Payo ko sa kaniya.

Habang bitbit ko siya ay hila hila ko si Crenz na panay din ang pag pupumiglas.

"IBABA MO 'KO!"

Papasok na kami sa hallway kaya binaba ko na siya.

Sininghalan naman ako ni Crenz nang bawiin niya ang kamay niya.

Sabay na pinitik ko ang noo nila.

"Ano ba?/Jugeullae?"-Chelsea/Crenz

"Huwag kayong gumawa ng eskandalo rito. Doon tayo sa room ko."

Inis na tumalikod si Chelsea na mukhang babalik pa sa likod.

"Chelsea!"

Hinila ko na siya at wala na akong pake kung sino ang maka kita sa'min.

"Sumunod ka Crenz, huwag ka na magpa kaladkad."

Utos ko sa kaniya.

"Tss!"

At nag punta na nga kami sa silid ko.

"Bakit nandoon ka Crenz? Akala ko ba mauuna ka na rito?"

"Naligaw ako."

Simpleng tugon niya. Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kaniya eh.

"Tubig muna."

Binigyan ko sila pareho ng tubig mula sa dispenser namin ni Mr. Raymundo.

Tinanggap lang nila pareho ang tubig.

"Nasa'n yung binigay ko sa'yo?"-Chelsea

"Hindi ko alam. Dahil sumugod ka sa kanila wala na rin ako sa katinuan."

"Tss.."-Chelsea

Umupo ako sa couch nang lantang gulay na.

Nakakapagod silang pigilan. Grabe yung lakas nila pareho.

"Akala ko may assignment siya kaya siya madalas may katawagan, si Daniel pala 'yon."-Crenz

Tumingin siya sa'kin.

"Bakit?"

"Bakit hindi mo alam na may gano'ng bagay?"

Napakagat labi ako sa hiya. Dapat talaga ako ang unang makakaalam ng mga bagay na gano'n at unang gagawa ng solusyon bago pa makarating sa mas mataas sa'kin pero nag failed ako sa isa kong obligasyon.

"Sorry, hindi ko sila mabantayan."

Paumanhin ko.

"Sabi ni Tyro lagi nang busy si Nina kaya hindi na sila nakakalabas. Sa lalaki pala busy."

Nagiging makitid ang utak ko pero hindi maalis sa'king mag tanong kung nagagalit ba siya para kay Tyro, nagagalit siya dahil may something pa siya kay Daniel o nagagalit siya bilang matinong kaibigan ni Nathalie.

Lahat ng tanong ko sa kaniya ay tinago ko nalang sa sarili ko.

"Anong balak mo Crenz?"

Maiipit na naman si Crenz dahil parte ng pamilya niya ang involve. Wala nang magandang nangyari kay Crenz kundi ang maipit sa mga sitwasyon na nangyayari sa pamilya niya.

"Ayokong mag lihim kay Tyro pero ayoko ring mapahamak si Daniel at pinsan ko si Nathalie kaya ayoko rin siyang masaktan."

See?

Buti nga ngayon ay sinasabi niya ang opinyon niya unlike dati na mangangapa pa kami sa susunod niyang hakbang.

"Let them face the consequence of their acts."-Chelsea

Kahit ako sa lagay ni Crenz ay mahihirapan din. Mga kaibigan at pinsan ang involved kaya kailangang pag isipan nang maigi.

"Leave her alone for a while Chelsea. Alam mong hindi gano'n kadali ang mag desisyon."

"ANO BANG HINDI MADALI?! NAKITA MO NA ANG GINAWA NILA, PALALAMPASIN LANG BA NATIN 'YON?! BESTFRIEND KO ANG AGRABYADO AT KAYO MISMO! ALAM NIYO KUNG GAANO KA MAHAL NI TYRO SI NINA. GUSTO NIYO BANG MAG PATULOY ANG RELASYON NI TYRO AT NINA KAHIT INIIPUTAN NA NI NINA SI TYRO SA ULO?!"

Hindi ko siya mapigilan dahil may point siya roon pero gusto ko lang ang kumalma siya dahil hindi niya ngayon nakikita ang mga posibleng mangyari kapag nag desisyon kami ngayon.

