webnovel

57

THIRD PERSON'S POV

Kumuha sila ng dalawang kwarto para sa lahat.

Nag sama sama ang mga lalaki at gano'n din ang mga babae.

"Dextrose-an na natin 'yan."-Arya

Lahat silang babae ay naka palibot sa kamang hinihigaan ni Crenz habang si Crenz ay naka pikit lang at hindi maka tulog.

"Sige."-Raffy

Lumabas siya at may tinawagan sa cellphone niya.

"Crenz-"

"Paano ako makakatulog kung nandito kayo? Ang iingay niyo."-Crenz

Nagkatinginan sila.

"Tara labas na."-Yasy

"Himala, narinig ko ang boses mo."-Nina

"May assignment ako, thru call ako ngayon."-Yasy

"Tara nalang sa labas."-Sandra

Nag tulakan pa sila palabas dahil ang iba sa kanila ay ayaw lumabas.

Pumasok si Liphyo na may dalang baby wipes at bimpo.

"Ano 'yan?"-Sandra

"Wala silang planggana kaya kumuha nalang ako ng maaligamgam na tubig."

Inabot niya 'yon kay Nina at Darrin.

"Kayo na bahala-"

"Teka sandali!/Wait!"-Nina/Darrin

Tumingin ang lahat sa kanilang dalawa.

"Ayokong masaktan ngayon, pwedeng bukas nalang ako?"-Darrin

"Ha?"

"Masyadong malaki ang kama."

"Ha?"

Gulong gulo si Liphyo sa mga sinasabi nila.

"Dali, pasok ka na doon."

Tinulak ni Nina at Darrin si Liphyo palapit sa kwarto.

"Teka teka, kayo ang pinsan at saka babae siya."-Liphyo

"Hindi mo naman siya bibihisan. Basta kapag tapos ka na sabihin mo sa'kin para mabihisan ko na siya ah."-Nina

Binuksan ni Darrin ang pinto at tinulak naman ni Nina si Liphyo papasok at sinara nila ang pinto.

"Wooh! Problem solved!"-Nina

Nag apir pa si Nina at Darrin habang napapailing sila Arya habang naka tingin sa dalawa.

"Ganiyan kayo katakot masipa niya?"-Arya

"Shut up Arya, hindi mo pa kasi naranasan kaya nasasabi mo 'yan. Ilang beses na kaya niya ako nasipa pababa ng kama dahil ayaw niyang may umuupo sa gilid ng kama niya kapag naka higa na siya."-Nina

"Sinipa niya rin ako dati eh, pero akala ko tulog lang siya kaya niya ako sinipa. Ilang buwan ko pa nalaman na hindi niya gustong may umuupo sa edge ng kamang tinutulugan niya."-Cess

Nag pigil ng ngiti si Darrin nang marinig niya 'yon kay Princess.

"Hindi niya pa ako nasisipa."-Sandra

"Gusto mo ba?"-Nemi

Umiling si Sandra

"Ayaw."

"Malamang hindi ka niya sasaktan dahil trabaho niyang ilayo ka sa mga possibleng maka sakit sa'yo."-Nemi

"Tama lang bang siya ang pinapasok niyo? Di kaya mag batuhan sila ng gamit sa loob?"-Cess

"Wala nang lakas si Crenz para gawin 'yon."-Chelsea

Biglang may pumasok na naman sa loob ng hotel room ng mga babae.

"Ryker?"-Nina

"I just bought a fruits for her."-Ryker

May sumunod pang pumasok.

"I bought a medicine."-Tyro

Dumungaw pa si Hans at Daniel.

"We bought a porridge for Crenz."-Daniel

"And flowers."-Hans

Napa nganga nalang sila sa mga bitbit ng binata.

"Akina."-Darrin

"Hindi ba namin siya pwedeng makita?"-Tyro

"Naiingayan nga siya kaya niya kami pinalabas, mas lalo siyang maririndi kung maririnig ka niya."-Nina

"You're so mean babe."-Tyro

Kinuha nila ang mga dala ng mga binata.

"Ano nang ginagawa niya sa loob? Natutulog na ba siya?"-Ryker

"Pinupunasan siya ni Liphyo."-Chelsea

Nag katinginan silang apat.

"Silang dalawa lang?"-Daniel

"Oo."-Nina

"Bakit? Nasa'n ba si Raffy?"-Ryker

"I'm here."

Pumasok si Raffy na may dalang dextrose.

"Good. Icheck mo na si Crenz -"-Ryker

"Alam ko ang ginagawa ko. Mag si labas kayo."-Raffy

Pinag tulakan na ngayon ng mga babae ang mga binata para makapag ayos na sila roon.

Pumasok si Raffy sa kwarto at nakita niyang naka tayo lang sa gilid si Liphyo na pinag papawisan.

"Anong ginagawa mo?"-Raffy

Doon lang natauhan si Liphyo.

"Pinasok nila ako rito eh. Ikaw na mag punas sa kaniya."

Inabot ni Liphyo kay Raffy ang mga hawak niya.

Pinag masdan muna ni Raffy ang laki ng kama at saka umiling.

"Ikaw na. Kakabitan ko siya ng dextrose after mo mag punas."

"Pero-"

"Galingan mo. Umaray ka lang kapag may ginawa siya sa'yo."

"Ha?"-Liphyo

Nilapag lang ni Raffy ang hawak niya sa table at lumabas na rin.

Kinakabahan naman si Liphyo kung paano ang gagawin niya dahil hindi naman siya sanay mag alaga ng may sakit.

Pinag masdan niya ang tulog na dalaga sa harap niya niya at ang kaba sa puso niya ay hindi mawala wala.

"Ehem."

Tikhim niya para iayos ang sistema niyang gulong gulo ngayon.

Lumapit siya kay Crenz at umupo sa gilid ng kama nito. Kung hindi siya uupo doon ay hindi niya maaabot ang katawan ng dalaga sa laki nga ng kamang hinihigaan nito.

Kumuha siya ng pamunas at kinuha ang kamay ni Crenz.

"Hoy, alam mo bang ayokong may umuupo sa hinihigaan ko?"-Crenz

Gulat na nabitawan niya ang kamay ni Crenz at saka napa hawak sa dibdib niya.

"Huwag kang mang gulat." Reklamo niya.

"Galit ka sa'kin diba?"

Kunot noong kinuha niya lang ang kamay ni Crenz at pinunasan 'yon.

Natahimik sila saglit kaya ang akala ni Liphyo tulog na siya.

Lumipat si Liphyo sa kanila para punasan ang kabilang braso nito.

"Hahanap ka na ng iba?"-Crenz

Natigilan siya sa pag pupunas at tumingin sa naka pikit na si Crenz.

"Mag pahinga ka na, huwag ka na dumaldal."-Liphyo

Pinag patuloy niya ang pag pupunas.

Natigilan siya ulit nang mapag tanto niyang mukha na ni Crenz ang pupunasan niya.

Bumuntong hininga siya lumuhod sa gilid ni Crenz para mapunasan ang mukha nito at para matapos na rin siya sa ginagawa niya.

Dinampi niya wipes sa noo muna ni Crenz nang dahan dahan lang.

Halos hindi na siya huminga habang nag pupunas siya roon.

Natapos ang pag pupunas niya at akma na sana siyang aalis pero hinawakan ni Crenz ang pala pulsuhan niya at saka dumilat si Crenz.

"A-ano?"

Tumingin sa kaniya ang dalaga at saka siya binitawan.

Nakahinga naman nang maluwag si Liphyo nang bitawan siya ng dalaga.

"Sagutin mo ko. Hahanap ka na ng iba?"-Crenz

Bahagya siyang napa kunot noo.

"Huwag mo na isipin 'yon. Mag pagaling ka tapos saka na tayo mag usap."

Tinapon niya sa trash can sa gilid ng kama ang mga wipes na ginamit niya.

"Babalik ka sa kaniya?"

Lalong nangunot ang noo ni Liphyo.

Umupo siya sa gilid ng kama para harapin ang dalaga.

"Sa'kin nalang 'yon kung anong gagawin ko."

Tinaasan siya ng isang kilay ni Crenz.

Kahit masakit ang ulo ay umupo si Crenz para harapin siya.

"Anong ginagawa mo? Humiga ka na."

Nag aalalang saway ni Liphyo.

"Ayoko sa Kathy na 'yon."

"Oo na, oo na. Higa na."-Liphyo

"Mag kagusto ka na sa iba pero huwag ka lang babalik sa kaniya."-Crenz

Naiinis na napabuntong hininga si Liphyo

"Oo na."-Liphyo

Sasang ayon nalang siya para lang matapos na ang sinabi ni Crenz at para makapag pahinga na ito.

"So, hahanap ka talaga ng iba?"-Crenz

Napangiwi si Liphyo dahil mukhang hinuhuli lang siya ni Crenz.

"Crenz-"-Liphyo

Mabilis na hinila ni Crenz ang damit niya at sinalubong ang labi ni Liphyo.

(⁠☉.☉⁠)⁠! - Liphyo

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG*

Iyon ang unang pag kakataong si Crenz ang humalik sa kaniya. Kahit dampi lang 'yon ay hindi siya maka hinga ng maayos.

Matapos ang tatlong segundo ay hinawakan niya ang balikat ni Crenz para ilayo ang dalaga sa kaniya. Naiisip pa rin ni Liphyo na may sakit si Crenz kaya niya lang nagagawa ang mga bagay na 'yon.

"A-anong ginagawa mo?"

Sa isip isip ni Liphyo ay baka bukas pag sisihan na ni Crenz ang ginawa niya ngayong hapon na 'to.

Limang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa.

"Goodbye kiss."-Crenz

"Goodbye kiss?!"-Liphyo

Gulong gulo na ngayon si Liphyo

"Ayaw mo na sa'kin, regalo ko na 'yan."

Mahina niyang pinitik ang noo ni Crenz. Hinawakan naman ni Crenz ang noo niya at sinamaan ng tingin si Liphyo.

"Sinong nag sabing ayaw ko na sa'yo?"-Liphyo

"Gano'n ang pagkakaintindi ko."-Crenz

"Edi mali ka ng pagkaka intindi."

Marahang lumapit si Liphyo kay Crenz at niyakap si Crenz.

"Nakapag isip isip ako pagka tapos nating mag usap kanina. Ayos lang sa'kin kahit hindi mo 'ko isipin mamaya, bukas o sa mga susunod na araw, ayos na rin sa'king umalis ka ng walang paalam at dumating ka ng walang pasabi, susubukan kong hindi mag demand para hindi makadagdag sa isipin mo. Gawin mo lahat ng gusto mo susuportahan kita basta hindi makakasama sa'yo. Bumalik ka lang sa'kin ng buhay ayos na sa'kin 'yon. Mag hihintay ako gaya ng sinabi ko noon kaya huwag ka na mag isip nang mag isip-"

Umalis siya sa pagkakayakap kay Crenz na parang lumulutang ngayong sa sinasabi niya.

"-you can come and go as you want, say sorry if you are, make up with me if you can. I'm the one who will give up and accept you in the end anyway."

Tulala lang si Crenz sa kaniya kaya pinindot ni Liphyo ang ilong ni Crenz na nag pabalik sa kaniya sa katinuan.

Lumayo si Crenz sa kaniya ay umurong.

Taka lang na tumingin si Liphyo sa kaniya.

"Dito."

Tinap ni Crenz ang kama.

"Ha?"

"Higa."-Crenz

Mabilis na umiling si Liphyo.

"Ikaw ang dapat na humiga-"

"Higa na."

Hinila ni Crenz si Liphyo at pinahiga sa kama.

"Uy-"

Hinila niya nang bahagya ang braso ni Liphyo at doon siya humiga.

Pulang pula naman si Liphyo dahil sa mga paruparong nararamdaman niya sa sikmura niya.

Mas lumapit pa si Crenz sa kaniya at niyakap siya nito.

"Raya- baka may makakita sa'tin."

Wala nang pakealam si Crenz basta gusto niya ang pwesto niya ngayon.

"Hayaan mo silang isipin ang gusto nilang isipin, kilala nila ako, alam nilang hindi ako gagawa ng bagay na hindi pa dapat."

*Gulp*-Liphyo

"Malamig Pula."

"H-ha? A-ah-oo."

Binalot niya ang katawan ni Crenz ng comforter at siya naman ay hanggang sa dibdib niya.

"Tsk!"-Crenz

Kinuha ni Crenz ang braso ni Liphyo at pinayakap niya sa balikat niya.

"R-Raya -"

"Shhh.. I'm sleepy."

Makailang beses pang napa lunok si Liphyo bago niya pinakalma ang sarili niya.

"Wait."

Nilayo niya saglit si Crenz at kumuha ng unan at nilagay sa pagitan nila.

"Pfft.."-Crenz

"Huwag kang tumawa, ayokong may iba silang isipin. Matulog ka na."

Yumakap muli si Crenz sa kaniya at gano'n din ang ginawa niya.

Sinabi ni Liphyo na aalis din siya agad kapag tulog na si Crenz pero lumipas ang ilang minuto at nakatulog din siya gaya ni Crenz.

Bumukas ang pinto at pumasok si Raffy at Yasy.

Parehong nanlaki ang mata nila.

"Nananaginip ata ako."-Raffy

"Ako rin."-Yasy

Napansin naman nila Nina na naka tayo lang si Yasy at Raffy sa pinto kaya nag taka siya at sumilip din.

(⁠@⁠_⁠@⁠)-Nina

*BLAG*

Nahimatay si Nina sa sobrang gulat kaya tumingin sila Raffy at Yasy sa likod nila dahil sa bumagsak.