"Chelsea, calm down-"

"WALA AKONG PAKEALAM SA POSISYON NI NINA SA ORGANIZATION, KAHIT MATAAS PA SIYA SA'KIN LALABANAN KO SIYA-"

"CHELSEA!"

Sigaw ko sa kaniya.

Wala na talaga siya sa tamang pag iisip. Hindi siya pwedeng makipag away nang basta basta sa mas nakatataas sa kaniya. May mga matataas na tao sa'min na pwede siyang patayin o pahirapan kapag lumaban sila sa mas may kapangyarihan.

"Chelsea, galit ka lang."-Crenz

Paalala niya.

"EWAN! BWISET! MAG DECIDE KAYO! WALA RIN NAMANG KWENTA ANG SASABIHIN KO!"

Kinuha niya ang bag niya at binuksan ang pinto.

"Chel-"

*SLAMMED DOOR*

Malakas niyang sinara ang pinto.

Medyo umangat pa ang balikat namin ni Crenz sa gulat at konting takot.

Dahan dahan akong tumingin kay Crenz.

Seryoso siyang nakatitig.

"What? Hindi ko naman siya pina iyak ah."

Makailang beses muna siya kumurap at saka nag salita.

"Masyado kang defensive wala naman akong sinasabi."

Kakabahan ka talaga sa titig niya.

Lumapit nalang ako sa kaniya at nilapat ko sa dibdib niya ang kamay ko saka ako pumikit.

"Kailangan bang maya't maya mo 'yang gagawin?"

Matapos ko siyang I check ay nag dilat na ulit ako ng mata at tinukod sa mag kabilaang gilid niya ang mga kamay ko at nilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?"

Nakipag titigan siya sa'kin kahit alam kong may ilang sa kaniya.

Bigla akong napa ngisi.

"Don't ever try to smoke again young lady. If ever I caught you smoking again or I learned about it, I can't guarantee your Blacky existence."

O.0 -Crenz

Tinulak niya ako bahagya.

"Bakit dinadamay mo pa ang baby ko?!"

See? Effective.

"You knew what I can do. Kahit mag away pa tayo o itaboy mo ako hindi ako mawawala sa tabi mo. Madali lang ang pinapagawa ko sa'yo kaya sumunod ka."

"But you're smoking too."

"I quit smoking."

Mag babago ka talaga kapag gusto mo ang ikabubuti ng taong Mahal mo kahit pa hindi niya sabihin. Noong una talaga malakas akong manigarilyo pero noong nagkakaroon na kami ng mutual understanding ni Chelsea ay paunti unti ko na rin 'yon tinigilan.

"Since when?"-Crenz

"I don't know. Basta hindi na ako naninigarilyo."

Natatakot ako para kay Crenz. Naninigarilyo lang kasi siya kapag napipressure siya o marami siya iniisip, pero sabi nga niya noong nakaraan ay gabi gabi siyang humihithit at hindi ko alam kung kelan siya nag simula ulit manigarilyo.

Huminto na siya noon, noong maliit pa si Charrie.

"Dapat ba akong maniwala?"

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala basta tumigil ka na sa paninigarilyo. Dahil sa sigarilyong 'yan nag ka acute bronchitis ka."

"Tsk! Oo na, manahimik ka na."

Mabuti nang nag kakaintindihan kami.

LIPHYO'S POV

Nasa kama na ako at nag su scroll sa social media account ko. Napaka rami na rin ng notification ko at feeling ko celebrity na rin ako.

Nakakataba sila ng puso pero yung puso ko parang kulang na kulang ngayon.

Nanalo kami sa basketball kaya lang may aberyang nangyari. Nakipag suntukan sila Jigs dahil siraulo mag laro ang mga lower section kaya nag ka gulo sa court na ni rent pa namin.

May pasa ako ngayon sa gilid ng labi at may galos sa palad dahil noong sinapak ako ay napa tukod ako sa sahig. Naka bawi naman ako kaya walang problema sa'kin. Feeling ko nga mas worst ang ginawa ko.

*Pop message*

Napa balikwas ako ng upo dahil sa pangalang rumehistro sa message.

~ From: Raya❤️

~.~

Tuldok lang ang sinend niya gaya noong nasa party kami ng kuya niya.