"Hey, what happened here?"

Tanong ni Nemi habang naka turo kay Nina.

Nag kibit balikat yung dalawa at tumingin ulit kina Liphyo.

"Oh my-"-Nemi

"Bakit? Anong meron?"

Dinagsa ng mga babae ang labas ng kwarto ni Crenz at lahat sila gulat dahil sa dalawang magawang mag kayakap.

Pinag hahakbangan nila Nina para lang makita yung dalawa.

"Uy, si Nina."-Raffy

Binuhat ni Raffy si Nina.

"Ang OA naman kasi nito."

Nilapag ni Raffy si Nina sa couch.

Pinicture an muna ni Yasy sila Crenz bago lumabas.

"See? Sabi sa inyo, sila na."-Yasy

"Hindi pa."-Raffy

"Malay mo kanina naging sila na."-Yasy

Wala ni isa sa kanilang nakaka alam.

"Di mo siya i dedextrose?"-Arya

"Kapag ginawa ko 'yon baka diretso na ako sa libingan, wala nang lamay lamay."-Raffy

Nag tawanan sila.

"Akala ko magiging sila ni kuya Mike."-Darrin

"Wala 'yon, may nanalo na."-Cess

Bumukas na naman ang unit nila at pumasok doon si Ryker at Tyro.

"Anong ginagawa niyo? Pasok lang kayo nang pasok ah."-Yasy

"Bukas eh."-Tyro

Sinilip nila kung sino ang natutulog.

"Ba't dito natulog 'yan?"-Tyro

"Ewan, pagod na yata."-Sandra

Lumapit si Ryker sa kwarto ni Crenz at mabilis 'yong binuksan.

"Ryker -"

Susubukan pa sana nila pigilan pero huli na.

Agad na gumuhit ang kuryente sa sistema ni Ryker nang makita niya ang itsura no'ng dalawa.

Tinatagan niya ang loob niya para mag salita.

"Pag gising niya pakainin niyo nalang siya agad tapos gamot."

Alam naman no Raffy ang gagawin, kung hindi lang ganito ang sitwasyon baka binara na niya si Ryker pero ngayon ay kita niya ang pag tatago ng sakit sa mga mata ni Ryker.

"Sige, kami na bahala."

Marahang sinara ni Ryker ang pinto.

"Seven baba na kayo for dinner."-Ryker

Saka siya nag mamadaling lumabas.

"Anong problema no'n?"-Tyro

Sinilip din ni Tyro ang kwarto at saka niya naintindihan ang lahat.

"Kaya na tulog 'yan dahil doon sa dalawa?"

Tanong ni Tyro habang naka tingin sa nobyang walang malay.

"Kind of."-Arya

Tumango si Tyro at binuhat ang girlfriend niya.

"San mo dadalhin 'yan?"-Chelsea

"Sa kwarto niyo. Ok lang ba siya?"

Tanong niya kay Raffy

"Oo, na check ko na siya, ok naman ang lahat sa kaniya."

Tumango si Tyro at nag patulong sa pag bukas ng pinto ng kabilang kwarto.

"Parang ang sarap mag ka boyfriend."-Arya

"Marami kang ka blind date, marami kang manliligaw, bakit hindi ka mamili roon?"-Yasy

"Ayoko nga."-Arya

"Ilang buwan na ba no'ng huling beses kayong nag usap kayo ni Hans?"-Raffy

Napa isip si Arya.

"2 months ata."

Hindi rin siya sigurado.

"Oh, anong balak mo?"-Raffy

"Wala."-Arya

"Wala?"-Yasy

"Hindi pa siya tapos sa isa, hindi na rin ako umaasang bumalik siya or mag move on siya sa kaniya."-Arya

"Sinong sa kaniya?"-Sandra

Nag katinginan silang lahat dahil alam nilang lahat ang tinutukoy ni Arya.

"Wala, bawal sa bata."-Nemi

"Andaya!"-Sandra

"Pfft!"-Arya

Masyadong inosente rin si Sandra para sa bagay na 'yon. Hindi nga niya alam na may gusto sa kaniya si Hans.

Lumipas ang dalawang oras at napag desisyonan ni Raffy na silipin sila. Pag pasok niya sa loob ay gising na si Liphyo at agad napa tingin sa kaniya.

"Tulong, hindi ko na maramdaman yung braso ko."

Bulong ni Liphyo kay Raffy.

"Ok"

Sagot ni Raffy at tinulungan siyang alisin ang ulo ng tulog na tulog na si Crenz sa braso ng binata.

Tumayo si Liphyo at sinuntok sa hangin ang kamao niya.

"Hindi siya nagising."

Sabi ni Raffy

"Ha?"

"Nakaka tulog naman siya pero mababaw lang lagi at konting kaluskos lang nagigising na siya."

Nag patuloy lang si Liphyo sa pag uunat ng braso niya.

"Baka dahil may sakit siya?"

Nag kibit balikat nalang si Raffy.

Pinatihaya ni Raffy si Crenz at sinimulang tusukan ng karayom para sa dextrose.

Napangiwi si Liphyo nang maitusok na 'yon.

Ekspertong eksperto si Raffy sa bilis ng pag pasok niya ng karayom kay Crenz.

"Mainit pa rin siya."-Liphyo

"Kapag may peanut ang nakakain niya aabot pa ng tatlong araw bago bumaba ang temperature niya."

Bumukas ang pinto at pumasok si Arya.

"Oh? Gising ka na agad?"-Arya

Nanlaki ang mata niya at saka niya naalala ang ginawa niya roon sa loob ng kwarto.

"N-nag kakamali kayo, wala kaming ginawang masama- h-hindi kami-"

"Pfft!"-Arya

"Ok na, alam namin."-Raffy

Nahihiyang napakamot sa ulo si Liphyo habang nakatingin sa lapag dahil sa hiya.

"Si Crenz ang nag insist?"-Arya

"O-oo, hinila niya ako."-Liphyo

"Nagulat nga akong hindi ka niya pinalipad sa lapag nang tumuntong ka sa hinihigaan niya."-Raffy

Inayos lang ni Raffy ang ginagawa niya at lumabas na rin sila ng kwarto.

"Hoy, ikaw *Pak*"

Napahawak si Liphyo sa ulo niya nang may kamay na humampas doon.

Gulat siyang napatingin sa gumawa no'n.

"Nina!"-Chelsea

Kinilabutan si Liphyo sa tingin sa kaniya ni Nina.

"May iba ka pang ginawa kay Crenz?! Sabihin mo!"

"Wala."

Mabilis na dipensa niya.

"Two timer ka ba?! Balak mo bang pag sabayin yung first love mo pati si Crenz?!"-Nina

"Stop it, Nathalie."-Yasy

"Ate Alie."-Darrin

Nanlambot si Liphyo sa tanong ni Nina.

"H-hindi, hindi ko na siya gusto. Matagal na akong nakapag move on sa kaniya."-Liphyo

"Siguraduhin mo lang, oras na pinaiyak mo si Crenz dahil sa babaeng 'yon, ililibing kita ng buhay."

Banta ni Nina

*Gulp*-Liphyo

Tumango si Liphyo.

"Tantanan mo na si Liphyo baka mag away kayo ni Crenz niyan."-Chelsea

Inakbayan ni Raffy si Liphyo.

"Huwag kang mang alala Nathalie Martin, kapag niloko nitong batang 'to si Crenz bubulagta agad siya."-Raffy

Nilayo ni Arya si Raffy kay Liphyo at saka pinitik sa noo si Raffy.

"Aw."-Raffy

"Tumigil nga kayong dalawa, para kayong mga bata."-Arya

"Oo nga, di niyo ba nakikita na si kuya Liphyo ang pinaka mahihirapan sa magiging relasyon nila? Alam niyo ang ugali na meron si Ate."-Darrin

Napaisip silang lahat at saka tumango.

"Bumalik ka na nga sa kwarto niyo Liphyo."-Nemi

"Bababa na sila for dinner."-Cess

"Sino mag babantay dito?"-Arya

"Ako na. May katawagan pa 'ko kaya hindi na ako bababa."-Yasy

"Sige, mag papadala nalang kami ng food mo rito."-Nina

"Ok."-Yasy

CEDRIC'S POV (Oldest brother of Crenz)

I'm patiently waiting for Vandro's Mom.

We're going to look for a place where Crenz can live safe and comfortable.

Kasal kami pero hindi niya gustong mag sama kami sa iisang bahay dahil galit siya sa'kin.

I met Vanessa when I'm was in highschool.

Let's just say that she fell first but I fell harder.

Lumaki akong may boundary sa mga tao para hindi ma attach sa mga sibilyan na pwede nilang gamitin bilang panakot sa'kin o saktan nila nang dahil sa'kin.

Vanessa is different.

Lalapit siya kahit kelan niya gusto at wala siyang pake kung ano man ang sasabihin ng iba sa kaniya. Iniiwasan ko siya noon pero mapilit siya.

"You're here."

Malamig na bati niya at saka pumasok sa kotse ko.

Ni hindi niya man lang ako hinintay pag buksan siya.

Natatakot na nga ako sa kaniya habang tumatagal.

"Have you taken your lun-"

"Let's get straight to our business. Marami pa akong ibang gagawin."-Vanessa

See? Yung masayahin at palangiting Vanessa na minahal bigla nalang naging matigas at malamig na Vanessa ngayon.

"Ok."

Pinaandar ko na ang kotse at nag simulang mag drive papunta sa mga kinausap niyang may ari ng lupa.

Sa una naming pinuntahan.

"I don't like the place, masyadong malayo sa bahay."

Sinamaan niya ako ng tingin at napa tanga namang tumingin sa'min ang landlord.

"Tatawag nalang po ulit ako kapag nagustuhan ng titira yung bahay."-Vanessa

"Pero-"

Hinila ako ni Vanessa.

"Salamat po."

Magalang na paalam niya.

Tumango lang ang matandang babae.

Pag balik namin sa kotse hindi na muli niya ako pinansin at nag sabi lang ng next place.

*Next destination*

"Ayoko rito, masyadong malapit sa bahay-"

*Kick*

Sinipa niya ako sa pwetan ko habang kaharap niya ang isang lalaking nag lalakad lang para maibenta ang bahay.

"Tatawag nalang ulit ako."-Vanessa

Hanggang sa naka lima pa kaming bahay na pinuntahan.

"Ayoko 'to"

"Hindi maganda ang lugar."

"Maingay dito."

"Masyadong maliit"

"Malayo sa school niya."

Ayan ang mga reklamo ko.

Wala bang perfect place at house?

"PWEDE BANG MANAHIMIK KA NA?!"-Vanessa

O.O!

Nag pa dausdos ako bahagya pababa sa kinauupuan ko.

"Wala nang maganda sa'yo! Panay ka ayaw mo eh hindi naman ikaw ang titira doon! Kung si Crenz ang kasama ko baka doon pa lang sa unang bahay na pinuntahan natin umoo na siya."

Hinihingal na sermon niya sa'kin.

"I just want the best for-"

"Siya lang makaka alam ng best sa kaniya! Taga suggest lang tayo! Ang tanda tanda mo na para ka pa ring bata kung mag isip."

Nakakatakot na talaga siya.

"Kasi naman-"

"Tumahimik ka na. Hindi talaga magandang idea na mag sama tayo."

Double meaning 'yon ah?

Mag sama sa bahay o mag sama rito sa ginagawa namin.

"Ito na ang last na pupuntahan natin, huwag ka na ulit mag sasalita."

Mabilis akong tumango.

Nag drive na ulit ako habang kinakabahan dahil baka bugahan ako ng apoy ng Misis ko.

Bumaba agad siya nang makarating kami sa place.

Tiningnan ko agad ang mapa ng lugar.

Hindi malapit sa mansion at hindi rin malayo roon, hindi malayo sa school na pinapasukan niya at malapit lapit lang din sa condo nila Raffy, malapit sa mall at palengke. Maayos ang environment at security nalang ang poproblemahin.

Nag uusap sila pero ininterrupt ko sila.

Tiningnan ako ni Vanessa na parang sinasabing "sabi kong huwag ka na makikialam diba?!" Look

"How's the security works here?"

Tumingin ako sa bahay.

Konting renovation lang ang kailangan para maging maayos. Hindi malaki pero hindi rin maliit.

"Every 2 hours nag iikot ang mga guard dito."

Pwede na.

Tumango tango ako.

"Gusto ko 'to."

Saglit na nagulat si Vanessa.

"Sigurado ka?"

"Pwede na 'to."

"Ok."

Nauna na akong bumalik sa kotse at nag check ng email sa'kin. Sa isang araw lang grabe na ang tambak ng trabaho ko.

Nakapasok siya sa kotse nang hindi ko namamalayan. Kunot noo lang akong naka tingin sa phone ko.

Bigla niya nalang tinabig ang kamay ko dahilan para tumilapon ang phone ko sa lapag.

"Hey!"

Saway ko sa kaniya at dinampot ang phone ko sa lapag.

"Lagi ka nalang ganiyan. Daldal ako nang daldal tapos parang wala kang naririnig!"

Eh literal na wala naman talaga akong narinig.

"Ano bang sinasabi mo?"

Pinatay ko ang phone ko at hinarap siya.

Lubog na pala ang araw.

"Let's just go!"-Vanessa

Hindi ko talaga narinig.

Tahimik lang kami habang nasa byahe.

"Are you hung-"

"Don't talk to me."-Vanessa

Palagi nalang kaming ganito kapag nag kakasama kami.

"Hindi ito daan papunta sa bahay ko."