Lumawak ang ngiti ko dahil ibig sabihin lang ay bumalik na siya.

"Anong sasabihin ko?"

Napakagat ako sa kuko ko dahil sa kaba.

"Should I ask if she's fine?"

Napatulala ako habang nag iisip.

"Hindi pwede, baka isipin niyang kapahamakan niya lang ang iniisip ko lagi."

Nag isip pa ako ng ibang tanong.

"Eh paano kung kumustahin ko nalang siya?"

Napa iling ako.

"Para namang sobrang tagal niya nawala, isang linggo mahigit ko lang naman siya hindi nakita... Pero ang tagal na no'n! Anong sasabihin ko?"

Napapa sway nalang ang katawan ko kakaisip.

*Ting*

Mabilis kong tiningnan ang phone ko.

From: Raya❤️

~Labas, pahingi ng kape.~

Bigla akong napa tayo at lumabas ng kwarto para sumilip sa bintana. Nandoon nga siya at nag papatay ng lamok na dumadapo sa kaniya.

Mabilis akong nag init ng tubig at nag timpla ng gatas dahil ayokong mag kape pa siya nang ganitong oras.

Pag tapos kong mag timpla ay lumabas na agad ako.

Mabilis siyang tumingin sa'kin noong narinig niya ang pag tunog ng gate.

"Bakit nandito ka? Gabing gabi na ah."

Kunot noong tanong ko. Baka kasi mapahamak pa siya.

Mabilis na kinuha muna niya ang basong dala ko at uminom.

"Sabi ko kape."

"Wala kaming kape."

Anong trip niya? Disoras ng gabi.

"Walang kape sa bahay kaya pumunta 'ko rito."

Dapat ba akong maniwala?

Kayang kaya niyang bumili ng kape sa tindahan.

Pero nag pipigil lang ako ngayon na mapa ngiti dahil bumalik na siya at pinuntahan niya ako. Para ko na tuloy siyang totoong girlfriend.

"Huwag mo akong titigan nang ganiyan."

Aniya habang humihigop.

"Delikado na kasi-"

"Laging delikado ang paligid."

"Oh eh bakit ka pa nag dadrive ng ganitong oras?"

"Pareho lang din ng dahilan mo kung bakit ka pa nag dadrive ng motor."

"Ano?"

Special talaga siya sa way palang ng pag sagot niya. Special child.

"Kung oras mo na, oras mo na talaga. Kahit saan ka naman mag punta laging delikado kaya ayos lang na nandito ako atleast buhay pa ako."

Mariin akong pumikit at kumamot sa bunbunan ko.

"Bilisan mo na uminom at umuwi ka na."

"Pinapauwi mo na agad ako? Ayaw mo ba ako makatabi sa pag tulog mo?"

0o0

*Fast heartbeat*

Lintek! Kung anu ano nalang ang sinasabi niya.

"Baliw-"

"Biro lang."

Seryosong agap niya sa sasabihin ko.

Mukha bang nakakatawa 'yon?

"Nauntog ka ba?"

Kung anu ano nalang ang pinag sasasabi niya.

"Mag babakasyon kami."

Ano raw? Di pa naman Christmas break ah?

"After Christmas break. Sama ka?"

Naririnig niya ba ang iniisip ko?

"At bakit mo naman ako niyayaya?"

"Para hindi mo 'ko hanapin."

Haluh! Ang kapal nga takaga ng mukha! Pero totoo namang hahanapin ko pa rin siya kahit mag paalam siya o hindi.

"Asa ka pa."

"Sabi ni Chelsea hinanap ko raw ako sa kaniya, sabi ni Hans hinanap mo rin ako sa kanila."

Nag init ang mukha ko.

Bakit nila sinabi 'yon!

"Eh kasi- kasi may itatanong ako."

Nag hahamon siyang tumingin sa'kin.

"Talaga? Anong itatanong mo?"

"Ano-"

Tumingin ako sa paligid para humanap ng pwedeng itanong.

"Ano..."

"Ano?"-Crenz

Dumako ang tingin ko sa kamay niya.

"Kung yung sugat mo ba magaling na. Patingin nga."

Muntik ko na rin makalimutan yung nangyari sa may elevator noong lasing siya.