Reklamo niya.

"Let's go back to our home."

Seryosong tugon ko.

"ARE YOU CRAZY?! STOP THE CAR!"

Hinampas niya ako.

"Tumigil ka nga baka mabunggo tayo."

Inis siyang huminto sa pag hampas sa'kin.

Pag dating namin sa bahay namin mabilis siyang lumabas kaya agad ko naman siyang hinabol.

"Vanessa!"

Hinawakan ko agad ang kamay niya.

"Let me go!"

Pilit niyang winawaksi ang kamay ko pero nag matigas ako. Hinila ko siya papasok sa bahay.

Wala nang tao rito dahil pinapauwi ko ang kasambahay kapag gabi na.

Gusto kong mag usap kami. Apat na taon na simula no'ng mag separate kami ng bahay. Hinayaan ko siyang umalis dahil ayokong sobrang ma stress siya lalo na't kapapanganak pa lang niya.

"AYOKO NGA SABI RITO!"

*SLAMMED*

Malakas kong sinara ang pinto ng bahay kasi naiinis na rin ako.

Gusto kong ayusin ang lahat pero ang hirap hirap niyang lapitan at suyuin.

"Ito ang bahay mo-"

"Bahay mo lang 'to!"

"I build this for us!"

"Wala akong pake!"

Kelan ba kami pwedeng mag usap nang maayos?

"Hindi ba natin pwedeng ayusin 'to? I want us to live in one roof."

Nag iwas lang siya ng tingin.

Yung mata niya parang walang kabuhay buhay pero may inis at galit naman.

"Live on your own. Kaya kong buhayin mag isa si Vandro-"

"VANESSA!"

Inis na sigaw ko sa kaniya.

Gustong gusto niya na talagang hiwalayan ako.

Kung pwede lang kaming basta bastang mag hiwalay baka nga ginawa na niya.

May apat na taon pa bago niya tuluyang i request ang divorce sa'min at ayokong gawin niya 'yon.

"I'm trying to make up with you."

Dugtong ko.

"Ayoko na sa'yo Cedric, sinabi ko na 'yon sa'yo diba?"-Vanessa

Sinuntok na naman niya ang puso ko sa mga katagang 'yon.

Ilang beses niya nang sinabing ayaw niya sa'kin at hindi niya na ako mahal.

"Why?"

"Nag sasawa na ako at may boyfriend na ako."

Napakuyom ang kamao ko.

Yung hayop na 'yon?

Pinalabas lang ni Vanessa na may boyfriend siya pero bakla naman ang kinuha niya kaya mabilis kong nabisto.

"Pakealam ko sa bakla mong boyfriend?"

Kunot noong tanong ko

"B-bakla?"-Vanessa

See, gulat siya nang malaman ko.

"Tumigil ka na kaka hire ng mga fake boyfriend mo Vanessa."

Hindi ako natutuwa kapag may ibang lalaking lumalapit sa kaniya kahit pa bakla sila.

"I-I didn't hire them."

"Mamatay man ako?"

Nakipag sukatan ako ng tingin sa kaniya pero siya ang unang nag iwas ng tingin.

"So what if I hired them?!"

See?! Aamin din siya!

"You're just wasting your money."

"The hell you care?!"

Nilampasan niya ako at akmang bubuksan ang pinto pero hinila ko siya at pinasandal siya sa pinto.

"Stop doing this Cedric!"

"I'm still your husband."

"I don't care!"

"Ano ba kasing gusto mo? Bumabawi naman ako-"

"Dapat trabaho mo ang pinakasalan mo! Wala ka lagi tuwing may importanteng okasyon, hindi ka matawagan kapag kailangan kita, wala ka rin noong nanganak ako! Nag sasawa na ako!"

Nanlambot ang katawan ko.

Lagi nalang akong busy to the point na hindi ko na siya halos naaasikaso.

Wala si Ashariya, Draig at Bern kaya lahat ng trabaho nila ay ako ang sumalo. Nakalimutan kong may sarili na rin pala akong pamilya.

"I'm sorry-"

"I don't need your sorry. I don't need you anymore, I'm good on my own."

I know, halata naman.

"Vanessa-"

"Alam mo man lang ba kung ilang beses may nangyari sa'tin?"

Napalunok ako.

6 years na kaming kasal at simula no'ng grumaduate ako ay puro na ako trabaho.

"Dalawa?"

"ISA!"-Vanessa

Napapikit ako sa sigaw niya.

Anong magagawa ko? Natatakot akong mas ma stress siya kapag nilapitan ko siya at gusto ko siyang bigyan ng time para sa sarili niya.

"I'm just-"

"Mas mahalaga 'yang trabaho mo! Utang na loob Cedric! Ayos na ako, huwag mo na akong guluhin pa."

I crossed the distance between us and meet her lips.

Punong puno na ako sa kakasabi niyang ayaw niya na sa'kin.

"Ced-"

She tried to push me but I pinned her even more through the door.

Nag iinit ang buo kong katawan at hindi niya alam kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na lapitan at angkinin siya noong mga panahong wala siya sa tabi ko.

Naramdaman ko ang pag landas ng luha sa pisngi niya kaya napatigil ako.

She's crying.

"H-hey, nasaktan ka ba? I'm sorry for being aggressive -"

Hinampas niya ako sa dibdib habang umiiyak siya.

"I hate you, I hate you!"-Vanessa

Sinalo ko ang dalawa niyang kamay.

"I'm sorry."

"Tapos ano?! Mawawalan ka lang ulit ng oras sa'min?"

Hindi ko alam. Bumalik na si Crenz at Chiggy Mil kaya hindi ko alam kung anong mangyayari.

"I can't guarantee-"

"Let go! I'm going to leave-"

I kiss her again and locked the door where I'm pinning her.

Lumambot ang kamay niya at tumigil na sa pagmamatigas.

I undone her dress and leave her undies on.

I kiss her cheek down to her jaw, neck and shoulder.

"Shiii-"-Vanessa

Sobrang init ng paligid ko.

I suck her neck.

Sobrang bango niya na mas lalong nakakapag turn on sa'kin.

I lift her while I'm kissing her lips and she just round her arms on my neck and kiss me back.

I went upstairs and lay her on our bed.

She's now starting to undone my long sleeves shirt without cutting our kisses.

I roam my hand on her tummy that made her chuckle.

May kiliti pa rin siya doon.

Nang matapos niyang matanggal ang damit ko ay-

*Ring*

Bigla akong natigilan.

Pabagsak siyang humiga nang maayos at tinakpan sa mata niya niya ang braso niya.

She's mad.

Tiningnan ko ang phone ko.

Nag papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Pick it up."

Simpleng aniya.

Sa trabaho ang tumatawag.

"Just a minute."

Umupo ako sa edge ng kama at sinagot ang tawag.

"Hello?"

Nag balita lang siya na ayos na ang paper na pinapaayos ko at sinabing nag ka aberya sa isang negotiation namin sa ibang company.