Kinuha ko ang kamay niya at tiningnan 'yon.

Wala na ang sugat niya.

"Ayos ka na?"

"Matagal nang wala 'yon."

Binawi niya ulit ang kamay niya.

Tumingin siya sa'kin at saka hinawakan ang baba ko.

"Ano 'yan?"

Marahas niya akong pinaharap sa may ilaw para tingnan ang mukha ko.

Ahh.. oo nga pala, yung pasa ko sa mukha.

"Tumama lang 'to sa bola no'ng nag babasketball kami."

Binaba ko ang kamay niya at saka siya kunot noong uminom ulit ng gatas.

"Ba't hindi ka umilag sa bola? Sino bang may utak sa inyo ng bola?"

Mapapangiwi ka nalang talaga sa sinasabi niya.

"Aksidente 'yon. Wait? Concern ka sa'kin?"

Nang aasar na tanong ko.

Hindi niya ako sinagot pero pinindot niya ang pasa ko.

"Aw!"

"Sagutin mo yung tanong ko, kung sasama ka ba sa bakasyon?"

Hindi ko alam. Ayokong mag isa lang si Mommy dito sa bahay.

"Hindi ko alam."

Dahan dahan siyang tumango.

"Ok. Salamat sa gatas."

Binalik niya sa'kin ang baso at umangkas na ulit siya sa motor niya.

"Wait, uuwi ka na?"

Tiningnan niya ako ng walang kwentang tingin niya.

"Ano pa bang gagawin ko? Nagawa ko na ang dahilan ng pag punta ko rito."

Binuksan niya ang makina ng motor niya.

Gusto ko siyang pigilan at mag stay muna siya kahit saglit pero inaalala ko rin ang oras.

"S-sige, ingat sa pag dadrive."

Humarap ulit siya sa'kin at pinalapit ako sa kaniya.

"Ha? Bakit?"

Lumapit ako sa kaniya.

Medyo nagulat ako nang lumapat ang hintuturo niya sa pagitan ng mga kilay ko at dahan dahan niyang pinadausdos pababa sa nosebridge at papunta naman sa ilalim ng mata ko hanggang sa bandang tenga ko pababa sa panga at ang huli ay baba ko.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero nakakaramdam ako ng sobrang paruparo sa loob ng sikmura ko.

Matapos niyang magawa 'yon ay nginitian niya ako na muntik nang makapag panganga sa'kin dahil sa sobra sobrang pag hanga.

"Pasok na bata."

*Vroom vroom*

At ayon nga naiwan na akong nakatanga habang sinusundan siya ng tingin papalayo.

Dahan dahan akong napaatras habang unti unting ngumiti na hindi ko mapigilan.

*BOG*

Pag atras ko napa upo ako dahil gather pala ang nasa likod ko pero nasaktan lang ako saglit.

Buti nalang mas priniority ko ang baso kundi lagot ako kay Mommy.

"Nababaliw na ako haha.."

Habang iniisip ko yung ginawa niya ay mas lalo akong napapangiti.

"Haaaay Raya, ano ba yung ginawa mo? Hahaha.. gano'n mo ba ako kagusto?"

Kinakausap ko na ngayon ang sarili ko habang naka sandal sa gilid ng gate.

"Parang ang pogi pogi ko naman."

Natatawa nalang ako mag isa.

"Jhonny? Anong ginagawa mo riyan sa labas? Gabing gabi na."

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Mommy na takang taka sa itsura ko.

"Mommy."

Lumapit ako kay Mommy habang ngiting ngiti at saka yumakap sa kaniya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

Humigpit lang ang yakap ko kay Mommy.

"Ma, ang ganda ganda mo, kaya siguro gwapo ako. Hahaha..."

"Ano bang pinag sasasabi mo? Uminom ka ba ng alak?"

"Pasok na tayo, Ma, baka ligawan ka pa ng mga lamok."

Hinampas ako ni Mama at pinapagalitan dahil sa kakaibang kinikilos ko. Hindi ba pwedeng inlove na inlove lang ang bunso niya kaya nag kakaganito? HAHAHAHA...

Raya, Raya, Raya....

Pinakawalan mo ang dragon at buwaya sa tiyan ko.