Tiningnan ko ang nasa likod ko na umupo na at akmang aalis na pero pinigilan ko siya at pinahiga muli.

Sinamaan niya ako ng tingin at nag pumiglas na aalis na siya.

"Ako na bahala, papasok ako ng maaga bukas."

Matapos kong sabihin 'yon ay binaba ko na ang tawag.

"Vanessa -"

"Don't say a word."

Lalapitan ko na sana ulit siya kaso...

*Ring*

"Damn!"-Vanessa

Kinabahan na naman ako.

Mag bubuga na naman siya ng apoy.

Kinuha ko ang phone ko habang hawak ko ang kamay niya.

I shut it down.

"I'm so done with this- KYAH!"

Hinila ko siya at hiniga muli.

"I'm sorry -"

"Sorry na naman?! Umalis ka nga diyan!"

Tinukod ko ang dalawang kamao ko sa dalawang gilid niya.

"Huwag ka na magalit."

Pinaulanan ko ng halik ang buo niyang mukha kahit pa tinutulak niya ako.

I kissed her again and unclasp her upper undergarment.

I just throw it away.

I kiss her collarbone down to her right mountain.

"R-Rofhmmm.."

I suck it while fondling the other one.

Naka hawak siya sa balikat ko na parang doon kumukuha ng lakas.

"Ahhh.. Cedric"

I roam down my other hand to-

"No."

Bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya napatigil ako. Tumingin ako sa kaniya.

"No?"

Anong ibig niyang sabihin?

"K-kasi-"

"Kasi?"

"Natatakot ako."

"Ha?"

Di naman namin first time 'to.

"Baka masundan si Vandro."

Nag iwas siya ng tingin.

"What do you think the purpose of doing this?"

Nakakabaliw na 'to, ganito pala ang feeling na nag pipigil. Ayoko na ulit 'to maramdaman.

"Ayoko, natatakot ako sa future ni Vandro kasi mahihirapan siya, ayoko na ulit mag labas ng isa pang bata para lang pahirapan ng organization."

Mariin akong napa pikit at humiga sa tabi niya.

Kinumutan ko siya at lantang bumalik sa pag higa.

"Ako ang bahala sa kaniya."

"Kahit pa ikaw ang bahala Ina pa rin ako Cedric. Ayokong makita o malamang nahihirapan ang anak ko."-Vanessa

Naiintindihan ko naman siya.

"Let me handle the situation. Kasama ko na si Crenz at Chiggy Mil, hindi rin nila hahayaang mahirapan ng sobra si Vandro."

"Basta, I don't want to get pregnant."

"But-"

"Isang beses lang may nangyari sa'tin pero sa isang beses na 'yon nabuo agad Vandro."

Sumasakit ang ulo ko sa sinasabi niya.

Sabagay ngayon lang din ako naka encounter ng isang beses lang may nangyari sa mag asawa kahit anim na taon nang kasal.

"Vanessa -"

"If you really want to do this then wear a protection."

"Protection?! Mag asawa tayo."

"Ano naman?! It's for family planning."

"Vanessa, I can provide. Kahit ilang baby pa ang mabuo natin kaya ko silang palakihin nang hindi nagugutom."

Tinampal niya ang noo ko.

"Ouch!"

"Ayoko nga sabing mag hirap sila."-Vanessa

"Hayaan mo akong protektahan sila. I can train them, Crenz can train them, Chelsea and Raffy can train them."

Nang tumingin ako sa kaniya ay naluluha siya.

"W-why- h-hey."

Umiiyak na naman siya.

"Do you really just see me as a heir producer?"

Natahimik ako at nag tataka sa sinasabi niya. Sino na naman ang nag sabi niyang sa kaniya?

"See! You just see me as a heir producer-"

"What a nonsense are you talking about? Heir producer? Are you a machine?"

"Inutusan ka ba nila na mag karoon pa ng isang anak-"

"Hey! Mukha ba akong susunod sa utos nila sa pag gawa ng bata? Pamilya ko 'to, wala na silang pake kung ilan ang gawin ko."

Pinunasan niya ang luha niya saka ako tiningnan ng masama.

Ano na naman bang kasalanan ko?

"I'm not a heir produce-"

"DAMN VANESSA! I LOVE YOU! I'M GOING TO MAKE LOVE AND NOT JUST A ORDINARY SEX, I WANT A BABY AND THAT'S IT, THE ORGANIZATION HAS NOTHING TO DO WITH IT!"

"Lalapit ka lang para makipag sex! Anong gusto mong isipin ko?!"

Hindi ko naman naisip 'yon kanina, hindi talaga.

"Mukha bang 'yon lang ang habol ko sa'yo? Kung gano'n ako edi sana matagal ko nang ginawa. Hinayaan kita noon kasi ayokong sobra kang ma stress kapag nakikita mo 'ko. Apat na taon na 'yon."

Tinalikuran niya ako.

"Sabihin na nating tama ka pero ayoko pa rin may mangyari ngayon nang wala kang protection."

"Vanessa..."

I hugged her.

"Hayaan mo akong bumawi. Nagulo lang naman ang lahat no'ng umalis sila, ngayong naka balik na sila unti unti na rin naman namin naayos ang lahat. Let's live together again, ha?"

I showered with kiss her shoulder.

"Ayoko."

"Van-"

"I won't leave my house."

Ok, kung 'yon lang pala edi madali lang 'yon.

"Then I'll live to your house."

"Ayoko nga!"

"Vanessa, pagod na ang bata kakalipat nang lipat ng bahay para lang puntahan tayo. Tayo ang may kasalanan pero yung bata ang nahihirapan. Let's live together, let's make up with Vandro."

Natahimik siya saglit.

"Hindi mo naman ginagawang excuse yung bata diba?"

Sa'n na naman galing 'yon?

"Kung anu ano na iniisip mo. Kung ayaw mo rito sa bahay then ako mag aadjust, I just want us to live together."

"Ayoko na, no'ng mag kasama tayo hindi rin naman kita nakikita sa bahay. Aalis ka ng maaga tapos uuwi ka ng late."

Pagod na nga ako no'n eh.

Anong magagawa ko?

"Hindi ko pwedeng talikuran ang responsibility ko sa kanila-"

"May responsibilidad ka na rin sa'min."

Alam ko na naman 'yon. Aminado naman akong malaki ang pagkakamali ko. Mahirap maipit sa dalawang panig pero parehong kasalanan ko.

I let Crenz flee and I bury myself to finish those works.

"I'm really sorry. Lately gumaan na ang trabaho 'ko dahil bumalik na sila. Makakabawi na ako sa inyo, just give me a chance."

I roamed in circular motion my finger to her tummy.

"Stop it."

Sita niya.

"Vanessa"

Bulong ko sa tenga niya.

"What?"

Iritang tanong niya.

"Let's travel."

Mabilis siyang humarap sa'kin habang naka tukod at naka suporta ang kamay ko sa gilid ng ulo ko.

"R-really?"-Vanessa

Tumango ako.

"Gusto mo bang tayong tatlo ni Vandro o gusto mo kasama sila Mama at sila Crenz? Sabihin mo ang gusto mo at kung kelan mo gustong umalis, mag lileave ako for 3 days."

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya papunta sa likod ng tenga niya.

"Parang ayokong maniwala. Hanggat hindi mo napapatunayan hindi ako maniniwala."

Pfft! Pero umaasa siya.

"Sige, but for now..."

Pumaibabaw ako sa kaniya.

"I want a baby girl."

I kiss and bit her lip and throw away our remaining clothes. I kissed her cheek to her earlobe and whispered "Je t'aime ma femme" (I love you, my wife).

She round her arms on my nape and respond to my kisses.

My hand traveled slowly from her tummy, navel and to her thing.

"Uhmmm..."

Napahigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

"You're wet."

Nang aasar na sabi ko pero hindi siya maka apila dahil busy na siya sa pag ungol.

I played it on circular motion.

"R-Rofuhmm...."

Natutuwa ako kapag binabanggit niya ang pangalan ko pero hindi niya mabuo dahil sa ungol niya.

She's ready.

I positioned myself between her tights.

*Ring*

Natigilan ako sa pag tangka kong pag pasok.

Sabay kaming napa tingin sa telephone sa side table.

"Bwiset."

I reach the cable of the telephone and unplugged it.

"Baka yaya ni Vandro 'yon. Baka urgent."-Vanessa

"Urgent na rin 'to."

Kanina pa kami na iinterrupt.

Bago pa may mangulo ulit sa'min ay ginawa ko na ang kanina ko pa hindi magawa.

Gusto ko na sundan si Vandro at ayoko na ring may ibang lalaking umaaligid sa kaniya.

Alam ng mga lalaking 'yon na kasal siya pero sige pa rin sila sa panunuyo. Gusto kong basagin ang mga mukha ng mga hayop na 'yon kung hindi lang babasagin ni Crenz ang mukha ko kapag nalaman niyang ginawa ko 'yon.

Lahat na ata kami takot kay Crenz.

After the tiresome encounter she's now hugging me while making my bicep as her pillow.

"Natatakot na akong manganak."

She buried her face on my chest.

"Sobrang sakit ba?"

"Oo, kung nandoon ka lang baka napilipit ko na ang leeg mo sa sobrang sakit."-Vanessa

*Gulp*

Grabe talaga siya.

"Gusto ko ng tatlo pang baby."

Hinampas niya ang likod ko.

Medyo nagulat ako ro'n.

"Ikaw mag buntis kung gusto mo pa ng maraming anak."-Vanessa

"But I can't."

I just hugged her tight lalo na kapag naiisip kong wala ako roon no'ng may cravings siya.

Pinasamahan ko lang siya kay Yra, her bestfriend para may kasama siya sa bahay. Madalas naman siyang dalawin noon nila Hans dahil na rin malapit sa hospital ang bahay namin at dinadalaw nila si Crenz na nasa Coma.

Ang bigat bigat ng dibdib ko noon dahil hindi ko madalaw nang maayos si Crenz at Crescia dahil sa hindi ko pwedeng pabayaan ang mga trabaho sa organization. Nag tutulungan kami ni Papa pero hirap pa rin kami pareho.

Alam ko kung sa'n pumunta si Crenz no'ng nagising siya at umalis pero hindi ko expect na may bata pa pala siyang kasama.

Si Mr. Tan ang nag a update sa'kin ng mga nangyayari kay Crenz at halos mabaliw na ako dahil yung burden ng lahat ng nangyayari parang pasan ko na. Iniisip ko noon na hindi ko dapat binuo muna si Vandro dahil alam kong magiging dahilan lang ang pamilya namin ng pag hihirap niya no'ng mga panahong 'yon, hindi ko naman alam na may gano'ng mangyayari.

"Uuwi ako."

Paalala niya.

"Why?"

"Kasi bahay ko 'yon at hindi ko gustong magising bukas na wala na yung katabi ko, NA NAMAN."

Natawa ako nang mahina at hinalikan ang noo niya.

"Let's have a dinner first before you go home."

"Huwag mo akong sanayin-"

"Sasanayin kita dahil dadalasan ko na ang pag gawa no'n."

Tumingala siya sa'kin at sinalubong ang tingin ko.

"Sabihin mo nga? May nangyari ba?"

Saglit akong natahimik at napa isip.

"Si Crenz kasi binalibag ako noong nakaraan."

"Buti nga, but why?"

Napangiwi ako sa tugon niya.

Nangaasar pero concern?

"Sabi niya dapat hindi ko ginawa ang mga trabahong naiwan niya kung gano'n din naman ka tambak ang babalikan niya. Dapat daw sa inyo ko nalang binaling ang atensyon ko at hindi sa gawain ng iba."

Kung hindi ko siya tinulungan sa loob ng limang taon na 'yon baka isang buong kwarto na ang papel na babasahin niya.

"Ba't mo ba kasi ginawa 'yon? Alam mong ayaw ni Crenz nang may nakikialam sa trabaho niya."

"Natatakot kasi ako noon na magaya siya kay Karina."

"Karina? Yung nag suicide na kamag anak ni Arya?"-Vanessa

"Oo, ayokong mag suicide rin siya gaya nang ginawa ni Karina noong stress na stress siya. Iyon ang kinakatakot ko no'ng mga panahong 'yon."

"Stress pa rin naman siya kahit ginawa mo na 'yon."

Natatawang umiling ako.

"Baliktad na."

"Ha?"

"Siya na ang source ng stress ng elders. Kung nakikita mo lang ang mga meetings namin na kasama sila halos himatayin ang mga matatanda sa mga sinasabi niya."

Natawa kami pareho.

"Gagaan na rin ang lahat. Nabawasan na ako ng gawain."

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at dinampian ako ng halik sa labi.

"Hindi ko sinabing huwag kang mag trabaho, gusto ko lang mag ka time ka sa'min kahit saglit. Naiintindihan mo 'ko?"

Tumango ako at niyakap ulit siya.

"Binalibag ako ni Crenz kasi mas inuuna ko pa raw ang mga bagay na hindi ko dapat pakelaman kesa sa sarili kong pamilya. She told me to stay out of her business and mind my own."

Napapangiti ako kapag naaalala ko ang araw na 'yon.

"Hindi niya talaga idi direct sabihin ang gusto niyang sabihin, idadaan pa niya sa init ng ulo ang pagiging concern niya."-Vanessa

"Alam naman nating hindi siya marunong manuyo, mangumbinsi o mag bigay ng malasakit na sasabihin ng direkta ng bibig niya. Kaya nga sa mga hindi nakaka kilala sa kaniya mas lalo lang lumalala ang sitwasyon kapag nag salita na siya."