Paulit ulit pa 'yon nag paikot ikot sa isip ko hanggang sa nakatulog akong may ngiti.

RAFFY'S POV

Nag dadrive na ako papunta sa isang hospital kung saan naka confine si Crescia.

"Natawagan mo na ba si Doc. Mary?"

Tanong ko kay Crenz.

"Yeah."

Halata sa boses niya ang kaba.

Ngayon na lang ulit namin makikita ang kapatid niya at kahit ako ay miss na miss ko na si Crescia Bern.

"Ok ka lang?"

Dinig ko ang pag lunok niya.

"Kailangang hindi ako iiyak sa harap niya. Oo tama, kailangang masaya lang ako. *Breath out* kaya mo 'to Crenz, kaya mo 'to."

She's now talking to herself means she's concentrating.

"Don't be nervous, kapatid mo siya at hindi ka niya sisisihin sa nangyari sa kaniya. Tandaan mong na coma ka rin."

"I don't need your opinion right now Raffy so please shut up, lalo mo lang ako pinapakaba."

Reklamo niya.

Napangisi ako. Malakas pala epekto ko sa kaniya.

"We're here."

Pumarada ako sa parking lot at bumaba.

Hindi ito ordinaryong hospital dahil napaka mahal ng mga equipment at bayad sa mga doctor dito, pati ang kwarto sobrang mahal.

"Matutuwa kaya siyang dumalaw ako?"

"Baka tumakbo ka palabas pag tumawa si Crescia habang nasa coma siya."

Sinipa niya ako sa pwetan ko.

"Siraulo, nagawa mo pang mag salita ng ganiyan?"

Napahimas ako sa pwet ko.

Siya naman kasi ang mag simula no'n.

"Pumasok ka na nga lang sa elevator."

Pumasok kami sa elevator na pang 1st floor lang at saka kami kinausap ng guard at pinapasok.

"Kalma lang. Hindi ka naman niya sisisihin."

Inakbayan ko siya.

Pag dating namin sa harap ng kwarto ni Crescia ay bumungad sa'min ang tatlong gwardiya sa labas ng kwarto. Mabilis silang yumuko sa'min.

"May tao ba sa loob?"-Crenz

"Wala po young Master."

Agad silang gumilid at pinag buksan kami ng pinto.

Nanginginig na ang mga kamay niya kaya hinawakan ko 'yon para hilain na siya pa pasok.

May malamyos na tugtog kaming narinig pag pasok namin. Piano 'yon at may kasabay na cello kaya napaka sarap sa pandinig.

Agad na lumapit si Crenz kay Crescia nang makita na namin siya.

"Crescia *sobs* "-Crenz

Hinawakan niya ang kamay ni Crescia at saka siya napa upo sa sarili niyang nga paa.

Dinudurog ako ng itsura niya ngayon.

Limang taon din silang hindi nag kita.

Sabi niya hindi siya iiyak pero pagka kita palang niya sa kambal niya iyak na siya nang iyak.

Nakamasid lang ako sa kaniya at sa isa pang magandang babaeng tulog pa rin hanggang ngayon na si Crescia.

Nang hindi ko na matagalan ang pag iyak niya ay inalalayan ko na siya.

"Get up, hindi matutuwa si Crescia makita kang ganiyan."

Pang aalo ko sa kaniya

"Kasalanan ko kung b-bakit siya nandiyan ngayon *sobs* akala ko kasi mas makakabuti sa'ming lahat na h-hindi ko sinabing kilala ko ang totoo naming Ama-"

Tapos humagulgol ulit siya ng iyak.

"Tama na 'yan."

Inalalayan ko siyang umupo sa gilid ni Crescia.

Gusto kong malaman ang lahat ng nangyari pero sa loob ng tatlong taon na nakasama ko siya ni minsan hindi niya na open sa'kin ang totoong nangyari sa kanila kaya nag ka aksidente.

Maya maya ay huminahon nga siya at saka napa tulala nalang ngayon sa mukha ng kapatid niya.

"Kukuha lang ako ng hot choco."

Hindi niya ako pinansin kaya lumabas na ako ng kwartong 'yon at nag bigay ng instructions sa mga guard na huwag muna mag papapasok ng kahit sino habang nandoon pa kami kahit doctor pa.