"Gano'n ka rin naman."-Vanessa

"Hindi ah, ako kaya ang pinaka mabait sa'ming magkakapatid."

Natahimik siya saglit.

"Bakit?"

Untag ko

"Sabi nila hindi mo raw totoong kapatid si Crenz at Crescia pati na si Charrie."

Isa pa ang issue na 'yon na inaayos ng pamilya namin.

"Anak sila ni Tito Chris."

"Naririnig ko na 'yang pangalan na 'yan noon pero hindi ko talaga siya kilala. Sino ba siya?"

Bata palang ako no'ng umalis siya kaya hindi ko rin tanda noon kung sino siya pati na rin ang itsura niya.

"Lately ko lang nalaman na may kambal si Papa. Paternal twins sila at noong umalis si Tito at nag pakalayo layo sa organization ay pinag bawal na siyang banggitin ng kahit sino."

Kwinento ko ang nangyari kay Mommy at kay Tito pati na rin sa ginawa ni Papa para sa kanila.

"Mag ama nga kayo, pareho niyong sinasalo ang hindi dapat sa inyo."

I smiled.

"That's what family for."

"Hindi ka ba naiinis sa kanila? Iniwan ka nila tapos sinalo mo ang trabaho nila."

Ano ako bato?

"Nainis din naman ako pero hindi inis na isusumpa ko sila. Nag tatanong ako kung bakit nandoon ako sa sitwasyon na 'yon noon pero afterwards nasasagot ko naman kung bakit ako nandoon ako kaya nawawala rin ang inis ko."

"Ang bait mo."-Vanessa

I chuckled.

"Kanina lang you hate me diba?"

*Pak*

"Aw."

Hinampas niya ang braso ko.

"I'm sure alam nila na nahihirapan ka rin."-Vanessa

"Alam na nila 'yon, kaya nga binalibag na ako ni Crenz eh."

"Sabagay."-Vanessa

*Growl*

May bigla nalang kumulo ang tiyan sa'min.

"Ikaw 'yon?"

"H-hindi ah."-Vanessa

HAHAHA...

"C'mon, let's have a dinner."

Tumayo ako tapos bigla siyang nag takip ng mata niya pagka kita niya sa kabuohan ko.

"Hindi mo naman first time-"

"SHUT UP! Pick all my thing!"

Naging dragon na naman siya.

"Yes Ma'am!"

CRENZ'S POV

Nagising akong wala nang katabi at may dextrose na naka kabit sa'kin.

"Sakto gising ka na."-Raffy

May nilapag siyang pagkain sa side table.

Nahihiwagaan pa rin ako kung totoo ba ang mga nangyari o panaginip lang 'yon.

"May pumasok ba kanina rito no'ng tulog ako?"

Taka siyang tumingin sa paligid.

"Bakit? May gumalaw ba sa'yo rito? Nasa pinto lang ako at wala akong pinapasok ni isa sa kanila."

Baka nga panaginip lang.

Ang lakas naman ng loob kong gawin 'yon sa kaniya.

"Bakit ba ganiyan itsura mo? May nangyari ba?"-Raffy

"I slept well."

Dahan dahan siyang tumango pero kasi kilala niya ako, hindi ako nakakatulog ng sobrang haba at mababaw lang lagi ang tulog ko kahit pa may sakit ako.

"That's good if that's the case."

"Sigurado kang walang pumasok dito? Kahit sino? Lalaki?"

Umiling siya.

"Wala akong pinalapit ni isa sa kanila, kahit si Ryker. Kami lang ni Darrin ang nag papabalik balik dito."

Hindi kasi ako sigurado sa mga pinag gagagawa ko kapag may sakit ako. Madalas talagang nag dedelihiryo ako.

"But I slept well."

Bulong ko.

"Be thankful nalang Crenz, bakit ba ang dami dami mong inaalala?"

Gusto kong sabihing nanaginip ako na hinalikan ko si Pula pero alam kong magiging sensitibo lang siya.

"Kelan pa 'to naka kabit sa'kin?"

Tiningnan niya ang relo niya.

"About 10 hours na rin."

"Ano?! Anong oras na ba?"

"3am."

Tinanggal ko ang swero dahil maayos na ang pakiramdam ko.

"Crenz!"

Saway niya.

"Mas kabisado ko ang katawan ko."

Sininghalan niya ako at inayos niya lang ang mga tubes doon.

"After mo diyan matulog ka na. Mukha ba akong patay na kailangang bantayan sa lamay?"

*Tok*

Naramdaman ko nalang ang pag tuktok niya ng isang bagay sa ulo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, hawak niya ang isang ruler na hindi ko alam kung saan niya hinugot.

"Gusto mong mamatay?"

"Ikaw nag sabing huwag banggitin ang kamatayan sa biro tapos gagawin mo pang example? Baliw ka ba?"

Kasi naman kung mag bantay sila akala mo may pupuntahan pa ako eh.

"Lumabas ka na nga."

"Oo na, kainin mo 'yang porridge."

"Sige na sige na, alis."

Lumabas siya ng pinto at sinara 'yon.

Tumingin ako sa pagkain at kahit hindi kaya ng tiyan ko at kinain ko pa rin dahil ayoko ng may pagkaing nasasayang.

*Knock*

Bumukas ang pinto at pumasok naman si Darrin na papungas pungas pa ang itsura.

"Tapos ka na ba? Inom na ng gamot."

Hinayaan ko lang siyang asikasuhin ako dahil alam kong pag tapos niya sa ginagawa niya ay aalis na rin siya.

"Matulog ka nalang ulit ate, goodnight."

Para siyang zombie na lumabas ng kwarto habang hawak niya ang pinag kainan ko.

Uminom ako ng gamot at nag cellphone muna. Hindi ako makakatulog agad dahil kagigising ko lang.

Nilalamig ako, nanghihina naman akong tumayo.

Bigla nalang bumukas ang pinto.

"Nakalimutan ko."-Raffy

Pumasok siya at kinuha ang remote ng aircon at inadjust ang temperature, halatang naka tulog na siya at nagising lang ulit.

"Natulog ka nalang sana."

"Sige na, matutulog na ako. Matulog ka na ulit."

Sinara niya ang pinto nang nakalabas ulit siya.

*Ting*

May nag chat sa'kin.

Dis oras ng gabi may nag chat sa'kin?!

'How's your feeling?'-Jhonzel Liphyo

Bakit gising pa siya ng ganitong oras?

'Pumasok ka ba kanina rito sa kwarto ko?'

Tanong ko sa kaniya.

Nag seen siya agad pero hindi agad siya nag reply.

'Hindi, ano namang gagawin ko riyan?'

Sagot niya.

Nakahinga ako ng maluwag.

'Wala. Matulog ka na bata.'

Pinatay ko na ang phone ko.

Humiga ako at sinubukan ulit matulog.